HABANG nakasakay sa yate na maghahatid kayna Allain at Nashee sa private island, iisa lamang ang tumatakbo sa utak ni Allain. Everything is beautiful.
Napakaganda ng asul na dagat at pati na rin ang kulay orange pa na paligid. Pataas pa lamang ang araw kaya naman mas lalo pa noong pinaganda ang scenery. Maganda at maaliwalas ang panahon. Nahahawa si Allain sa ganda ng kanyang nakikita kaya naman maganda rin ang pakiramdam niya.
It is a good day.
Ngayon ang huling araw ng series of date nila Allain at Nashee. The date they have was chosen by the latter. Sa isang private island sa may Palawan iyon at sila lamang dalawa. Babalikan na lang sila ng yate mamayang alas singko ng hapon.
May lungkot na nararamdaman si Allain na magtatapos na ang series of date. Hindi niya maalis sa sarili na nagustuhan niya ang date, ang isipin na romantically involved siya sa kaibigan. Nahihirapan siya. May matindi siyang pakiramdam na sana ay magpatuloy pa iyon.
Pero mabuti nang matapos ang dates. Isang malaking kahibangan ang nararamdaman niya.
Pero nakakatukso ang huling araw. Mas nasabi ni Allain na mas maganda nang mula sa kuwarto ng yate ay lumabas si Nashee. She was wearing a yellow two piece bikini. Confident na ipinarada nito ang katawan sa kanya.
Sandaling nawalan yata ng hangin sa paligid ni Allain. Nag-init ang katawan niya, nanuyo ang lalamunan niya. Hindi ang tipo ng ganda ni Nashee ang preferred niyang kagandahan. She was voluptuous and curvy. Mas prefer niya ang gandang kagaya ni Ria—tall and slim. Pero ngayon, napatunayan niyang “change is inevitable”. Sheena is a feast in his eyes. She was so hot.
“Hey?” untag ni Nashee nang matigilan si Allain. Iwinagayway pa nito ang kamay sa harap niya.
“I-I’m sorry.” Napakamot at alam ni Allain na pulang-pula siya. Nakakahiya! Hindi na siya teenager para dumaan sa ganitong sitwasyon. Parang nakita lang niya na nasa isang magandang bihis ang isang dalaga at sa isang iglap, naging crush niya.
O siguro ay may mahika talaga ang series of dates na iyon. Kainis!
“Parang ngayon mo lang ako nakita na naka-swim suit, ah,” natatawang wika ni Nashee.
Tama naman ito kaya si Allain talaga ang may mali. Dahil magkaibigan na ang mga pamilya nila, ilang beses na nakakasama nila ang isa’t isa kapag may mga summer outing. Ngayon lang siya na-stun ng ganoon sa best friend.
“N-nagulat lang ako. Matagal na kasi na hindi. Mas gumanda ka kaysa dati,”
“Jeez, thanks! Pero nakalimutan ko na hindi pa nga rin pala ako nakikita ni Banjo ng ganito.”
Banjo na naman! Nawala ang ganda ng nararamdaman ni Allain sa sinabi ni Nashee. “Hindi ko sinasabi ito bilang Banjo.”
Tumango-tango si Nashee. Ngumiti ito. “All right. Well, salamat muli, Al.”
Pumunta si Nashee ng deck ng yate. Sinundan niya ito at natanaw na nilang dalawa ang isla. Ibinuka ni Nashee ang kamay, parang isang malaya na ibon. Naalala tuloy niya rito si Rose ng Titanic...at parang gusto niya yata na maging si Jack. Gusto niyang yakapin ito at magkaroon ng romantic situation sila sa isa’t isa.
Puwede naman kung gugustuhin niya. Iyon ang purpose ng ginagawa nila `di ba? They have to be romantically involved with each other. Pero pinairal ni Allain ang utak niya. Hindi tama iyon.
