COLEEN'S POV
Kanina pa ako naglalakad ng pabalik balik dito sa loob ng office ko dito sa engine department. Di pa kasi ako nakakamove on sa mabilis na nangyari kanina pagkagising ko.
That Jane Mondragon, siya pala ang mag iisang anak ni Captain Mondragon na sinasabi niyang matigas ang ulo at pasaway. Bat nga naman di ko naisip na Mondragon nga pala yung babaeng yun at possible na siya ang anak ni Tito Joaquin. Kung alam ko lang di sana di na ako nag offer kay Tito kagabi na sa kwarto ko na patulugin ang anak niya o sana di na muna ako umuwi at sa hotel nalang natulog.
Shit! Bat ba nagkrus ulit ang landas namin ng babaeng yun kung kelan di ko na siya gaanong naiisip pa.
Pero aminado naman ako na parang ang saya saya ko na nakita ko siya ulit kahit sa ganong pagkakataon. Na parang walang nagbago at bumalik ulit yung nararamdaman ko sa kanya na halos 6 months konng binabaon sa limot. But she look more beautiful nung nakita ko siya kanina. Parang lalo siyang gumanda at.. Ano ba Coleen! Tama bang ganyan ang isipin mo. Galit ka sa babaeng yun at dapat iwasan mo na siya dahil baka may mangyari lang na iniiwasan mo!
Nagtatalo ang utak ko sa mga naiisip ko kaya pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko lalo. Nakaharap nga ako ngayon sa monitoring section ng engine room pero yung mukha niya naman ang lumalabas dito. Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na tinatanggal siya sa isip ko.
Bat ba ganun na lang ang epekto sa sistema ko ng bwisit na babaeng yun.
"Chief Engineer, may problema po ba?" Naulinigan kong tanong sa akin ni 4rth engineer Hidalgo. Andito nga pala siya, katatapos lang kasi namin ng daywork namin. Tinawagan niya ako kaninang umaga dahil sa konting problema na naayos din naman namin.
"Kanina pa kasi kayo palakad lakad Chief. Saka tapos naman na tayo dito. Baka gusto niyo pong magpahinga naman. Wala naman na po tayong gagawin. Kami na po ang bahala dito."
"No! I mean.. Okay na ako, nakatulog naman na ako kanina. Dito na muna ako. May kailangan lang akong tingnan." Nagugulumihanang sagot ko.
"Sure kaba Chief? Pwede niyo naman pong ihabilin na lang sa akin. Wala din naman akong gagawin at para makapagpahinga kayo. Kulang pa po yung tulog niyo kasi naistorbo namin kayo kanina.
"I'm good 4rth. Wag mo na akong isipin. May sumagi lang sa isip ko, but i'm fine. Di na rin ako inaantok." Damn. Di ako dapat nagpapa apekto sa babaeng yun. Saka ayoko na munang makasalubong o makita siya.
Ngumiti na lang naman at tinuloy na ni Hidalgo ang mga ginagawa niya. Umupo na lamang ako sa swivel chair ko at nag umpisang maghanap ng pwedeng gawin. Ayoko na munang isipin ang babaeng yun. Saka kailangan ko din sigurong iwasang magkita kami.
Bigla naman akong kinabahan ng nagring ulit ang telepono. Sinenyasan ko nalang si 4rth na siya na ang sumagot, parang ayoko na muna tuloy sumagot ng mga tawag dahil baka yung bwisit na babaeng yun na naman.
Paranoid na ata ako at nerbyosa. Kailangan ko na atang tigilan ang pagkakape. Parang baliw na bulong ko sa sarili ko.
"Chief, si Captain. Hinahanap ka po, kausapin ka daw saglit." Nakangiting sabi ni 4rth habang tinatabunan ang mouthpiece ng telepono.
Lalo naman akong kinabahan habang papalapit ako sa inaabot ni 4rth na telepono. Kinalma ko nalang ang sarili ko bago kausapin si kapitan.
"Hello Captain Mondragon?" Pigil ag hiningang sabi ko.
"Coleen, diba sabi ko Tito na lang kapag tayo ang magkausap? Ikaw talaga, nagkausap na pala kayo ng anak ko. Saka nakwento niya sa akin na magkakilala na din pala kayo nung umuwi ka, di niyo lang parehas alam na anak ko siya at katrabaho kita dito." Tuloy tuloy at tumatawang kwento ni Tito Joaquin.
