TWENTY years old na si Poppy. Dalawang buwan ang nakakaraan ay gr-um-aduate siya ng kolehiyo sa kursong Business Management. Pero hinayaan muna siya ng mga magulang na gawin ang gusto niya. Nagpahinga muna siya bago magtrabaho. The past four years of her college life was exhausting. Pero dahil alam niyang makakasilay lamang siya kay Blaise kapag nakialam siya sa business nila ay nagsimula na siya.
Pinag-aralan ni Poppy ang business. Dahil merge na ang Prime Resorts at DG Resorts, madalas na nakakasalamuha niya si Blaise bilang namamahala ng DG resorts. Kung noong una ay feeling niya ay attracted lamang siya kay Blaise, sa mga sumunod na linggo na nakikita at nakakasama niya ito, lumalim na iyon. Nagkaroon siya ng discovery: alam na niya ang pakiramdam ng in love.
Everytime Poppy was with Blaise, she was so happy. Makita niya lamang ito ay kompleto na ang araw niya. Maisip lamang ito ay nagbibigay na ng malakas na tibok sa kanyang puso, paru-paro sa kanyang dibdib at naglalakbay ang kuryente sa kanyang katawan. She was in love and crazy at the same time with Blaise.
Hindi naman masisisi si Poppy na maramdaman iyon sa lalaki. He was handsome, smart, successful, rich and most of all, she felt that he cared for her. Naging malapit sila sa isa’t isa. Sa katunayan, inalalayan siya nito sa pagpasok niya sa kompanya. Tinuruan ng mga bagay-bagay. He was very nice and a gentleman.
Halos lahat ay perpekto sa pagitan nila Blaise at Poppy. Kung may isa lang siyang reklamo, iyon ay walang ginagawang kilos si Blaise. Mabait ito sa kanya pero hanggang doon na lamang iyon. Ni hindi man lang siya nito niyaya na mag-date silang dalawa. May pakiramdam si Poppy na gusto lamang siya nito bilang kaibigan. Ikinalulungkot niya iyon.
Pero tama nga si Poppy ng hinala. Hindi gumagawa ng kakaibang kilos si Blaise sa kanya dahil may girlfriend pala ito. Isang modelo na kasalukuyan na nasa Paris---si Cassandra Santos. Naalala niyang binanggit iyon ni Rolf minsan pero hindi niya binigyang halaga. Hanggang sa mahuli niya si Blaise na may ka-Skype at iyon ang babae. Matatamis ang mga binibitawan na salita ni Blaise sa babae. Nasaktan si Poppy at sa sobrang sakit, tumulo ang luha sa kanyang mata.
“Are you okay, Poppy?” tanong ni Blaise nang makita ang lagay niya.
Hindi pinalaki si Poppy ng magulang niya na sinungaling. Umiling siya.
“Why?” may pag-aalala ang mukha ni Blaise.
“I hate you.”
“What?!”
“L-layuan mo ang babaeng iyon, Blaise. Ayaw ko ng may ibang babae sa buhay mo.”
Magulo ang mukha ni Blaise. “Hindi kita maintindihan. Ano ba ang pinagsasabi mo?”
“Si Cassandra Santos. Girlfriend mo siya `di ba?”
Nagkibit-balikat si Blaise. “Not exactly girlfriend. But we are dating.”
“Ganoon na rin iyon!”
“Hindi ko makita ang punto mo, Poppy. Why do you fuss over these things?”
Nakagat ni Poppy ang ibabang labi. Kapag sinabi niya ang sagot, anong magiging reaksyon ni Blaise?
You are now a business woman. You should know how to take a risk.
“I love you, Blaise.”
Nanlaki ang mata ni Blaise. “You what?”
“Napakasimple lang nito. Mahal kita at nagseselos ako na may ibang babae sa buhay mo.”
Napanganga si Blaise. Nang makabawi ito ay ang tindi ng iling. “This is ridiculous.”
“I know. B-but please, don’t break my heart.” Naiiyak na muli si Poppy. Napakatindi ng ginawa niya. Babae siya. Hindi dapat siya ang unang nagparamdam.
Huminga nang malalim si Blaise. “Poppy, hindi ikaw ang babae na para sa akin.”