Nang makarating sa isla, tinulungan lang sila ng sailor ng yate na ibaba ang gamit at umalis na. Naiwan si Sheena sa labas para kumuha ng larawan ng napakaganda rin na isla. Inasikaso ni Allain ang paglalagay ng gamit nila sa loob ng villa sa private island.
Inilagay ni Allain ang pareho nila na gamit sa iisang kuwarto. Pero bago pa man siya magtagumpay na ipatong iyon sa kama ay natisod siya sa sahig. Hindi niya napansin na may baitang pala papunta sa kama. Hindi naman siya nasaktan pero nakaapekto iyon sa dala-dala niyang gamit. Biglang nagkalat tuloy ang gamit ni Nashee na nakalagay lamang sa isang bag na walang zipper. Natapon ang mga iyon sa kama.
Sinubukang ayusin ni Allain ang gamit. Habang ginagawa niya, may nakita siyang isang nakatupi na papel roon. Na-curious siya kung bakit may dalang papel ang kaibigan. Tinignan at binasa niya ang papel na nakita niya na may laman na quote.
A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever...
Naging napakalakas ng tibok ng puso ni Allain sa nabasa niya, lalo na nang makita na may underline ang huling dalawang salita. Hindi ba at naiisip na niya na parang may kakaiba sa ikinikilos ng kaibigan? Hindi niya gustong pansinin dahil may mali. Wala rin naman itong inaamin. Pero sa nabasa niya ngayon, mas naging malaki ang pagdududa niya na siguro nga ay totoo.
Dumating si Nashee sa punto na nahulog na ang loob nito sa kanya. At ang huling linya, ganoon ang nararamdaman nito. Bakit nito lalagyan ng underline kung hindi?
Unti-unting nanikip ang dibdib ni Allain. Bakit? At siya, bakit parang nakakaramdam siya ng panlulumo? May kategorya rin siya sa choices.
Siguro nga. Maybe too late... iyon ang kategorya ni Allain.
Napapikit si Allain. Naging matindi ang panghihinayang sa loob niya. Pero kailangan niya na labanan iyon. Hindi dahil sa natatakot pa rin siya na makipagrelasyon sa isang kaibigan. Malaki na sila. Kung mahal rin talaga nilang dalawa ni Sheena ang isa’t isa, nagtitiwala sila na hindi masisira iyon.
Pero paano ang ibang tao sa buhay nila? Pinangakuan niya si Ria na maghihintay siya sa pagbabalik nito. At si Sheena, may boyfriend na rin ito. Alam niyang mahal na mahal ito ni Banjo.
Ginagawa palagi ni Allain ang tama. Mabait siya. Hindi niya makakayang saktan si Banjo. Hindi niya maatim. Kilala na niya ang lalaki. Napakabait rin nito para masaktan lamang.
“B-bakit mo hawak-hawak `yan?”
Nagmulat si Allain nang marinig ang boses ni Nashee. Blangko ang ekspresyon niya sa nakita niya na namumutla na anyo nito. “Sa tingin ko ay may kailangan tayo na pag-usapan.”
“I-I was supposed to give you that this afternoon. Hindi pa ngayon. Hindi pa sapat ang lakas ng loob ko at---“ huminga ito nang malalim. “I’m sorry...”
Sinalubong ni Allain ang mga mata ni Nashee. Kailangan niya na malaman ang katotohanan kahit huli na ang lahat. Itinaas niya ang hawak-hawak pa rin na papel. “Totoo ba? At one point in your life----“
“Yes,” hindi na naman nag-aalinlangan sa pagsagot si Nashee.
“Nashee...” nangangatog ang tuhod ni Allain. Kahit nagkaroon na siya ng hinala, nagulat pa rin siya. Nahirapan siyang paniwalaan ang lahat.
Naging napakamanhid ba ni Allain para hindi malaman? He had always been a good boy. Pero hindi niya akalain na nasasaktan na pala niya ang kaibigan. Nasasaktan niya ito dahil hindi ito ang bukang bibig niya, hindi niya nasusuklian ang lihim pero malalim na pagmamahal na pala nito sa kanya.
