The Last Will Series 1 - 4 Chapter 12

IT WAS a nice afternoon. At dahil wala rin naman maggawa si Mandy sa mansion ng mga De Guzman ay napagpasyahan niyang pumayag sa paanyaya ni Agnes na mag-swimming sila sa may kalakihan rin na swimming pool sa loob. Isa pa, gusto rin niya na makipag-bonding sa babae. Napagtanto naman niya na tama ang kanyang naging pasya dahil nagkaroon siya ng masayang oras kasama ito.

Hindi naman pala ganoon kataray si Agnes. She just looked spoiled but she was sweet. Nang sabihin niya rito ang kondisyon niya ay nanlaki ang mga mata nito sa tuwa.

“Oh my God! Lahat kami rito ay sabik ng magkaroon ng baby sa pamilya. That was a very good news!”

Tumaas ang isang kilay ni Mandy. “Hindi ba at may anak na si Blaise sa dating karelasyon niya?”

Tumango ito. “Pero hindi namin kailanman nakasama ang bata. Hindi siya gustong ibigay ng ina at pamilya nito kay Kuya Blaise. Kahit ang dalaw-dalawin man lang ay hindi maggawa ni Kuya.”

“At sina Christien?”

Nagkibit-balikat ito. “Muntik na. Nagkaroon lang ng miscarriage si Ate Emerald na siyang pinag-ugatan ng paghihiwalay nilang dalawa. But they were trying to fix their marriage and try to have a baby again so its a good news, too. May makakalaro rin ang baby mo!”

Napangiti si Mandy sa isipin na iyon. Naalala niya noong bata siya na masyado siyang sabik sa kalaro. May mga oras na hinihiling niya na sana ay magkaroon siya ng kapatid. Nag-iisang anak kasi ang kanyang ama at ang ina niya naman ay kahit mayroong isa pang kapatid ay hindi nagkaroon ng anak sa asawa nito. Nakabase rin ang mga ito sa States kasama ang kanyang mga Lolo at Lola. Siya lamang ang nag-iisang bata sa pamilya. Nagustuhan niya ang isipin na hindi lalaki ng mag-isa ang anak niya. Hindi nito mararanasan ang buhay na mayroon siya noon.

Pero mangyayari lamang iyon kung sakaling papayag siya sa gusto ni Rolf. If she would be his wife, she and her kid would be a member of this family, too. Sa isipin naman na iyon ay nagulo na naman si Mandy. Gusto niya ang pamilya ni Rolf pero gusto nga ba talaga niya na maging asawa ng lalaki? Handa na ba talaga siya?

Kahit masasabi niyang pumapayag na ang puso niya ay hati pa rin ang kanyang isipan. Marriage---it was a life time commitment. Kaya niya ba talaga? At si Rolf, tama ba na magtiwala siya rito gayong factor pa rin ang bata kung bakit sila magpapakasal? Masyado rin na malapit ang ugali nito sa kanyang ama. Maaatim ba niya na magbulag-bulagan lamang kagaya ng ina niya sa mga susunod na taon kung sakaling bumalik muli si Rolf sa pagiging playboy nito?

Sandali pa lang naman ang lahat. Hindi pa niya masasabing lubos ng nakukuha ni Rolf ang buong tiwala niya. Kailangan niya pa ng higit na patunay maliban sa mga damdamin na ibinibigay nito sa kanya. Hindi pa sapat ang mga kasiyahan na iyon. Kinalma na lamang ni Mandy ang sarili sa isipin na hindi naman siya pinagmamadaling magdesisyon ni Rolf.

Mahigit isang oras rin sila sa pool ni Agnes nang sabihin nito na kailangan nitong umalis.

“Okay lang. Mag-stay na lang muna ako dito sa pool. I quite enjoy being here.”

“Okay then. I’ll leave you here. Nabasa ko rin naman kasi na mabuting exercise sa mga buntis ang swimming.” Iyon lamang at iniwan na siya ni Agnes.

Hindi naman pinilit ni Mandy na mag-swimming talaga. Nagbabad lamang siya sa swimming pool kagaya ng ginawa nila ni Agnes kanina. Hindi niya pa gustong pilitin ang sarili sa mga pampisikal na gawain. Maselan ang lagay niya at bagamat ramdam niya na naka-recover na siya dahil nagkaroon na siya ng mahimbing na tulog nitong mga nakaraan, gusto rin niya na maging maingat.