Umiling si Poppy. “Nasasabi mo lang `yan dahil hindi mo pa nasusubukan.” Hinawakan niya ang kamay ni Blaise. She needs to please him.
Binitawan ni Blaise ang kamay niya. “I’m sorry.”
Lumayo si Blaise sa tabi niya. Naiwan si Poppy na may malaking butas sa puso.
“SHE’S DATING someone else, Blaise!” halos isigaw ni Poppy kay Blaise nang muli silang magtagpo. Mahal niya si Blaise kaya hindi niya gustong sumuko. Nag-research siya tungkol kay Cassandra Santos. Nalaman niya na bukod kay Blaise, may iba pang dine-date ang babae.
Hindi naman naapektuhan si Blaise. “I know.”
“Ano? Ganyan lang ang reaksyon mo?”
Ngumisi si Blaise. “We are not exclusive, Poppy. She can date someone else, I can date someone else, too.”
Nakahinga nang maluwag si Poppy. Nabuhay ang pag-asa sa kanyang puso. Nagningning ang kanyang mata. “If that so, can you date me, too?”
Umiling si Blaise. “Your parents are my business partners. Kinokonsidera rin kita bilang business partner. I don’t mixed business and pleasure.”
Nalukot ang mukha ni Poppy. “Wala ka bang nararamdaman ni katiting sa akin, Blaise?”
Tinitigan siya ni Blaise. Naramdaman niyang natigilan ito. Ganoon rin kasi ang pakiramdam niya. Habang sinasalubong ang tingin ni Blaise, parang tumigil ang mundo.
Huminga nang malalim si Blaise. “Y-you are beautiful, Poppy. Any man would like and want you. Pero hindi ikaw ang tipo ko. You are too sweet for me. Girls like you are complicated.”
“Ako, complicated? Ano pa si Cassandra?” Ano bang isip ang mayroon si Blaise? Ginusto pa nito ang babaeng wala itong kasiguraduhan.
“Cassandra understands my needs.” May laman ang sagot ni Blaise.
“I can understand it, too, if you would just tell me.”
Umiling-iling si Blaise. “Ni hindi mo nga naintindihan.”
“Ano nga kasi?”
“Sexual needs.” Sagot rin naman ni Blaise.
Natigilan si Poppy. Hindi niya naisip iyon.
“See? You are too innocent, Poppy. Hindi ka bagay sa isang lalaki na kagaya ko. Hindi ko alam kung paano ang magmahal. Hindi ko pa nararanasan. Hindi ko na rin gusto kasi nga, komplikado. So I just go for girls who are not like you. Hindi ko rin kasi kayang magbigay ng isang seryosong commitment na karapat-dapat para sa babaeng kagaya mo. I don’t deserve a girl like you so it’s better if I just stay away.”
“No...”
Hinawakan ni Blaise ang balikat ni Poppy. “Tanggapin mo na hanggang ganito na lang tayo, Poppy.”
Hindi pasaway si Poppy. Pinalaki siya ng mga magulang na may magandang asal. Alam niya na mali ang ipagpilitan ang sarili sa isang tao na hindi naman siya gusto. Pero itinutulak siya ng puso para gumawa ng mali.
Kung hindi magagawa ni Blaise pakibagayan ang inosente at sweet na ugali niya, edi si Poppy ang makikibagay rito. Walang problema basta makasama at tugunin lang nito ang damdamin niya.
Sinagot ni Poppy ang mga sinabi ni Blaise sa pamamagitan ng isang halik.
KASING tamis ng cupcake na dala ni Poppy ang ngiti sa kanyang mga labi. Nasasabik siyang pumasok sa opisina. Sa loob ng isang linggo ay ganoon palagi ang aura niya. Tila kay gaan-gaan ng mundo at tila alam ng lahat kung bakit: in love si Poppy.
Hindi naging madali ang daan. Kailangan niya pang daanin si Blaise sa dahas sa pamamagitan ng halik. Pero ang paglalakas ng loob niya ay hindi kaagad nasuklian. Tinanggihan pa rin siya nito. Nadurog nang husto ang puso niya noon.
But then, bad days are not forever...