May tumulong luha mula sa mata ni Nashee. “I will be forever in love with you, Al. I think I will be forever in love with my best friend...”
DAPAT ay masayang araw iyon. Napakaraming plano ni Sheena. Gusto niyang mas i-appreciate pa ang ganda ng isla, ang maglangoy at libutin iyon kasama si Allain. Pero lahat ng plano niya ay walang natupad. Ang tanging nakikita niya lamang ay ang pangit at ginawa sa kanya ng isla.
The island and the villa had been the witness to her biggest heartache. Sa halip na makasama rin niya si Allain, ginugol niya ang buong maghapon na mag-isa. Umiiyak.
Nasupalpal siya. Nasampal siya ng katotohanan. Hindi totoo ang nangyayari sa mga pelikula o libro---hindi nagkakatuluyan ang mag-best friend.
Sayang ang lahat ng lakas ng loob ni Sheena. Umamin na siya pero sakit lang ang naging sukli niya.
Pagak na tumawa si Allain. “H-hindi puwedeng mangyari ito. Sigurado ka ba? Baka naman nadadala ka lang dahil sa romantic aura natin sa mga nakaraang linggo?”
Umiling si Sheena. “I’ve been loving you for so long now, Al. Ngayong araw ay napagtanto ko na kailangan ko na magkaroon ng lakas ng loob.”
Umiling rin si Allain. “Sinasabi mo lang `yan dahil nadadala ka sa mga date!”
“Hindi nga! Matagal na akong in love sa `yo, Al. Tanggapin mo iyon. Hindi ko alam kung anong mali sa akin o siguro ay sa `yo. Napakamanhid mo. O sadyang naging Ria-centered lang ang puso mo? Gusto na kita, matagal na...” mas lumala ang pag-iyak ni Sheena sa harap ng lalaki. Nagtatapat na nga siya sa lalaki, bakit hindi pa nito maggawang tanggapin iyon? Gaano pa kalaki na lakas ng loob ang kailangan niya? Nangangatog na ang tuhod niya. Ang sakit.
Naihilamos ni Allain ang kamay sa mukha. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Sheena May Salve!” mataas na ang tinig ni Allain. Alam niyang natetensyon rin ito. Ginagamit lang nito ang buong pangalan niya kapag ganoong sitwasyon. “Hindi mo ako puwedeng mahalin. Malinaw sa `yo na may mahal ako na iba. At higit sa lahat, may boyfriend ka na. Anong iisipin ni Banjo kapag nalaman niya ang mga sinasabi mo na ito?!”
Hindi pinansin ni Sheena ang sinabi ni Allain. “Si Ria, ano bang mayroon sa kanya? Hindi ka nga niya priority. Pinaghihintay ka niya at hindi pa ganoong binibigyang pansin. Samantalang ako, Al. Palagi akong nasa tabi mo. Pero bakit hindi mo ako makita?”
Tinignan ni Sheena ang buong paligid. Bahagyang napangiti siya nang makita ang paligid. “Ang date na ito ay matagal ko nang inisip at pinangarap. Tayong dalawa sa isang pribado na isla. Alam mo kung bakit? Gusto ko kasi, kahit isang araw, ako lang talaga ang pagtutuunan mo ng pansin. Sa isang araw, ako lang ang makikita ng mata mo. Nagbabaka-sakali kasi ako na baka mahawa rin ang puso mo.
“Sa islang ito, walang ibang tao. Walang Ria. Tayo lang dalawa, Al. Tayo na lang. Sana ako na lang...” hindi maggawang pigilan ni Sheena ang pag-iyak.
“Hindi ko magagawa ito, Nashee. I’m sorry. I’m so sorry...” hindi tumitingin si Allain nang sabihin ang mga salitang iyon sa kanya. Nilisan nito ang kuwarto.
Nakalabas na si Sheena nang kuwarto. Sinubukan niyang hanapin si Allain para mas kausapin at mas ipaintindi pa rito ang nararamdaman niya. Pero dala ng pagod at walang tigil na pag-iyak, pinili na lang rin niya na maupo na lang sa isang tabi.
