"11am, lunch with Tim Ursula of UA Shipping Lines. 1pm, contract signing with Gochengco Prime Holdings. 5pm dapat nasa Davao kana so the plane is ready before 3 at dapat makarating ka dun ng mas maaga para makausap mo pa si.."
"Stop!" Naniningkit ang mata ni Coleen na nakatingin kay Trishia habang binabasa nito ang schedule nito sa araw na yun.
"Do i have still time to go home? May kailangan lang akong kunin para.."
"Everything is fixed Coleen. Wala ng dapat mabago because tomorrow you have a flight to Dubai to meet some investors and talk about the coming expans....."
"Come on Trish! It's just an hour, may kailangan lang talaga akong kunin sa bahay para maipadeliver ito before 3pm." Singit ni Coleen sa tuloy tuloy na nagsasalitang secretary niya na ngayon naman ay nakaharap sa tablet at may hinahanap dito.
Tumingin lang ito saglit sa kanya at bumalik sa tablet na kinakalikot nito.
"You're just 2 days in Dubai Miss Tan and after that lilipad nalang kayo ni Arthur sa L.A. para sa annual convention and..."
"Please Trish? I just need to make it deliver within this day kasi nga matagal akong mawawala.." Nakapuppy eyes na sabi ulit ni Coleen sa secretary niya na nakataas pa ang kilay ngayon habang nakatingin sa kanya.
"Nagtataka na talaga ako ha, ano ba yang pinapadeliver mo na halos tatlong beses sa isang linggo na kailangan ikaw pa ang mag asikaso. For God's sake Miss Tan, lagi ko nalang sinisingit yan sa schedule mo. Even when you're sick na pumasok ka you give me same reasons like that."
"But this time you cant miss this whole schedule thing. We have so many things to do and meetings to attend because you're 4days absent. Kailangan nating hum...." Biglang tumaas ang kamay ni Coleen na ikinatigil ng sekretarya niya.
"Ganyan ka ba makipag usap sa boss mo? Konting oras lang naman ang hinihingi ko eh. I'll make it quick to be able to catch up with the fucking schedule." Nagsusungit na palatak ni Coleen na tumayo na at namewang sa harap ni Trishia.
Nagpoker face lang naman si Trishia at naglakad paikot dito habang nakatingin sa dalaga.
"Di mo ako madadala sa pagtataray mo Miss Coleen. Baka nakakalimutan mong ikakasal na ako at kaya lang ako pumasok dahil nga ayaw mo dun sa pinalit kung secretary mo na si Arthur. And... di mo maiutos sa kanya yung mga pinapagawa mo sa akin na ikinatataka ko na rin."
"Hanggat di mo sinasabi sa akin kung bat ba napakaweird mo simula ng bumalik ka dito sa kumpanya e di kita pwedeng pagbigyan sa oras na hinihingi mo dahil ako ang malalagot kay Mr. Tan. You know your Daddy Coleen." Nang aasar na sabi nito na namewang din sa harap ni Coleen.
Nagtataka na rin kasi si Trishia sa mga kinikilos ng boss niya. Dati halos di niya ito makausap ng matino sa sobrang seryoso at sungit. Ni hindi rin ito ngumingiti at bilang lang ang mga lumalabas sa bibig nito. Strikto din ito sa mga lakad patungkol sa kumpanya, in short Coleen is organized when it comes to business. Pero parang nabaliktad nung bumalik ito. There's something weird happening to her boss kagaya nalang ng napapadalas na pagpapabago nito ng mga schedules nito para lang umalis at pagkabalik naman nakangiti na. Minsan pa nasa meeting ito pero nakafocus ito sa cellphone nito which is unusual to the old Coleen na seryoso at masungit pagdating sa mga ganung bagay. Isa pa nga ang pag utos nito sa kanya halos three times a day para lang isingit ang pagsaglit nito sa bahay nila para lang may kunin o ipadeliver na kung anuman na di niya na rin alam minsan kung papano pa irarason sa daddy nito o kuya nito kapag naaabutan nitong wala sa opisina nito si Coleen.