"Ahh... O.. Oo nga po eh.. Nagulat din po ako Captain.. Tito pala.." Pakiramdam ko tuloy naguguilty ako dahil naisip ko ang nangyari nung umuwi ako ng Pilipinas.
"Hija di ba sabi mo ikaw na ang sasama sa kanya para mamasyal? Saka mamayang gabi pa naman ang pull out natin kaya may oras pa kayong mamasyal sa Port area ng anak ko."
"H.. ha? Ahm.. Tito kase..."
"You've promised me hija. Saka marami din akong gagawin dahil ngayon darating ang port security diba. Wala kana rin naman gagawin dyan sabi mo pa kagabi. Sabi din ni Jane gusto ka daw niya makakwentuhan ulit dahil namiss ka niya.." Tuloy tuloy na sabi ni Tito Joaqin at halata sa boses nito ang saya.
Bat naman ako mamimiss ng babaeng yun.
Nakapangako na nga pala ako sa kanya. Saka sobrang saya niya ngayon dahil matagal na niya itong gustong mangyari. Ang bisitahin siya dito ang anak o asawa niya.
Bwisit na Jane yun. Baka kung ano ano na sinabi nun kay Tito Joaquin.
"Coleen andyan kapa ba? Antayin ka namin dito ha. Saka wag kana mag alala dyan. Di naman pababayaan ng mga tauhan mo ang trabaho dyan."
"O.. oo nga po.. Sige po.. Paakyat na rin po ako dyan--"
"Salamat hija! Salamat talaga dahil magkakilala na pala kayo at may kasama na siyang mamasyal dito. Antayin na lang kita dito ha." Masayang masaya talaga si Tito Joaquin, di pa ako nito pinatapos sa pagsagot.
"Basta kayo Tito.." Naisagot ko nalang. May sasabihin pa sana ako pero naputol na ang linya kaya napahawak nalang ako sa noo ng ibaba ko ang telepono.
I guess i have no choice but to be with that spoiled brat. Ayoko namang mag isip ng iba si Tito Joaquin. Kailangan ko rin sigurong harapin ang babaeng yun para makausap tungkol dito. Di pwedeng may makaalam sa mga nangyari sa amin lalo na ang Daddy niya. Nakakahiya. Saka ano na lang ang sasabihin ni Captain Mondragon.
Isa pa. Di ako magpapatalo sa trip ng babaeng yun.
Naghabilin na muna ako ng maayos bago pa umakyat sa cabin ko para mag ayos. Ayoko naman humarap sa babaeng yun ng basta lang.
Pagkatapos kong masiguradong maayos ang damit ko at magspray ng konting pabango ay umikot ikot ako sa salamin at napangiti na lang.
Humanda ka Jane Mondragon.
"Daddy matagal paba si Coleen? Puntahan ko nalang kaya siya sa kwarto niya." Naiinip na sabi ni Jane sa ama.
"Parating na rin yun anak, baka nag aayos lang. Wag mo ng puntahan, ayaw nun ng minamadali siya. Saka darating yun. Mag antay ka lang.." Natatawang sagot nito sa anak.
Nag umpisa naman ulit maglakad pabalik balik si Jane sa table ng Daddy niya.
"Will you stop walking. Umupo ka na lang kaya. Ako ang nahihilo sayo. Ano bang nangyayari sayo."
" Saka di ka ba magpapalit? Bat ganyan ang suot mo? Para kang makikipagdate. Di mo naman kailangang magsuot ng ganyan, baka mamaya mabastos ka lang." Pagsaway ni Joaquin dito. Napapansin niya kasi ang kakaibang ngiti nito ngayong umaga. Saka parang masayang masaya ito ng batiin siya kanina pagpasok ng cabin niya. At ngayon naman, natagalan ito mag ayos at nagulat din siya dahil sa suot nito.
Di na lang niya pinansin dahil baka masaya lang talaga ang anak niya na makasama siya. Halos ilang buwan din kasi silang hindi nagkita.
"Why Dad? What's wrong with my dress? Pangit ba?"
"You're perfect hija. Kaso mamamasyal lang naman kayo ni Coleen at mamimili ng pwedeng pasalubong. Mukha ka kasing makikipagdate sa itsura mo. Mamaya niyan di ka samahan ni Coleen. Hahahahaha!" Pang aasar ng ama niya.
"Isa pa, you should behave okay? Wag mong papasakitin ang ulo ni Chief Engineer. Maikli ang pasensya nun." Dagdag pa nito sa anak.
Tumabi naman ang anak niya sa kanya at yumakap sa ama.