Naging napakababa ni Poppy para suyuin si Blaise. Hindi tama iyon. Hindi siya nararapat para roon. Hindi niya ugali na manuyo ng lalaki---heck, kahit ang manghalik! Unang beses niya nga na makahalik at mahalikan ng lalaki. Nag-enjoy siya pero sandali lang iyon. Nang tanggihan pa rin siya ni Blaise ay gumuho na ang mundo niya.
Sinubukan ni Poppy na lumayo kay Blaise. Isang linggo na hindi niya ito kinausap. Kapag business ang pag-uusapan, ibang tao ang sinasabihan niya para sabihin kay Blaise ang impormasyon. Dalawang beses rin siyang um-absent. Nasaktan talaga siya nang husto na pakiramdam niya ay kailangan niyang magluksa. May isang araw na maghapon pa siyang umiyak.
Si Blaise ang hindi nakatiis. Sa sumunod na linggo ay pinadalhan siya nito ng isang bouquet ng magagandang pink roses. Nagtatampo siya pero kaagad rin na napalis iyon nang makita ang lalaki habang hawak-hawak ang roses. Tumalon ang puso niya.
“I’m sorry.” Huminga nang malalim si Blaise. Ibinigay nito sa kanya ang mga rosas.
“Hmmm, para saan ang sorry?” kinagat ni Poppy ang ibabang labi para pigilan ang kilig. Kailangan niya na magpakipot. Sobra na si Blaise. Nasasaktan pa rin siya na hindi man lang nito na-appreciate ang mga efforts niya noon.
“Alam mo na iyon, Poppy.”
“Blaise, para saan ang sorry kung sasaktan mo rin naman ako?”
“I just don’t want you to stay away. Naliligalig ako.”
“At dahil lang iyon sa alam mo na galit ako sa `yo.”
Hindi nagsalita si Blaise. Tinitigan siya nito, partikular ang mga labi niya.
“Blaise?”
“Your lips is driving me crazy, Poppy. Binigyan ako ng halik mo ng kakaibang pakiramdam. Natakot ako. Naguluhan. Kinailangan ko na tanggihan ka dahil roon. It gives me a complicated feeling.”
“Love is not complicated. Kailangan mo lang na aminin iyon.”
“I don’t know. Masyado pa akong naguguluhan. Bago sa akin ito, Poppy. At inamin ko na sa `yo na hindi ako sanay sa ganitong relasyon. I never had a serious relationship. Pero gusto ko na subukan...”
Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Poppy. At least there is a chance! “Spill it.”
“Let’s have a trial relationship.”
Trial girlfriend---iyon si Poppy. Ang kung ano ang namamagitan sa kanila ni Blaise sa loob ng isang linggo ay pagsubok lamang. Hindi pa sigurado. But Poppy is willing to take a risk. Gagawin niya ang lahat makasama at ma-explore pa ang masayang nararamdaman niya kasama si Blaise.
Poppy did the things a good girlfriend should do. Araw-araw ay magkasama sila ni Blaise at kahit hindi na sila magkasama ay pinaparamdam niyang nasa tabi pa rin siya nito. Inaalagaan niya ito, bine-baby. Bahagyang kinakatakot niya kung nagiging OA na rin siya sa ginagawa. Naalala niya ang sinasabi ni Blaise---hindi nito tipo ang isang sweet at inosenteng babae na kagaya niya. Pero hindi niya mapigilan na gawin iyon kay Blaise. She loved him so much she wanted to give the best care for him. So far, hindi naman ito nagrereklamo.
Lahat naman ay naging madali lang sa pagitan nila Blaise at Poppy. Pareho na kasi ng office ang DG at Prime resorts dahil na rin sa pag-merge noon. Wala rin silang ikinababahala ni Blaise kahit hindi pa iyon opisyal dahil nasa vacation trip ang magulang niya sa Maldives. May tiwala naman si Tita Judith kay Blaise kaya hindi rin nito madalas na binibisita ang DG resorts, lalo na at abala rin ito sa pagiging abogado nito.
Pumasok si Poppy sa opisina ng trial boyfriend dala-dala ang cupcake na siya mismo ang nag-bake. Na-late pa siya sa pagpasok dahil roon.
“Good morning, Honey.” Bati niya pa sa lalaki na nakatutok sa mga papel na nasa lamesa nito.
