The Lady Marine Engineer Chapter 16

After 6months...

"Coleen hija, di kaba sasamang pumunta sa isang kilala at bagong bar dito sa port mamaya? Napapansin kong sobra kana namang nakatutok sa trabaho. Why don't you come with us. Let your people do their works. Saka halos tatlong linggo tayo dito dahil darating ang ilan sa magsusurvey ng barko natin para malaman ang kundisyon nito. Mahaba pa ang araw para gawin mo ang ibang trabaho sa baba."

" Darating pa nga yung ibang kakilala ng ilan sa nagtatrabaho dito na taga dito din sa California para samahan kami mamasyal. Kaya sumama kana sa amin hija." Yaya ni Captain Mondragon sa dalaga habang sabay silang naghahapunan sa galley kasama ang ilan sa marine officers ng barko.

Madalas kasi na kapag niyayaya niya ito ay tumatanggi ito at sinasabi na marami pang gagawin. Simula kasi nung bumalik ito galing bakasyon ng ilang araw sa Pilipinas ay napapansin ni Joaquin na lagi itong tulala at nasa malalim na pag iisip. Nung dumaan ang barko nila sa Port Bolival sa Colombia ay ganun din ito. Di rin sumasama kapag nagkakayayaan na mamili at mamasyal sa port area nito. Ngayon naman na nasa Port of Long Beach California ang Cruise ship nila at medyo matatagalan sila kaya naisipan itong yayain ulit ni Joaquin.

Kakadaong lang rin kasi ng barko nila at mananatili naman sa anchorage ang barko kapag nakababa na ang ibang passenger nila na magto tour habang nananatili sila dito. Gagamitin na lamang nila ang lifeboat para sunduin ang mga ito sa port area pabalik ng anchorage.

"Tito, may mga gagawin pa rin kaming daywork sa engine eh. Saglit lang din naman yun pero gusto ko rin muna magpahinga at matulog pagkatapos."Simpleng sagot lang ni Coleen habang kumakain.

"Hija minsan lang naman tayo magkasama sama sa party ng bawat port na binababaan natin. Tara na, mabilis lang yun. Kasama namin sina second engineer at fourth engineer saka yung iba pa sa crew ng department niyo. Ang alam ko, malaki na ang pagbabago ng port nila." Ulit na yaya nito.

"Tito pag iisipan ko po.. Wala po talaga ako sa mood ngayon para sa bar eh, saka alam niyo naman na di ako gaanong umiinom. Isa pa, alam niyo naman na inaayos ko na rin ang mga papeles ko dahil after 2 months bababa na ako. Kailangan ko pang pag aralan at ihabilin ng maayos sa papalit sa akin bilang Chief engineer ang lahat ng kailangan sa Engine department." May lungkot sa mga mata ng dalaga sa huling sinabi nito.

"Hija, wag kanang malungkot. Dapat nga mas maging masaya ka dahil makakasama mo na ang pamilya mo. At alam mo rin na masaya din ako dahil di na rin sila mag aalala pa sayo."

"Alam ko na mahal na mahal mo ang trabaho mo dito. Lalo na na napamahal kana rin pati sa mga tauhan mo pero may mga bagay talaga na dapat unahin at pagtuunan mo ng pansin. Andito lang naman kami eh. Pwede kapa rin bumisita kapag malapit kami sa Pilipinas o kung saan man." Sabi ng matanda habang nakahawak sa balikat ni Coleen.

"Sabagay Tito. Wag na nga natin munang pag usapan. Basta tatawag na lang ako sa bridge o sa cabin mo kapag sasama ako sa crew night niyo mamaya o bukas ng gabi. Kasi diba pupunta kayo ulit bukas para mamili o maghanap ng masarap na makakainan." Tipid na ngumiti si Coleen dito.

"Ayan! Saka wag kang magmukmok dito. Tama lang na sumama ka muna sa amin kasama ang mga tauhan mo sa department mo. Minsan lang ito, mamaya nasa dagat na naman tayo ng ilang buwan. Saka di kaba nagsasawa? E dito kana rin nagsswimming o naglilibot sa barko natin. Magandang iba naman ang iba mong makita, malay mo diba at makakita ka ng gwapo dito." Nakangiting sabi pa ni Joaquin habang pinapangiti ang dalaga.

"Kayo po talaga, alam niyo namang di ako interesado sa mga yan." Natatawang sagot nito.

