“DAMN,” mahinang mura ni Blaise habang tinitignan sa malayo si Blair. Mahinang umiiyak ito sa isang tabi. Ilang beses na niya itong nilapitan para pakalmahin, sinusuyo. Tumatahan naman ito pero maya-maya ay umiiyak muli.
Itanggi man ni Blair, alam niya ang problema---si Poppy. Nami-miss nito ang ina. Nasanay ito rito. Kahit siya naman ay tinuturing iyon na problema. Ano ba kasi ang problema nito? Bakit bigla-bigla at kay dali na ibinigay nito sa kanya si Blair? Ni hindi pa nga niya nasasabi na iyon ang dahilan kung bakit niya dinalaw ang mga ito. Pero kahit ilang beses na niyang tinanong ang bata, kagaya rin iyon ng pinapahiwatig ni Poppy.
“Mas makakabuti kung sasama ako sa `yo, Daddy.” Sagot ni Blair. Magaling mag-tagalog ang anak sa kabila ng sa ibang bansa ang mga ito nakatira. Nang tanungin niya ito kung bakit, Tagalog naman daw kasi kung kausapin ito ng ina. Hindi rin daw ito nakakalabas ng bahay kaya walang kaibigan. Hindi pa ito pumapasok sa school.
Mabigat ang loob ni Blaise. Nakakaramdam na talaga siya ng masama sa kanyang mag-ina.
Tinawagan niya si Brendon.
“Hindi ka pa ba uuwi?” may kasambahay naman si Brendon sa bahay nito. Pero kahit ang mga ito ay hindi rin sanay sa bata. Hindi ng mga ito mapatahan si Blair. Naisip niya si Brendon dahil sa ugali nitong mapagmahal sa lahat. Paniguradong mapapaamo at mapapatahan nito si Blair. Wala na siyang ibang kakilala sa America para mapakiusapan kundi ang lalaki.
“Hindi pa. Kumusta si Blair?” masaya naman ang tinig ng lalaki. Naikuwento niya rito na nakuha na niya si Blair.
Huminga nang malalim si Blaise. “Iyon na nga ang problema ko. Mukhang ikaw lamang ang makakasagot nito.”
“Maybe. Pero sa tingin ko ay mas lalo si Poppy. Balikan mo siya,”
“He shut me off, Brendon. Isa pa, parang pinipigilan rin ako ni Blair. I don’t know. May masama akong pakiramdam...”
“Okay, tatawagan ko ang kilala kong private investigator para mag-imbestiga. Hindi mo na naman siguro ako pipigilan?”
Matagal ng gusto ni Brendon na gawin iyon sa kanyang mag-ina. Mabait nga kasi ito, concern sa lahat. Pero pinagsabihan niya ito na huwag na. Hindi na niya gustong makialam pa dahil iyon rin naman ang gusto ng pamilya ni Poppy. Pero hindi na ngayon. Ramdam niyang may mali sa sitwasyon.
Pumayag si Blaise sa payo ng kaibigan.
“Let’s just hope na magiging mabilis ang imbestigasyon.” Wika ni Brendon at maya-maya ay pinatay na ang tawag.
Nagpunta si Blaise sa terrace ng bahay. Sa loob ng ilang minuto ay nanagarilyo siya. Ginagawa lamang niya iyon kapag kailangan niyang kumalma. In his situation right now, he badly needs it. Pero gustuhin man niya na makadalawang stick ay nag-aalala talaga siya kay Blair. Mula sa terrace ay naririnig niya pa rin ang iyak nito.
Kumain si Blaise ng candy at nilapitan muli ang anak. Alas diyes na ng gabi. Kailangan na nitong matulog.
Kinuha ni Blaise ang kumot at itinakip sa katawan ng anak. Tinignan lang siya nito.
“You need to sleep.”
“I-I---“ nangungusap ang mata ng bata na puno pa rin ng luha. Nadudurog ang puso ni Blaise sa lagay ng anak. Pero ano ba ang magagawa niya?
“Ano bang kailangan kong gawin, Blair? Ikaw na rin naman ang nagsasabi na makakabuti kung naririto ka sa poder ko. Pero iyak ka pa rin nang iyak...”
Nagyuko ng ulo si Blair. “Sorry po...”
Ginulo ni Blaise ang ulo nito. “Just please don’t cry again? You’re safe with me. I-I will try my very best to take care of you.”