Tumingala naman ito. Ngumiti rin nang makita siya. “Good morning, Babe. Cupcakes again?”
Tumango si Poppy. Nagdala na rin kasi siya noon kahapon. Naubos ni Blaise ang mga dala niya kaya naisip niya na nagustuhan iyon ng nobyo.
“Hindi ka na dapat nag-abala. I got a good fill yesterday.”
“This batch has icings on top.” Pinag-aralan pa niya na maggawa ng icing para roon. Nakulangan kasi siya sa ginawa kahapon.
“Talaga?” namilog ang mata ni Blaise.
“Yes.” Kinuha niya ang cupcake. Siya na mismo ang nagsubo noon kay Blaise.
“Good. Really good. But I know one that tasted better and sweeter...” wika ni Blaise pagkatapos manguya ang cupcake. Ibinaba rin nito ang mga natitirang cupcake. Isinandal siya nito sa pader.
Hinalikan ni Blaise si Poppy. Isang linggo pa lamang ang nakalilipas pero ramdam ni Poppy na nagsisimula na siyang maging eksperto. She kissed him back. They did it deep and passionate.
Sa mga halik ni Blaise, napatunayan ni Poppy na tama lamang na pinaglaban niya ang nararamdaman para sa lalaki. Kahit walang kasiguraduhan ang lahat, ang maranasan ang mga ganoong pakiramdam ay kontento na siya. She could even die in his arms. She felt like she reached heaven whenever he kissed her.
Nagtagal ang halik. Naputol lamang iyon nang umingit ang pinto. May pumasok sa opisina na hindi man lang kumatok. Naiwan rin pala niya na hindi naka-lock ang pinto. Binitawan siya ni Blaise na nag-uumpisa pa naman na bumaba ang labi sa leeg niya.
“Tita Judith!” tawag ni Blaise sa nakakita.
Walang emosyon ang tiyahin ni Blaise na tinignan silang dalawa. “May mga inililihim ka ba sa akin, Blaise?”
Tumikhim si Blaise. “I-I don’t mean to. Its just that---“
Tinignan ni Blaise si Poppy. Namumula siya dahil pakiramdam niya ay napahiya siya. Napansin niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Blaise kaya mas lalo pa iyong lumala. Ano ang iisipin ni Tita Judith kapag nalaman nito ang estado nila ni Blaise? Paniguradong magiging masama para sa kanya.
Inakbayan ni Blaise si Poppy. “Bago lang kasi kami, Tita.” Sagot nito.
At least, safe ang sagot.
“Hmmm...” parang hindi pa rin kumbinsado ang matanda. Wala rin ngiti sa mukha nito. Kinakabahan siya. Hindi ba nito gusto na may namamagitan sa kanila ng pamangkin nito? “Whatever it is, you should be responsible in all your actions.”
“Yes, Tita.” Nakayukong wika ni Blaise.
“Anyway, kailangan kitang kausapin tungkol pa sa ibang bagay. Its a little bit confidential.” May paumanhin sa mukha na tinignan siya ng babae. Tumango si Poppy at lumabas.
Napahawak si Poppy sa dibdib. Muntik na sila ni Blaise. Kinabahan siya roon. Pero bukod roon, kinabahan rin siya sa reaksyon ni Tita Judith. Ano rin kaya ang pag-uusapan nito ni Blaise? Makakaapekto kaya iyon sa relasyon nila?
Ayaw mag-isip ng masama ni Poppy. Gusto niyang magtagal ang saya, hiling niya na maging panghabang buhay rin iyon. Nakakaramdam naman siya ng pag-asa. Nakikita rin niya na masaya si Blaise kapag kasama siya. Naninibago lang ito kaya hindi nito maamin na mahal siya. Natatakot. Pero ramdam niya na darating rin ang araw na magiging pareho ang damdamin nila.
Hindi na dapat binibigyang halaga ni Poppy ang mga bad instinct niya. Pagkatapos ng lahat, alam niyang gagawa rin naman ng paraan ang pasaway na puso niya para makuha ang pinakagusto niya sa lahat: si Blaise.