"Ah basta, sasama ka sa amin bukas okay? Kesa naman magpaiwan ka na naman dito. Nakakamis din yung sama sama tayong nagsasaya at walang iniisip." Joaquin.

Napatango tango na lamang si Coleen at nagbigay ng simpleng ngiti sa matanda at itinuloy na nila ang pagkain.

COLEEN'S POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa cabin ko ay pasalampak akong nahiga sa kama ko. Pakiramdam ko hinang hina ako at parang magkakasakit pa. Andami kasi naming inasikaso sa baba. Inuumpisahan ko na rin ayusin ang mga papeles na gagamitin sa pagtuturn over ko sa bagong Chief engineer. Dalawang buwan na lamang kasi ay baba na ako sa serbisyo at babalik na ng Pilipinas.

Gumawi ang tingin ko sa cellphone ko na nakapatong sa study table ko.

2 months na ang nakakaraan ng huling tawagan ko si Trishia para kamustahin sina Mommy at Daddy pati na rin si Kuya. Okay naman daw sila at syempre naghihintay ng tawag ko. Pero mas pinili ko na munang wag silang tawagan. Alam ko naman na kukulitin lang na naman ako ng mga yun. Di nila alam na in two months pabalik na ako ng Pilipinas at makikita na naman nila ako. Kaya mas okay siguro na isurprise ko nalang sila. Ayoko naman na ako na naman ang masurprise kaya wala rin akong binanggit pa kay Trishia.

Hindi ko inaasahang ganito kabilis ang mga pangyayari, na pabalik na ulit ako ng Pilipinas para doon manatili kasama ang pamilya ko. Besides, i was starting to plan for what would be the first thing to do when my feet finally touched the Philippine Airport's arrival area. Sana lang maging maayos ang lahat.

Napapikit na lamang ang mata ko habang iniiwasang mag isip ng kung ano ano ng biglang nag pop out ang image ni Jane sa utak ko.

Si Jane...

Kamusta na kaya siya.

Galit kaya siya sa biglang pag iwan ko sa kanya?

Ano kayang ginagwa niya ngayon?

Naiisip pa kaya niya ako kagaya ko ngayon na di na naman siya maalis sa utak ko.

That spoiled brat..

It's damn 6 months pero di ko parin siya nakakalimutan pati yung nangyari sa amin that night.

Hanggang ngayon di pa rin siya maalis alis sa isip ko. Isa siya sa dahilan kung bat natutulala na lamang ako minsan. It's crazy to think na hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang bawat sandali na pinagsaluhan namin nung gabing yun. I know i was sick that time, pero malinaw na malinaw sa isip ko ang bawat detalyeng naganap sa pagitan naming dalawa.

Nakakatawa ring isipin na never ako nagkaroon ng boyfriend ng halos apat na taon tapos may mangyayari sa aming ganun na di ko naman tinutulan at sa halip ay nagustuhan ko pa. Pero alam ko naman sa sarili ko na straight ako.

Straight pa nga ba ako? O baka naman pinipilit ko lang ang sarili kong kalimutan siya para masabi na pagkakamali lang yun.

Ilang beses kong sinubukang kalimutan siya dahil alam kong bawal at mali sa mata ng Diyos at mata ng tao. Pero habang ginagawa ko yun lalo lamang siyang nagsusumiksik sa isip ko. Lalo ko lang siyang namimiss..

I was mesmerized by her beauty. She was not just lovely. She was equisite. Di ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ang kakulitan niya kahit alam ko na nabbwisit ako minsan.

Namimiss ko na ang pagiging stubborn ng babaeng yun..

I wasn't able to wake her up the moment na paalis na ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Nakailang subok akong puntahan siya sa kama para gisingin pero tila ba may magnet na pumipigil sa akin dahil di ko alam kung kaya ko bang kausapin siya.

Gustong gusto kung bumalik sa kama para yakapin siya ulit nun. Gusto kong maramdaman ulit yung mga labi niya. Mali man pero di ko mapigil ang nararamdaman ko kung gaaano ko kagustong maulit yung nangyari sa amin.

Pero para akong may malaking kasalanan sa kunsensyang nararamdaman ko kapag naiisip kong mali yun at di dapat nangyari sa pagitan namin yun.

Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin kahit alam ko na mali. Pero hindi ko lang talaga mahanap sa sarili ko kung ano ba ang dapat kung sabihin sa kanya.

Maling mali talaga at malaking kasalanan yun. Parehas kaming babae at isa pa, ilang taon rin ang age gap namin kaya dapat ako ang nagtuturo sa kanya ng tama at mali.

Pero maling mali talaga na mahalin ko siya. Dapat siguro kalimutan ko nalang siya kagaya ng mga  taong nakikilala ko sa bawat daong ng barko namin sa ibat ibang pier.

Shit Jane. Umalis kana sa utak ko.. Bakit ba di kita makalimutan kahit halos 6months na nung iniwan kita sa pent house ko.

Di ko na rin talaga alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Ngayon paba ako nagkakaroon ng identity crisis na tinatawag nila?

Kinabukasan ay maagang nagising si Coleen dahil plano niyang ipagluto ang mga co-engineers niya pati ilan sa crew niya sa engine department. Matagal na niya itong ginagawa pero napadalang na lamang simula nung umuwi siya ng Pilipinas dahil sa dami ng iniisip niya. At dahil wala naman siyang gaanong ginagawa kaya maaga siyang pumunta ng galley para magluto.

Natuwa naman ang mga cook nila habang pinapanood siya ng mga ito.

Nataon din na napadaan si Captain Mondragon kaya nakipagkwentuhan na rin sa mga ito habang tuloy pa ring pinapanood sa pagluluto si Coleen.

Isa isa namang tumikim ang mga ito at halos mag unahan pa sa niluto ng dalaga ng matapos ito.

"Chief Engineer... This is good. You should be in the food business."

"I only want to cook for my family and friends." Sagot naman ni Coleen sa chief cook ng purihin nito ang niluto niyang pasta.

"Yes hija. Sa totoo lang talaga, you have a flair for cooking."

"Where did you learn how to cook? Buti na lang pala napadaan ako dito. Kung hindi, diko matitikman ang luto mo. Matagal mo na kasi tong di ginagawa eh.." Dagdag papuri ni Captain Mondragon kay Coleen.

"I don't know, Tito. I just learned it. Ang alam ko lang, I liked hanging arround in the kitchen and watching the maids do it." sagot ng dalaga.

"Why did you not go to a culinary school?" Pagtatanong ni Chief cook Garcia.

"I got discouraged, I guess." Sagot ni Coleen habang inaalis ang apron na suot niya.

"By what??"  Halos sabay na tanong ng dalawang matanda.

Parehas nakatingin sa kanya ang dalawa pati na rin ang dalawang assistant cook nito na kapwa hinihintay ang sagot ni Coleen.

"Kidding! Hehehe."

"Well, di naman kasi ako ganun kagaling talaga magluto. Habang natututo na lamang talaga ako habang tumatagal. Saka alam niyo naman na mas mahal ko ang kursong Marine Engineering kaya yun ang itinuloy ko." Natatawang sabi ni Coleen dahil sa seryosong tingin ng mga ito sa huling sinabi niya kanina.

Nagtawanan naman ang mga ito dahil sa sinabi ni Coleen na biro naman pala.

"Ang swerte naman ng mapapangasawa mo Hija." Pabirong sabi pa ni Captain Mondragon na sinuportahan naman ng mga nasa kusina at tuluyang kinulit na si Coleen tungkol dito. Ganito kasi sila kapag magkakasama at walang kanya kanyang trabaho.

"Ano ba kayo. Boyfriend nga wala, asawa pa. Tigilan niyo nga ako, sige kayo di ko na kayo ipagluluto." Pananakot ni Coleen sa mga ito habang nakangiti.

"Di ka naman mabiro Chief Engineer Castro. Ayaw nga namin na mag asawa ka kasi di na kami makakatikim ng luto mo, di ba boys?" Pagbibirong sabi ng kapitan nila na hawak hawak ang plato na may pasta.

Napuno naman ng tawanan at asaran ang buong kusina hanggang magpaalam na si Coleen bago bumaba ng engine room para dalhin ang pastang niluto niya para sa mga kasama niya.

Kagaya ng mga kasama niya habang nagluluto siya kanina sa galley ay tuwang tuwang  ring pinuri ng mga tao niya sa engine room ang niluto niya. Matagal na rin kasi nung huling nagluto ang Chief engineer nila. Dati kasi halos kada buwan ay naglalaan ito ng araw para magbonding sila at ipagluto niya ang mga ito.

