The Last Will Series 1 - 4 Chapter 25

THREE consecutive weeks of awkwardness. Hindi na yata kakayanin ni Sheena kung masusundan pa. Pero hindi siya dapat magreklamo. Siya ang nag-pursuade kay Allain para gawin ang provision ng will. Kailangan niyang tiisin ang lahat. Sandali na lang rin naman.

Masaya na masakit ang paggawa sa mga kagustuhan ni Tita Judith. Masaya dahil nakakasama niya si Allain, nagkakaroon siya ng romantic moment kasama ito. Pero masakit dahil naalala niya na hanggang doon na lamang sila. Lahat ng mga nangyayari, ang pelikula, ang kanta ay bumabalik sa kanyang mga alaala. Nasasaktan siya. It was just hard to accept that she was invisible to Allain. No, nakikita siya nito pero hanggang kaibigan lang ang lahat.

Bakit ba kailangan pa na mangyari ang lahat ng ito? The third date, they were brought to a fancy restaurant. Nirentahan ang lugar kaya pribado. Kagaya ng nangyari sa una, puno rin ng pula ang paligid. Maraming rosas at may mga musician pa.

“Kaunting tiis na lang,” pinisil ni Allain ang kamay niya habang inaalalayan siyang makaupo.

Awkward na ngumiti rin si Sheena. Mahirap pero gusto rin naman niya kaya tama ba na sabihin na tinitiis lamang niya ang lahat? Hindi siya makapagreklamo kasi nga, gusto rin naman niya. Too bad, kahit pangatlong linggo na ay hindi pa rin ganoon ang nararamdaman ni Allain.

“The place is so nice,” pinuri ni Sheena ang paligid.

“And romantic. Again.” Ngumiwi si Allain. “Awkward.”

“`Wag nating isipin na ganoon. How about let’s just enjoy the moment?” Pumayag ka naman, o. Naging mabait naman ako, eh. Kung panloloko ang ginagawa ko, hindi ko sinasadya...

Napaawang ang labi ni Allain. “What?”

Sinubukang ngumiti ni Sheena. Kaunting dates na lang. Pagkatapos noon, wala na siyang pagkakataon. Kailangan niya na sulitin ang lahat.

“Why don’t we just appreciate the things? Ang galante kasi ni Tita. Everything is beautiful. What if just once, or thrice, dahil may dalawa pa na natitira na dates, ay i-appreciate na lang natin ang lahat? `Wag natin na palipasin. Sayang, eh.”

Sandaling kumunot ang noo ni Allain. Pero maya-maya ay tumingin ito sa paligid. Ngumiti ito. “The place is nice.”

Napangiti na rin nang tuluyan si Sheena. “That’s a start.”

“Sigurado ka ba na gagawin natin ito? We both know its forbidden and---“

“Nagtitiwala ka ba sa sarili mo, Al?”

Napalunok si Allain. “O-oo naman.”

“Iyon naman pala, eh. Kaya `wag kang matakot.” Nasabi na lang ni Sheena. Sa totoo lang ay naguguluhan siya kung bakit ba tila natatakot si Allain. Sa loob ng maraming taon ay sinamba nito si Ria kahit na hindi naman ito ang priority ng babae. Minahal nito ng buong-buo ang babae. Bakit matatakot ito kung susubukin ito? It should mean something.

Pero palaging pinipigilan ng isang bahagi si Sheena na mag-isip pa. Hindi tama na mag-isip siya ng kakaiba.

“Well, if you say so.” Huminga nang malalim si Allain saka ngumiti. “I’ll just imagine you are Ria and you imagine me as Banjo. Sa tingin ko ay magandang ideya iyon para hindi naman natin ma-feel na ang awkward ng sitwasyon. Ano sa tingin mo?”

Hindi, dahil gusto ko na makita mo kung ano ako. Mahalin mo ako sa kung sino ako! Gustong magprotesta ni Sheena. Pero pumayag na rin siya, all for the sake na kahit man lang sandali, mahalin siya ng kaibigan. Makita siya nito bilang isang babae na makakasama nito habang buhay.

