Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao sa paligid namin ni Jane ng naka akyat na kami sa nakaset na red mini sofa bed kung saan nagperform ang mga babaeng nauna sa amin. Katabi nito ang mini table kung saan nakapatong ang mga shotglasses na may tequila, mga naka slice na lemon, asin at may tubig pa sa baso. May kung ano ano pa sa table. Talagang prepared. Bulong ko sa isip ko.
Gosh! I cant believe this is really happening!
Samantalang relax na relax lang naman si Jane at abot tenga pa ang ngiti nito ng mahuli niya akong nakatingin.
This girl is impossible.
I can't believe this is happening.
Lumapit na si Jane sa kinatatayuan ko ng marinig namin ang hudyat ng malanding babae na nagsisimula na raw ang oras namin.
"Be ready Coleen, papatunayan ko sayo na mali ang iniisip mo sakin. Sabi ko naman sayo di ba? Di rin ako magpapatal......"
Naputol ang pagsasalita niya ng bigla ko siyang itinulak pahiga sa mini sofa bed, kaya naman gulat na napahiga siya.
Narinig naman namin ang halos sabay sabay na pagsinghap ng mga tao sa paligid dahil sa ginawa ko. Di ko alam kung epekto ba ito ng alak na nainom ko o talagang ayoko lang na napapahiya ako. Di ko na inintindi ang nasa paligid namin.
All i want to do is finish this insanity and go home.
"I should be the one to give you a..."
"Sshhhhhhhh.." Inilagay ko ang daliri ko sa lips niya para di na niya maituloy ang sasabihin niya.
"Just watch and shut your mouth spoiled brat..."
Napatulala naman si Jane ng dahan dahang kong itaas ang dress niya hanggang ma expose ang makinis na legs niya. Napalunok ako ng makita iyon.
This lady is a goddess. Fuck! I need to focus. Ipinilig ko konte ang ulo ko.
Saka naglagay ako ng konteng asin sa legs niya.
"Dont tell me you gmmmmm..." Sinalpak ko naman sa bibig niya ang lemon para di na siya makapagsalita. Baka mawala pa ako sa tapang tapangan ko kapag ipinagpatuloy niya ang kadaldalan niya.
Narinig ko na may sinasabi ang babaeng may hawak na mic pero di ko na inintindi yun.
Mabilis na inubos ko ang tequila sa shotglass. Shit! Nakakasuka. Ayoko talaga ng lasa nito.
I start licking the salt in her legs. Pinaikot ikot ko pa ang dila ko para masimot ko lahat. May kalokohan pang pumasok sa isip ko kaya dahan dahan kong pinaakyat ang paghalik ko sa legs niya kahit alam kong wala ng asin banda dun. Nang medyo malapit na sa parteng natatabunan ng laylayan ng dress niya na halos malapit na sa singit niya ay saka ako tumigil.
Naririnig ko pa ang malalanding hiyawan sa paligid namin. Pero di na yun alintana. I also heared Jane's gasp when i knelt down to get the lemon she's bitting. Halos nakapatong na ako sa kanya ng dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Kinindatan ko pa siya bago ko sipsipin ang lemon na nasa bibig niya.
Di ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko ng bigla kong tanggalin sa bibig niya ang lemon matapos ko ito sipsipin at itapon sa kabilang gilid. The next thing i know is magkadikit na ang labi namin. I'm kissing the spoiled brat underneath me. What the hell Coleen!!!
Dahan dahan akong lumayo at bago pa ako tuluyang umalis sa ibabaw niya ay binigyan ko pa siya ng isang matamis na ngiti saka binulungan. "What now spoiled brat huh?"
At tuluyan na rin akong umalis sa ibabaw niya. Di ko naman alam kung ano ang nakain ng babaeng ito at para siyang natuklaw ng ahas sa itsura niya.
Di ko na rin pa pinakinggan ang sinasabi pa ng babaeng daldal ng daldal sa mic. Mabilis akong bumaba sa center stage at tinungo ang mga siraulo kong kaibigan.
"Gosh Coleen! You're hot back there. Di ko alam na ganun ka pala kagaling girl!" Nakangiting salubong sa akin ni Sandy na may dalang shot glass na inabot sa akin, agad ko naman itong ininom agad para mawala ang epekto ng mga nangyari kanina.
