The Lady Marine Engineer Chapter 18

Halos mag qquarter to two na rin umalis ng kwarto ni Joaquin ang anak na si Jane. Ayaw pa nga sana nitong umalis kaso inaantok na rin ito dahil na rin siguro sa pagod sa maghapong byahe nito. Hinatid na lang din ito ng Daddy niya sa kwarto ni Coleen pagkatapos nitong makuha ang susi nito.

Magkkwento pa sana si Joaquin tungkol kay Coleen pero sinabi ni Jane na antok na antok na siya kaya bukas na lamang nila ituloy ang kwentuhan nilang mag ama.

Nakatulog na rin naman agad si Jane pagdating sa kwarto ni Coleen kaya naman naiiling na lamang na maingat na isinara ni Joaquin ang pinto pagkatapos halikan sa noo ang anak.

Mag uumaga na rin naman ng dumating si Coleen na halos di maideretso ang lakad dahil sa dami ng nainom nito. Ihahatid pa sana siya sa cabin niya ng ibang kasama niya pero sinabi niyang kaya niya.

Magchecheck in na lang sana ang dalaga sa hotel pero naisip niya na baka di siya magising ng maaga kaya naisip niyang bumalik na lang ng barko para kahit malate siya ng gising andun naman na siya. Kaya naman napadami din ang nainom niya dahil sa kantyaw ng mga tauhan niya na mahina daw siyang uminom.

Halos di niya pa maishoot sa keyhole ang susing hawak niya dahil sa panlalabo ng tingin niya. Kaya naman ng makapasok siya ay agad niyang nilock ang pinto at mabilis na nagtungo sa kwarto ng di man lang binubuksan ang ilaw.

Walang pakialam niyang hinubad ang suot na damit dahil pakiramdam niya nag iinit ang buong katawan niya epekto ng alak. Pakiramdam din niya ay babagsak ang ulo niya sa bigat kaya sa halip na magtungo ng cr ay nahiga na lamang siya.

Pakiramdam niya ay di na niya kaya pang pumuntang cr at kusa na ring pumipikit ang mata niya. Kaya naman hinila niya na lang ang makapal na kumot na nahawakan niya at ibinalot ang hubad na katawan dito bago pumikit.

                    *  *  *  *  *  *  *  *

Kinabukasan naulinigan ni Coleen ang pag ring ng telepono pero dahil sa antok ay lalo na lamang niyang hinigpitan ang pagkakayap sa unan na yapos yapos niya.

Babalik sana siya sa tulog niya dahil tumigil na sa pagring ang telepono niya ng maramdaman niyang parang may yumakap din sa kanya. Kaya naman binukas niya konte ang mga mata niya, para kumpirmahin kung nananaginip lang ba siya o dala lang ng alak na nainom niya. Pero halos nanlaki ang mata niya ng bumulaga sa kanya ang kakamulat lang din na babaeng nagulat rin sa pagkakita sa kanya.

"What the hell?!" Halos pasigaw na nasabi niya bago sabay silang mabilis na bumitaw sa pagkakayakap nila sa isat isa.

Si Jane naman ay halos nakangangang nagulat rin kaya wala itong maisipang sabihin at nananiti lang itong nakatitig kay Coleen.

"Jane??! What the... Is this a... Why are you here?" Di magkaintindihang sabi ni Coleen at mabilis na hinatak ang kumot ng maisip na nakahubad nga pala siya.

"Coleen??? You're here? Am i just dreaming?" Pupungas pungas na nasabi ni Jane na nagulat rin kagaya ni Coleen. Di pa nagsisink in sa utak niya ang nangyayari.

Tahimik ang dalawa na nagsusukatan ng tingin at pinapakiramdaman kung nananaginip ba sila o ano ng bigla ulit nag ring ang telepono. Magkakasunod itong nagring kaya tila naman natauhan si Coleen sa iniisip.