Matagal-tagal rin na mag-isa si Mandy nang makaramdam siya ng malakas na presensiya sa paligid. Nang ilibot niya ang mga mata ay nakita niya si Rolf sa hindi kalayuan at nakatingin sa kanya.

“Inoobserbahan mo ako?” sinalubong ni Mandy ang tingin ni Rolf at nagsalita.

Ngumisi si Rolf. “And I was enjoying.” Lumapit ito sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan?”

Mandy almost rolled her eyes. “Hindi pa ba obvious?”

“Alam ko. Pero bakit mag-isa?”

Sinabi niya rito ang pagyaya sa kanya ni Agnes roon at ang pag-alis nito.

“Ah, but do you care for some company again?”

Itatataas na sana ni Mandy ang isa niyang kilay nang ma-distract siya sa isa-isang pagtanggal ni Rolf ng butones ng suot nitong polo shirt. Humantad ang magandang katawan nito sa harapan niya. Kaagad na bumangon ang iba’t ibang damdamin sa dibdib niya.

Oo, nahahawakan niya at nagkakalapit ang mga katawan nila ni Rolf pero kailan ba ang huli niyang paghawak roon ng may pagnanasa? Kailan ang huling mabagal na paglandas ng kamay niya sa mabalahibong dibdib nito at sa mala-pandesal na abs nito? Bumabalik sa isipan ni Mandy ang mga oras na iyon at kahit nakababad sa swimming pool ay hindi noon naalis ang biglang pag-iinit ng kanyang katawan.

Hindi na napigilan ni Mandy ang mapalunok para kahit papaano ay basain ang nanunuyong lalamunan. Pero tila kulang na kulang pa iyon na sa tantiya niya ay kahit yata inumin niya ang lahat ng tubig sa swimming pool ay hindi maalis ang kanyang pagkauhaw. Paano ba naman kasi, pagkatapos na maalis ni Rolf ang damit ay isinunod naman nito ang pambaba nito. Tanging boxer shorts lamang ang natira sa mala-Diyos na katawan ni Rolf.

Tumalon si Rolf sa swimming pool. Lumapit ito sa kanya. Nasa mababaw na parte lamang siya ng swimming pool kaya naman hindi rin natakpan ng tubig ang makasalanang katawan nito. His muscular torso brightened by the hot sun. Ang tubig naman ay libreng nakapaglakbay sa katawan nito na nagkaroon ng malaking inggit at selos ang kanyang isip dahil roon. Lumakas ang tibok ng puso niya nang ilagay nito ang mga kamay sa balikat niya.

“Like what you see?” nakangisi pa na wika ni Rolf at kahit alam niya na inaasar lang siya nito ay hindi niya naggawang itanggi sa isip niya iyon. Pero pinilit niyang huwag tumango. She was good. Palagi siyang nanalo at hindi niya hahayaan na sirain ni Rolf ang record niya na iyon!

“You are seducing me.”

“At gusto mo iyon.” Punong-puno ng kumpiyansa naman na sagot ni Rolf.

Hindi nakapagsalita si Mandy. Hindi na yata niya kasi kayang magsinungaling pa. Masyado na siyang nalulon sa charm ni Rolf. Namula ang pisngi niya.

Kinuha naman ni Rolf ang pagkakataon na iyon para hawakan ang kanyang mga pisngi. “You don’t even try to hide it...”

At bago pa makapagsalita muli si Mandy ay unti-unti ng nilapit ni Rolf ang labi nito sa labi niya. Hinalikan siya nito.

His kiss was hot and hard. Kagaya na lamang ng gusto niyang palaging makita at maramdaman kay Rolf. Parang naglalarawan kasi iyon ng lahat ng bagay iyon. Gusto niya ang halik at kagaya ng mga hindi mapigilang emosyon na umaahon sa katawan ni Mandy, ganoon rin ang sarili niya sa pagbalik sa halik nito. God, she really missed the moments! Hinayaan niya ang sarili na maaliw sa mga sandali.

“You drive me mad and crazy...”

And so am I. Mali ang lahat ng ito `di ba? Hindi pa siya nakakapagdesisyon pero parang sa mga ginagawa niya ay ipinapakita na niya kay Rolf ay parang sinasagot na rin niya ito ng oo. Binibigyan niya ito ng pag-asa dahil lamang sa hindi niya mapigilan na damdamin sa dibdib niya.

