"Wow! Saan na naman galing ang mga roses na yan Jane? Almost 4 days na rin ang continious na pagpapadala sayo ng anonymous lover mo na yan ha. Nakakatakot na.." Sabi ng kararating lang na si Wendy. Naabutan kasi nito sa canteen ng university si Jane habang nakatitig lang sa mga flowers na nakapatong sa mesa.
"Inamin na ba ng guard kung sino yung nag aabot sa kanya ng flowers na yan para ipabigay sayo?" Wendy.
"I'm not interested to know." Masungit lang na sagot ni Jane habang binubuklat ang libro nito.
"Alam mo mababaliw na talaga ako sayong babae ka. Nung nakaraan lang parang ang saya mo then after three days ayan! Para ka na namang magmemenupause na matanda sa katarayan.Ano na naman bang problema?"
"Is it about Coleen again?" Derederechong sabi ni Wendy na ikinatigil ni Jane sa pagbabasa saka tinapunan ng masamang tingin ang kaibigan.
"E kasi naman ganyan ka na naman Jane."
"Saka di ba sabi mo mga magpunta sa bahay mo si Coleen three days ago? So yun lang naisip kong rason." Bago pa siya pandilatan ni Jane ay itinaas na niya ang daliri niyang naka peace sign dito.
"Pwede ba, kung wala kang magandang sasabihin umalis kana kesa tinatanong mo sa akin yung babaeng yun dahil wala na akong pakialam dun!" Jane.
"Ay nako. Denial Queen talaga! Halatang halata naman na, ayaw pang umamin. Bahala ka nga. Para kayong mga baliw."
"Lalapitan ka nung tao, di mo papansinin tapos pag di kana kinulit ng ilang araw nagbabago mood mo ng ganyan. Yung isa naman nilapitan mo na kasi dati nagpapaka birhen pa tapos ngayon mang....."
"Stop okay! Wag na nating pag usapan ang babaing yun. I told you wala na akong pakialam pa sa kanya tapos!" Irap nito sa kaibigan.
Napabuntong hininga na lang si Wendy na kinuha amg wallet para magtungo sa cashier area ng canteen.
"Ay nako!!!! Bahala nga kayo, di na kayo bata. Ikaw din kasi eh.. Nilalapitan kana niya ayaw mo pang patawarin."
"Sabi pa naman ni Ate Meg maysakit daw si Coleen kaya di nakakapasok sa office."
Natigilan ulit si Jane sa binabasa niya dahil sa huling sinabi ni Wendy na naglalakad na papunta sa cashier. Naiwang nag iisip ang dalaga ng dumating naman ang kaibigan nilang si Charlotte.
"What's with your face ?" Pumitik pa ito sa hangin para maagaw ang atensyon ni Jane na nasa malalim na pag iisip.
Siningkitan lang naman ito ng tingin ng dalaga saka hinanap ang cellphone sa bag.
"Wait! Pwede bang pakiexplain bat ganyan na naman yang mukha mo? E kahit magaling na pintor ata di kayang ipinta yang mukhang yan eh." Pang bubruska ng kaibigan dito.
"Ako na lang lagi ang nakikita niyo. Bahala nga kayo dyan! Magsama kayo ni Wendy!" At padabog itong tumayo at binitbit ang gamit niya saka naglakad palayo sa nagtatakang kaibigan.
"What happen? Anong problema nun?" Nagtatakang sabi ni Wendy na may dala dalang tray.
"May regla na naman ata. Binibiro ko lang eh. Nakatulala ba naman kasi nung dumating ako." Charlotte.
"Hayaan na nga lang natin yun. Di lang nakita si Coleen niya ng ilang araw matapos niya away awayin e tinotoyo siya. Ay nako. Masisiraan na ako ng ulo dyan."
Napailing nalang din si Charlotte dahil sa inakto na naman ng kaibigan. Nagtawanan nalang ulit sila at nagkwentuhan nalang habang kumakain.