''Anak gusto ko ng magtaka sa kinikilos mo ha. Di ka naman ganyan kahapon pagdating mo. Parang iba eh." Pabiro pero seryosong sabi ni Joaquin sa anak na nakahilig sa balikat niya.
"Do you like someone here Jane? Mag uumpisa na ba akong ihanda ang gamit mo at pauwiin ka sa Pilipinas?" Pabiro pero may lamang sabi pa ni Joaquin.
"Dad naman eh.. ayaw mo ba akong makasama? Masaya lang naman ako na magkasama tayo.. Saka...."
"And.....?" Patanong na sagot nito sa anak.
Magsasalita pa sana si Jane ng narinig nito ang pagkatok sa pinto ng opisina ng Daddy niya kaya sabay silang napatingin sa pinto.
"Baka si Coleen na yan, saglit lang anak." Tumayo ito at binuksan ang pinto. Di nga nagkamali ang matanda dahil nabungaran niya si Coleen na nakatayo at ngumiti ng makita siya.
"Chief engineer Tan!" Pang aasar nito sa dalaga at diniin pa ang bigkas sa huling salita bago ito yakapin.
"Castro Mr. Mondragon." Natatawang sagot nito. Ganyan kasi sila magbiruang dalawa kapag sila lang ang magkasama minsan.
''Ang ganda mo kasi hija, kamukhang kamukha ka talaga ng Mommy mo." Sabi pa nito habang naglalakad sila papasok ng office niya. Tumawa lang naman si Coleen bilang sagot dito.
Nakangiti namang sinalubong ni Jane si Coleen at mabilis na niyakap saka hinalikan sa cheeks. Nagulat si Coleen kaya naman halos di siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Pilit na lang siyang napangiti at napatingin ng masama sa ngiting ngiting si Jane.
"Close na close pala talaga kayo ng anak ko Coleen. Mabuti naman at nakasundo mo ang ugali niyan." Joaquin.
"Dad?!!" Mabait na ako no." Pagtatanggol ni Jane sa sarili.
"Salamat nga pala hija at ikaw mismo ang nag offer na ipasyal ang anak ko. Pagpasensyahan mo na yan minsan ha. Basta ikaw na ang bahala kapag nagpasaway yan."
"Ho? A... S.. sure po Sir." Tipid na sagot ni Coleen na binawi ang tingin kay Jane. Nakatitig kasi si Coleen kay Jane kaya nung makita niyang nakatingin sa kanya ai Joaquin ay agad naman niyang binawi ang tingin dito.
"Sabi ko naman sayo Coleen, Tito na lang.."
"Nako pasensya kana sa suot ng anak ko. Sinabihan ko na yan. Ewan ko ba at ganyan ang suot. Sinabihan ko na na baka mabastos saka mamimili lang naman kayo at mamamasyal e." Joaquin.
"Wag kang mag alala Dad, kasama ko naman si Coleen e.." Nakangiting sabi ni Jane na kumindat pa ulit kay Coleen ng mapansing di nakatingin ang ama. Pinanlakihan naman ito ni Coleen ng mata na lalong ikinalawak ng pagkakangiti ni Jane.
"S.. She means. Kasama niya naman ako. Na.. Na di ko naman sya pababayaan Tito. Parang bunsong kapatid ko na yang anak niyo e.. you don't have to worry."
Ikinasimangot naman ni Jane ang sinabi ni Coleen samantalang walang emosyon namang iniwasan ni Coleeng mapatingin dito.
"Salamat hija ha.. Alam ko naman na di mo papabayaan si Jane. Saka ikaw na ang bahala sa katigasan ng ulo niyan."
"Jane, sumunod ka sa mga sasabihin ni Coleen ha. Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Miss Tan. Papauwiin na kita sa Pilipinas kapag sinuway mo ang mga sinasabi ko." Joaquin.
"Dad?!! I'm not a kid anymore. Saka di kami magiging magkapatid ni Coleen dah---- "
"We should go Jane. Baka gabihin tayo."
"Tito Joaquin, mauuna na po kami." Biglang putol naman ni Coleen sa sinasabi ni Jane sabay hawak sa braso nito. Natahimik naman bigla si Jane at napasunod na lang dito.
Natatawa naman si Joaquin sa inakto ng dalawa lalo na ng hinila ni Coleen si Jane palabas ng pinto at tuluyang nagpaalam sa matanda.
Pagkalabas ng dalawa ay napailing iling na lang ang Kapitan habang nakangiti at nakatingin sa kakasara lang na pinto.