"At pwede ko bang malaman kung para kanino yung mga bulaklak na pinabili mo sa akin kahapon na pinaiwan mo sakin dun sa guard ng ano ngang school ulit yun.." At nag iisip na tumigil ulit si Trishia para maalala kung sa anong school iyon pinadeliver ng boss niya.
Napansin naman ni Trishia ang bahagyang pamumula ni Coleen na nakatingin sa kanya.
"Don't tell me.. "
"Ikaw ang nanliligaw sa lalaki Miss Coleen!" Nakamulagat na tanong nito sa boss niya na namumula na.
"You're really weird Miss Tan" Naiiling na sabi nito.
Kilala niya ang boss niya ever since. Mga bata pa sila nun close na sila ng dalaga. Ni wala nga rin itong halos maisekreto dito dahil sa kanya lang ito lagi lumalapit kapag may mga bagay itong pinoproblema o nahihirapang sabihin sa mga magulang nito. Mukha namang di mapakali si Coleen na nag iwas ng tingin at kunwariy nagbabasa ng kung anong nakalagay sa folder na nahawakan nito.
"See? I know when you're lying or hiding something Miss." Natatawang sabi nito na naiiling pa.
"What are you talking about.. And me? As in ako? Ako ang manliligaw sa lalaki?" Coleen rolled her eyes and continue flipping the folder.
"Miss Tan, i know you so so so well na masasabi kong baliktad ang kanina mo pang binabasang folder. Hahahahaha!" Di mapigil ni Trishia ang matawa kaya naman halos malaglag ito sa upuan habang tinatawanan ang namumulang si Coleen na masama ang tingin sa kanya.
"Stop laughing!" Mataray na sabi nito na namumula na sa pagkakapahiya sa secretary niya.
Nang makabawi naman si Trishia ay inagaw nito ang folder na hawak ni Coleen at tiningnan ito. Sinamaan lang naman siya ng tingin ng boss niya na napipikon na rin.
"So, magkukwento kana ba Boss?" Natatawang sabi ni Trishia na sinadyang diinan ang huling salitang sinabi niya.
"You know, about the roses.. The lame excuses and.." Trishia.
Tumayo naman si Coleen at naglakad lakad pabalik balik habang balisang pinapaikot sa mga daliri ang hawak na ballpen.
"Uhmm... " Coleen.
Kinakabahang nasabi nito na naglalakad pabalik balik at halatang di mapakali.
"You're inlove." Nasabi nalang ni Trishia na napapailing sa boss niya na parang di maihing aso sa ginagawa nito. Napatingin naman si Coleen dito at lalong namumula na lalong ikinangiti ni Trishia dahil sa naconfirm nito.
Napangiti ito sa inaakto ng boss niya na akala niyang habangbuhay ng seryoso at masungit na ngayon nama'y kabaliktaran at halos di na mapalagay dahil sa mga nalaman niya.
Nagdekwatro pa si Trishia habang nakangiti at nakatingin pa rin sa boss niya.
"Stop looking me that way Trish." Coleen.
"What??? I'm still waiting for your confession boss." Natatawang sagot lang nito.
"Okay fine. I think i'm inlove!" Happy now?"
Lalong bumilis ang pabalik balik na lakad nito at saka umupo bigla sa swivel chair na katapat ni Trishia.
"I think i'm a lesbian for pete's sake Trish!"
Medyo natigilan naman si Trishia na nakatitig lang sa boss niya na litong lito at di mapalagay sa pwesto nito.
"I know it's not so me..I mean.. I don't know, it just happen." Kinumpas pa nito ang kamay niya.
"Nagising na lang ako na hinahanap ko na yung babaeng yun. Yung pangungulit niya. Yung pang aasar niya.."
"And i cant bear this! She keeps on avoiding me after what happen a few months ago.."
"Shit! I dont know how to do it.. i mean.. Im a girl right? And she's also a lady!"