Nagsimula na ang dinner. They both ate the fancy dinner with gusto. Masasabi ni Sheena na masama man ang pagpapayag niya, may malaking benefit naman iyon. Her heart melted because Allain treated her like she was really special to her. Alam niya naman na espesyal siya dahil best friend siya. Pero ito ang pinakaunang bagay na ginawa sa kanya ni Allain ang paglalagay ng pagkain sa plato niya, sinusubuan at higit sa lahat, binibigyan siya nito ng tingin na para bang siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

Masaya si Sheena pero sa tuwing naalala niya ang pinag-uusapan kanina, natutunaw sa sakit ang puso niya.

“Let’s dance?” wika ni Allain nang matapos silang kumain. Tumayo ito at nilapitan siya. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

“Sa tingin ko, nakasulat rin iyon sa will,” mahahalata naman dahil bakit pa kumuha ng musicians `di ba? Isa pa, nang makita ng mga musicians na interesado sila, may pinatugtog na kaagad ang mga ito na kanta. Medyo nanginig pa si Sheena nang makaramdam siya ng familiarity.

Two old friends meet again

Wearin' older faces

And talk about the places they've been

“Friends again?” ngumisi si Allain nang mahalata nito ang kanta. Umiling-iling rin ito.

Napailing-iling rin si Sheena. “You’re thinking about me as your friend again? I’m Ria, right?”

Nakagat ni Allain ang ibabang labi. “Oh, yeah. `Sorry,”

“Let’s enjoy the music, B-Banjo...” wika ni Sheena at mas idinikit pa ang katawan kay Allain.

Para sila na tanga sa ginagawa nila---lalo na si Sheena. Dahil alam niya na hindi niya kayang lokohin ang sarili niya. Pumayag man siya sa klase ng arrangement na ginagawa nila ni Allain, hindi si Banjo ang nakikita niya. Hindi niya maiproseso ang utak niya.

Its still Allain. Sa tingin niya, hindi na iyon mababago pa kahit committed na siya. Everything sucks.

Mapag-angkin na hinawakan siya ni Allain. “Ria, yes, Ria. I’m finally holding you, my dream girl...”

Ginamit ni Sheena ang lahat ng willpower para hindi maiyak. She’s not Ria. She won’t be Ria. At dahil roon, hindi siya magagawang mahalin talaga ni Allain. She was not his dream girl.

Maybe this time

It'll be lovin' they'll find

Maybe now they can be more than just friends

Kung puwede nga lang sana na magkatotoo ang kanta. Pero napaka-imposible. Ang mga kanta ay para lang rin na nobela---fictional. Ganoon rin ang pangarap niyang pag-ibig sa kanila ni Allain. Hindi makatotohanan, hanggang sa isip niya lamang.

“A SIMPLE date.” Naiusal ni Nashee nang makita ang lugar ng pang-apat na date nila. Kasalukuyan silang nasa Luneta Park ngayong Linggo para isagawa ang dream date niya.

Tumango si Allain. “Yeah, I hope you don’t mind.”

Matamis ang ngiti ni Nashee. “Of course, I don’t mind. Gusto ko rin naman ang ganito.”

“Mabuti kung ganoon,” hinawakan ni Allain ang kamay ni Nashee. “So, umpisahan na natin na libutin ang park?”

“Sure!” masayang wika ni Nashee at bahagyang ikiniskis pa ang pisngi sa braso niya. Bahagyang napakunot ang noo ni Allain. Oo, matalik na magkaibigan sila. Matalik na magkaibigan sila pero more on emotional part ang friendship nila. Hindi sila pisikal na close ni Nashee. Madalas na magkasama sila pero hindi iyong ganoong klase ng lapit. They hold hands, they dance sometimes, he kissed her good night sometimes, but not this sweet. Hindi ganoon kalambing si Nashee.

