The Last Will Series 1 - 4 Chapter 19

ANG PAGTUKLAS na isang malaking maling desisyon pala ang pag-merge ng kompanya nina ay nagpabigat ng loob ni Blaise. Paanong hindi kaagad niya iyon nakita at ng staff nila bago pumayag sa negosasyon ng pamilya Rosales? Ganoon pa man, alam niyang mas ginawa pa noon na komplikado ang damdamin niya.

Mayroong relasyon si Blaise kay Poppy---ang anak ng may-ari ng Prime Resorts. Trial relationship lang iyon pero lalo pa na ginulo noon ang isip niya.

Kakaiba ang nararamdaman ni Blaise kay Poppy---may hinala na siya roon. Pero dahil hindi siya sanay sa ganoong damdamin, natatakot siya. Alam niya na hindi basta-bastang babae si Poppy. Hindi ito kagaya ng mga madalas na dine-date niya. Paano kung masaktan niya si Poppy ng hindi niya sinasadya? Wala siyang tiwala sa sarili niya. Minsan na kasi siyang nakipagrelasyon sa kagaya ni Poppy. Sweet at tipo ng babaeng kailangang seryosohin. Pero nang magdesisyon siyang hiwalayan ito dahil pakiramdam niya ay wala ng kuwenta ang relasyon nila, binantaan siya nitong magpapatiwakal. Hindi man natuloy ay naging matinding aberya pa rin sa parte niya. Nakaaway niya ang pamilya ng babae dahil sa panloloko raw na ginawa nito sa anak niya.

Iniiwasan niya ang mga kagaya ni Poppy. Pero nang layuan siya nito, hindi naman siya mapakali. Hinahanap-hanap niya ito kaya bumigay na rin siya. Nagpasalamat na lamang siya na pumayag ang babae sa kung ano lamang ang makakaya niyang ibigay rito.

Maayos ang sitwasyon nila ni Poppy hanggang sa may nalaman si Tita Judith. Sinabi nito ang mga suspetsa sa Prime Resorts. Napansin raw kasi nito na may mali na dahil ilang beses na nagrequest ng luxury membership ang mag-asawang Rosales ngayon sa kompanya. Nagtaka si Tita Judith dahil ang pagkakaalam nito ay maganda ang kita ng Prime Resorts. Kung ganoon, afford ng kompanya na magakroon ng luxury membership ang mga nasa mataas na puwesto.

Pero napag-alaman na lahat pala ng records ng kompanya ay peke. Hindi maayos ang Prime Resorts. A few years back, may nagdisplako ng malaking pera sa kompanya dahilan para magkaroon ang mga ito ng maraming utang at kahit maayos ang kita ng resorts, hindi iyon sapat para mabayaran ang mga nawalang pera. Hindi na rin legal ang operasyon ng mga ito dahil ilang taon ng hindi nakakapagbayad ng tax. Kung paanong hindi pa rin gumagawa ng aksyon ang gobyerno sa operasyon ng Prime Resorts ay hindi sigurado. Iisa lang ang totoo: niloko sila ng mga ito. Pinaniniwala sila ng mga ito na magandang mag-invest rin sila sa kompanya ng mga ito.

At si Poppy...paano kung ginamit lang ng mga itong pain sa kanya ang anak ng mga ito? Para kapag nadiskubre nila ang panloloko ng mga ito ay may panghahawakan ang mga ito sa kanya.

Magulong-magulo ang isip ni Blaise. Dinagdagan pa iyon ni Poppy na kinabukasan, pagkatapos niyang malaman ang sikreto ay umiiyak na nagpunta sa condominium unit niya.

“A-anong problema?”

“S-sina Daddy at Mommy. They got some problems. Nag-away sila sa bahay, parehong lasing. Nagbato sila ng kung anu-ano. It’s a mess.”

“Alam mo ba kung bakit?” tanong ni Blaise kahit may ideya siya.

Umiling si Poppy. “Natakot ako, Blaise. What is happening? Maghihiwalay kaya sila? It hurts me to see them like that.”

Hindi makapagsalita si Blaise dahil alam niyang partly, siya ang may kagagawan noon. Nakausap na niya ang magulang ni Poppy tungkol sa problema. They were found guilty. Sinabihan siya ni Tita Judith na gumawa ng mga necessary actions. Pumayag siya pero iginiit niya na in discreet manner gagawin ang mga parusa.