Tinitigan ni Blair si Blaise. Maya-maya tumango rin ito. “I-if so, can you please read a bed time story for me? Ganoon po kasi ang ginagawa ni Mommy sa akin bago ako matulog.”
“B-bedtime story?”
Shit, saan ako kukuha ng story book? Magugustuhan ba nito ang boses ko habang nagsasalita? Naisip ni Blaise ang mga alam na pambatang palabas noon. Naiisip pa lang niya ang gagawin ay parang naloloko na siya.
Tumango si Blair. Titig na titig sa nag-uumpisa ng pagpawisan na mukha ni Blaise. “Ah, sorry, wala kasi tayong story book dito.”
“May Ipad o cell phone ka naman po `di ba? Search na lang po kayo doon, Daddy...”
Nanuyo ang lalamunan ni Blaise. Ilang beses na rin naman siyang tinawag ng anak na Daddy simula nang magkasama sila ngayong araw. Pero hindi pa rin siya masanay-sanay. Parang may paru-paro sa tiyan niya. Kinakabahan siya na masaya. Tama ang kinakabahan. Hindi siya sanay na mag-alaga ng bata. Komplikado rin iyon. Pero mali ang nararamdaman niya na masaya siya.
May anak siya. He was really a father. Daddy. Nararapat ba talaga na tawagin siya ng ganoon samantalang minsan niyang inalisan ang isang tao ng karapatan para tawagin ng Daddy?
BUKOD sa pagpapalaya sa anak, mas lalo pang nasaktan si Poppy sa mga sumunod na araw. Nagalit ang magulang niya sa pagpapalaya niya kay Blair. Kagaya ng palaging sinasabi ng mga ito dati, hindi raw nararapat para kay Blaise ang maging ama. Sa tingin ng mga ito ay sinasaktan ng mga ito si Blaise sa pamamagitan ng pagtanggi ng mga ito sa karapatan ng lalaki bilang ama ni Blair. Sinasadya ng mga ito iyon. They hate Blaise. They hated the de Guzman’s. Si Blaise ang naging dahilan kung bakit kailangan nilang tumira sa America. Kinailangan ng pamilya na magtago sa kahihiyan na si Blaise ang may gawa.
Pero nawala rin naman kaagad ang galit nang matuwa si Zac sa nalaman.
“Good. Dahil diyan, sa tingin ko ay dapat na talaga tayong magpakasal. At yamang naayos na naman natin ang mga requirements, I want us to be wed as soon as possible.” Hinawakan ni Zac ang baywang niya. He held her possessively she wanted to puke with his touch. Simula nang ginawa nito sa kanya sa dinaluhan na party ay iniiwasan na niya si Zac. At kung puwede nga lamang, gusto na talaga niyang makalayo.
Gusto rin naman ni Poppy na iligtas sarili kagaya ng ginawa niya sa buhay ng anak. But then, she knew she had to suffer. Guilty siya sa maraming bagay. Deserved niya ang sakit na mararanasan sa mga susunod na araw, buwan at taon. Malaki ang kasalanan niya sa mga magulang dahil sa kanyang pinairal na pansariling kagustuhan. Pero si Blair, hindi nito deserved ang buhay na makukuha kung mananatili sa kanya.
Sa kabila man ng mga kamalasan sa buhay, masuwerte pa rin si Poppy. Hindi pa huli nang bumalik si Blaise.
“How soon?”
“How about three days from now?” malagkit ang tingin ni Zac kay Poppy.
Natulala si Poppy. Noong isang linggo ay natapos na ang pag-aayos nila ng requirements ni Zac. Anytime ay puwede na silang ikasal ng lalaki. Pero hindi niya inaasahan na magiging ganoon kabilis. Wala silang napapag-usapan pa na eksaktong date ni Zac.
“Mabuti iyon sa tingin ko. Excited na rin akong tumira sa bahay niyo, Zac.” Wika ng kanyang ina. Nagniningning ang mata nito na para bang ito ang ikakasal.
Ngumisi si Zac. “It’s okay, lalo na ngayong wala na si Blair...”
“Pero ang ibang wedding preparations---“
“I’d love to have a simple wedding at first. Then a grand wedding after a month or two? It doesn’t matter if we have two weddings. You know I can afford it.”
