The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 11

Chapter 10

Utang

Flashback

"Pa, tama na 'yan!" Ate Erin shouted from the top of her lungs. Frustration was written and painted all over her face. I can almost hear the loud beating of my heart upon seeing my father.

Humaba na ang bigote at balbas niya. Two months has passed, and everything has changed. Nailibing na si Mama. We thought we’d be able to continue with life as it is but now, we were back to square one.

To say that my family was heartbroken, is not enough. Ni hindi kami masyadong nakapagluksa dahil kay Papa. Ever since my mother died, he became like this.

Wala kaming oras magluksa lalo na ngayong nalaman naming nababaon na kami sa utang. Dahil sa patuloy na paglalaro ni Papa sa casino, ay palaging nagagastos ang pera na naipon sana ni Mama at inilagay sa bangko. Napapaisip na lang din ako kung bakit kasi nagsusugal gayong hindi naman magaling magsugal, hindi ba?

At dahil sa joint account ang account ni Papa at Mama, ay wala ng natira pang pera mula sa naipon ng yumao kong ina. All because of my father's grievance and undebatable actions.

"A-Ano bang paki mo... lumayas ka nga sa harap ko!" My father hiccupped at the end of his sentence. His words are slurred, and even with the given distance, the disturbing smell of alcohol lingers throughout the room.

Pasuray-suray ang lakad ng Papa ko... palapit ng palapit ang lakad niya patungo kay Ate Erin, habang ako nama'y nasa likod ng Ate ko at nanginginig sa takot.

Seeing my father, all drunk and a mess, is both new and a terrifying sight to see. Mabuting tao ang Papa ko. Wala siyang bisyo at masamang gawain. Pero ngayon, simula nang mawala si Mama ay naging ganito na siya.

At hindi ako sanay… Hindi ako sanay na nakikita ko siya na ganito. Hindi pa nakatulong ang mga palabas sa telebisyon na parating ipinaparating na walang magagawang mabuti ang mga taong nakainom. Dahil bukod sa wala sila sa huwisyo, ay hindi rin nila alam kung ano ang ginagawa nila.

Truly, love can make a person weak and strong at the same time.

"Pa, umayos ka naman! Kahit wala na si Mama---"

Natigil sa pagsasalita si Ate nang ihagis ni Papa ang babasaging vase sa pader. Nadurog iyon. Kumalat ang mga piraso nito sa paligid. Mabuti na lamang at nakaiwas kami ni Ate kung kaya nama'y hindi kami natamaan. Napasigaw ako sa gulat at lakas ng tunog nito.

Both big and small chunks of the vase are scattered all over the floor. Ang tensiyon na kanina'y nararamdaman ko ay mas dumoble pa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at sinubukang kalmahin ang aking sarili kahit na mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.

"Anong wala?! Anong wala na si Elena? Hindi! Buhay pa siya! B-Buhay pa siya, diba... buhay pa siya..." My father kneeled in front of us. Mabuti na lamang at hindi malapit sa kanyang kinaluluhuran ang mga nadurog na bubog ng vase, dahil kung hindi ay baka dumugo na ang tuhod niya.

I can feel the unending pain inside my chest as I saw my father, weak and uninspired. Mahal na mahal ni Papa si Mama, kung kaya nama'y ineexpect ko na rin ang ganitong reaksiyon niya. But to see him look so brokenhearted...

All his life, he devoted his everything to work. He worked hard to provide everything for the family. He usually spent less time with us because he wanted to provide us everything. Minsan pa nga’y dinadala niya sa bahay ang trabaho niya kahit dapat sana’y oras na iyon para makapagpahinga siya.

I know how regretful he is. Siguro iniisip ngayon ng Papa ko na sana mas madaming oras ang nailaan niya sa aming pamilya niya bago nahuli ang lahat.

It has always been the cycle of life. Regret always comes the last after everything, and I don't know why things are always like that. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang nasa huli ang pagsisisi.

May kung anong kumirot sa aking dibdib habang nakikita si Papa na naghihinagpis at tila nanghihina. Kinagat ko ang aking labi nang makita ang pagkislap ng kanyang luha na nagmula sa kanyang mga mata. Napapikit na lamang ako nang marinig ko ang pag-iyak niya.

It was heartbreaking to see someone cry for his loved one. Masakit makakita ng taong sobrang nagluluksa at nagsasaktan dahil sa pagkawala ng mahal niya.

I saw how my parents loved each other. Kahit hindi ipakita ni Papa ang pagmamahal niya kay Mama ay nakikita ko iyon sa mga mata niya. His eyes spoke the love that his mouth couldn’t do so. He was eager to give us all that good future, and yet here we are...

"Elena... bakit mo ko iniwan? Elena..." Napasalampak na si Papa sa sahig at nakadapa habang umiiyak. Nakikita ko ang kamay niyang nagdurugo mula sa mga piraso ng vase na hinagis niya kanina.

I can see those dark bags under his eyes, an indication that he wasn't able to have himself a good night sleep. My father looked so helpless.