Present
SA TULONG ng kaibigan ni Blaise na si Brendon ay payapa na nakaalis sila ng America. Dahil sikat itong musician, may kapangyarihan ito roon kaya kahit bawal dahil wala ang ilang dokumento ni Poppy, nakaalis sila ng America. Pinasakay rin sila ng lalaki sa private plane nito. Naging komportable ang tulog ni Blair sa loob ng plane.
Mabuti ang lahat ng iyon. Ilang araw silang hindi nagkita ng anak. Napansin nga niya na mas nahulog pa ang dati ng payat na katawan nito. Ayon kay Blaise, hindi raw masyadong nagkakain si Blair at hindi rin makatulog ng ayos. Ngayong nasa plane sila pabalik ng Pilipinas, bumabawi ng tulog si Blair. Simula nang umalis ang plane mahigit pitong oras na ang nakalilipas ay hindi pa ito nagigising. Napakakomportable nito sa napakaganda rin naman na private plane ni Brendon.
Nakatulog na rin si Poppy. Hindi nga lamang ganoon katagalan kagaya ng kay Blair pero sapat na para makabawi siya ng lakas. Sa mga araw rin kasi na nahiwalay siya kay Blair ay hindi siya makakain at makatulog ng ayos.
Sinuri kaagad ni Poppy si Blair nang maggising. Mahimbing pa rin ito. Gustong-gusto sana niyang tabihan ito at yakapin. Na-miss niya nang husto ang anak. Hindi na rin kasi sila masyadong nagkausap nito nang makuha siya ni Blaise sa chapel. Halos dumiretso na sila sa airport para na rin hindi na sila mahabol pa. Pero hindi rin naman niya gustong gisingin ang anak sa pansariling kahilingan.
Kinokontento ni Poppy ang sarili sa pagtingin sa anak nang lapitan siya ni Blaise. “Puwede ba tayong mag-usap?”
Nag-usap na sila ng lalaki kanina pero hindi matagal. Pinagpahinga rin kasi siya nito. “Tungkol saan?”
“Sa iba pang nangyari at sa sitwasyon natin pagbalik ng Pilipinas. Nakapagpahinga ka na naman para mapagbigyan ako `di ba?”
Tumango si Poppy. Niyaya siya ni Blaise sa gitna ng eroplano kung nasaan ang dalawang magkaharap na upuan at may maliit na built in na lamesa sa gitna. Parang sala iyon sa loob ng eroplano.
“What really happened for the last five years, Poppy?” umpisa ni Blaise.
“Naipaimbestigahan mo na naman `di ba?”
Dumilim ang mukha ni Blaise. “Hindi ko gustong isipin iyon. May parte sa isip ko na ayaw paniwalaan. Nagi-guilty ako.”
“Pinadalhan kita ng mga e-mails, Blaise.”
Naramdaman ni Poppy na hindi magiging maganda ang kinabukasan ni Blair sa kanyang pamilya nang magtatlong taong gulang ito. Nakaapekto nang husto sa kanyang mga magulang ang pagbagsak ng negosyo at kahit tinulungan naman sila ng kapatid ng kanyang Daddy na nasa America para takasan ang kahihiyan sa Pilipinas, hindi pa rin iyon naging sapat. Hindi kasing ganda ng buhay nila dati sa Pilipinas ang buhay nila sa America. Tanging mga blue-collar job lang ang nakuha ng magulang roon. Siya, dahil kinailangan na alagaan si Blair ay hindi kaagad nakapagtrabaho.
Hindi masaya ang mga magulang sa naging bagong buhay nila. Madalas na nilulon ng kanyang ama ang sarili sa alak. Ang ina naman niya ay parang ganoon rin. Maraming mga hindi magagandang bagay ang ginawa ng mga ito. Madalas rin siyang pinapansin nito at si Blair. Isinisisi ang kamalasan sa kanilang dalawa---lalo na kay Blair dahil anak ito ni Blaise. Inis na inis ito sa bata at kinakatakot niya ang maaaring gawin ng magulang sa anak. Nawalan siya ng tiwala sa mga ito dahil sa ikinikilos ng mga ito. Ilang beses na pinapalo ng mga ito si Blair kapag umiiyak. Hindi maganda ang ginagawa ng mga ito kay Blair, ganoon rin sa kanya.