Hindi pa siya handa. Sobra-sobra na ito. Pagkatapos ng pagkawalay sa kanya ni Blair, ngayon ay mabilis naman siyang sinentensyahan. But then, walang naggawa si Poppy.
Pagkatapos ng tatlong araw, nagsuot si Poppy ng traje de boda sa kauna-unahang pagkakataon. Umiiyak rin siya habang nasa bridal car. Hindi siya pinapansin ng driver dahil akala nito ay tears of joy. Ngiting-ngiti pa nga ang mga ito. Nakasakay sa ibang kotse ang magulang niya.
“My wife was also crying in our wedding day,” Wika pa ng driver.
Sa isang drive-in chapel lamang sila ikakasal ni Zac. Pero kagaya rin iyon ng mga tradisyonal na kasal. May entourage kaya kinailangan ni Poppy na mag-antay sa bridal car hanggang matapos iyon. Napakasikip ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay sinenesentansyahan siya.
Nagmahal lamang siya noon. Isang lalaki ang dahilan kung bakit kinailangan niyang maghirap sa mga nakaraang taon. At ngayon, isang lalaki rin ang magiging kabayaran niya sa naging kasalanan. Too bad, hindi kagaya ng lalaking naging dulot ng kasalanan niya noon, hindi niya mahal ang lalaki ngayon.
Sinesenyasan na si Poppy na lumabas ng coordinator nang may kumatok mula sa kabilang bintana ng kotse. Bumaba ang driver para pagbuksan siya ng pinto kaya hindi nito napansin. Nakasakay sa motorsiklo ang kumatok.
“Hop in.” Mahinang wika nito sa kanya.
“What?!” mukhang riding in tandem ang lalaki. Anong gagawin nito sa kanya? Sadya ba talaga na gustong gawin na miserable ng Diyos ang buhay niya? May dudukot pa sa kanya sa araw ng kasal niya!
Nang makita ng lalaki ang naguguluhang mukha ni Poppy, bahagyang itinaas nito ang salamin ng helmet. “This is Blaise, Poppy.”
Kumabog na kaagad ang puso ni Poppy marinig lamang ang pangalan ng lalaki. “A-anong ginagawa mo rito?”
“I’m saving you. Alam ko na ang lahat.”
“Blaise...” parang lalo yatang maiiyak si Poppy.
“Do you want to be miserable forever, Poppy?”
Natulala si Poppy. Iyon rin ang palagi niyang tanong. Pero kinukumbinsi at kinakalma lang niya ang sarili sa pag-iisip na sa pamamagitan nito, mapapasaya niya ang magulang. Isang bagay na binigo niya ang mga ito noon. Kailangan niya na makabawi. Kahit na ba kapalit noon ay ang kasiyahan niya.
“Damn it. Bilisan mo naman na mag-isip. Makakaagaw tayo ng atensyon rito!” inis na ang boses ni Blaise.
Hindi nakapagsalita si Poppy. Nag-aalinlangan siya.
“Blair is miserable without you. If you don’t want to do it for yourself, do it for her.”
Nanigas si Poppy sa pagkakarinig pa lamang ng pangalan ni Blair. She missed her daughter so much. At anong sinasabi ni Blaise na miserable ang anak? May tumusok na matalas na punyal sa puso sa isipin na iyon. Natigilan man ay kaagad rin na nakapagdesisyon si Poppy. Lumabas siya ng kotse at sumampa sa motorsiklo sa kabila ng lagay.
Poppy felt like some of the heroine on movies. She was a runaway bride! And she runaway with the man she always dreamed to be her groom...
“Good decision,” wika ni Blaise at pinaharurot palayo ang motorsiklo. Hindi nito inalintana ang naging sigaw ng mga tao sa labas.
Good decision nga ba? Alam niya na marami ang maapektuhan sa basta-basta niyang desisyon. Pero nagpanic siya sa nalaman na masamang kondisyon si Blair. Matitiis niya ang mga sakit pero hindi ang isipin na nasasaktan ang anak.
Para lamang ang lahat ng ito kay Blair...pagkalma ni Poppy sa guilty na bahagi niya.
“Hold on to me,” wika ni Blaise nang maging mabilis pa lalo ang pagtakbo nito. Sumunod naman si Poppy. Nang mag-inarte na naman ang kanyang puso ay lalo pa siyang na-guilty.
