Chapter 15
Childhood sweetheart
Flashback
"Hindi ko alam kung bakit ang tigas ng ulo mo. N'ong bata pa ako, hindi naman ako ganyan ka-pasaway!" Nakapameywang si Ate Erin habang hinihilot niya ang kanyang sentido.
Napakamot na lamang ako sa aking pisngi habang nakayuko at iniiwas ang aking mga mata mula sa kanya. Agad namula ang magkabila kong pisngi nang makita ko ang paglapit ni Damon kay Ate. Ang makintab na sapatos ng lalaki na papalapit kay Ate ang umagaw ng atensyon ko na mas lalong ikinapula ng pisngi ko.
Ewan ko ba kung bakit, pero kahit sabihin ni Ate na tawagin kong Kuya si Damon ay hindi ko magawa. Para bang may nagsasabi sa akin na huwag ko siyang tawaging Kuya at saka hindi naman kami magkapatid, no. I shrugged the thought.
"Pasaway ka kaya n'ong bata ka, Ate. Iniwan mo pa nga ako sa playground kasi bida-bida ka," nakanguso kong sabi habang nakatunghay na sa kanya. Ate Erin glared at me, samantalang si Damon naman ay tumawa. He looked both carefree and refreshing while he laughed. I almost gasp as a sharp intake of breath came out from my mouth.
How can a human be so handsome while he is only standing there and laughing?
"Love, tama na 'yan. Bata pa naman 'yang kapatid mo. Natural na magiging pasaway pa 'yan," malambing na sabi ni Damon sa Ate ko. He even put both of his hands at the top of my Ate's shoulders. Good, distract her para makatakas ako sa bagsik ng dragon!
I pouted when his words registered. I'm not a kid anymore! Gusto ko iyong isigaw ngunit alam kong marahil ay magmukha pa akong tanga sa harap ni Damon at ni Ate.
Ang swerte ng Ate ko sa kanya. Bakit kaya niya nagustuhan ang Ate ko? Ang maldita kaya niya. I wonder what kind of love potion Ate Erin has under her sleeves. Parang ang sarap alamin dahil nakabingwit siya ng malaking isda.
Napabuntonghininga na lamang si Ate. Nanatili pa ring masama ang tingin ni Ate sa akin.
"Pasalamat ka nandito si Damon, kung hindi raratratin talaga kita." I can hear the silent warning laced under her voice. Palihim akong napangisi. Bakit kaya nagiging masaya ako sa tuwing nakikita ko si Ate na napipikon sa mga sinasabi ko?
I beamed at Damon right after Ate Erin spoke. "Salamat, Kuya Damon!" Humagikhik ako. Pagkatapos niyon ay tumakbo ako paalis ng sala. Halos mapagpagulong-gulong ako kakatawa habang tinatahak ko ang hagdan pataas, papunta sa aking kwarto. Rinig ko pa ang malakas ng pagsigaw ni Ate ng pangalan ko, kalakip niyon ang inis niya sa akin na hindi niya itinago.
As soon as I stepped inside my room, and the scent of a freshly bloomed flower envelops my nose, slowly filling my insides with the fragrant of the captivating smell, I let myself fall in my bed, savoring the comfy and soft bed of mine.
Hindi ko mapigilang magpakawala ng isang malalim na hininga habang nakatingala sa kisame ng aking kwarto. Both of my arms are spread apart, grasping the sheets as if they were my lifeline. As I lay on my bed, I continue staring at the void ceiling.
Blank. None. Lifeless. Sometimes in my life, I often wonder why I felt so incomplete. Para bang may kung anong kulang sa buhay ko na hindi mapunan. Para bang may kung anong bagay sa akin ang nawala, ngunit hindi ko mahanap dahil... paano ko nga ba hahanapin ang isang bagay na nawala kung ni kahit anong ideya ay wala akong alam kung ano ang dapat kong hanapin?
Sa kawalan ng kasagutan at mga rason ay natawa na lamang ako. I wonder why I often have these kinds of moments in my life. Yun bang hindi ko mapigilang kausapin na lamang ang aking sarili sa kawalan ng nais at dapat kong gawin.
It was as if talking to my intrapersonal self and character has been my silent hobby na tanging ako lamang ang nakakaalam.