JANE'S POV
Kanina pa ako nakauwi pagkatapos ng last subject ko at mag si seven pm na rin ng huli kong icheck ang oras. I'm not feeling okay, parang gusto kong umiyak o magmukmok sa kwarto ko. Kahit ako naguguluhan na rin sa nagiging mood ko simula pa nung nakaraang araw.
I went to my room and started my bedtime routine kesa naman mag isip pa ako. Matutulog nalang ako ng maaga.
"It's early Jane, matutulog kana ba? Di ba may pupuntahan pa tayo?"
Nagulat pa ako sa boses ni mommy na nanggaling sa may pinto.
"Mommy pwede bang kumatok kana muna bago ka bigla biglang magsalita dyan." Bigla kong nasabi.
"The door is open, kaya pumasok na rin ako. Bat parang nagiging magugulatin kana rin ata anak. May problema ba? "
"Have you receive my text? Di mo sinasagot ang tawag ko kanina kaya naman pinuntahan na kita dito." Sabi ulit ni Mommy. Napatitig pa ako dito dahil bihis na bihis ito.
Shit. Nasa baba pala yung phone ko. Nagiging makakalimutin na rin ata ako.
''Ohh. I think naiwan ko Mommy sa baba. Where are you going?"
"Where are we going? I texted you. Kanina pa ako antay ng antay sa baba yun pala di mo naman hawak ang phone mo."
Ano daw? We?
"Di kaba sasama sakin?" Tanong ulit ni Mommy. San ba kasi ang punta namin ng mga ganitong oras?
"Mom i want to sleep. Wala ako sa mood. Saka pagod din ako.." sagot ko na lang.
"Sigurado ka? " Dinama pa niya ang noo ko para masiguradong okay lang ako.
"Wala ka namang lagnat ah? Pero sige, paea makapagpahinga ka na rin at may pasok kapa bukas. Pinapasama ka nga ng Tito Enrique at Tita Lucia mo eh para makita ka naman daw nila ulit. Ako nalang magdadahilan, marami pa namang susunod na araw.."
"You sure you'll be okay here? Basta tawagan mo ako anak ha, babalik din ako after ng dinner namin.."
Dinner? With Tito Enrique? Coleen's Dad? Di naman usual na pumupunta si Mommy dun ah.
"Tan's Residences?" Kusang lumabas sa bibig ko.
"Yes hija, nagkita at nagkakwentuhan kasi kami ni Lucia nung nag abot kami kahapon sa THY hotels. Kaya niyaya niya akong pumunta sa kanila.. Alam mo namang mabuting magkaibigan ang Daddy mo at si Enrique diba?"
"At dahil di ka makakasama, uuwi na lang din ako agad. So, i better go baka naghihintay na ang mga yun." Nakangiting paliwanag ni Mommy bago tumalikod.
Di ko alam pero pakiramdam ko parang nang aasar si Mommy dahil alam naman niya na baka andun din si Coleen.
"Wait!"
Biglang napalingon si Mommy sa kinuupuan ko at makahulugang tinignan ako.
"You're coming with me? I know you will..hehe!"
"Don't take it the wrong way Mom. I just wanna see Tita Lucia, di ba alam mo naman at nakwento ko na rin na madalas ako dun dati."
Tiningnan niya lang ako ng makahulugan. Shit. Totoo namang gusto ko lang ding makita sina Tito at Tita e.
"Sabi mo anak eh, i'll wait for you downstairs." Natatawang reaksiyon nitong sabi.
"Wag masyadong magpaganda ha.." Habol pa ni Mommy.
Bat naman ako magpapaganda e maganda naman na talaga ako. Napakunot nalang ako ng noo habang nakatingin sa kakasara lang na pinto.
Mabilis akong nagbihis at nag ayos ng sarili ko. Ayoko rin naman kasing magmukhang ewan baka mamaya makita ko dun ang babaeng yun at kung ano pa ang sabihin sakin.
But no! Di ko siya makikita dahil di naman siya ang rason bat pupunta ako.