Damn Rolf and his overpowering charms! Gustong isisi ni Mandy sa lalaki.

Rolf was already groaning when Mandy decided to finish the kiss. O mas masasabi niyang desisyon iyon ng isang tao na nasa pagitan nila.

Lumayo si Mandy kay Rolf at napahawak sa kanyang sinapupunan.

“Mandy, what’s wrong?” sa halip na pagkairita dahil sa naputol na romansa ay purong pag-aalala ang naramdaman niya sa tinig ni Rolf.

Nanlalaki ang mga mata ni Mandy nang may maramdaman muling galaw sa kanyang sinapupunan. “I-it was moving!”

Natigilan si Rolf pero maya-maya ay lumapit rin sa kanya. Hinawakan nito ang sinapupunan niya. Sabay nilang dinama ang kilos ng sanggol roon.

“Gumagalaw nga.” Puno ng amusement ang boses ni Rolf.

“Ito ang unang beses na naramdaman ko siya. I-it was wonderful.” Nararamdaman naman ni Mandy na kung kanina ay mamatay na yata siya sa kasiyahan sa sobrang sensasyon na ibinibigay sa kanya ni Rolf, ngayon naman ay naiiyak siya sa tuwa. Ganito ba talaga kapag buntis ang isang tao? Sari-sari ang nararamdaman?

“It is.” Sinalubong ni Rolf ang tingin niya. “It was amazing. Thank you for sharing this moment with me, Mandy...”

Nakikita ni Mandy ang kasiyahan at ningning sa mga mata ni Rolf. Parang nararamdaman rin niya na ilang sandali na lamang at maiiyak na ito sa sobrang tuwa.

Gusto ni Mandy ang pakiramdam na naibahagi niya ang mga sandaling iyon iyon kay Rolf. It feels like they were more than partners. Gusto rin niya ang nakikita niyang saya sa mukha ni Rolf. Tila sabik na sabik rin ito. Hindi lang siya ang may gusto sa bata, ganoon rin si Rolf.

Sa mga nangyari, tila napatunayan at naramdaman ni Mandy na magiging malayo naman sila ni Rolf sa naging magulang niya. Attracted sila ni Rolf sa isa’t isa. Buwan na ang nakalilipas at naroroon pa rin ang atraksyon. They love both feeling whenever they are each other---or at least, sa side niya. Gusto rin nila pareho ang anak na aksidenteng nabuo nila. Kung hindi ganoon, hindi niya makikita ang kasiyahan at pananabik sa mga mata ni Rolf kaya ganoon...

Sapat na nga ba ang lahat? Kaunti na lang at mukhang makukuha na ni Rolf ang kanyang matamis na oo sa kabila ng kaunting effort lang naman nito.

“ANONG ginagawa mo rito, Attorney?” nakakunot noong tanong ni Rolf nang makita si Attorney Morales sa bahay nila. Ito ang naabutan niya pagkauwi niya galing sa meeting ng golfer’s society na in-attend-an niya kaninang umaga.

Nagkibit-balikat ang napakapormal na abogado. “Binibisita ka. Narinig ko mula kay Agnes na may inuwi ka raw na babae sa mansion.”

Tumango si Rolf. “Yeah. Pero ano naman kung ganoon?”

“Ito ang unang beses na nag-uwi ka ng babae sa mansion niyo, Rolf. Dahil roon ay mapapatunayan na natin na mayroon ka ng seryosong relasyon.” Kinuha ng abogado ang isang dokumento mula sa suit case nito. “The golf club is yours now.”

Napaawang ang labi ni Rolf. Hindi niya inaasahan iyon.

“Congratulations, Rolf. Sa inyong magkakapatid ay ikaw ang pinakamabilis na nakatapos sa kagustuhan ng Tita mo.”

Hindi pa rin nakapagsalita si Rolf. Tinitigan lamang niya ang dokumento.

“But the golf club extension, hindi ko pa maibibigay sa iyo. Malinaw na naman sa iyo kung bakit.”

Tumango si Rolf. “I can have that if I get to marry Mandy.”

“At sa tingin mo ay magkakaroon ba ng pag-asa?”

“I did ask her. She’s pregnant by the way.”

“Oh...” tumango-tango ang abogado. “Kung buhay ang Tita mo ay siguradong matutuwa iyon.”