"You're really one of a kind Coleen! Halos natulala si Jane Mondragon sa ginawa mo. Abat kayo pa yata ang mananalo ngayong gabi. Hahahaha!" Pang aasar naman ni Meg.
"What?? A 24hours stay in my own hotel? Psh! " Sagot ko na umiiling habang parang tubig na ininom ko ang beer sa baso ni Sandy.
"Hey. Hinay hinay lang Coleen. Baka naman malasing ka niyan ha, ayaw naming magka award sa Mommy mo." Meg.
Para kasing biglang nag init ang katawan ko sa mga nangyari sa amin ng Jane na yun. Bwisit siya. Akala niya magpapatalo ako sa pagiging party goer niya.
Pero di ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko, kung lasing lang ba ako o baka naman di lang talaga mabura sa isip ko ang mainit na eksena sa pagitan namin ng babaeng yun. Paulit ulit kasing nagfflashback sa utak ko ang pagdikit ng mga katawan namin lalo na yung naramdaman kong kuryente nung hinalikan ko sya.
Fuck Coleen! Di na ikaw yan! Paulit ulit na sigaw ko sa sarili ko. Kaya naman bigla ko na lang kinuha ang baso na hawak ni Meg saka ko inubos lahat ng laman nito saka ko ipinilig ang ulo ko.
"Hinay hinay lang Coleen! Ano ba.. Baka naman malasing kana niyan sa ginagawa mo. Nakailang baso kana kaya ng tequila at beer!" Pasigaw na sabi naman ni Sandy sakin sabay agaw ng baso na nasa kamay ko pa.
"I really can't believe myself for kissing that girl that i dont even know!! Kahit kelan talaga kayo." Sabi ko habang nakahawak ang mga kamay ko sa buong mukha ko.
Tinawanan lang naman ako ng mga unggoy na kaibigan ko at saka pa sumigaw si Ryan ng cheers sabay abot sa akin ng isang baso pa ng beer. Parang tubig lang naman na inubos ko lahat ng laman ng baso saka nakitawa na rin ako sa sa mga baliw na kaibigan ko.
Well, t'was just a kiss naman e. Sabi ko nalang sa isip ko.
Pero bat ganun. Parang ayokong umalis sa ibabaw niya kanina. Parang ayokong tumigil sa paghalik ko sa kanya. Parang may magnet na humihila sa katawan ko para lalong mapalapit sa kanya.
Fuck it! Maybe i'm just drunk!
JANE's POV
Hanggang ngayon di pa ako nakakamove on sa mabilis na nangyari kanina. Di ko ini expect na ganun ang gagawin ng babaeng crush na crush ko. At hanggang ngayon nakatulala pa ako habang tahimik lang na nakaupo sa table namin habang busy naman ang mga kaibigan ko sa mga kasayaw at kaharutan nila.
That kiss. Para akong matuklaw ng ahas! Di man lang ako nakaresponse unlike before na ako pa talaga ang unang gumagawa ng move o kaya ako yung iiwan sa babae ng tulala. Parang nabaliktad lahat kanina.
Binalingan ko ulit ng tingin ang babaeng nagpagulo sa buong sistema ko simula pa kanina.
My heart skipped a beat when i looked at her while she's busy talking with her friends.
Ughhhh.. Bat ko kasi ginawa ang bagay na yun! Nakakahiya! Baka isipin niya na wala naman pala akong binatbat samantalang ako pa ang may dahilan kung bat kami ang napasok sa dare na yun. Paninisi ko sa sarili ko.
"Wala ka pala Jane eh! Napatunganga ka nalang sa ginawa ng kaibigan ni Ate, tinalo mo pa ang mahiyaing probinsyana kanina bakla ka! Hahahahaha" Humahalakhak na sabi ni Wendy na biglang umupo sa tabi ko.
"You're comments are well appreciated Wendy!" Sabi ko nalang sabay tapon ng masamang tingin sa kanya.
"I've known you for so many years Jane. What happened to your what so called charm? E ni hindi ka nga nakapagreact nung hinalikan ka niya e! Hahahahaha!"
"Wen, i want her!" Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya habang inuubos ang nasa baso ko.
"Come on! Not her Jane, she's one of my sisters bestfriend way back from college till now. Saka take note of this."