"Don't move!" Maawtoridad na sabi nito bago tumayo at binabalot ng kumot ang sarili bago nagtungo sa kinaroroonan ng telepono. Nasa kabilang side kasi ito ng kama kaya kailangan niya pang umikot malapit sa side ni Jane.

"What?" Masungit na sabi nito pagka angat ng telepono.

Si Jane naman ay tulala pa habang titig na titig pa rin kay Coleen habang may kausap sa telepono.

Pinakinggan nito saglit ang kausap saka muling nagsalita.

"Give me 30 minutes, mag aayos lang ako. For the meantime palamigin niyo muna yung machine bago niyo buksan ang cover para ma scan."

"Okay. Bye." At binaba nito ang hawak na telepono.

Bumaling naman ang tingin nito sa babaeng nabungaran niya, na kanina pa pala nakatitig sa kanya.

"What are you doing here?" Jane.

"Malamang kwarto ko to! At ano namang ginagawa mo dito? Pano ka nakarating dito? I mean, pano ka nakapasok sa kwarto ko?" Puno ng pagtatakang sagot niya dito.

"This is your room?" At saglit nag isip si Jane.

"So you're the one na tinutukoy ng Daddy ko? This is really your room?? But how..."

"Ano bang ginagawa mo dito? Sinong Daddy? Is this a big joke?!" Di makapaniwalang sabi ni Coleen na napaupo sa kama habang hinihilot ang sentido.

"My Dad is working as a Captain of this Luxury Ship. Dito niya ako..."

"Wait.. You are the----"

"I'm the chief engineer here. Ikaw yung visitor ni Tito Joaquin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Coleen.

"Daughter." Pagtatama naman ni Jane.

"Wait.. wait.. wait.. Ikaw yung anak ni Tito Joaquin??" Tanong ulit ni Coleen habang nakakunot ang noo nito.

"Yes?" Sagot ni Jane na malawak ng nakangiti dito.

" Seryoso ba 'to? Saglit nga.. Sumasakit lalo ang ulo --- " Pero bago pa matapos ang sinasabi ni Coleen ay mabilis na siyang niyakap ni Jane kaya naman nabuwal ang dalawa sa kama.

Namilog naman ang mga mata ni Coleen ng marealize ang posisyon nilang dalawa. Magkayakap kasi sila habang nasa ibabaw niya si Jane at nakangiti habang nakatunghay sa kanya. Kaya naman mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap nito sa kanya at lumayo dito.

"Saglit nga! Hindi moko pwedeng basta basta na lang niyayakap!" Protesta nito.

Nakangiti lang naman si Jane na lalapit pa sana para yakapin siya ulit pero biglang nagsalita ulit si Coleen.

"Stop! I told you, di moko pwedeng basta yakapin! Ano bang problema mo.."

"Why? What's wrong? I'm just happy, and i missed you.. Ang tagal kaya kitang hinahanap.. Tapos nandito ka lang pala. Simula pa nung...."

"Stop! Oo na! Pwede ba Jane.. Hanggang dito ba naman.. Fix yourself, saka bat ba ganyan ang suot mo. You're not even wearing any.." Bigla namang natutop nito ang bibig niya ng marealize ang mga sinasabi niya. Pilit din niyang ibinaling sa iba ang tingin niya.

"What? Any bra?" Natatawang sabi nito.

"May nangyari na nga sa atin diba, ngayon kapa nahiyang tingnan ako. Ikaw nga eh, i think you're not wearing anything maliban dyan sa kumot na nakabalot sayo. Hahahaha!" Pang aasar nito habang tumatawa.

Namula naman ang mukha ni Coleen ng makumpirmang nakahubad nga siya, di na kasi niya matandaang magbihis o naghubad siya dahil sa kalasingan kagabi.

"Bastos!" Naiinis na tumayo ito at may kinuha sa cabinet saka naka nagdadabog na tinungo ang cr.

Si Jane naman ay tawa pa rin ng tawa habang nakatingin dito.