Dapat ay pine-prefer ni Allain na hindi nga naglalambing sa kanya si Nashee. Hindi naman sila magkarelasyon para maging sweet ito sa kanya. Nakakasawa na rin kasi na ma-misinterpret ng iba ang mayroon silang dalawa. Pero bakit pakiramdam niya ay mas mag-e-enjoy yata siya ngayon? May masarap na damdamin na nabuhay sa loob ni Allain sa pagiging ganoon kalapit sa kanya ni Sheena. Nagustuhan niya ang tibok ng puso niya.

Tumingin sa kanya si Nashee nang makita na natigilan siya. “What? Hindi ka pa rin ba nasasanay sa akin, Banjo?”

Banjo. Gustong mapamura ni Allain. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Nakalimutan niyang may kasunduan nga pala sila ni Nashee. Sa halip na mainis at maramdaman na awkward ang sitwasyon, iisipin na lamang nila na silang dalawa ang karelasyon ng isa’t isa. Siya si Banjo at si Nashee naman ay si Ria.

Si Allain ang nakaisip ng ideya kaya hindi dapat siya nakakaramdam ng ganitong inis. Kilala pa man rin siya na palaging nagtatagumpay ang mga ideya. He’s a winner. Pero ang naging ideya at proposal niya kay Nashee? It just simply sucks.

Pero bakit ba nga ba siya nakakaramdaman ng mainis? Best friend lang niya si Nashee. Si Ria ang mahal niya. Si Ria ang gusto niya na makasama habang buhay. Pero kahit na isipin niyang si Nashee si Ria, si Nashee pa rin ang naiisip niya. Nakakaasar kasi si Banjo siya para rito. Ginagawa lang nito ang paglalambing sa kanya na ganoon dahil iniisip nito na siya si Banjo. Pero mas nakakaasar yata na naasar siya sa sarili niyang ideya. Naaasar siya sa nararamdaman niya!

Ano ba kasi ang gusto mo na gawin sa akin, Tita? Kailangan ng mapapagbuntunan ni Allain ng inis kaya nasabi niya iyon sa isip. This shouldn’t be happening. Kilala pa man rin siyang mabait na tao pero lahat ng mga nararamdaman niya, kasalanan iyon. May mahal ng iba si Nashee para maisip niya ang “romance” sa pagitan nila. Ganoon rin siya.

Pinilit ni Allain na ngumiti. “Let’s enjoy the day, s-sweetheart.”

Bahagyang pumiyok pa si Allain sa sinabing endearment. Hindi siya sanay. Pero pakiramdam niya, mas naapektuhan siya ng biglang paglakas ng tibok ng puso niya sa ginamit na salita.

Mas lalong naging maganda ang ngiti ni Nashee. “Yes, Babe!”

Naapektuhan lalo si Allain sa ngiti. Gusto man niya na itanggi ay naging mahirap. Nagkaroon ng kakaibang kiliti sa katawan niya. Hah! Ang “romance” na isipin sa ginagawa nila ay nakakaapekto yata sa katawan niya. Bakit? Hiling niya na sana ay nasa line of thinking niya lamang ang problema.

Mawawala rin ito. Pagpapanatag ni Allain. Dalawang date na lang naman. Pagkatapos noon, they can go back in their usual life. Magiging magkaibigan na lang sila. Sana nga lamang, hindi na maging awkward dahil sa mga date na ito.

Nilibot nila Allain at Nashee ang Luneta Park. Ang dami nilang nakakasalubong na tao, pero karamihan sa mga iyon ay mga magkasintahan. Napapadalas tuloy lalo ang tingin niya sa kaibigan. Do they look to others as couple? Do they look sweet? Do they look good? Dahil lahat ng mga iyon, nararamdaman ni Allain. Pakiramdam niya ay kasintahan niya si Sheena at sa isipin, tumataba ang puso niya. May problema talaga sa kanya.