Tiningnan ko si Ate Erin. Nakatingin lamang siya kay Papa. Hindi siya natataranta habang nakatingin kay Papa at tila ba walang emosyon ang mukha niya.

"Ate... may sugat si Papa. Gamutin mo," Naaawa kong sabi habang nakatingin sa ama ko. I can seem to move anywhere but near my father. Hindi ko alam pero sa tuwing nakakakita ako ng lasing ay ganoon na lamang ang takot ko.

"Bakit hindi na lang kaya ikaw?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ate Erin.

"Natatakot ako e." Kinagat ko ang aking labi pagkatapos ko iyon sabihin. “At saka hindi ka ba naaawa, ate?”

Hindi sumagot si Ate. Bagkus ay blangko siyang tumingin sa akin, pagkatapos ay kay Papa. Back when I was a child, I used to think that my older sister was good at hiding her feelings, at kahit ngayon ay magaling pa rin siyang magtago ng totoo niyang nararamdaman. I can't even seem to read her thoughts.

Nagambala ako mula sa aking pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ni Papa sa ibabaw ng coffee table. Kumunot ang noo ko at mabilis na nagpunta doon. Iniwasan ko ang mga bubog na nakakalat sa sahig.

Kinuha ko ang cellphone ni Papa mula sa coffee table. Wala iyong kahit anong password kung kaya nama'y mabilis ko iyong nabuksan. Ganoon na lamang ang gulat ko nang mabasa ko ang mensahe.

Unknown Number:

Magtago ka na.

Halos magsalubong ang kilay ko sa aking nabasa. Sino kaya 'to?

Nang basahin ko ang mga nakalipas pang mensahe mula sa number na nagtext kay Papa, ay nararamdaman ko ang pagkawala ng kulay mula sa aking mukha.

"Ella, anong ginagawa mo diyan? Bakit hawak mo ang phone ni Papa?" Bumilis ang tibok ng puso ko at itinago ang cellphone mula kay Ate. Hindi ko naramdaman na papalapit na pala siya sa akin. Kumunot ang noo niya nang mapansin iyon.

Wala siyang sinabi. Sa halip ay hinablot niya mula sa akin ang cellphone. Wala na akong lakas pa para bawiin ang cellphone sa kanya. Para akong nanlambot pagkatapos kong mabasa ang mensahe mula sa cellphone ni Papa.

It was a thread of death threats. All kind of threats. Nakita ko iyon sa iisang numero lamang.

Kita ko ang pag-iiba ng ekspresiyon ng mukha ni Ate Erin. Panic was written all over her face. Pati ang panginginig ng kanyang kamay ay hindi nakawala sa aking mga paningin.

Ganoon na lamang ang gulat naming dalawa nang tumunog ang cellphone.

Maya-maya pa ay napaluhod na lang si Ate sa sobrang panginginig. Hindi ko maiwasang kabahan habang nakatingin sa kanya.

"A-Ate...anong sabi?" Nang hindi siya gumalaw ay ako na ang nagkusang lumapit at hinablot ang cellphone sa kanya.

Unknown Number:

Ayaw mong magbayad ng utang mo? Pwes, pwede na sigurong yung mga anak mo na lang ang kapalit, hindi ba? Balita ko magaganda raw sila.

"Ate..." nahihintakutan kong sabi habang nakatingin sa Ate ko. Katulad ko ay hindi rin niya alam ang kanyang gagawin.

Agad siyang tumayo at nagtungo kay Papa. Inalog niya ang balikat ni Papa na nakaupo na sa ilalim ng hagdan. Kung paano siya napunta doon ay hindi ko rin alam.

"Papa, kilala mo ba 'to?! Papa, hinahanap ka niya."

Pilit binuksan ni Papa ang kanyang mga mata. Sa sobrang dami ng ininom niya ay halos bumagsak na ang katawan niya sa sahig. Nang makita ni Papa ang mensahe sa cellphone ay nag-iba ang itsura niya. Natataranta siyang kinuha ang cellphone mula sa amin at tiningnan kami sa mata.

"Erin, t-tumakas na kayo ni Ella. Sa likod kayo dumaan. 'Wag na 'wag kayong lilingon. Tumakbo kayo." Panic started to arise from my throat. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ng mga lalaking sinasabi ni Papa. Pero base sa itsura niya, alam kong hindi sila basta-basta.

"Hindi, Papa! 'Di kami aalis dito! 'Di ka namin iiwan." Kahit natatakot ay hindi ako nagpatinag at niyakap si Papa. Lumuhod ako habang nakayakap sa kanya. Nag-umpisang magtaas-baba ang balikat niya, indikasyon na umiiyak siya.

Inilayo ako ni Papa mula sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa aking mga mata.

Suminghot siya bago nagsalita. "Kamukha mo ang Mama mo..." Nakangiti niyang sabi. Tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Wala ng bahid ng kahit anong pagkalasing ang mga mata niya. Kung meron man ay hindi iyon halata sa kanyang mukha. Para bang nagising na siya dahil sa mensaheng iyon.

Nag-umpisa na akong umiyak nang mamuo ang luha mula sa gilid ng mga mata ni Papa. He looked so genuinely happy. Para siyang nagpapaalam na sa amin ni Ate habang sinasabi iyon.