Pinapahalagahan ni Blaise si Poppy. Pamilya nito ang madadamay kung sakaling lumabas iyon sa media at madla.

Inalo na lamang ni Blaise si Poppy. Hindi rin niya kasi gustong makita na ganoon ang babae. Nasasaktan siya. He comforts her. Pero mukhang mali na aksyon iyon. Poppy cling to him all the time like she was a baby. Nasa iisa rin silang lugar at walang nanonood. Ang simpleng pag-aalo ay sinabayan ng tukso.

Parte ng pag-aalo ni Blaise kay Poppy ang paghalik rito. Pero masyado siyang nasarapan kaya naman hindi naiwasan na lumalim iyon, lalo na at naging willing rin si Poppy. She kissed him deep and wild. Lalaki lamang si Blaise. Naging matindi ang tukso.

Poppy willingly give herself to him, too.

“I trust you. Alam kong hindi mo ako sasaktan.” Wika ni Poppy nang mag-alinlangan siya.

Blaise surrendered. Kahit na ba alam niya na sa ginawa niya, ginawa lang niya lalong komplikado ang lahat. Pero lalaki lamang siya. Napakaganda rin ni Poppy para tanggihan. Noong una pa lang naman talaga ay gusto na niya ito. Her innocent black eyes and red lips haunt her. Ilang beses niyang pinangarap na makitang nakasabog sa kama niya ang may kahabaan na buhok nito. And having her completely makes Blaise feels complete, too.

Ayaw isipin ni Blaise na in love na siya kay Poppy dahil nga sa naging karelasyon noon. Love could be destructible. also complicated. Patunayan roon ang nangyari sa mga magulang niya at ang nawala na pagmamahal sa dating nobya. Pero ang nararamdaman niyang ito kay Poppy, matindi iyon kaysa sa naramdaman niya sa inakala niyang first love niya. Hindi naibigay ng dating girlfriend at kahit ang mga naka-date lang niya ang satisfaction na naibigay sa kanya ng mga naggawa sa kanya ni Poppy.

Pag-iisipan talaga ni Blaise nang husto ang tungkol sa kanila ni Poppy. Naging isang malaking responsibilidad na niya ito. He was her first. Pero bigyan man niya ng ilang araw ang sarili ay may pakiramdam siya na may desisyon na rin naman siya...

Hanggang sa umalis si Poppy kinabukasan at hindi na muli bumalik.

Nag-aalala si Blaise sa lagay nito. Ilang linggo siyang hindi nakatulog ng maayos. Alam kasi niya na siya ang dahilan kung bakit hindi na ito bumalik. Nagalit ang pamilya Rosales kay Blaise kaya halos isumpa na nito ang kanilang pamilya. Pinagbawalan nito si Poppy na makipagkita pa sa wala raw konsiderasyon na taong kagaya niya.

Hindi ginusto ni Blaise na mangyari ang lahat. Pero ang order niyang in discreet manner na parusa sa magulang ni Poppy ay hindi nangyari. May isang tao na nag-leak sa public ng impormasyon at naging malaki iyong eskandalo. Napahiya ang pamilya Rosales. Naging matindi ang galit ng mga ito sa kanya. Inakala ng mga ito ay siya ang may gawa ng lahat. Pilit man niyang ipinaintindi sa mga ito ang lahat, naging sarado ang isip ng mag-asawa. Kahit hibla ng buhok ni Poppy ay hindi na niya nakita...

But on one rainy and late night, pagkatapos ng siyam na buwan ay nagpakita sa kanya si Poppy. Hindi na ito nag-iisa. She was holding a baby girl na mukhang babagong kapanganganak pa lamang.

Naging malakas ang kabog ng puso ni Blaise. Alam niya na parte noon ang pakiramdam na na-miss niya si Poppy. Hindi man ganoon katagal ang pinagsamahan nila, pakiramdam niya ay nagdulot ito ng malaking impact sa buhay niya. Bihira siyang maka-miss ng mga babae. Kahit ang mga magulang niya noong namatay ay mabilis lamang siyang naka-get over at naka-move on. But with Poppy, madalas pa rin itong nasa panaginip niya. Isa itong babae na hindi niya basta-basta makakalimutan. Pero ang pinakamalaking parte ay ang tanong na bakit may kasamang sanggol si Poppy? Sino ang sanggol na iyon?