"Chief sumama kana po sa amin mamaya sa port area. Ikaw na lamang po ang di pa nagcoconfirm na makakasama maliban sa duty engineer mamaya e." Wika ni 3rd Engr. Ferdinand na sinang ayunan naman nina segundo at chief electrician at ng iba pang naroon.

Kinabukasan kasi ay pabalik na ang barko nila sa laot para sa anchorage kaya huling gabi na nila para makalibot libot ng Port of Longbeach.

"Okay sige. Sasama na ako. Basta ha. Ayokong may lalapit na naman sa aking kung sino para yayain akong maghotel." Natatawang sagot ni Coleen. Kadalasan kasing lumalabas sila, may lumalapit sa kanyang lalaki o kaya babae naman na napapagkamalan na pumapatol siya saka yayayain siyang lumabas o kung ano pa. Normal na kasi sa kanilang mga nagtatrabaho sa barko ang mga ganoong scenario. Na kesyo alam na may pera dahil seaman ay yayayaing maghotel o magpalipas ng oras.

Baliwala na rin kay Coleen na may mga babae na gusto din siyang yayain lumabas dahil na rin sa angking ganda nito. Kahit din kasi a barko ay may mga babaeng nagkakagusto din sa kanya na di nalang naman pinapansin ng dalaga.

"Pero alam mo Chief, napakadami talagang may gustong ligawan ka o yayain lumabas. Kahit pa babae e nagiging lesbian kapag nakikita ka, wala kaba talagang nagugustuhan sa kanila?" Segundo.

"I have no time for them. Isa pa kilalang kilala ko na ang likaw ng bituka ng mga kasama natin dito sa barko no. The hell NO na papatulan ko ang mga yan." Seryosong sagot ni Coleen kay segundo o second engineer.

"Tapos ang gaganda pa Chief ng mga nagkakagusto sayong babae. Nako.. Iba kana talaga Chief Engineer." Sabi rin ng oiler nila habang inuubos ang pastang dala dala.

"Nagugulugan lang ang mga yun. Baka infatuation lang. Kayo talaga. Kung saan saan na napupunta ang usapan natin. Bilisan niya na dyan dahil mag aayos pa tayo ng dapat isecure bago tayo bumaba at magparty mamaya dun."

"Siguraduhin niyo na maayos ang lahat bago kayo umalis sa assigned area niyo. Mahirap na." Bilin naman ni Coleen sa mga ito habang papunta sa nag riring na telepono.

Tumango naman ang mga ito bilang pagsang ayon at itinuloy na ang pagkain habang si Coleen naman ay may kausap sa telepono.

"Hahabol na lang ako Jane sa bar o kainan na pupuntahan niyo mamaya kapag umabot ako ha. May bisita lamang akong susunduin sa malapit na hotel. Malapit din siguro ito sa port area. Naghihintay pa ako ng tawag e."

"Bisita Captain?" Nakakunot ang noo na tanong ni Coleen. Wala pa kasi siyang natatandaan na may bumisita kay Captain Mondragon kapag nakadock sila sa isang port.

"Di ko rin alam kung sino hija, tumawag lamang ang isa sa kapatid ng asawa ko na taga US din. Basta ang sabi niya puntahan ko raw yung hotel at may sorpresang bisita daw ako. Nabanggit ko kasi dati na medyo matatagalan tayo sa Long Beach."

"Basta mag ingat ka Tito ha, sure naman po siguro kayo dyan sa kausap niyo. Okay lamang po kung hindi na kayo makakasunod, basta sulitin niyo po yung araw. Wag niyo kaming isipin.'' Natutuwang sabi ni Coleen. Excited siya para kay Captain Mondragon dahil ngayon lang ito nagsabing may paparating itong bisita.

"Salamat hija ha, mag iingat din kayo.." At binaba na nito ang telepono.

Masaya ang dalaga dahil sa boses palang ni Captain Mondragon ay excited ito sa ibinalita sa kanya. Di pa kasi talaga niya natatandaan na may naging bisita ito simula pa noong unang sakay niya ng Luxury ship na yun. At kung sino man yun ay alam niya na sobrang mapapasaya nito ang matanda. Matagalntagal na rin kasi itong hindi nagbabakasyon dahil rin sa kawalan ng oras.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.