Chapter 11
Kutsilyo
It's been a month since Ate Erin's death anniversary. At simula noon, hindi na ako kailanman pa pinansin o nilingon man lang ni Damon. Kahit na nasanay na akong hindi man lang tinatapunan ng tingin ni Damon, mas masakit pa rin sa parte ko na maulit lahat mula sa umpisa.
Araw-araw ay nakikita ko siyang may dala-dalang iba't ibang babae. Ni hindi ko nga alam kung saan niya napupulot ang mga iyon o kung may supplier siya ng mga babaeng dinadala niya e.
I wouldn't be surprised if one day ay magkasakit siya dahil sa mga babaeng pinagdadala niya dito.
But the good thing is hindi umaabot si Damon at ang mga babae niya sa kama. Madalas ay nakikita ko sila sa cafeteria, but other than that ay wala na. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon. Siguro ay naaawa siya sa magiging reaction ko.
Naaawa? As if.
I scoffed at my own thoughts. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko ngayon habang nakatingin sa malawak na field na nasa harapan ko. Ni hindi na nga ako nakapagplano kung paano ko masasabotahe ang pambababae ni Damon dahil nga death anniversary ni Ate, tapos makikita ko lang siyang nambababae? Parang gusto ko na lang magwisik ng holy water sa mata. Sana dalawin siya ni Ate Erin habang natutulog siya.
It’s Monday and today marks another day. Balita ko ay mga transaksiyon na magaganap mamayang gabi. Kaya naman naghahanda ang mga miyembro ng mafia para sa mangyayari mamaya. Isa rin siguro iyon sa dahilan kung bakit nag-hire si Damon ng mga bagong agent.
Several members are scattered all over the field. Nakaupo ako sa nakasanayan kong bench. It was really fascinating seeing those men fight with fiery in their eyes. It’s as if I was back in my old days.
When I was still a student of my alma mater, I, together with my comrades, we were all trained to fight. Kaya naman araw-araw kaming nageensayo at minsan naman ay pinaglalaban ang dalawang magkaibang babae, o kung tawagin ay duwelo.
Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang pamilyar na tunog na dati'y nagpapabilis ng puso ko. It was weird, alright. Dahil hindi tumitibok ang puso ko dahil kinakabahan ako. No, hindi iyon dahil sa kaba, kundi sa saya at excitement.
Kutsilyo.
May paparating na kutsilyo.
Pumikit ako. Dinadama ang kakaibang tunog at hampas ng hangin na nagmumula sa aking harapan, patungo sa akin. I can feel my senses heightened as the knife flew its way towards my cheek. Sa maliit na distansiya ng kutsilyo mula sa aking pisngi ay umiwas ako.
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang hapdi na nagmula sa kutsilyo. Hindi naman malalim ang pagkakatama ng kutsilyo sa aking pisngi, but the mere fact na tumama ang kutsilyo doon... means kulang na talaga ako sa ensayo.
Dati rati'y kaya kong iiwas ang sarili ko mula sa kahit anong patalim. Kahit na sobrang lapit na niyon sa mukha ko ay naiiwas ko pa rin ang sarili ko. Pero ngayong sinubukan ko ulit gawin iyon, ay di ko na magawa.
"Madam Ella!" nahihintakutang sigaw ng isa sa mga miyembro ng mafia. I grimaced. Nakakalokong malaman na natatakot ang isa sa mga miyembro ng mafia ni Damon dahil lang sa nadaplisan niya ako ng kutsilyo sa pisngi.
Napabuga na lang ako ng hangin at saka tumayo. Dinampot ko ang kutsilyong tumama sa aking pisngi. Kita ko ang bahid ng dugo roon. Agad kong kinapa ang pisngi ko. May dugo nga, tsk. Magkakapelat ata ako nito. Gamit ang palapulsuhan ko ay dinampi ko iyon sa sugat at tinangkang alisin.
Halos umasim ang mukha ko dahil sa hapdi ng sugat. Totoo nga ang sabi nila. The more na maliit ang sugat ay mas masakit at mas mahapdi.
"Sayo ba 'to?" Nakataas ang kilay ko habang hawak ang kutsilyong tumama sa akin ilang minuto lang ang nakalilipas. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya at tinutok ang kutsilyo sa gilid ng kanyang leeg.
Doon ko lamang siya tinitigan, para lamang makita ang nanlalaki niyang mata. Halos mamutla na siya dahil alam kong nararamdaman niya ang lamig na nagmumula sa kutsilyong nakatutok ngayon sa leeg niya.
"O-Opo..." he stammered. Kumunot ang aking noo at halos magsalubong ang aking mga kilay.
I bluntly told him, "Natatakot ka ba? Kanino? Sa akin?" I almost laugh after saying that. It was ironic to think na sa babae pa talaga siya matatakot.
Marahan kong binali-baliktad ang kutsilyo. Sa bawat pagbaliktad ko niyon ay siya namang pagtaas-baba ng adams apple ng lalaking nasa harapan ko.
Napadpad sa kung saan ang mata niya. Mula sa kanan ay pumupunta iyon sa kaliwa. Kung bobo lang ako, malamang ay iisipin kong sinasaniban ito dahil sa sobrang bilis ng paggalaw ng mga mata niya.