"She's a straight. Ibig sabihin tagshingggg! Olats. So a big NO talaga." Meg.
"I want her! Gawan mo naman ng paraan Wen please.. Kahit ano pang gusto mong kapalit gagawin o ibibigay ko! Just please make a way to get me close to her." Naka puppy eyes pa na sabi ko.
"NO! Gusto mo ba akong sakalin ng kapatid ko? Alam mo naman na tiklop ako kapag nagbunganga na yun. Kaya walang maggawa yang pagpapacute mo, at kahit bilhan mo pa ako ng bahay at lupa di na magbabago ang sagot ko na No! " Nakasimangot na sagot ni Wendy.
"Hey girls, uwi na talaga ako. May trabaho pa ako bukas. Saka Jane! Bwisit ka! Kapag ako natanggal bukas sa trabaho dahil sa pinaggagagawa mo, humanda ka sakin!" Sabi naman ni Yasmin na kararating lang galing cr.
Sasagot pa sana ako ng marinig namin na nagsalita ulit ang emcee para i-announce kung sino ang maswerteng nanalo sa daring game ng gabing yun.
Kasunod nun ay halos nakakabinging sigawan ng mga baliw na kaibigan ko ang narinig ko kaya alam ko na kung ano ang susunod na pwedeng mangyari.
Nung tiningnan ko naman ang table nila ate Meg di ko makita ang hinahanap ko.
Shit! Where did that woman go!
Nagkakasayahan sa table nina Coleen dahil sa dami na rin ng nainom nila at dahil na rin ngayon lang ulit sila nagkasama dahil flight na naman ni Coleen pagkatapos ng ilang araw kaya sinulit na nila ang gabing yun para magsaya kasama ang kaibigan.
"Fuck Coleen! You're drunk! Tama na yan ha, baka mamaya gumawa kana naman dito ng kung ano. That's enough!" Sabi ni Alexis sabay agaw sa hawak na baso ni Coleen.
"Last na yan Alex.. Wag ka ngang kj! Ngayon lang e. Hik!" Halos matumbang agaw ni Coleen sa baso na pilit nilalayo ni Alexis.
Inalalayan naman ng mga kaibigan ang lasing na na si Coleen saka inupo sa upuan.
"We need to go Coleen. Lasing kana talaga, baka di na kami makapunta ng bahay niyo nito kapag nalaman ito ni Tito."Ryan.
"I'm not that drunk girls. I can handle myself." Sagot ni Coleen na hinihimas himas ang sentido habang nakapikit.
"You cant go home like that! Lasing kana. Pag yung Kuya mo dumating na naman dito." Tumatawa tawang sabi naman ni Meg na lasing na rin.
"Kaya ko sarili ko okay. Ako paba. Dont mind me. Kuya? Naglilihi asawa nun, for sure di yun susugod dito para sunduin ako. Hehehehehe!"
"You sure Coleen?" Tanong naman ulit ni Meg na natatawa.
"Oo naman. Pero mauuna na ako. I'm with my date remember? Uuwi na kami." At bigla na lang tumayo si Coleen na tumatawa.
"Date????" Sabay sabay na sabi ng apat na kaibigan niya na kapwa nagulat.
Di na sila nilingon ni Coleen na tuloy tuloy ang paglalakad patungo sa table na pupuntahan niya.
JANE'S POV
Kanina pa ako inaabutan nina Yasmin ng alak pero parang ayoko uminom. Ayoko naman kase na makakasama ko si Coleen ng lasing ako. Baka tulugan ko lang sya tapos paggising ko wala na sya.
Shit! Tinamaan ata talaga ako sa babaeng yun. Bat ganito nalang ang dating niya sakin. Halos di nga sya mawala sa isip ko e. One more. Di naman ako ganito dati.
Nagpalinga linga ako ng di ko sya makita sa table nila. Sina ate Meg at ate Sandy nalang ang nakaupo dun. Baka nag cr lang siguro..
"Di kaba iinom Jane? Kanina pa yang alak sa baso mo aba! Panis na yan." Pang aasar ni Charlotte na di ko nalang pinansin.
"Jane okay ka lang ba? Kanina kapa linga ng linga dyan e marami namang magandang chicks sa harapan natin. Hahahaha" Wendy.
"I'm not interested." Simpleng sagot ko sabay kuha ng baso sa table na inumin ko na sana ng biglang may umagaw nito.