"Pa..." naiiyak kong sabi. Kahit 'di niya sabihin, parang may malaking mangyayari at mukhang makakaapekto iyon sa aming lahat.

Tumingin siya kay Ate Erin bago nagsalita. "Umalis na kayo dito. Kayo ni Ella. Lumayo kayo dito. 'Wag na kayong babalik sa bahay na 'to," matatag na sabi ni Papa. Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng mga luha niya patungo sa kanyang pisngi.

Hindi ko na mapigilan ang mapahagulhol habang nakatingin kay Papa. Napaluhod ako at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Hindi, Papa! Aalis na tayo dito. Sasama ka sa amin ni Ate," nanghihina kong sabi.

Nakangiti si Papa habang nakatingin sa akin. "Hahanapin nila ako, anak. Hindi sila titigil hangga't hindi nila ako nasisingil," mapait siyang ngumiti kapagkuwan.

Parang bigla akong nawalan ng lakas. Parang gusto kong maglupasay na lang sa sahig at iiyak lahat ng frustrations at nararamdaman ko. Nilingon ko si Ate. Blangko ang ekspresiyon sa kanyang mukha habang nakatitig kay Papa.

"Ate!" Nagmamakaawa akong tumingin kay Ate. "Sabihin mo kay Papa, hindi natin siya iiwan dito. Sasama siya sa atin."

Bumaling sa akin si Ate Erin. Tinitigan niya lamang ako, ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay ibinaling na niya ang tingin niya kay Papa.

"Aalis na kami, Papa," malamig niyang turan, iniiwasang tumingin sa aking mga mata.

Nahihintakutan akong tumingin kay Ate. "Ate! Baliw ka na ba? Iiwan natin si Papa dito? Hindi! Ikaw na lang mag-isa ang umalis!" pasigaw kong sabi kay Ate. Halos mamutla na ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Ganoon pa rin ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Malamig. At tila wala siyang pakialam sa nangyayari.

Hindi siya sumagot. Naiiyak kong nilapitan si Papa. "Pa, halika na po. Alis na tayo, Pa..." nagsusumamo kong sabi. Halos masinok-sinok na ako kakaiyak.

Kahit na labingapat na taong gulang pa lamang ako, ay alam ko na... alam kong sa oras na umalis kami ni Ate sa lugar na ito at iwan si Papa ay may pangyayaring magaganap na siyang magpapabago sa buhay naming lahat.

"Kapag sumama ako sa inyo, mas mapapahamak lang kayo. Hindi sila titigil hangga't hindi nila ako napapatay," malungkot na sabi ni Papa. Punung-puno ng luha ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Kita ko ang pinaghalong sakit, pait at paghihinagpis sa mukha niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko si Papa ng napakahigpit, na para bang iyon na ang huling pagkakataon na mayayakap ko siya. Na para bang wala ng iba pang oportunidad ang dadating para mayakap ko siyang muli.

"Papa, mahal kita..." humihikbi ako habang sinasabi iyon. Ramdam ko ang lubos na pagkabasa ng aking mukha at ang pagbara ng aking ilong dahil sa lubos kong pag-iyak.

Papa brushed my hair to the side using his fingers and looked at me in the eye. "Mahal din kita, Ella, kayo ni Erin. Tandaan mo 'yan."

Pagkatapos niya iyong sabihin ay bigla na lamang sumabay ang pagtunog ng doorbell mula sa labas. Lumakas ang tibok ng aking puso.

Tumingin si Papa kay Ate pagkatapos ay tinanguan. Nakuha naman iyon ni Ate. Hinila ako ni Ate para maitayo ako. Pagkatapos ay marahan niya akong kinaladkad papunta sa likod bahay.

Gusto kong magprotesta. Gusto kong pigilan si Ate na ilayo ako kay Papa. Pero nang tumama ang aking mga mata kay Papa ay kinuha ko na iyon bilang hudyat ng pagpapaalam.

Nang makalabas na kami ay doon lamang ako ulit umiyak. Nanlalabo ang aking mga mata habang naglalakad kami ni Ate palabas.

Hindi ako lumingon. Hindi kami lumingon mula sa bahay na kinalakhan naming, katulad ng utos ni Papa.

Tuloy-tuloy lang ang pagtakbo namin palayo sa lugar na pinagmulan ng lahat. Pero parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang pagputok ng baril.

Isa. Dalawa. Tatlo.

At sinundan pa iyon ng marami pang pagputok. Napahagulhol ako. Hinatak ako ni Ate upang tumakbo palayo sa bahay namin. Nanghihina man ay pinigilan ko ang sarili kong mapaluhod sa kalsada.

Sa bawat paghampas ng hangin patungo sa aking mukha ay ramdam ko ang lamig. Ang lamig ng natutuyo kong luha, kasabay ng pagwasak ng puso ko sa katotohanang wala...

Wala na si Papa. Wala na siya.

Sa huling pagkakataon ay hinayaan ko ang sarili kong magdusa at ibuhos ang lahat ng sakit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.