Isang malaking pagkakamali ang ginawa niya, alam naman iyon ni Sheena. Mali na magtapat siya kay Allain, mas lalo na mali na patuloy niya itong mahalin sa kabila ng sitwasyon. May boyfriend na siya. Pinagtataksilan niya si Banjo sa ginagawa niya. Napansin man iyon ni Allain pero hindi nito alam ang totoong kuwento.
Kung alam lang nito na kaya lang naman niya binigyan talaga ng pansin ang lalaki ay dahil na rin rito. Naging selfless siya para kay Allain. Ang naging epekto, naging selfish naman siya sa ibang tao. Napagod na siya sa pagiging selfless.
Ang dami niyang isinakripisyo para kay Allain. Si Banjo naman ang naapektuhan. Nasasaktan siya. Natakot siya na baka dumating ang araw na mapag-iwanan siya. Allain have Ria. Paano siya?
Si Banjo ang naging solusyon ni Sheena. Sa kasamaang palad, gaano man niya subukan, mukhang mahirap magtagumpay ang isang pag-ibig na ipinilit lang rin niya sa kanyang sarili...
“CONGRATULATIONS, anak.” Masayang wika ng ama kay Sheena pagkatapos ng monthly sales meeting ng business nila. “Dahil sa business suggestion na naisip mo, naging doble ang sales at nagkaroon rin ng revenue ang kompanya.”
Ngumiti si Sheena. Proud siya sa sarili na nakatulong siya sa business nila. Noong nakaraang buwan kasi ay nag-suggest siya sa ama niya na magdagdag ng pakulo sa mga computer accessories stores nila. Bukod sa pagbebenta ng accessories, bakit hindi nila lagyan ng offered services ang kompanya? Tutal, information technology graduate naman siya. Marami siyang alam sa mga computers. Marunong siya na mag-repair ng computers.
Sinubukan muna sa main branch ang bagong services offered. Iyon kasi ang palagi niyang pinupuntahan at pinamamahalaan. Naging marami ang tumangkilik. Dahil marami rin ang tao na pumupunta para sa service, nakikita rin ng mga ito ang computer accessories. Napapabili ang mga ito kaya lumalaki ang sales. Bukod pa sa kapag may ipapaayos at may aalisin na parte, siyempre sa shop na rin nila bibili. Dahil rin naging patok, gagawin na nila iyon sa iba’t ibang shop pa nila na matatagpuan sa iba’t ibang mall sa Pilipinas.
“Thank you, Papa.”
Niyakap siya ng ama. “Bukod sa maganda, ang talented pa ng anak ko. Hindi lang magaling sa computers, magaling rin sa business. I’m so proud of you,”
Muling nagpasalamat si Sheena sa ama. Masaya siya na nakatulong siya sa business nila, lalo na at simula nang maka-graduate siya, doon na lang niya itinuon ang pansin. Mas gusto kasi iyon ng ama niya dahil nag-iisang anak lang siya. Dapat ay malaman niya ang pasikot-sikot ng business kasi siya rin naman daw ang magmamana noon.
Pagkatapos ng meeting, kinuha ni Sheena ang cell phone. Ipapaalam niya kay Allain ang nangyari. Ganoon siya kalapit sa best friend niya. Ikinukuwento niya rito lahat ng maganda o kahit minsan ay mga pangit na pangyayari sa buhay niya. Ito ang madalas na unang nakakaalam sa lahat ng pinagdadaanan niya. Pero bago pa man maggawa ni Sheena, saktong nag-ring ang cell phone niya. May incoming call mula sa Australia---si Ria.
Kahit hindi gusto ni Sheena, naging kakilala at nakakausap rin niya paminsan-minsan ang karibal. Ipinilit ni Allain, siyempre. Gusto raw nito na maging magkakilala at maging kaibigan rin niya ang babaeng mamahalin raw nito habang buhay. Pero kahit pilitin niya at kahit nice rin naman si Ria, hindi niya mailagay sa utak na kaibigan niya ito. Ganoon pa man, out of courtesy ay sinagot niya ang tawag.