“Tara, sumakay tayo ng kalesa,” wika ni Nashee nang makakita ng isa. Pinagbigyan niya ito. Nang makasakay, nagulat siya nang humilig sa dibdib niya ang kaibigan. Mas lalo yatang lumakas ang tibok ng puso ni Allain. Nagsunod-sunod ang lunok niya para lang pakalmahin ang sarili.

“I always wanted to do this.” Nashee tangled her hands against his. Lalong nagwala ang puso niya.

“W-with Banjo?”

“Hmmm...” tanging sagot lang ni Nashee. Pumikit ito at waring gusto na matulog sa dibdib niya. She looked heavenly, he can’t help but noticed.

“The view is good. Sasayangin mo na lang ba na ma-miss ang opportunity?”

“Mas masarap ang pakiramdam ng nakahilig ako sa dibdib mo.” walang pag-aalinlangan na wika ni Nashee. Nakapikit pa rin ito.

Napalunok muli si Allain. Tumingin siya sa paligid. Tama siya na sabihin na maganda ang paligid. Pero nang pakiramdaman niya ang sarili, mas maganda ang nararamdaman niya. Nashee that close with him.

Nakakainis pero hindi na kaya pa na itanggi ni Allain ang nararamdaman. It gives him unexplainable joy that Nashee is around, that Nashee is close with him like that. Ah, bakit ba niya iintindihin ang inis? Naisip niya maya-maya. Sandali na lang naman. Bakit hindi niya gawin ang gusto ni Nashee? I-appreciate at sulitin na lang niya ang pagkakataon. Pagkatapos ng lahat, naging napakabait niya sa maraming taon. Minsan lang siya makagawa ng pagtataksil. At hindi rin naman pagtataksil iyon `di ba? Hindi nila pareho na ginusto iyon. Mawawala rin naman ang damdamin kapag natapos sila sa series of date na iyon.

Allain make the most out of the experience. Kinuha niya ang ulo ni Nashee. Inilapit niya pa ito lalo sa dibdib niya. Bahagyang tumingala ito. Nagtataka ang ibinigay nito na tingin.

“Appreciate, right?” nakangiti naman na sagot niya.

“O-oh, yes...” ngumiti muli ng pagkakatamis-tamis si Nashee. Natunaw yata ang puso niya. Gusto rin niyang tumitig na lang sa mukha nitong ganoon. God, what was really happening to him?

Pero kagaya nga ng napagdesisyunan, he will just enjoy the moment. Wala ng tanong. Pinagpatuloy rin ni Nashee ang pagsiksik sa dibdib niya. Ah, what a good feeling.

Nang matapos ang pagsakay nilang dalawa sa kalesa, may isang batang babae na nagtitinda ng bulaklak ang nahagip ng tingin ni Allain. Nang magkasalubong ang mata nila ay itinaas nito ang hawak-hawak na bulaklak. There was a huge feeling inside him that he wanted to buy the flowers. Kung dahil sa gusto lang niyang pagbilhan ang bata o dahil sa tingin niya ay kailangan niya na ibili noon si Nashee, hindi niya masigurado.

Nilapitan ni Allain ang bata at binili lahat ng bulaklak na tinda nito. Kung gaano kaganda ang ngiti ng bata sa ginawa niya, ganoon rin ang kay Nashee. Namumula rin ang pisngi nito.

Damn, she looked so pretty.

“Thank you,” wika nito nang hawakan ang mga bulaklak.

Sinabayan ni Allain ang ngiti. “You’re welcome, pretty.”

You’re welcome to my heart. Biglang pumasok sa isip ni Allain sa sinabi. Gusto tuloy niyang mapailing-iling. This feeling is bothering yet good at the same time. Ano ba ang kailangan niyang gawin? Mukhang malapit na nga talaga na mawala sa kanya ang bansag ng pinakamabait sa pamilya, mabait na tao sa lahat. Everything he was feeling is a sin. But the sweetest sin, he could help noting.

“Puwede ba akong magtanong, Al?” maya-maya ay seryosong tanong ni Nashee.