“She’s our daughter.”sagot ni Poppy sa tanong niya.

Naging malaking pasabog para kay Blaise ang narinig. May anak siya! Sila ni Poppy! Wala siyang ka-ide-ideya. Naging maingat naman siya noon. But then, hindi naman lahat talaga ng contraceptives ay effective. Pero kahit na. Dapat ay alam niya ang tungkol sa sanggol. May siyam na buwan si Poppy para sabihin iyon sa kanya.

“I’m sorry kung ngayon ko lang naipaalam sa `yo, Blaise. The past nine months, I was a prison by my own parents. Nagalit sila sa akin, lalo na nang malaman na pinagbubuntis ko si Blair...” tumingin ito sa sanggol kaya halata na iyon ang tinutukoy nito. “Ngayon ay nakatakas lamang ako. Sinadya ko na gawin talaga dahil karapatan mo rin na malaman bago kami umalis patungo sa America.”

“What?!” halos sumigaw si Blaise. “Ano ang ginagawa mo, Poppy? Pagkatapos mong ipaalam sa akin na nagbunga ang nangyari ng gabing iyon ay bigla ka na lang aalis?!”

Kinagat ni Poppy ang ibabang labi. “Ito ang plano nila Daddy at Mommy. Maayos na ang mga papel namin. Inaantay na lang namin ang flight schedule. We’re migrating.”

“No.” Madiin na wika ni Blaise. “May karapatan ako sa batang `yan. Hindi ko hahayaan na umalis kayo!”

“Blaise...”

“I’ll fight for custody kapag pinagpilitan mo na ilayo sa akin ang a-anak ko.” Nanuyo ang lalamunan ni Blaise sa pagsasabi ng salitang anak. It felt so odd. Pero hindi niya itatanggi na nag-init ang puso niya sa isipin na may anak siya.

Namutla si Poppy. “`Wag mong gawin ito...”

“Ano bang naiisip mo? Ano ang tingin mo sa akin? Spermbank? May karapatan ako kay Blair. Now that I knew her existence, tama lang na ipaglaban ko siya.”

Napaiyak na si Poppy. “Hindi mo ako naiintindihan. Napakarami ko ng pinagdaanan simula nang maghiwalay tayo. And Blair, siya lang ang nakapagpasaya sa akin. She’s my happiness. `Wag mo na naman na agawin sa akin iyon.”

Natunaw ang puso ni Blaise sa pag-iyak ng babae. Hinawakan niya ang balikat nito. “You’ll be part of the bargain. You’ll live with me, too. We will get ma---“ hindi naituloy ni Blaise ang sasabihin. Marry? Handa na ba talaga siya? Pagkatapos ng mga nangyari sa nakalipas, parang hindi magiging madali.

Umiling si Poppy. “Hindi ko na puwedeng biguin sina Mommy and Daddy, Blaise. Nasaktan sila nang husto nang malaman ang sitwasyon ko kay Blair. But then, they still accept me. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kailangan ko na pumayag sa mga desisyon nila.”

“Pero, Poppy...”

“Hayaan mo na ako, Blaise. Alam naman natin ang tungkol sa lagay mo sa magulang ko. Kapag ipinaglaban mo si Blair, magiging isang malaking gulo iyon. Pagod na ako sa gulo. Hindi ko rin sana gusto na madamay si Blair roon. Napakabata pa niya para ma-expose sa mga ganitong sitwasyon.”

May punto si Poppy. Sa huli, wala na rin naggawa si Blaise kundi ang pakawalan ang mag-ina niya. Masyado rin na magulo ang isip niya. Lumipas ang isang linggo at napagtanto niya na mali ang pagpayag niya. Tinanong niya si Tita Judith at Kuya Christien tungkol sa mga necessary actions. Nalaman niya na wala nga siyang laban dahil sa edad pa lamang ng anak. Tanging mga visitation rights lang ang mayroon siya.

“Napakalayo ng America para mapuntahan ko si Blair ng madalas!” giit ni Blaise. He wanted to have a hold with his daughter.