“Hey, Sheena. Kumusta?” napakaganda ng tinig ng babae. Sinagot niya ito, nagkumustahan sila hanggang mapunta ito sa tunay na pakay.
“I’m excited. Ilang buwan na lang, makakauwi na ako.” Pagkukuwento ng babae.
“For vacation?”
“No, for good! Nakaipon na ako ng malaki. Magagawa ko ng makapagpatayo ng business na matagal ko ng gustong gawin.”
Nanghina si Sheena sa narinig. Ibig sabihin ay permanente na si Ria sa Pilipinas. Palagi na itong makikita ni Allain. Magkakasama na ang dalawa at ano ang magiging kasunod? Hindi niya gustong isipin dahil nasasaktan siya. Pero talagang puro sakit lang ang dulot sa kanya ng babae. Nagpatuloy ito kahit nanahimik na nga siya.
“Kaya ko ng maging priority si Allain. Pagbalik ko, sasagutin ko na siya. Tulungan mo naman ako, o. Ano sa tingin mo ang maganda kong gawin?”
Kinagat ni Sheena ang ibabang labi. Kailangan niyang pigilan ang pag-iyak. “Ah, Ria, can I talk to you some other time? M-masama kasi ang pakiramdam ko.” Nagdahilan si Sheena saka pinatay na ang tawag. Itinuloy niya ang pag-iyak nang mawala si Ria sa kabilang linya.
Malapit ng dumating ang araw na pinakaayaw ni Sheena na dumating. Nanginginig siya sa sama ng loob at sakit. Hindi pa niya kaya. Hindi pa siya handa.
Twenty minutes pagkatapos tumawag ni Ria, nakatanggap muli ng tawag si Sheena. Si Banjo---ang matagal na niyang manliligaw ang caller. Umiiyak pa rin siya pero sinagot niya ang tawag.
“God, what’s wrong, Sheena? May nangyari ba sa `yo?”
Pinilit ni Sheena na kalmahin ang sarili. “M-may nalaman lang ako na masamang balita. Magiging maayos rin ako.”
“Are you sure? I can come over to help you. Nasaan ka ba ngayon?”
Hinayaan ni Sheena si Banjo sa gusto nito. Masyado siyang nagulo sa nalaman na pakiramdam niya, kailangan niya ng karamay. Pero kahit nakasama na, hindi inamin ni Sheena sa manliligaw ang nararamdaman. Walang kahit sino ang may alam ng nararamdaman niya kay Allain. Hindi niya gustong sabihin.
Dinala siya ni Banjo sa isang park. Hindi naman siya nito pinilit na umamin ng nararamdaman niya. He was just there. Ibinigay nito ang balikat at bisig nito para iyakan niya.
“I-It’s okay, Sheena. Everything will be all right. Nandito lang ako sa tabi mo kapag kailangan mo. Alam mo naman `yun `di ba?”
Tumingala si Sheena kay Banjo. Sinalubong niya ang sincere na mga mata nito. “B-bakit?”
Kumunot ang noo ni Banjo. “Anong bakit?”
“Bakit nandiyan ka pa rin sa tabi ko? Napakarami mo ng taon na naghihintay sa akin. Bakit hindi ka nagsasawa?”
Natawa si Banjo. “Ang tagal mo na akong kilala, hindi mo pa rin alam ang sagot? Pambihira!”
“Sabihin mo sa akin...”
Hinawakan ni Banjo ang pisngi ni Sheena. “Dahil mahal kita. Hindi ako magsasawa na maghintay sa `yo dahil alam ko na worth it ka.”
May mainit na kamay na humaplos sa puso ni Sheena. Sa kabila ng paghihintay niya sa iba, may naghihintay pa rin pala sa kanya. Bakit ba ang tanga niya para i-focus lang ang sarili niya kay Allain? Parang kagaya rin siya ni Allain kay Ria. Mayroong nagmamahal sa kanya pero hindi niya pinapansin.