Sigaw ng utak ko.
Tan's Residences...
"Kamusta pala hija ang pag aaral mo? Balita ko gagraduate kana ngayong taon ah, sa wakas baka ikaw narin ang sumama sa mga business meetings natin. Sigurado ikaw na ang susunod sa yapak ng lolo Altheo mo." Nakangiting sabi ni Don Enrique na ikinangiti rin ng iba na nakatingin sa direksyon ng dalaga.
Katatapos lang ng dinner nila at kasalukuyang nagkkwentuhan ang mga ito sa sala.
" Tito i'm still looking forward on it. Pero parang gusto ko na muna mag enjoy o di kaya magtour for a year at libutin ang buong mundo bago pamahalaan ang kumpanya. " Nakangiting sagot ni Jane na ikina iling nalang ng Mommy nitong nakaupo sa tapat ng dalaga.
"I told you kumpare. " Isabella.
" Hayaan mo nalang siya Mare. Di ba nasa Luxury Ship pa naman si Pareng Joaquin? She can join the cruise whenever she wants. Kasama pa niya ang Daddy niya kaya safe siya.." Sabat naman ni Lucia na kararating lang galing kitchen dala dala ang prutas na ihahain sa mga ito habang nagkkwentuhan.
" I want to do it alone Tita, Tito.. Saka mabilis lang naman ang one year. Ayoko namang umupo sa kumpanya ng di pa nalilibot ang magagandang lugar, and i'm sure pag tumuntong ako ng kumpanya at pamahalaan yun e di na ako makakapagleave ng basta basta. " Nakabusangot na turan ng dalaga. Nagtawanan nalang naman ang matatanda habang nakatingin dito.
" How about Colleen, Lucia? Mabuti naman at naconvince niyo na siyang bumalik dito. Matagal rin syang nawala ah, kinakamusta nga rin sya sa akin ni Joaquin kung kamusta daw siya.." Pasimpleng sumulyap si Isabella sa anak na si Jane habang nagsasalita ito.
Umismid lang naman ang dalaga at kumagat sa apple na hawak hawak nito.
"Well she's fine.. Yun nga lang syempre dina muna namin masyado pinupush na ihandle o hawakan ang mga obligations niya. Andito naman ang Kuya Vincent niya para iguide sya kahit minsan nagkakapikunan sila. Mainitin kasi ang ulo ni Colleen lately dahil siguro sa pagod at stress sa company. Ayun nga at halos three days ng may trangkaso kaya di na muna namin pinapaalis ng bahay para makapagpahinga." Don Enrique.
"Pumunta pa siya sa bahay nung isang gabi ah? Nako.. Yung batang yun talaga. Masama na pala ang pakiramdam e pinilit pang magpunta sa bahay." Nag aalalang sabi ni Isabella. Natigilan naman si Jane na napatingin na din sa nagsasalitang si Don Enrique.
Ngumiti nalang naman si Enrique at sinabing pasaway daw talaga si Colleen at walang nakakapigil dito kapag may gusto ito. Ayaw din naman daw nito tumigil sa bahay kaya buti na nga din at pumayag itong dumito na muna habang nagpapagaling ito.
" Gilda iaakyat mo naba yan? Ako nalang ang magdadala niyan kay Colleen.." Sabi naman ni Lucia ng dumaan ang maid nila na may dalang tray ng pagkain galing kitchen.
"Ahm Tita can i go with you? A.. Ang ibig kong sabihin, pwede ba akong sumama sa kwarto ni Coll- - -"
"Sure hija! Ikaw na kaya ang umakyat dun at may pag uusapan pa kami ng Mommy mo. I'm sure she'll be happy to see you.." Putol ng tuwang tuwang si Lucia sa nagpresentang si Jane na di na nito pinatapos sa sasabihin.
Tumango tango naman si Enrique at lihim na kumindat pa ang Mommy ni Jane sa kanya.
"Ahmmm.. Tita..." Jane.