Tumango si Rolf. Minsan na rin pumasok sa isipan niya ang bagay na iyon. Masyadong sabik ang Tita niya sa bata. “It’s all in the past now. Gaano man natin gustong makita ang reaksyon ni Tita ay hindi na mangyayari iyon.”

“Right. All the best and...Congratulations. Ibibigay ko ang dokumento pagkatapos mismo ng kasal niyo.”

“Huwag muna.”

“Bakit? Sinabi mo na niyaya mo siya at---“

“Hindi pa rin siya pumapayag.” Nagdilim ang mukha ni Rolf. Pero alam niya na hindi iyon dahil sa naiinis siya dahil hindi niya pa lubos na makukuha ang lahat ng mana niya at maaaring hindi rin iyon mangyari. Mas naiinis siya dahil gustong-gusto niya si Mandy pero pilit pa rin ang pagtanggi nito sa kanya.

“Well that’s a surprise,” komento pa ng abogado. “Kung ganoon ay sabihan mo na lang ako kung---“

Hindi na pinatapos ni Rolf ang abogado. Tumango siya at pinilit na hindi na patagalin pa ang usapan. Hindi niya gusto na makita rin ni Mandy ang abogado at magtaka kung ano ang ginagawa nito roon. Hindi niya gustong malaman nito ang kasunduan dahil paniguradong magiging masama para rito ang dating noon. Pagkatapos ng lahat, hindi lang naman talaga ang mana ang dahilan ni Rolf kung bakit bumalik at nagpupumilit siya sa buhay ni Mandy. Naging daan lamang iyon.

Nang makaalis ang abogado ay hinanap ni Rolf si Mandy. Natunton niya ito sa swimming pool ng mansion. Nitong mga nakaraang araw ay paboritong lugar nito iyon. Ayon kasi rito ay madalas na gumagalaw ang baby kapag nasa tubig ito. Mandy was so amused with that and so was he.

Dahil aliw sa pagiging babaero si Rolf, hindi pumapasok sa isip niya noon ang magkaroon ng anak. Maingat rin siya. Alam kasi niya na kung sakaling dumating ang isang anak ay maaaring maging komplikasyon iyon sa mahal niyang pamumuhay. Pero hindi niya naiisip iyon sa kung ano na namamagitan sa kanila ni Mandy. Sa halip, naging malaki pa ang kasiyahan niya. Nasabik siya sa pagdating ng bata.

“Hey,” bati ni Mandy sa kanya nang makita siya.

“Hey yourself. Anong ginagawa mo rito? Dapat ay nagpapahinga ka.”

Hindi sana gustong umalis ni Rolf kanina. Sobrang nag-aalala kasi siya kay Mandy. Masama ang pakiramdam nito kanina at bahagya ng nakakain ng almusal. Ilang beses itong nagsuka dala na rin ng pagbubuntis nito. Kahit kasi tapos na sa first semester ay nakakaramdam pa rin ito ng mga senyales ng paglilihi. In-assure lamang siya ng kapatid na si Allain at Agnes na aalagaan ang babae kaya naka-attend siya ng meeting. Gustuhin man kasi niya na hindi ay hindi rin puwede. Siya ang presidente ng Golfers Society of the Philippines at kailangan ng presensiya niya sa meeting. Ganoon pa man, oras-oras na tinatawagan niya si Mandy para malaman ang lagay nito.

“Maayos na ako ngayon. Nakausap na kita tungkol doon.” Sagot ni Mandy.

Sa huling dalawang tawag niya ay sinabi na nga ni Mandy iyon. “Nag-aalala pa rin ako.”

Umingos pero nanatiling nakangiti si Mandy. “Hindi na yata nawala iyon sa `yo.”

“Well, in everything that concerns you, I am. Importante ka sa akin kaya tama lamang iyon.”

Hindi nagsalita si Mandy pero naramdaman niya na naapektuhan ito sa kanyang sinabi. Namula ang mukha nito. Lahat ng samang nararamdaman niya dahil na rin sa pag-aalala rito kanina ay nawala sa itsura lang nito na iyon. She looked lovely. Nang dahan-dahan rin na umahon ito sa swimming pool ay gumanda lalo ang pakiramdam ni Rolf. Kahit halata na ang baby bump ni Mandy ay nakakatulo laway pa rin ang ganda ng katawan nito sa konserbatibong one-piece bikini nito. Nakaramdam rin ng pag-iinit ng katawan si Rolf in just that mere sight of her.