"And i have no idea how to do this courting thing. But i just wanna do it. For her..."
Tumayo ulit ito at nagpalakad lakad.
"I don't know how to say this. But i can't let her go. I don't know what else could happen, all i know is kailangan kong maibalik yung dating treatment niya sakin.."
"Parang mababaliw ako dahil sa pang iignore niya sakin.."
Tumigil saglit si Colleen at humarap sa secretary niya na nakangiti habang tinitingan ang ginagawa niya.
"Will you s.....say something...?" Pilit na sabi nito na nahihiya sa inakto niya sa harap mismo ni Trishia.
"Nakakatuwa ka Miss Coleen."
"Yun lang ang pinoproblema mo?" Nakangiting tumayo si Trishia at inakay paupo ang boss niya saka binigyan ng tubig habang siya naman ay ngingiti ngiti pa rin.
"I know i'm going to hell because of this Trish.." malungkot na sabi ng dalaga.
"Come on boss! How do you say na mapupunta ka sa impyerno? Dahil lang sa nagkagusto ka sa kapwa babae?"
Napatingin si Coleen sa kanya pagkatapos magsalita.
"Cheer up Miss Coleen! Ano kaba, alam mo naman yung kay Ellen diba? Yung kay Charice, si Vice? Basta marami dyan.. Yung iba pa nga kilala at mayayaman din pero proud silang ipakita kung ano sila. E ano kung mahal nila yung kapwa babae o kapwa lalaki nila."
"Being inlove and falling in love is not a sin Coleen."
"Tao lang tayo.. Mas masasabi mong kasalanan ang isang bagay kung nakapatay ka o kung may inapakan kang tao.."
"We are in a new world that open in everything.."
Bumuntong hininga lang si Coleen at inubos ang laman ng basong inabot sa kanya ni Trishia.
"You don't understand Trish.."
"Sa ngayon palang Coleen na yan palang ang nangyayari nahihirapan kana at gusto mo ng bumigay.. Ni wala pa kayo sa kalahati ng tinatawag na relationship.. "
"Pano pa sa susunod, hahayaan mo bang mawala nalang lahat dahil lang sa natakot kang subukan ang isang bagay kahit na walang kasiguraduhan?"
"Wag mong isipin na boss kita at secretary mo lang ako kaya sinasabi ko yung magpapagaan ng loob mo. Pero sa totoo lang.. wala naman talaga akong nakikitang mali.. And i'm sure kung iniisip mo ang Daddy at Mommy mo o ang kuya mo pati ang ibang taong pwedeng manghusga sayo. Dyan ka nagkakamali.."
"Kilalang kilala mo ang pamilya mo.. Mahal ka nun.. mahal ka namin.. normal lang na sa umpisa medyo mahihirapan sila tanggapin kung ano ka man. Pero they love you.. Sooner or later magiging okay din ang lahat Boss.."
"Kung may mga maririnig ka man, kasama yun sa buhay natin.. all you have to do is ignore.. Remember the old Coleen? Yung magaling mang ignore na magaling magtaray na sobrang sungit.. hahaha!"
At dahil sa sinabing yun ni Trishia ay tuluyan ng umiyak si Coleen kaya nilapitan niya ito at inalo.
"Boss naman! Nasaan na yung katapangan at katarayan mo niyan.."
Napailing naman si Coleen dito.
"It's just fucking hard Trish.." At umiyak na naman ito na parang bata kaya inasar asar naman ito ni Trishia.
"And now you really are gay Boss.." Natatawang asar nito sa dalaga na nagpupunas ng luha niya.
Napangiti naman ng konti si Coleen at sinamaan nalang ng tingin ang secretary niya.
Kinalma nalang ni Trishia ang boss niya at hinayaang maglabas ng niloloob nito. Parang magkapatid na rin kasi ang dalawa kaya sanay na rin si Trishia sa boss niyang paiba iba ang mood na ngayon namay parang teenager na binasted ng first love nito.