“Hindi natin puwedeng kastiguhin ang pagdadala roon ni Poppy. Nasa kanya ang custody.” Sagot ni Christien.

“I have to marry, Poppy.” Iyon na lang ang tanging naiisip niya para makabalik sa kanya si Blair. Pagkatapos ng lahat, may nararamdaman rin naman siya sa ina nito. Hindi na nga siguro masama kung magpapakasal silang dalawa. He wanted his daughter and he also wanted her physically. Ilang babae na rin ang d-in-ate niya pagkatapos nilang maghiwalay pero palaging si Poppy pa rin ang laman ng isip niya.

Pumunta si Blaise sa America. Plano niyang suyuin si Poppy. Pero hindi na naman siya hinayaan ng magulang nito na makalapit sa mag-ina niya. Kahit man lang kay Blair. Blaise feels so helpless. Bumalik siya sa Pilipinas at kinonsulta sa pamilya ang tungkol sa nangyari.

“They shouldn’t have done that. Karapatan mo na madalaw ang anak mo.” wika ng Tita niya. “We can take legal actions into this.”

“Gusto ko talagang makuha ang pamilya ko, Tita...” halos maiyak na si Blaise sa frustration.

Niyakap siya ni Tita Judith. “Gagawin natin. Tutulungan kita. I’m just busy these days. But next week. Kung kailangan na samahan kita sa America para maayos ang lahat ng ito, then be it.”

Nagtiwala si Blaise sa pangako ng tiyahin. Alam niyang hindi siya nito bibiguin. Habang nag-aantay, inaliw na lamang ni Blaise ang sarili sa pagdalaw sa isa pa niyang matalik na kaibigan na si Lucas. Kagaya ni Brendon, kaklase niya rin ito noong high school at college. Tatlong buwan na ng makapanganak ang asawa nito. Tinulungan niya ang mag-asawa sa pangangalaga sa unang anak ng mga ito na si Rosie. Kailangan rin naman niya iyon para kapag nakuha na niya si Blair, alam na niya ang mga tamang gawin sa anak. Natuto naman si Blaise...o iyon ang kanyang akala.

Nasa isip ni Blaise na normal lamang sa mga bata ang pagiging iyakin, lalo na sa mga babae. Ganoon si Agnes noong sanggol pa lamang ito. Kaya naman ang oras-oras na pag-iyak ni Rosie kahit wala namang dahilan ay hindi niya gaanong ikinabahala. Sinigurado niya pa iyon sa yaya nito na nababahala na sa mga ikinikilos noong bata sa nakalipas na tatlong araw.

“She’ll be fine. Normal lang `yan.” Bago ang yaya dahil noong unang mga buwan pagkatapos ipanganak si Rosie, naging hands-on rito ang mag-asawang Lucas. Bumalik lamang ang asawa ni Lucas sa trabaho pagkatapos ng tatlong buwan, ang panahon rin kung saan niya pinag-aaralan na mag-alaga ng bata.

Pero hindi tama ang hinala ni Blaise. Isang gabi ay ginising siya ni Lucas at sinabi nitong patay na si Rosie. Tuwing gabi ay umuuwi siya sa unit niya kaya wala siyang kaalam-alam sa lagay ng bata noong mga panahon na sinugod ito.

Sinuntok ni Lucas si Blaise. “Ikaw! Ikaw ang may kagagawan kung bakit namatay si Rosie. Bakit hindi mo sinabi sa amin na ganoon na pala ang lagay ng anak ko? Hindi normal sa isang bata ang maya’t maya na lamang umiiyak!”

“Hindi ko maintindihan, Pare---“

“May sakit na pala si Rosie kaya iyak siya nang iyak. It wasn’t normal like you always assure to her nanny!”

Nasindak si Blaise sa nalaman. Hindi kaagad siya nakapagsalita.

“Tama lamang na ipagkait sa `yo ang anak mo, Blaise. Dahil wala kang kuwenta! Ikaw, ikaw ang gusto kong sisihin kung bakit namatay ang anak ko. Gago ka!”

Galit na nilisan ni Lucas ang unit at buhay niya. He lost a friend. Maaari nga rin na isisi sa kanya kung bakit namatay si Rose. Naging matindi ang guilt sa puso ni Blaise.