"Sige na anak at magkkwentuhan lang kami ng Tito at Tita mo, paalis narin naman tayo maya maya lang eh. Puntahan mo na si Colleen at baka gutom na yun."
Inabot naman ng maid ang tray na dala ng maid kay Jane ang tray at umalis na rin.
Lumingon pa si Jane sa mga ito pero busy na sila sa pagkkwentuhan kaya napatingin nalang ito sa tray at nagdadalawang isip na humakbang paakyat ng hagdan.
Halos kabisado na rin naman kasi niya ang mansyon ng mga Tan dahil nung wala si Colleen dito ay lagi syang pumupunta dito.
Kinakabahan pa si Jane dahil di din niya alam kung bat pa siya nagpresentang sumama at tuloy siya pa ang pinagdala ng Tita Lucia niya ng pagkain at gamot para sa dalaga.
Napahinga na lang siya ng malalim ng timigil sya sa tapat ng kwarto ni Colleen. Babalik na sana sya pero naisip nya na baka gutom na ito at kailangan na rin naman nitong uminom ng gamot para tuluyan na itong gumaling.
Okay Jane. You can do it. Just bring her the food and medicine at iwanan mo na siya.
Sabi pa nito sa isip niya bago kumatok. Nakakadalawang katok na sya pero walang nagbubukas.
Idiot. Maysakit nga siya diba? Alangan namang tumayo pa yun at pagbuksan ka.
Naiinis na bulong ulit nito sa sarili. Kaya naman dahan dahan nitong pinihit ang seradura at bumungad sa kanya ang madilim na kwarto nito na tanging naiilawan lang ng maliit na lampshade. Pagkasara niya ng pinto ay hinanap niya ang switch ng ilaw pero di niya iyon mahanap.
"Co... Colleen?" Tawag nito sa dalaga ng makapasok at maaninag na wala ito sa kama niya. Di naman sya nagkakamali ng pasok dahil alam niyang ito ang kwarto ng dalaga. Dito pa nga sya natutulog minsan kapag pumupunta sya dito.
Bigla namang bumukas ang pinto ng bathroom at niluwa nito ang dalaga na nakarobe lang habang tumutulo pa ang basang buhok nito.
Napatingin lang si Colleen dito at makahulugang ngumiti ito sa dalagang lalong humigpit ang pagkakakapit sa tray na hanggang ngayon ay bitbit nito.
She never blink her eyes while Colleen is slowly walking towards her. Not until she easily give her a quick kiss on her cheeks. A kiss that awaken her sanity. Dahilan para matauhan sya kung bakit nasa kwarto sya ng dalagang kinaiinisan nya.
"W.. What's that f..or? " Tita... I.. Ahm.. Si tita kasi kausap si Mommy kaya ako na lang ang mag isang umakyat dito. " Halos ayaw lumabas sa bibig at kabadong sabi niya dito.
Ngumiti lang naman si Colleen at umupo sa kama habang nakatitig dito.
"Ma.. Mainit kapa rin.. You should eat for you to drink your medicine." Kunway sabi nito na pinipigilang lumapit at yakapin ito.
She misses Colleen so much. Ayaw lang niyang ipakita dito dahil hanggang ngayon di pa rin nawawala sa isip nito ang mga sinabi ng dalaga nung huli pa silang maghiwalay.
"I can't eat."
Tumaas lang naman ang kilay ni Jane sa matipid na sinabi ni Colleen.
"What? Sabi ni Tita kainin mo raw ito para makainom kana ng gamot." Jane.
"Sinusubuan pa ako ni Mommy kapag kumakain ako. And you sho- - -" Kunway sabi nito na pinapungay pa ang mata nito habang nakatingin kay Jane.
"And? Pwede ba wag kang mag inarte! Hinatid ko lang 'to okay. Paalis na rin kami ni Mommy maya maya."