"What the fu..." Di ko natapos ang sasabihin ko ng bumulaga sa harapan ko ang isang dyosa.
"You're not allowed to drink that. Let's go. I'm tired." Seryosong sabi ni Coleen sabay hatak sa kamay ko patayo at napanganga na lang sa ginawa niya.
"Hey.. Where are you two girls going huh? We're not done h..." Sabi naman ni Charlotte na biglang hinawakan ni Yasmin ang bibig.
"Uhmmmmm.. You may go Miss Coleen..Ingat po kayo." Kandautal naman na sabi ni Yasmin.
"We're going.. Umuwi na rin kayo. Di kayo dapat nagpupuyat dito." Sabay talikod ni Coleen na hawak hawak pa rin ang kamay ko kaya napasunod nalang ako dito.
OMG. She's holding my hand. Kinikilig na bulong ko sa utak ko habang sumusunod ako sa kanya.
"Coleen! Wait! Uuwi kana??" Humahangos na habol naman ni Ate Meg kasama si kuya Ryan.
"Iuuwi ko na 'to. I also want to sleep."
Nakita ko naman ang sabay sabay na tingin nila sa akin na hawak hawak parin ni Coleen.
Ano daw??? Iuuwi niya ako?
Nagpaulit ulit itong nagplay sa utak ko. Kinikilig na sabi ko sa isip ko.
"Sya? Jane. Ikaw na bahala dyan sa kaibigan kong yan ha. Naka inom yan. Pagpahingahin mo na ka...."
"I can handle Meg, We're going..'' Sabay hila ulit ni Coleen sakin. Naiwan naman sila na mga nakanganga sa mabilis na pangyayari.
Pagkalabas namin ng bar nina Wendy ay pinara niya agad ang dumaang taxi.
"Get in." Masungit na sabi niya.
"W.. where are we going?"
"Just get inside the cab young girl." Nababagot na sabi pa nito kaya sumunod nalang ako. Aalalayan ko pa sana sya dahil muntik na syang matumba bago niya buksan ang pinto ng taxi pero agad naman itong nakabawi. She's drunk.
Sinabi niya sa taxi na sa CBCT hotel daw kami saka sya umayos ng upo at hinawakan ang ulo niya saka hinilot hilot.
"Okay ka lang ba?" Nahihiyang tanong ko. Bat kasi naman uminom inom mg marami. Baka mamaya nito di pa ako maka score. Shit! Ayan na naman kapilyahan ko.
Di naman sya sumagot at humilig lang sa balikat ko saka bumuntong hininga.
Nakatulog na ata siya. Di na rin kasi uniimik pa saka ramdam ko na medyo malalim na ang hinga nya.
"Ma'am nandito na po tayo."
"Okay. Just wait. Ibababa ko lang ang kasama ko." Sabi ko nalang saka ko binigay ang bayad bago ako lumabas at umikot sa kabilang pinto ng taxi.
Pano ko ba 'to gigisingin.
"Hey.. We're here.. Ahm... " Nalilitong sabi ko habang niyuyugyog sya. Nagising naman sya at biglang hinawakan ang ulo.
"Shit!" At pumikit ukit sya sabay hawak sa ulo niya.
Inalalayan ko sya bumaba dahil di na niya halos kayang tumayo. Sumunod naman sya at halos yumakap pa sa baywang ko. Eto na naman. Para na naman akong kinukuryente.
"Ma'am, kailangan niyo po ng tulong?" Lumapit naman ang isa sa recepcionist na nakasalubong namin.
"No. We're fine. Hik!" Kumumpas pa si Coleen sabay hawak ulit sa bewang ko. At nilagpasan lang namin ang naiwang nakatulalang babae na di na nakasagot nung siguro mamukhaan si Coleen. Oo nga pala. Sya ang may ari ng hotel na 'to.
Nung makarating kami sa Penthouse hinanap ko nalang yung susi niya sa pouch na dala dala niya saka kami pumasok. Hiniga ko nalang agad siya sa kama niya dahil sumasakit na rin balikat ko dahil sa bigat niya.
What to do? Di pa naman ako marunong mag alaga ng lasing.
Saka ako napatitig sa magandang babae na tulog na tulog sa kama.
You're such a temptress Coleen..