It was a hard and very bad situation. Pero ang pinakamatindi siguro na nangyari kay Blaise sa sitwasyon ay ang nawala rin sa sarili niya. Nawalan siya ng confidence na magiging isang mabuti siyang ama dahil sa mga sinabi sa kanya ni Lucas.

Wala siyang kuwenta. Siguro nga ay tama si Lucas. Tama lang na ipagkait sa kanya si Blair.

Natakot si Blaise na ang pagkakamali niya sa anak ng kaibigan ay maggawa rin niya sa anak niya.

TATLONG araw na simula nang makabalik sina Poppy sa Pilipinas. Sa condominium unit sila ni Blaise tumuloy. Iilang araw pa lamang nang makabalik sila pero naramdaman na kaagad niya ang naging malaking pagbabago sa buhay niya, lalo na kay Blair. Maayos ang buhay nila sa bahay ni Blaise. Nakakatulog na siya ng ayos at ganoon rin si Blair. Ilang beses na niyang naririnig na tumawa ang anak. Masaya ito. Nagagawa na kasi nito ang mga gusto ng hindi napapagalitan. Lahat rin ng hinihingi nito ay napapagbigyan. Tutal, kahapon ay ibinili ito ni Blaise ng maraming laruan. Buong araw na naging abala ang anak sa paglalaro ng mga iyon.

Ligtas na si Blair ngayon. Ganoon rin si Poppy. Ganoon pa man, may kakaibang kaba pa rin sa puso niya. Iniwan niya ang mga magulang niya. Anong gagawin ni Zac sa mga ito pagkatapos ng selfish na ginawa niya? Anong gagawin ni Zac? Unti-unti na niyang nakikilala si Zac at may pakiramdam siya na mali talaga na pinatulan niya ito. Masamang tao ito.

Hindi naging maganda ang trato kay Poppy ng mga magulang sa nakaraang limang taon. Kahit nagsimula na naman siya na magtrabaho para matulungan ang mga ito sa gastusin, hindi naging sapat ang mga iyon para rito. Nasaktan niya nang husto ang mga ito. Tinanggap man siya nito pagkatapos ng nangyari sa kanya, mararadaman na sa pagtrato ng mga ito sa kanya ay masama ang loob ng mga ito.

Naging mahigpit ang mga magulang ni Poppy sa kanya. Hirap siyang makalabas at ganoon rin si Blair. Palagi lamang silang nasa loob ng bahay. At nang minsan ay hindi na siya makapagtimpi sa pag-iba ng trato ng mga magulang, sinagot na niya ang mga ito.

“Kung ganito lamang pala ang gagawin ninyo sa akin, dapat ay ibinigay niyo na lang kami kay Blaise!”

Alam ni Poppy na hindi sumuko si Blaise. Pinuntahan sila nito ni Blair sa America. Pero hindi nila naggawang magpakita dahil sinadya ng ama na ikulong sila. Ipinagtabuyan rin ito ng mga magulang niya.

“At ano? Ang mapasaya ang lalaking iyon? Hah! Hindi! Hindi siya karapat-dapat na maging masaya at ang makuha ang gusto niya dahil sa ginawa niya sa atin.” Tila nalolokong wika ng kanyang Daddy. Alam niya na isa iyon sa mga araw na “high” ito. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit alam niya na hindi na maganda ang lumugar pa rin sila ni Blair sa bahay. Gumagamit na kasi ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang ama at ganoon rin ang kanyang ina. May mga araw na nagbabasag ang mga ito ng kung anu-anong gamit dahil na rin sa epekto ng gamot. Hindi pa rin nakaka-get over ang mga ito sa nangyaring kahihiyan sa Pilipinas.

“Maawa naman kayo sa amin ni Blair, Daddy...” tatlong taong gulang na ang anak. Kapag nakakagawa ng mali ang si Blair, pinapalo ito ng mga magulang. Alam niya na galit ang mga ito sa anak niya. Malaki kasi ang pagkakahawig nito kay Blaise. Naiinis ang mga ito kapag nakikita ang anak. Ipinapaalala ni Blair sa mga ito ang lalaking kinagagalitan.

“Maging masaya ka na lang na tinanggap ka pa rin namin. Isa pa, kung pinapahalagahan kayo ni Blaise, gagawa muli siya ng paraan para makuha kayo. Pero pagkatapos noong una ay wala na muling sumunod.”