Tumulo na rin ang pawis mula sa noo niya. Senyales na kinakabahan siya sa kung anumang balak kong gawin.
Nang hindi siya sumagot ay umatras ako sa kanya at tinitigan siya. Binaba ko ang kutsilyo mula sa pagkakatutok sa kanya. Doon lamang siya nakahinga ng maluwag.
"Mga katulad mo bang duwag ang mga bagong recruit ni Damon? And here, I thought the new ones are one of the best. Mukhang sayang ang pera ni Damon nito, ha," mariin kong saad.
Biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Mula sa pagiging takot ay napunta iyon sa inis. I can almost see his teeth clenching and his hands forming into fist.
Maybe I hit some nerve.
Mmm, I didn't know that the ego is already considered as a nerve.
Hindi pa rin siya sumagot. Marahil ay natatakot na isumbong ko siya kay Damon at ipagkanulo. But I'm not that kind of girl.
And for all I know, wala namang pakialam si Damon sa akin. Pakiramdam ko nga'y mas gugustuhin niya pang saksakin na lang ako ng kutsilyo kaysa madaplisan lang.
"Are you good at fighting?" Maya-maya pa'y tinanong ko siya. Seryoso ang aking boses at walang kahit anumang halo ng pagbibiro.
I really wanted to know why Damon hired new members. Hindi ko alam at alam kong hindi naman sasabihin ni Damon ang dahilan, dahil sino ba naman ako, diba?
Hindi siya sumagot. I looked around. Some of the members stopped doing what they are doing and gathered themselves, leaving this guy and me standing in the middle.
"Kalabanin mo 'ko. If you win, then I won't say anything to Damon. Hindi ko sasabihin na nasugatan mo ang pisngi ng pinakamamahal niyang asawa..." Well, a small lie won't be bad and besides what Damon don’t know won’t hurt him. "But if I win, then I will do it right after this game. Deal?" Nakataas ang kanan kong kilay, feigning my innocence and acting as if I was some baby chick who learned of the knife’s existence for the first time.
If this man is indeed brave, then he will agree with my conditions. Damon put up a rule that I’m not allowed to hold any weapon inside his territory, except for the shooting range and training room. And because hindi naman ako pwedeng umalis dito dahil din sa utos niya, he declared it official to everyone. Since this guy is new, he’s probably been told about it. It’s his call whether he’ll let his ego get the best of him.
Anyone who will defy his rules, will be guaranteed an instant death.
Well, Dumbo is an exception, of course. He is loyal to me that's why hindi siya nagdadalawang isip na hindi sundin si Damon.
Palihim akong napatawa. Maybe I was indeed pathetic as of this moment. Nangulila ako nang makita ko ang kutsilyo at mahawakan ito. It has been almost years ever since I've had a proper fight with someone.
Because everyone in this mafia follows Damon, and his rules. Damn his rules.
He looked as if he was really thinking about it deeply. I can see the lines starting to form onto this guy's forehead. Maybe he really wanted to fight with me because he wanted to tend his wounded ego.
Now, that is pathetic. I don't know what's with boys and their pride, as well as their egos. Para bang hindi sila mabubuhay hangga't hindi iyon intact at nananatiling buo, unharmed. Feeling ko nga, mas mahalaga pa 'yon sa virginity nila e.
We were interrupted when a man barged his way between us. His face was facing the man right in front of me. Hindi mapigilang kumunot ng aking noo habang nakatitig ang aking mga mata sa pamilyar ng hubog ng likod ng lalaking nasa harapan ko.
"Stop this, Mattias. Binilinan tayo ni Sir Damon. Never let the Madam hold any weapon and fight with any one of us. Anong pumasok sa isip mo at parang gusto mo atang kalabanin ang boss natin?" Agad nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang malalim at swabeng boses ng lalaking nasa harapan ko.
Sigurado ako, kilala ko ang lalaking ito. Pero hindi ko maalala kung saan at kailan ko siya nakilala.
"Tss..." tanging sabi na lamang ng lalaking nasa harapan ko na tinawag niyang Mattias.
"Nasaan na yung kutsilyong ginagamit mo kanina pa? 'Wag mo sabihing nawala mo na naman?" Hindi na talaga mapigilang mabahala ng utak ko. Gusto kong makilala kung sino ang lalaking ito ngunit nakatalikod pa rin siya sa akin at hindi pa rin nagpapakita ng kanyang mukha.
Ngumuso si Mattias at tinuro ako gamit ang kanyang labi. Ngayon ko lamang siya natititigan ng maayos. He was attractive, and good-looking. Hindi maskulado ang kanyang katawan ngunit masasabi mong physically fit siya. Moreno ang kanyang balat at lalaking-lalaki ang itsura.
Natigilan ako nang dahan-dahan ng umikot paharap ang lalaking kanina'y nakatalikod sa akin. Ganoon na lamang ang aking gulat nang makita ko ang kanyang mukha. Kaya pala siya pamilyar. Kaya pala...
Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pagsulpot ng ngiti mula sa aking labi. Nanatili akong nakatitig sa kanya. He was also shocked to see me. Atleast, hindi lang ako ang nagulat.
"Adam..." nakangiti kong sabi habang nakatitig sa kanyang mga mata.