“So we’re back to Allain and Nashee now?”

Nagkibit-balikat ito. “Just by now. May gusto lang sana ako na itanong sa `yo na kailangan ang opinyon ng best friend ko.”

“Shoot.”

“B-bakit ganitong klase ng date ang napili mo? Bakit simple lang?”

May sagot na si Allain roon. “Kasi gusto kong mabuhay na hindi ako si Allain at hindi rin ikaw si Nashee. You see, we are both from rich families. Gusto kong maranasan na hindi tayo kagaya ng dati. To be unique `di ba? Hindi kasi natin ginagawa ito, eh.”

“So ibig sabihin, inisip mo ang dream date na ito para sa akin? Hindi para kay Ria.” Matter-of-factly na wika ni Nashee.

“S-siguro.” Shit. Mali ba ang sinabi niya? Mali ba ang dahilan niya? Baka bigyan iyon ng ibig sabihin ni Nashee at...

Nawala ang pag-aalinlangan sa isip ni Allain nang ngumiti si Nashee. Tumango-tango ito. “Thank you for answering my question.”

Nakahinga nang maluwag si Allain. Hindi minasama ni Nashee ang opinyon niya. Hinawakan niya ang pisngi nito at pakiramdam ni Allain, nagkaroon pa siya ng isang dahilan para sa date na hindi pangkaraniwan na ginagawa ng mayayaman na tulad nila.

Ginagawa ko ito para kahit sandali, talagang maisip natin na hindi talaga tayo sina Allain at Nashee. Hindi tayo mag-best friend. Mayroon tayong simple at payak na buhay. Isang buhay na walang problema dahil hindi nga tayo ang isa’t isa.

Kung puwede lang, Nashee...may panghihinayang ang boses sa isip ni Allain. It was too late now for everything and he feels sorry for it.

NAPAUNGOL si Sheena nang mag-ring ang cell phone niya. Sa tantiya niya ay wala pa siyang sampung minuto na nakakatulog. Nainis siya sa biglang nang-istorbo sa kanya. Ganoon pa man, kinuha niya ang cell phone. Lalo pa siyang nainis nang makita kung sino ang caller kahit hindi naman dapat.

It was Banjo.

Nag-alinlangan si Sheena kung sasagutin ba ang tawag. Inaantok na kasi talaga siya. Maiintindihan naman siguro nito kung hindi niya masasagot ang tawag. Pero sinundot siya ng kanyang konsensya. May kasalanan siya sa nobyo. Hindi niya dapat ito tinatrato ng ganoon. Kailangan pa nga niya na bumawi rito.

“Hey, Babe!” masayang-masaya pa ang boses ni Banjo.

“Banjo, I am already sleeping. Bakit ka napatawag?”

“Oh, I’m sorry. Pero teka, maaga pa, ah? Alas diyes pa lang ng gabi diyan sa Pilipinas. Kaya nga sinubukan ko na tumawag sa `yo. You usually sleep at eleven in the evening.”

“Oo, pero maaga akong aalis bukas.” Linggo bukas at ang last date sa series of dates nila ni Allain. Alas kuwatro y medya ay kailangan na nilang umalis para sumakay ng private plane na magdadala sa kanila sa Palawan. Pagkatapos doon ay sasakay sila ng yate na magdadala sa kanila sa isla. Wala kasing landing area ng plane o kahit chopper sa lugar. Sa isang private island sa Palawan ang venue ng last date.

“Oh, all right. But I just want to inform you that I’m going back home soon. Next week,”

Nagising ang buong diwa ni Sheena. “What?”

“Hey, aren’t you happy for me? Magkikita na tayo muli. It’s a good news pero mukhang sa reaksyon mo, ayaw mo pa yata na bumalik ako.”

Nakagat ni Sheena ang ibabang labi. She was guilty. “H-hindi naman. Nagulat lang ako.”