Sa tingin ni Sheena, tama lang na bigyan niya ng pagkakataon ang tao na kagaya rin niya---nagmamahal na hindi maggawang masuklian. Mas karapat-dapat ang mga kagaya niya at ni Banjo na makatanggap ng pagmamahal. Sila ang mga taong nagmamahal kahit alam na walang kapalit iyon.
Isiniksik ni Sheena ang sarili kay Banjo. Ipinikit niya ang mga mata at nagdesisyon. She will give him a chance. Banjo is worth it.
NANG DUMATING ang yate na maghahatid kayna Sheena at Allain sa Palawan ay muli silang nagkita. Pero nakaiwas na ang tingin ni Sheena rito. Nakapag-isip-isip na siya. Isang malaking katangahan ang ginawa niya. Nakakahiya. Hindi dapat siya naghahabol rito. Tinapat na siya nito. Kailangan niyang maging mature at tanggapin iyon.
Hindi na rin naman pinansin ni Allain si Sheena. Napapansin niyang tumitingin ito sa kanya pero ginaya niya ito. Hindi niya binigyang halaga ang lahat. Isang kamalian ang lahat ng tungkol rito.
Pero mukhang nagulo si Allain nang pananahimik ni Sheena. Nang makababa sila mula sa private plane na naghatid sa kanila pa-Maynila ay kinuha nito ang kamay niya. Pinigilan siya nito na makalabas ng airport.
“Nashee, p-puwede ba tayo na mag-usap?”
Sandaling tinignan lang ni Sheena ang kaibigan. “Ang tagal ng maghapon para gawin natin `yan. Bakit ngayon pa? Pagod na ako. Sa ibang araw na lang.”
Sinubukan ni Sheena na iwasan ang kaibigan. Sa tingin niya, iyon ang nararapat na gawin.
Umiling si Allain. “Ngayon na, please. Pakiramdam ko ay hindi ko magagawang matahimik habang hindi malinaw para sa akin ang lahat.”
Huminga nang malalim si Sheena. “Look, Al. You don’t have to be guilty about this. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang mali. Pinili pa rin kitang mahalin at umasa na mapapansin mo rin ako kahit wala akong pag-asa. Nasasaktan ako, oo. Pero sabi ko nga, kasalanan ko ito. Let me deal with this. Hayaan mo muna ako.”
“I-I think, I can’t. Damn, I feel so guilty, Nashee. Nakakatakot itong nangyari at pakiramdam ko, may kasalanan rin ako. Hindi ko gusto na mangyari pero may isang bahagi ko ang---“ natigil sa pagsasalita si Allain nang tumunog ang cell phone nito. Nagulo ang mukha nito at mukhang nag-alinlangan kung itutuloy ba ang sasabihin o mas uunahin ang cell phone.
I-aawang na ni Allain ang bibig nang magsalita siya. “Answer your phone first. Paano kung importante `yan?”
“Importante rin na makausap kita...” huminga nang malalim si Allain.
“I’m just here. Sinabi ko na ba aalis na ako? Saka sanay naman akong naghihintay. Ano pa ang ilang minuto `di ba?” gustong matawa ni Sheena nang maalala kung gaano siya ka-martir. Kainis!
Napailing-iling si Allain. Sinagot nito ang cell phone. Bahagyang lumayo ito sa kanya pero nang makabalik ay namumutla na ito. Nagulo ang mukha at tila natensyon ang katawan nito.
Masama man ang loob, nag-aalala kaagad si Sheena. “M-may nangyari ba na masama?”
“I-It’s Ria.” Huminga nang malalim si Sheena. “Nandito siya ngayon sa airport. She’s back and she said it is for good.”
Ah, dapat nga na mag-aalala si Sheena. Masamang balita nga iyon. Masama pa rin kahit gusto na niyang tanggapin ang masakit na katotohanan na hindi na sila puwede ni Allain.