Naalarma na siya kaya humingi siya ng tulong kay Blaise. Pinadalhan niya ito ng emails gamit ang email ad ng company nito. Nag-request kung paano makakausap ang lalaki. Pero sa tuwina ay hindi siya nakakakuha ng sagot.
“I don’t receive any.” Sagot ni Blaise.
“Hindi ko rin alam kung bakit. Nakiusap ako sa official e-mail address ng company mo dahil hindi ko sigurado ang sa `yo pero wala akong natanggap na sagot.”
“They know you and your family, Poppy. Hindi mo sila masisisi.”
Hindi naisip ni Poppy iyon. Nakalimutan niya.
Six years ago, nagkaroon ng problema ang business nina Poppy. Apparently, matagal na ang problema na iyon at hindi rin masasabing problema na maituturing. Alam kasi iyon ng mga magulang pero hindi binigyan ng mga aksyon. Natagpuan na hindi pala legal ang business nila. Alam iyon ng mga magulang pero hindi pinansin. They didn’t pay the necessary taxes and legal fees. Nawalan ng tiwala sa kanila ang mga De Guzman. Pinatalsik ng mga ito ang magulang dahil niloko ng mga ito ang pamilya. Ang pagpapahiyang ginawa ng pamilya de Guzman, lalo na si Blaise dahil hindi ito ang may hawak ng DG resorts ang naging ugat ng galit ng kanyang mga magulang sa lalaki.
“You know my family, Poppy. They know our situation. Hindi ka nila tatanggihan.”
“I-I’m sorry. Hindi ko naisip iyon.”
Huminga nang malalim si Blaise. “And I’m sorry, too. Kung hindi pa dahil sa Last Will ni Tita...”
Kumunot ang noo ni Poppy. Ipinaliwanag naman ni Blaise ang dahilan kung bakit talaga sila nito binisita ng anak.
Nakaramdam ng kirot sa puso si Poppy. Wala talaga silang halaga kay Blaise. Siguro matatanggap pa niya kung siya ay wala rin. Mahirap man pero sinubukan na niyang tanggapin ang masakit na katotohanan na iyon. Pero si Blair...
Oo, minsan na pinaglaban ni Blaise si Blair sa kanila. Pero sumuko kaagad ito.
“`Wag na nating pag-usapan ang tungkol roon. Ang mahalaga ay nailigtas mo kami. Though I feel guilty. Paniguradong mapapahiya na naman sina Daddy.” Nasabi rin naman ni Poppy pagkatapos.
“Pagkatapos ng mga ginawa nila sa `yo at kay Blair, hindi mo na dapat iniisip pa iyon.”
May punto si Blaise. Pero pamilya niya pa rin ang mga magulang. Gusto niyang intindihin ang mga ito.
“From now on, I will take care of you and Blair.” Wika ni Blaise. Napatingala si Poppy kay Blaise. Sinalubong niya ang mga mata nito. May kung anong kumibot sa dibdib ni Poppy. Naaapektuhan pa rin talaga siya kay Blaise.
Simpleng tingin lamang nito pero pakiramdam ni Poppy ay nanghina na siya. Sa kabila ng mga nangyari, may napagtanto si Poppy: hindi talaga ito basta-basta mabubura sa puso niya. She fell so hard for him. Hindi siya maka-move on sa lalaki.
Paanong nangyari iyon? Ang tanga naman niya, partikular ng puso niya. Ang alam niya ay matalino siya. Pero bakit hindi matututo ang kanyang puso na sumuko sa lalaking ito? Buti sana kung minsan siya nitong minahal, eh. Pero pinilit lamang niya ito.
“Salamat kung ganoon.”
“I should have done it a long time ago. I’m really sorry, Poppy.” Puno naman ng sinseridad ang mukha ni Blaise.
Hindi na masyadong inisip ni Poppy ang nakaraan. Ang mahalaga, kahit papaano ay nakalaya na sila ng anak. Ligtas sila ni Blair sa poder ni Blaise. Ang tanging hindi nga lamang ligtas ay ang puso niya na nag-iinarte na naman nakita lamang si Blaise. Paano pa kung makakasama niya ito? Isa pa, iisa lamang ang binitawan ni Blaise sa kanila. Aalagaan lamang sila nito ni Blair. Maaaring papasukin sa bahay nito pero hindi sa puso nito.