Tumingin lang ulit si Coleen dito at tinitigan ang nagsusungit na si Jane na hawak parin ang pagkaing dala nito. Di rin maiwasang tingnan ni Jane ang dalaga. Halata sa mukha ni Coleen na maysakit ito dahil sa halos namumutla nitong itsura at halos bagsak na katawan dahil sa ilang araw na pagkakasakit nito.
"You know that its heavy right? Ibababa ko nalang ito dito." Naiinis na sabi ni Jane na inirapan pa si Coleen habang naghahanap ng mapapatungan si Jane ng tray na hawak niya.
"Look Coleen, di mo ako madadala sa mga paawa mo. Kung ayaw mong kumain di wag." Jane.
Nagkasukatan lang ulit ng tingin ang dalawa hanggang napabuntong hininga nalang si Coleen at nagsalita.
"Put that in my table and leave." At di na ito tumingin bago nahiga ulit saka binalot ng kumot ang katawan.
Di makapaniwalang naiinis na napatingin nalang si Jane sa dalaga na nakatalikod sa kanya habang nakatalukbong ng kumot. Tinitigan nalang niya ito at pinigil na magsungit dahil alam niyang di rin ito patatalo dahil sa umpisa palang lagi na siyang sinusungitan nito. Nakaramdam din siya ng konting awa dito dahil tinarayan niya pa ito kanina kahit alam niya na di talaga maganda ang pakiramdam nito.
"Okay just... Eat this food.. P..para makainom ka ng gamot. I'll leave..." Parang nakokonsensyang sabi ni Jane na hinintay pa kung magsasalita ang dalaga pero nanatili lang itong nakahiga. Wala na rin siyang nagawa kaya dahan dahan nalang siyang lumabas ng kwarto at maingat na isinara ang pinto.
Di pa agad siya umalis sa may pintuan at napakagat sa kuko habang nag iisip kung babalik ba siya sa loob at kukulitin niya ang dalaga na kumain o kaya humingi siya ng pasensya dahil tinarayan niya ito kanina kahit alam niyang di maganda ang pakiramdam nito.
"And why should i do that? Galit ako sa kanya! Kasalanan ko bang maysakit siya ngayon? At siya pang may ganang mag inarte e concern lang naman ako sa kan...."
"No! Di ako concern! Wala lang akong choice kasi ako na ang pinaghatid ng pagkain ni Tita sa kwarto niya.." Nagmamartsang pag aaway ni Jane sa sarili niya.
"Hija how's Coleen? Nakausap mo ba?"
Medyo nagulat pa siya ng biglang nagsalita ang Tita Lucia niya na kakaakyat lang din para puntahan ang anak.
"N..nagpapahinga na Tita. Di nga ginalaw yung dinala kung pagkain eh."
"May pagkamatigas talaga ang ulo ng batang yan, nga pala aalis na daw kayo ng Mommy mo kaya umakyat din ako dito para sunduin ka. Sabi ko nga dito na kayo magpalipas ng gabi kaso may mahalaga daw siyang lakad bukas ng umaga.." Nakangiting sabi ng Donya.
"Ahh.. Yes Tita, saka nakakahiya naman po sa inyo. Gabi na rin at kailangan niyo na rin magpahinga.."
"Dumalaw dalaw ka nalang dito hija kagaya ng dati ha.. nakakamiss yung bonding natin noon nung wala pa dito si Coleen.." May lungkot sa mga mata ng ginang ng sinabi niya yun.
"Saka kahit naman andito na siya halos dun naman tumira sa bagong office niya kaya di rin naman namin laging nakakabonding si Coleen."
Tuloy tuloy na kwento ng Mommy ni Coleen kay Jane habang pababa sila ng hagdan. May mga gusto pa sanang itanong si Jane pero di nalang niya ito itinanong sa ginang.
Pagkatapos magpaalaman ng magkumare ay umalis na rin ang mag ina dahil gabi na rin at parehas na may mga lakad pa ng maaga kinabukasan.
JANE'S POV
Tama naman ang ginawa ko diba? I mean yung sinabi ko kay Coleen? Im still mad at her. Siya pa ang may ganang magtaray sakin kanina e hinatiran ko lang naman siya ng pagkain.