Para nga ba kay Blair lamang ang lahat? Parang para rin iyon sa sarili niya. Nang mayakap si Blaise, alam niyang pinagbibigyan niya ang sarili na makaramdam ng kahit kaunting kasiyahan sa isipin na magkakalapit muli silang dalawa...
Six Years Ago...
SABI ng magulang ni Poppy, ang maka-partner raw ang pamilya De Guzman sa negosyo ay ang pinakamagandang bagay na naggawa raw ng mga ito sa mundo ng pagnenegosyo. Ngayong araw ay opisyal na nangyari iyon. Nagkaroon ng party. Hindi sana gustong sumama ni Poppy dahil hindi nga niya gusto ang mga parties. Mas gugustuhin niya pang magbasa ng libro sa bahay kaysa ang makipagsosyalan. Yamang nga lamang ngayon ay pinagalitan siya ng kanyang magulang. Isang malaking kasiyahan iyon at nararapat lang daw na dumalo ang nag-iisang anak ng mga ito para sa celebration.
Naiinip na si Poppy isang oras pa lamang ang event. Ginanap iyon sa malaking bahay ng mga de Guzman---in celebration rin kasi para sa birthday ni Judith de Guzman---isang kilalang business woman at lawyer. Nanakit na rin ang paa niya. Paano ay may sayawan rin ang event. Ilang beses ng may nagyayang magsayaw sa kanya. Paulit-ulit na siya sa dance floor. Hindi pa naman siya sanay na mag-high heels pero ni-require iyon ng kanyang Mommy. Bagay raw ang mga ganoon sa suot niyang dress.
Kakaupo lamang muli ni Poppy nang may lumapit sa kanyang isang makisig na lalaki. Nakilala niya ito bilang si Rolf de Guzman---isa sa pamangkin ni Judith de Guzman. Niyaya siya nitong makipagsayaw.
Ayaw ng magsinungaling ni Poppy. Tinanggihan niya ito.
Nalukot ang mukha ni Rolf. “Ang daya mo naman. Pinagbigyan mo ang lahat kanina.”
“I don’t mean to offend you, Sir. Pero pagod na po kasi talaga ako.”
“Just for a while, please?” pamimilit pa rin ng lalaki.
Gusto man na pagbigyan, alinlangan si Poppy. Mukha na kasing lasing ang lalaki. May mga nagbibigay kasi ng iba’t ibang klase ng liquors sa paligid. Paano kung mapasama siya rito?
“Mr. de Guzman---“
Napasinghap si Poppy nang basta na lamang kuhanin ni Rolf ang kamay niya. Hinila siya nito. Halos matapilok siya dahil sa gulat. Mabuti na lamang at may nakakita sa kanila. Pinigilan nito si Rolf.
“Kuya Rolf, lasing ka na.” Wika ng lalaki. Nang tignan niya ang mukha nito, nakita niya si Blaise de Guzman. Ito ang pangatlong pamangkin ni Judith de Guzman at siya rin na business partner ng magulang niya. Ito kasi ang namamahala ng DG resorts na ngayon ay sister company na ng Prime Resorts---ang chain of beach resorts naman na pagmamay-ari ng pamilya niya.
“Hey, Blaise. Minsan lang naman ito. And you know I like this girl. Kanina ko pa siya tinitignan.”
Umarko ang kilay ni Blaise. “This girl is too sweet to be your type.”
“Why? `Wag mong sabihin na ikaw naman ang may type sa kanya?” ngumisi si Rolf. “Fine, ibibigay ko na nga sa `yo. After all, I know you need to get laid. Matagal-tagal na rin na hindi umuuwi si Cassandra.”
Tumiim ang bagang ni Blaise. Pero hindi na nito napagsabihan ang kapatid dahil binitawan na siya nito. Lumayo ito sa kanila.
“I’m sorry about my brother.” Wika ni Blaise, punong-puno ng sincerity ang mukha.
So totoo nga. Mabait si Blaise de Guzman.
Sa loob ng ilang buwan na nililigawan ng mga magulang ang acting CEO na si Blaise, ito ang palaging bukang bibig ng magulang. Ibinida ng mga ito ang achievements ng lalaki sa kanya. Hinangaan niya ito sa kuwento lang ng mga magulang sa kanya. Pero ngayong nakilala na niya ito ng pormal, mas hahangaan pa pala ito ni Poppy.