''Come on babe! Nakita ko na naman yan eh, di lang nakita, nahawakan pa. Kaya okay lang sakin kahit---"

"Shut up! Wag mokong bwisitin! Maliligo na ako dahil may gagawin pa ako. Dapat pagkatapos ko wala ka na sa kwarto ko!" Saka pabagsak na isinara nito ang pinto ng bathroom.

Naiwan namang tawa ng tawa si Jane at kinikilig na nahiga ulit sa kama habang sinusuyod ng tingin ang buong kwarto.

Tumayo ito at isa isang tiningnan ang mga pictures at iba pang nakasabit sa kwarto ng dalaga.

Sinamantala niyang naliligo si Coleen kaya naman sinuyod na niya ang buong kwarto para tingnan ang mga nakalagay dito at sa study table niya.

Bigla namang nagring ulit ang telepono habang tinititigan niya ang isa sa picture sa wall nito. Di na sana niya ito papansinin dahil di pa tapos maligo si Coleen at di niya rin alam ang isasagot. Pero nagring ulit ito at naisip niya na baka importante kaya naman sinagot niya na ito.

"Coleen hija, umuwi ka pala kaninang madaling araw? Nagkakilala na ba kayo ng anak ko?"

"Daddy?"

"Jane anak, ikaw pala yan. Nasaan si Coleen? Nagkakilala naba kayo?" Masayang tanong nito sa anak.

"Yes Dad! And you know what? Nagkita na kami sa Pilipinas few months ago, di ko alam na nandito pala siya at magkakilala kayo.." Masayang kwento ni Jane kay Joaquin.

"Really hija? Nagkakilala na kayo nung umuwi siya ng Pilipinas.."

"Who are you talking with?!" Tuloy tuloy pa ang pagsasalita ng Daddy ni Jane sa telepono ng biglang nagsalita si Coleen na kagagaling lang ng bathroom.

"Let's talk later Dad.. Andito na si Coleen eh.. I love you.. Bye!" At mabilis nitong ibinaba ang telepono saka nakangiting tumingin sa dalaga.

Nakataas naman ang kilay ni Coleen habang nakatingin lang din kay Jane. Natahimik rin siya ng mapag alamang si Captain Mondragon pala ang kausap nito.

"Di ba sabi ko umalis kana, ano pang ginagawa mo dito?" Tanong muli ni Coleen.

Sasagot pa sana si Jane pero muling tumunog ang telepono kaya si Coleen na ang sumagot nito. Pinakinggan lang uli nito ang kausap saka sumagot dito na pababa na siya at nag aayos lang.

Hinarap naman muli ni Coleen si Jane.

"Wag mo na ulit sasagutin ang mga tawag sa telepono ko. Saka mag ayos kana at bumalik kana sa kwarto ng Daddy mo. Wag na wag mo na rin muna akong kakausapin maliwanag?!"

"Bat ba ang taray mo? Di kaba masaya babe na nakita moko ulit." Nakangiting sagot nito.

"Pwede ba Jane wag kang makulit! Isa pa tantanan mo na ang kakatawag ng babe sakin."

"Saka wag mo nga akong tingnan ng ganyan!" Naiinis na sabi nito habang inaayos ang sarili sa salamin.

"Why? What's wrong? Namiss lang naman kita e.. Saka saan kaba pupunta? Di pa tayo nag uusap." Nakapout na sabi nito.

Saglit namang natigilan si Coleen at napatitig sa parang batang si Coleen.

"Look, I'm working as a chief engineer here. Ginagalang ako ng mga tao dito. Don't do anything stupid. Saka itigil mo nga yang kakapout mo! May aayusin ako sa baba, pagbalik ko dapat wala kana dito." Coleen.

"But...."

"No more but's okay! Bahala ka nga.... Basta ayoko ng maabutan kapa dito!" At mabilis na umalis ito at pabagsak na isinara ang pinto.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.