Still the old Coleen. Mataray. Masungit.
But she's sick. Baka nga masama yung pakiramdam niya. Dapat di ko nalang din pinatulan ang katarayan niya. Tila nakokonsensyang napaisip ako.
So ako pa ang magpapakumbaba sa kanya? Ofcourse not! Manigas siya!
Forget her Jane. Ayaw niya sayo at halos ipagtulakan ka niya palayo para lubayan siya. Sinaktan ka lang niya matapos mong habol habulin siya dahil sa pagkagusto mo sa kanya na parang kinadirian naman niya.
Lalo lang bumalik ang sakit ng maalala ko lahat ng ginawa kong sakripisyo para sa kanya. Lahat ng masasakit na salita. Lahat ng ginawa niyang pag iwas at pag iwan sa akin.
Naiinis na nagpabaling baling nalang ako sa kama at hinagis sa kung saan ang unan na nadampot ko sa sobrang inis.
Get out of my mind Coleen! I dont deserve you!
Di ko na dapat pa siyang iniisip. Bwisit siya! E ano kung may sakit siya. We're long over. I must move on.
Nakamove on na sana ako. Well malapit na sana. Kung di lang siya bumalik at nagpakita pa sa akin at umaktong parang walang masamang nangyari noon. Na akala mo wala siyang ginawa para masaktan ako ng ganito. Bwisit siya!
Nanggigigil at naiiyak na pinaghahampas ko ang kama sa inis ko sa kanya.
Di ko pa rin kasi maitatago na namiss ko siya. Yung katarayan niya. Yung pang iignore niya sakin.
Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!
Bwisit na bwisit na di ko napigilang isigaw habang nagpapapadyak sa kama.
"What happen?! Are you okay?" Biglang bukas naman ng pinto na niluwa si Mommy na di pa ata tapos maglagay ng kung ano sa mukha bago matulog.
"I hear you scream. What happen?" Nagtatakang tanong ni Mommy. Na lumambot din naman ang tingin ng mapansing parang naiiyak ako kaya lumapit ito at tumabi sakin.
"Is it about Coleen baby? Nakapag usap ba kayo?"
Napahawak ako sa mukha ko habang pinipigilan ang luha ko. I feel so guilty and mad at the same time namimiss ko pa rin siya.
"Shhhhhhh... Let it out baby. I know you still miss Coleen. I know you still feel something about her.."
"Bakit kasi di mo nalang siya hayaang magkausap kayo para naman malaman mo ang side niya kung gusto man niyang mag explain o kung may gusto siyang malaman mo.." There, di ko na napigilang umiyak sa sinabi ni Mommy.
"I still hate her mom. Sinaktan niya ako ng sobra.. I dont think mahaharap ko siya para pagusapan yung mga nangyari before or even ask her about it or why did she do it for me to feel this way. " Parang nagsisikip ang dibdib ko habang parang batang nakayakap kay Mommy. Inalo alo naman ako ni Mommy na lalong nagpaiyak sa akin.
"I was hurt Mom. I dont think mapapatawad ko siya sa ngayon.. Pinagtabuyan niya ako when all i do is love her and show her what i feel.."
"She did'nt bother to talk to me or look for me after what happen.. she doesnt care Mom.."
Di ko pa siya mapapatawad ngayon. Masyado pang masakit.. Di niya alam ang mga sakripisyong ginawa ko para sa kanya. Para mahanap siya sa tuwing pinagtataguan at iniiwasan niya ako. Sa tuwing pinaparamdam niya sa akin na ayaw niya sakin na parang nandidiri siya at di niya matanggap ang nararamdaman ko sa kanya.
"Hush baby.. Pag usapan natin yan kapag okay kana ha.. Tama na anak.." At naramdaman ko ang masuyong paghalik ni Mommy sa buhok ko habang tuloy tuloy parin ang pag iyak ko.