“Well, ako kasi ang naging top sa semi-final exams namin sa crash course. Exempted na raw ako sa finals at sa mga susunod na sessions. Puwede pa akong mag-stay rito pero I’d rather go back. I missed you so much, Babe.”

Lumunok muna si Sheena bago sumagot. “I-I missed you, too.”

Halos araw-araw siyang tinatawagan ni Banjo sa cell phone. Dalawang beses sa isang linggo rin sila nag-i-Skype simula nang pumunta ito sa Dubai. Hindi niya masasabi na nami-miss niya ang nobyo. O kahit ang presence nito physically. Alam niya ang dahilan kung bakit pero pinipigilan niya na aminin. Hindi iyon tama.

“Really? Parang you sounded sad. Bakit? Dahil naistorbo ko ang tulog mo? I’m sorry again. Pero mukhang hindi ka naman ganoon kababaw. May problema ka ba na hindi sinasabi sa akin, Babe?”

Nahahalata kaya niya? Nasa isip ni Sheena. Huwag naman sana. Hindi alam ng magulang niya ang ginagawa nila ni Allain. Ang alam ng mga ito ay magkasama sila tuwing Linggo at walang malisya iyon dahil nga mag-best friend sila. Dahil roon, hindi siya napapagsabihan ng mga ito. Hindi rin malapit ang pamilya ni Allain sa pamilya ni Banjo. Sikreto ang lahat para sa nobyo.

“Yeah, pero hindi naman importante.” Problema ko pa rin tungkol sa feelings ko.

“Sigurado ka ba? You can always tell it to me, Babe. Tungkol saan ba `yan? Sa akin ba?”

Puwede oo. “Ha? H-hindi naman. Maaayos ko rin ito.”

“Are you sure? Dahil kung tungkol sa akin ang problema na `yan, maganda ng sabihin mo sa akin habang maaga pa. It would be hard to fix when it’s already too late...”

Napapikit si Sheena sa sinabi ng boyfriend. May punto ito. Tama ito. Mali ang nararamdaman niya kaya kailangan na ayusin niya iyon habang maaga pa. Bago pa lamang ang relasyon nila ni Banjo at kahit ayaw niyang masaktan ito, tama lang na sabihin niya ang totoong nararamdaman niya.

Pero natatakot na mag-take risk si Sheena. Paano kung hindi magtagumpay ang dates? She will be stuck on the friend-zone for forever. Maigi ng naroroon pa rin si Banjo. Alam niyang mali pero kahit masaktan siya sa huli, may fall back pa rin siya. Masuwerte siya dahil may taong nagmamahal pa rin sa kanya gayong ang taong matagal na niyang minamahal, hindi kayang suklian ang pagmamahal niya.

Kailangan na sabihin ni Sheena ang totoo kay Banjo. Pero hindi pa. Hindi pa sa ngayon. Kailangan niyang makasigurado kung may nararamdaman rin ba sa kanya si Allain. At magagawa lamang niya iyon kung aaminin na niya ang lahat ng nararamdaman kay Allain.

“I’ll talk to you about it some other time. Sa ngayon, let me rest. See you soon,” na wika na lang ni Sheena. Ibinaba na niya ang tawag.

Napatingin si Sheena sa kisame ng kanyang kuwarto. Kailangan na niyang magdesisyon. Hindi na puwede na palagi na lang mali ang nararamdaman niya. Kailangan niya na ikonsidera ang nararamdaman ni Banjo. Hindi na rin niya kayang lokohin ang kanyang sarili.

She was mature now. Kung masasaktan man siya, she was sure she can cope up. Napakatagal ng panahon na kinimikim niya ang damdamin. Kailangan na niyang ilabas ang lahat ng iyon.

Tomorrow would be a nice day to do so. Kailangan niya ng lakas ng loob. Gagawin niya. Maaaring iyon na rin naman kasi ang huling pagkakataon niya.

Kapag tinanggihan ni Allain ang nararamdaman niya, it was just a sign. Kailangan na niyang itigil ang kanyang kahibangan. It was now, or never.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.