He was not just successful, he looked gorgeous, too. Walang hustisya ang mga nakikita niyang larawan nito. Oo, napansin niyang guwapo na ito nang minsang i-research niya ang lalaki sa sobrang curious niya rito. Pero mas guwapo pala ito sa personal!
Panalo. Iyon ang mararamdaman ng isang babae kapag nakasama ang tila Adonis na lalaki. Mula sa tila nangungusap palagi sa ganda ng kulay tsokolateng mata nito hanggang sa may kakapalan na labi, tila perpekto si Blaise de Guzman. Mataas rin itong lalaki at may magandang pangangatawan. He looks intimidating, too. Ganoon pa man, tama lamang iyon rito bilang isang business man. Iniisip ni Poppy na dahil yata sa lagay nitong iyon ang dahilan kung bakit tumitibok ng kakaiba sa puso niya sa simpleng pagkakalapit lamang nila. But then...ilang beses na siyang nakatagpo ng lalaking ganoon. Tanging kay Blaise lamang niya naramdaman ang ganoong pagtibok ng puso. May halong sarap rin iyon.
“N-nasabi niya lang siguro `yun dahil lasing siya.”
“Maybe. Pero hindi pa rin dapat. Nakakahiya sa `yo. Ikaw ang anak ni Mr. Pablito Rosales `di ba?”
Tumango si Poppy.
“Hindi ka na iginalang ni Rolf. Ano pa ba ang ginawa niya sa `yo?”
Tumingin si Poppy sa paanan. “Pinipilit niya lang naman ako pero kasi---“
“Your feet are sore.” Nahulaan naman kaagad ni Blaise. Bumaba ito. Kinuha nito ang paa niya.
“Hindi ka sanay na mag-high heels.” Conclusion kaagad ng lalaki. “Can you walk through the mansion?”
“Ha? Bakit---“
Hindi na pinatapos ni Blaise sa pagsasalita si Poppy. Binuhat siya ng lalaki.
“A-anong ginagawa mo?” nanuyo ang lalamunan ni Poppy. Napakalapit nila sa isa’t isa ni Blaise! At sa ginagawa nito sa kanya, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na binuhat ng prince charming nito. Napakalakas ng tibok ni Poppy.
Nakakaagaw ng atensyon ang ginawa ni Blaise kay Poppy. May mga nagtatanong pero sinagot lang iyon ni Blaise na kailangang gamutin ang kanyang paa kaya ginawa nito iyon. Ibinaba siya ni Blaise sa sofa ng sa sala ng malaking mansion. Tumawag ito ng kasambahay para kumuha ng yelo para sa namamaga niyang paa. Nang may lumapit rin sa kanilang isang magandang babae na sa tantiya niya ay bata lang sa kanya nang kaunting taon ay kinausap ito ni Blaise.
“Sa tingin ko ay pareho lang kami ng size. Okay, wait. I’ll get one of my doll shoes upstairs.” Umalis na ang babae.
“That’s my youngest sister, Agnes. Inihiram kita ng sapatos.”
Hindi maalis ang pagkapula ng pisngi ni Poppy. “Nakakahiya naman.”
Tumaas ang isang kilay ni Blaise. “You’re one of our visitors. Isa pa, dapat naman talagang bumawi ang pamilya ko sa `yo sa ginawa ni Rolf.”
“Hindi iyon malaking bagay---“
Naputol ang pagsasalita ni Poppy nang dumating ang kasambahay na may dalang yelo at ilan pang medical kit. Nag-suggest ito na ito na ang gagamot sa namamaga niyang paa. Pero nag-insist si Blaise. Ito ang nag-asikaso sa kanya. Pakiramdam niya ay may healing powers ang mga kamay nito. Kaagad na guminhawa ang pakiramdam niya. Maya-maya ay dumating rin si Agnes at ibinigay ang bagong sapatos. Isinuot nito iyon sa kanya pagkatapos.
“T-thank you so much...”
Pakiramdam ni Poppy ay pumasok siya sa fairy tale. Siya si Cinderella, si Blaise ang kanyang Prince Charming. Isa siyang damsel in distress na sinuotan ng prinsipe ng sapatos. Inalagaan. Inasikaso. Nagkaroon rin ng kakaibang ningning ang kanyang paligid.
“You’re welcome.” Ngumiti si Blaise.
Nahiling ni Poppy na sana ay may ibig sabihin pa ang welcome. You’re welcome to my world...