“MABUTI ka pa, Kuya Blaise. Malaki na ang pag-asa na makukuha mo ang DG resorts.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ni Blaise na may lungkot sa boses ni Allain. Sa kanilang magkakapatid, ito at ang sinundan niyang si Kuya Rolf ang pinakamasiyahin. Pero si Kuya Rolf ay nakakaramdam pa ng lungkot, si Allain ay hindi. Ngunit mukhang lahat yata sila ay pinagbago ng huling habilin ng tiyahin.
“Ang akala ko ba okay lang sa `yo ang nasa will mo?”
Si Allain ang pinaka-cool sa kanilang lahat. Inamin nito sa kanila ang tungkol sa last will and testament nito na kung hindi magagawa ang provision, mawawala naman rito ang mga ipinagkatiwalang chain of restaurants ni Tita Judith rito. Ito ang namamahala noon simula nang maka-graduate ito ng college at alam niyang kung gaano niya kagusto ang DG resorts, ganoon rin nito pinapahalagahan ang mga restaurants. Pero sinabi nito sa kanila na okay lang daw na hindi mapunta rito ang chain of restaurants. Kung hindi kasi nila magagawa ang will, mapupunta iyon sa charity. Mahilig tumulong sa mga nangangailangan si Allain.
“Iba pa rin ang pakiramdam. Ang dami kong in-invest sa restaurants...” napapikit si Allain.
Ganoon rin ang nararamdaman ni Blaise. Naniniwala siya sa kakayahan niya na makaka-survive at magiging matagumpay pa rin sa buhay kahit na wala ang DG resorts. Mayroon siyang sariling savings. Pero nanghihinayang siya sa mga pinaghirapan niya sa DG resorts. Napakarami niyang isinugal.
“Hindi pa sigurado ang lahat ng ito. Nagsisimula pa lang kami.”
Tinitigan ni Allain si Blaise. “At least, you have made the first step. Five months lang naman with Blair ang isa pang option mo `di ba? But I believe, the other is a good option.”
“Iyon ba ang simula mo para tanungin ako kung ano ang balak ko kay Poppy?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Blaise.
Nawala na ang lungkot sa mukha ni Allain. Ngumisi ito. “Ano nga ba, Kuya?”
“Napakabilis pa ng lahat.” Bumuntong-hininga si Blaise.
Wala pang beinte kuwatro oras simula nang makabalik sila Blaise, Poppy at Blair sa Pilipinas. Ngayon ay nagpapahinga muli ang mag-ina niya sa kuwarto. Nakapagdesisyon na naman siya kung ano ang kailangang gawin---ang kupkupin at alagaan ang mga ito. Pero kung gaano katagal? Hindi niya sigurado.
“Napaka-vulnerable ni Blair. Nararamdaman ko na may mali sa kanya.”
Si Allain ang pinakaunang dumalaw sa pamilya. Nakipag-bonding ito sa anak at mukha naman na nag-enjoy si Blair sa presensiya nito. Mahigit tatlong oras na magkasama ang mga ito kaya naobserbahan talaga nito si Blair.
“Ganoon rin ang nararamdaman ko at---“
“Kuya, I think she needs a stable family.”
Tinitigan niya si Allain. “K-kaya ko ba iyon?”
Tumawa si Allain. “Ano bang problema mo, Kuya? Bakit ba takot na takot ka?”
“Having Poppy is complicated. Napatunayan ko na iyon noon pa.” Alam ko na iyon noong una pa. But my stupid self won’t hear.
“Nakaraan na iyon. Years changed and feelings can. If you’ll ask me, sa tingin ko ay wala namang magiging problema sa pamilya kung tatanggapin mo pa rin si Poppy sa kabila ng panlolokong ginawa ng pamilya niya sa kompanya natin. Lalo na at may anak kayo at mukhang matindi ang pinagdaanan niya. But most of all, kailangan natin na intindihin na hindi niya ginusto ang lahat. Maaaring wala talaga siyang alam.”
Hind nagsalita si Blaise. Pero may punto ang nakababatang kapatid. Ganoon pa man, alinlangan pa rin si Blaise. Napakaraming multo sa nakaraan niya na sa tingin niya ay kailangan niyang ayusin bago tuluyang magdesisyon...