Nasaktan si Poppy. Tama naman ang mga magulang. Pero kung magtatagal pa sila ni Blair sa mga ito, baka mas lalo pa silang masaktan. Ganoon pa man, wala pa rin na naggawa si Poppy. Gustuhin man niya na umalis ay itinago ng mga ito ang lahat ng dokumento niya na mahalaga ngayong nasa ibang lugar sila.

Siguro nga ay tama rin ang kanyang ginawa. Tama na ang naging paghihirap nila ng anak sa loob ng maraming taon. Ngayon ay magiging maayos sila sa piling ni Blaise. O sadya nga ba? Hindi ba at parang mas nakakatakot yata na makasama niya si Blaise ngayong ramdam naman niya na mahal pa rin niya ito?

It hurts to love someone who can’t love you back.

But then, mayroon nga na minsang nabasa si Poppy. Loving someone who doesn’t love you back is like reaching for a star. You know you’ll never reach it but you just have to keep on trying. Because someday, who knows? It might fall.

Gustong umasa ni Poppy. Hanggang ngayon ay naniniwala siya na lahat ng nangyari noon ay pagkakamali lamang. Hindi nito gustong ipahiya ang pamilya niya dahil alam nito na masasaktan rin siya. Nakilala rin naman niya si Blaise. Hindi man nito masabi na mahal siya, alam niyang may pag-aalaga at respeto rin ito sa kanya. Hindi ito gagawa ng ikakasama niya. Iginiit rin naman nito na hindi nito intensyon ang lahat sa pamilya. Naging bingi nga lamang sa pakikinig ang magulang.

Maayos rin ang pagtrato sa kanila ni Blaise. Inaalagaan sila nito. Bago matulog ay binabasahan rin nito si Blair. Palagi kasi iyong request ng anak bago matulog. Kasalukuyan nitong ginagawa iyon at nakatingin lamang siya sa mag-ama. May humaplos na mainit na kamay sa puso niya sa pagtingin sa mga ito. Masaya rin siya na makitang aliw na aliw si Blair. Nakuwento nito sa kanya na noong mga araw na wala siya, lagi raw itong nagpapabasa kay Blaise ng fairy tales. Nakasanayan na nito iyon.

“And they live happily ever after...” pagtatapos ni Blaise sa kuwento.

Pumalakpak si Blair.

Ngumiti si Blaise. Hinalikan nito ang anak sa ulo. “Now, you can go to sleep.”

“Puwede po ba na sa tabi kita matulog, Daddy?”

Napansin ni Poppy na sandaling nanigas si Blaise. Parang natakot ito na hindi maintindihan. Tumingin ito sa kanya. “H-hindi tayo kasya sa bed mo tatlo ng Mommy mo.”

Tumingin si Blair kay Poppy. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya magkakatabi ng mga ito. Malaki ang katawan ni Blaise at may kaliitan ang kama para sa kanilang tatlo. Hindi sila magkakasya.

Pumayag rin naman si Blair. Nagpaalam na si Blaise at tumayo mula sa kama. Nasa ganoon silang kondisyon nang biglang mamatay ang ilaw. Malakas na sumigaw si Blair.

Kaagad na dinaluhan ni Poppy si Blair. Alam niya kung bakit ganoon na lang katakot ang bata. Kapag may ginagawa kasi itong mali, bukod sa pinapalo ay ikinukulong rin ito ng kanyang Daddy sa madilim na kuwarto.

Ilang beses na nagsisigaw si Blair. Niyakap at kinalma na niya ito pero hindi pa rin ito tumitigil. Naramdaman niya ang presensiya ni Blaise. Dinaluhan rin sila ng lalaki. Sumama rin ito sa yakap. Masikip ang lugar pero alam ni Poppy na isa ang presensiya ni Blaise sa dahilan. His body made her hot and heart felt that familiar tension...

Natatakot siya para sa anak. Ganoon rin sa kanyang damdamin sa lalaki na pilit na kumakawala.

“There must have been some power interruption, Blair. Don’t be afraid...”

Umiiyak na nagsisigaw pa rin si Blair. “Ayaw ko ng dark. Mommy, let me go out of here. Light please, light!”

