The Lady Marine Engineer Chapter 7

Nanakit ang mata ni Coleen kaya nagising siya dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha niya galing sa medyo nakabukas na blue curtain ng kwarto niya. Napahawak nalang siya sa ulo niya ng babangon na sana sya.

"Shit! Ughhhh!" At walang pakialam kahit naka undie at shirt na malaki lang sya ng tumayo ito na parang bata na nilalandas ang daan papunta sa nakahawing kurtina ng kwarto niya para iayos ito.

Nadaanan pa niya ang malaking salamin at napahawak ulit sya sa ulo ng makita ang sarili niya dito.

Walang pakialam ito na bumalik sa kama at pumasok sa kumot saka yumakap sa unan sa right side ng kama niya..

"Hmmmmmmm..."

Walang pakelam na hinigpitan pa lalo niya ang yakap sa akala niyang unan na malambot. Saka dinantay ang kabilang legs niya dito bago ipinikit ang mata.

Ilang segundo pa..

"What the hell??!"  At bigla siyang napabangon sabay tingin sa babaeng katabi niyang nakadapa at halos hubad at tanging pang ibaba lang nito ang suot nito.

Nanatili namang di gumagalaw ang babaeng sarap na sarap pa ata sa pagtulog nito.

Hinilot hilot naman ni Coleen ang sentido habang pilit inaalala ang mga nangyari nung gabi.

"Ohhhh! Shit!" Saka siya nagmamadaling bumangon at dumiretso sa cr saka dun sya nagsuka ng nagsuka..

COLEEN'S POV

Sobrang sakit ng ulo ko! Ayoko na talagang uminom! Paulit ulit na sabi ko sa utak ko. Kanina pa kasi ako suka ng suka dito at nanghihina na ako. Napadami ata talaga yung nainom ko kagabi.

Naghilamos ako at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Saka ko kinuha ang di pa nabubuksang toothbrush set at saka nagsipilyo.

Dumami na naman ang red marks sa leeg at sa ibang parte ng katawan ko.

Ganito kasi ako kapag umiinom. Di naman ata sya severe allergy kasi okay naman ako kaso mga two days pa bago mawala ang mga red marks na 'to. Kaya isa ito sa dahilan kaya di ako talaga umiinom.

Naihilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko sa inis ng maalala ang ilan sa mga nangyari kagabi! Kung di kasi dahil sa babaeng yun di ako napasubo sa bar kagabi. Damn!

Pagkatapos ko magtoothbrush ay dali dali kong binuksan ang shower at naligo. Baka sakaling mawala ang hang over ko.

Pagkatapos ko maglagay ng lotion sa katawan ko at muling magmumog ay palabas na ako ng wash area ng halos naman malaglag ang panga ko sa tumabad na tanawin sa harapan ko.

Parang boss na nakatayo ang babaeng dahilan ng pag init ng ulo ko sa harapan ko habang nakasandal pa sa gilid ng pinto at nakaharang pa sa dadaanan ko. Nakacross ang dalawang braso nito na sya lamang tumatakip sa dibdib nito at tanging pang ibaba lang nito ang suot niya.

Parang ang sarap niyang yakapin.

Kung alam ko lang na siya pala talaga yung akala kong unan kanina di sana mas lalo ko pa syang kinulong sa yakap ko.

Erase!!! What on earth am i thinking. Parang baliw na paninita ko sa sarili ko.

"There's some clothes at the closet that may fit you."

"I mean... psh!!! Just fix your self and you may go. I have a lot of things to do today." At dumiretso ako ng lakad papalabas ng wash room. Nakakainis!

"You're blocking my way." Sabi ko ng makitang di man lang siya natinag sa sinabi ko, at nakangiti pang nakatingin lang sa akin.

Bat ba ako kinakabahan.

Ano bang ginagawa niya sa dàdaanan ko. Di ba siya nilalamig.

"That's it, Miss Coleen? Wala man lang thank you? O kaya..." Ikinumpas pa nito ang kanang kamay nito dahilan para maexpose ang hinaharap nito na di maiwasang tingnan ko.

Mabilis na nag angat agad ako ng tingin deretso sa mukha niya saka humalukipkip. Nahagip pa ng mata ko ang nakakatuksong pag ngiti nito sa reaksyon ko sa ginawa niya.

Nagkasukatan lang naman kami ng tingin at naningkit ang mata ko ng maramdaman ko amg dahan dahang paglapit nito. I feel like burning and uneasy with our situation.

Nang halos dalawang dangkal nalang ang layo niya sa akin at nakita kong akmang lalo pa siyang lalapit papunta sa kinatatayuan ko ay agad ko siyang tiningnan ng masama.

"Where are you going?

STOP!" Biglang lumabas sa bibig ko at biglang kumabog ang puso sa maaari nitong gawin. What's wrong with this girl!

Pero di siya tumigil at bigla ko nalang naramdaman ang pagdampi ng mainit na halik niya sa cheeks ko na ikinatulala ko.

"Wala man lang kahit good morning. That's what i want to say. " At natatawang pumasok ito sa cr saka sinara ang pinto.

What the hell happen?

Ano bang trip ng babaeng yun para halikan ako?

At bat ganun nalang ang epekto niya sa akin simula pa kagabi.

Baka lasing lang ako kagabi.

Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom.

Hang over lang siguro talaga 'to.

Ang dami ko pang dapat ayusin.

JANE'S POV

Habang naliligo ako, di mawala sa isip ko ang eksena namin simula pa kagabi at kanina. Napakaganda niya talaga. Lalo siyang gumaganda kapag sinusungitan niya ako.

Napangiti pa ako lalo ng maalala ko kagabi nung ako mismo ang nagpalit at naglinis sa kanya dahil sobrang lasing niya.

Parang baliw na pumikit ako habang ini imagine ang mukha niya..

Di ko na ata namalayan ang oras dahil halos isang oras na pala ako sa shower room.

Nagmamadali kong ibinalot ang buhok ko sa towel at mabilis na isinuot ang robe na nakasabit sa shower room bago lumabas.

Hinanap siya ng mata ko pero di ko na siya makita sa buong kwarto. Pabalik na ako sa kama ng may nakita akong maliit na papel kaya dinampot ko ito agad.

" I need to go. I have so many works to do. I already call your friend Yasmin regarding your things na kakailanganin mo. You have exams this day right? Ayusin mo sarili mo. Wait for your breakfast before you leave this room. "

Napangiti ako sa nabasa ko.

Kahit naman kasi napakasungit pa rin ng dating ng note na iniwan niya, napakasweet niya pa rin.

Humiga ulit ako sa kama niyakap ang unan na gamit ni Coleen kagabi. Para na akong baliw na nakangiti habang paulit ulit na binabasa ang iniwan niyang note.

Ang bango bango niya talaga. Nakadikit parin kasi sa unan na gamit niya kagabi ang pabangong unang una kong naamoy sa kanya.

Nasa gitna ako ng pag iimagine ng makarinig ako ng katok sa pinto kaya naman bigla akong napabangon.

Baka bumalik siya. Napangiti ako sa naisip ko.

Kaya nagmamadaling tinungo ko ang pinto at mabilis na binuksan.

"Ikaw??"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.