Kakaiba talaga si Mandy. Hindi siya kailanman nakaranas ng ganoong pakiramdam sa ibang babae. Madalas ay isa o dalawang linggo lamang ang tinatagal sa kanya ng isa. Mabilis siyang magsawa, gaano man kaganda ang isa. Pero simula nang magkakilala sila ni Mandy, wala ng ibang babae na nakapukaw ng interes niya.

Noon ay gustong isisi ni Rolf ang nangyari sa Tita Judith niya kaya simula nang maghiwalay sila ni Mandy ay wala ng babaeng nakalapit sa kanya. Ginupo na kasi ito ng sakit nito dahilan para ibigay na lamang niya ang lahat ng oras niya rito. Inalagaan niya ito sa mga huling sandali ng buhay nito. Nang mawala ito ay binalikan niya si Mandy dahil tanging ito lang naman ang minsan na niyang naisipan na maaaring mag-fit sa stipulation sa will na babaeng bibigyan niya ng seryosong relasyon. Nang maghiwalay sila ay iyon ang unang beses na nasaktan siya. Hindi rin niya kaagad na natanggap iyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit sa tingin niya ay si Mandy talaga ang perpektong babae na tutulong sa kanya para makuha ang mana. At tama naman ang kanyang desisyon. He still wanted and ache for her.

Sinalubong ni Rolf si Mandy. Niyakap niya ito at sa halip na ganting yakap ang makuha niya ay tinampal nito ang kanyang balikat.

“Rolf, basang-basa ako!”

Natawa si Rolf. “So what? I always wanted you wet, Mandy...” Wet for me.

Lalong namula ang mukha ni Mandy. “You’re so annoying. Alam mo ba iyon?”

“I’m annoying yet you are blushing. Gaano mo pa man itanggi ang nararamdaman mo sa akin, palagi kang pinagkakanulo ng katawan mo.” Ang laki ng ngisi ni Rolf.

Inirapan siya ni Mandy. Akmang tatalikod na si Mandy sa kanya nang hawakan niya ang mga kamay nito. Nawalan ng balanse ang babae pero mabilis naman niyang nakuha ito.

“Rolf! Hindi mo ba naisip na---“

Kayang aminin ni Rolf na sandaling nag-alala siya sa nangyari kay Mandy. Kung tuluyan ngang nahulog ito ay maaaring masaktan ito. But then, alam rin naman niya sa sarili na hindi niya magagawang pabayaan ito.

“Don’t worry, I will always catch you even when you literally fall, Baby.” Wika ni Rolf sabay kindat sa babae.

Tila natigilan si Mandy sa sinabi niya. Kumurap-kurap pa ito hanggang sa umepekto na sa mukha nito ang sinabi niya. Namula na naman ang pisngi nito.

Dapat ay corny pick-up line lamang iyon para kay Rolf. Pero nang sinubukan niyang kapain ang damdamin, tila hindi lamang iyon ganoon. Madalas ay mga joke lamang ang pick-up lines. Pero hindi maramdaman ni Rolf na ganoon iyon. Dahil tila hindi lamang literally na kayang gawin iyon ni Rolf. Kahit figuratively ay nararamdaman niya na kaya rin niya na gawin iyon.

If Mandy would fall in love with him, he will willingly catch her, too.

Napangiti pa si Rolf kaysa sa mabahala. At ang sinisising dahilan niya ay ang damdamin niya. Kung ngayon ay literal na nahulog sa kanya si Mandy, nararamdaman niyang siya naman ay figuratively na nangyari iyon.

Minsan na tinanong niya ang isang hopeless romantic na kaibigan niya kung ano ba ang pakiramdam ng in love. Noong una ay napapangiwi siya dahil pakiramdam niya ay napaka-corny noon at tila naman imposibleng mangyari. Lumalakas daw ang tibok ng puso, may urge na gustong makasama ang taong iyon palagi at hindi mo maisip ang araw kung kailan maghihiwalay kayo. Pero wala nga yata talagang imposible sa mundo. Dahil napagtanto niya na lahat ng mga iyon ay naramdaman niya kay Mandy.

He was falling in love with the woman and he cannot do anything about it. Though hindi naman niya gustong may gawin pang kilos tungkol sa damdamin niyang iyon. Ang totoo ay gusto lamang niyang panatilihin ang pakiramdam na iyon sa puso niya pang-habang buhay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.