Doon naman bumukas muli ang mga ilaw. Bahagyang kumalma na si Blair. Hikbi na lang ang pag-iyak nito.

Pag-aalala ang nasa mukha ni Blaise. Hinaplos nito ang pisngi ng anak. “There’s nothing to worry, okay? Hindi ka pababayaan ni Daddy. You are safe here, with me.”

Tumango-tango si Blair. Niyakap nito ang ama. “Thank you, Daddy.”

“I promise to take care of you and your Mommy. No one will harm both of you...”

Blaise sounded like he was a knight in shining armor. Ipagtatanggol sila nito. Sana nga lamang ay ipagtanggol rin siya nito mula sa sakit ng hindi masuklian na pagmamahal.

NAG-ISIP si Blaise ng mga bagay na makabubuti para kay Blair. Alam niya na hindi naman niya ito puwedeng ikulong lamang sa condominium unit niya. She needed a place better than that. Para sa kanya, hindi para sa mga may bata ang condominium unit. Gusto niya sanang patirahin ang mag-ina sa mansion ng pamilya dahil madalas rin naman silang magkakapatid roon. Pero nabalitaan niya na kasalukuyang naroroon ang dating karelasyon ng kapatid na si Rolf at nasa maselan na kalagayan dahil buntis. May pagkamakulit si Blair. Baka ma-stress si Mandy kapag naroroon ito sa bahay. Nagpahanap na lamang siya sa sekretarya ng bagong bahay na matitirhan nila at dahil nasa proseso pa ang pag-aayos, panandalian ay sa unit pa rin sila.

Inilabas na lamang ni Blaise ang kanyang mag-ina. Nagyaya si Blair sa amusement park. Madalas daw kasi itong nakakita ng ganoon sa mga pambatang videos na napapanood nito sa Youtube. Nagsama si Blaise ng bodyguard para sa sariling proteksyon. Masyadong maraming tao sa amusement park dahil Linggo.

Naramdaman kaagad ni Blaise na tama ang ginawang pag-iisip nang makita ang saya ni Blair sa mukha. Naging masaya rin siya sa makita na masaya ang anak niya. Though may isang bahagi ng isip niya na nagtatanong kung deserved ba talaga niya na maging masaya sa pagiging ama samantalang tinanggalan niya ng karapatan si Lucas noon. Pero ganoon pa man, inisip niya ang sinabi ni Brendon. Kailangan niya na makawala sa nakaraan.

Naging malaki ang epekto ng nangyari kay Rosie kaya hindi na pinakialaman ni Blaise ang kanyang mag-ina. Pinilit siya ni Tita Judith at mga kapatid na puntahan ang kanyang mag-ina pero hindi na niya ginawa. Kumbinsihin man siya ng mga ito na tutulungan siya sa lahat ng paraan ay natakot siya. Naisip niya na baka nga kaya sinadya ng Diyos na ilayo sa kanya ang mag-ina niya ay dahil wala talaga siyang kakayahan na maging isang ama. Pero ngayon ay napagtanto niya na isang malaking kamalian iyon. Dahil sa pagiging duwag niya, nasaktan ang mag-ina niya. Hindi niya nalaman ang kalagayan ng mga ito. Na-guilty siya nang husto.

Ngayon ay babawi si Blaise sa mag-ina niya, lalong-lalo na kay Blair. Nakakaramdam rin naman siya ng matinding kagustuhan sa puso. May takot pero mas malaki ang saya kapag nakakasama niya ang anak.

Sa lahat ng mga rides ay sinamahan niya ang anak. Pagkatapos ng tatlong oras, noon lang nakaramdam ng pagod at gutom si Blair. Pagkatapos kumain at magpahinga ng mahigit isang oras, inabala naman ni Blair ang sarili sa paglalaro ng iba’t ibang indoor games. Isang oras na itong paulit-ulit sa nilalaro kaya naman nakaramdam si Blaise ng pagkainip. Pansin niyang ganoon rin naman si Poppy.

“Ang dami pang magagandang rides, Blair. Hindi ka pa nakakasakay sa mini ferris wheel, o.”

Umiling si Blair. “Enjoy po ako rito, Mommy. Kung gusto niyo po na sumakay sa iba pa, hiwalay na lang po kayo sa akin. `Di naman po ako aalis rito.”

Hindi nagsalita si Poppy. Alam niya na hindi naman nito maiiwan ang anak. Ganoon rin naman siya. Pero dapat ba talaga na pagbigyan nila palagi ang anak nila? Hindi lang rin naman si Blair ang may mahirap na pinagdaanan. Kailangan rin na mag-enjoy ni Poppy.

Kinausap ni Blair ang body guard at sinabing ito na muna ang magbantay sa anak.

Kinalabit ni Blaise si Poppy. “Tara na.”

“Ha?”

“Let’s enjoy the park.” Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Poppy. Naramdaman niyang nagulat at nanginig ito. Naramdaman rin naman iyon ni Blaise. Holding Poppy’s hand gave an electrifying feeling in his body.

“Pero si Blair---“

“I trust my bodyguard.” Hinila na ni Blaise si Poppy bago pa man ito makapagsalita. Sandali pa rin na sinabihan siya nito ng pag-aalinlangan. Pero nang pinisil niya ang kamay nito. Sinigurado niya na magiging maayos si Blair sa pamamagitan noon.

Para pakalmahan si Poppy ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Blaise. Pero teka, bakit parang masama naman ang dating noon sa kanya? Ginulo ng pagpisil niya sa kamay nito ang puso niya.

Blaise knew there was really something about this woman. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang epekto ni Poppy sa buhay niya.

Dinala ni Poppy si Blaise sa ferris wheel. Pero hindi na iyong pangbata na recommended lamang sa edad ni Blair. Mahaba ang pila at karamihan sa mga iyon ay mga magkarelasyon. Medyo naiilang tuloy si Blaise. Napalunok rin siya. Bakit maraming mga lovers ang pumupunta sa ferris wheel? Maituturing rin ba sila ni Poppy na magkarelasyon? Wala silang napapag-usapan.

Naramdaman pa lalo si Blaise ng pagkailang nang makasakay. Isinabay sila sa teenager na magkarelasyon.

“Sir, pasensya na. Napakarami po kasi talaga ng tao at nahihirapan po kami na i-accomodate.” Dahilan ng operator.

Pumayag na rin naman sila ni Poppy. Ganoon pa man, hindi maramdaman ni Blaise ang enjoyment sa rides. Nagsisimulang magyakapan at halikan ang mga teenager. Hindi alintana ng mga ito na naroroon rin sila para manood. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. He wanted to do it...with the girl sitting beside him.

Pero ano nga ba kasi ang karapatan niya rito? Wala pa silang napapag-usapan. At kung gumawa siya ng mga ganoong kilos...would their relationship be more complicated?

Hindi pa ba complicated na hindi mo nga alam kung ano ang kinabukasan niyo ni Poppy? Ina siya ng anak mo! Hindi magtatagal ay magkakaroon ng kaibigan si Blair. Makikita nito sa mga iyon ang halimbawa ng totoong pamilya, ang kung anong ginagawa ng ina at ama... wika ng isang bahagi ng isip ni Blaise.

Naiintindihan naman iyon ni Blaise. Kaya lang ay masyado pa siyang nabibigla sa lahat. Halos isang linggo pa lamang ang mag-ina niya sa Pilipinas. Gusto niya pang mag-isip. Mabigat na salita ang isang kasal. May pagkakonserbatibo pa rin siyang tao sa kabila ng mga paniniwala niya sa pakikipagrelasyon. Gusto niyang siguraduhin muna ang nararamdaman kay Poppy bago sumugal...

Pero hindi na nag-antay si Blaise ng matagal para gumawa ng mga pagsisigurado. Inakbayan niya si Poppy. Napasinghap ito. Nagulat ito. Inilapit niya ang katawan nito sa kanya.

“Blaise...”

“You’re cold,” naramdaman ni Blaise. Nagkaroon ng palusot ang torpe.

“Maginaw rito sa taas...”

“Then a good reason to warm you...” tuluyan ng niyakap ni Blaise si Poppy. He felt her tension. He had the mutual feelings, too. Pero hindi nagtagal, pakiramdam naman ni Blaise ay nanlalambot siya. Nagustuhan niya ang balat ni Poppy, ang presensiya nito sa mga kamay niya. Holding her feels good...and nice.

Pero sapat na ba ang good at nice para itali niya sa kanya panghabang buhay si Poppy?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.