I glanced at the clock hanging right straight from the wall. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang oras. Seven na pala ng gabi. At wala pa akong nagagawang assignment kahit isa! Baka gisahin ako ng professor namin kapag hindi ako nag-aral!
With all the strength that I mustered, I got up from my lovely bed and went straight to my study table. Noon ko lang napansin ang liwanag na nagmumula sa buwan sa dakong paroon. Bahagyang natigil ang mabilis kong pagkilos, silently dazed by the illuminating light coming from the enchanting moon.
I've always loved the moon because of its mystery. Minsan ay nahuhulog ang aking pag-iisip habang nakatingin sa buwan. Hindi ko alam pero mayroon talagang kung ano ang buwan na hindi ko maiwasang titigan.
I've always loved mysteries.
And every time that I think about mystery and secrecy, my mind would always fall off the gutter... and will always lead me back to the past... where a boy of my age stood up in front of me, asking me to play.
With his encouraging smile, I let myself be a prisoner of his charm. Despite his mellow voice and encouraging smile, some parts of him are still hidden beneath my eyes. Hindi ko pa rin siya mabasa kahit na palagi siyang nakangiti sa direksyon ko.
And as my eyes continue to stare at his hooded, mysterious, and dark eyes, I always wonder the unknown. Parati kong naiisip ang misteryo na mayroon siya... gusto ko iyong malaman... alamin.
Napakunot na lamang ang aking noo. Dati pa lamang ay nais ko ng tanungin si Ate kung ano ang ibig sabihin ng mga tao o mga senaryo na patuloy na sumusulpot sa harap ng aking mga mata.
Ni hindi ko nga alam kung ang lahat ng iyon ay bunga lamang ng aking malikot at malawak na imahinasyon o sadyang nangyari talaga iyon.
Ewan.
Hindi ko pa alam.
Magulo pa.
At ayoko rin munang sabihin kay Ate dahil baka tuksuhin lang ako noon. Anong malay ko at baka kantiyawan niya pa ko pagkatapos ng sampung taon hindi ba? Baka sabihan pa ko niyan na lokaret ako noong bata pa.
Napailing na lamang ako. Ngayon ko lamang napagtanto na nakatayo pa rin pala ako. Umusbong ang maliit na ngiti mula sa aking labi. I don't even know why I haven't felt any pain or soreness in my muscle dahil nga sa ilang minuto na akong nakatayo.
But maybe it’s because I was too caught up by the moon at the moment... engrossed, beguiled and intrigued by its alluring beauty.
I immediately composed myself and took a sit on my chair. Kinuha ko ang checklist ko sa bag at inilabas na ang mga bagay na dapat kong tapusin ngayong araw. Before I start doing my task, I grabbed my ponytail at mabilis na sinikop ang aking buhok... letting the fresh air blessed my nape and neck.
And that's when I started doing the real thing.
I yawned after I finished writing the last paragraph of my last school stuff. Nakapatong ang aking baba habang nakatitig ako sa buwan na mula sa aking upuan ay natatanaw ko... dahil sa maluwag na pagkakabukas ng bintana.
Kanina, pagpasok ko ay nakasarado ang aircon. Mas gusto kong ganoon dahil mas nalalanghap at nararamdaman ko ang panunuot ng sariwang hangin sa aking balat.
Hindi ko mapigilang matawa habang iniisip ang unang pagkikita namin ni Ate kanina sa office. Nakakunot ang noo niya habang pinipigilan niya ang sarili niyang sabihan ako ng kung anu-ano. Marahil ay ayaw niyang malaman ni Damon kung gaano kadaldal ang bunganga niya. Sinabihan lang naman siya ng Dean tungkol sa nangyari kanina.
Nahihiya man ako kay Damon dahil sa ganitong paraan pa kami nagkakilalang dalawa kasama si Ate ay hindi na lamang ako tumingin sa kanya. Dahil kapag tumitig pa ako ay baka talagang hilingin ko na lang na lamunin ako ng lupa.
Napalunok na lang ako habang dinadama ang hangin. Nanunuyo na ang aking lalamunan, tila ba naghahanap ng inumin na papatid ng sarili kong uhaw. Hindi ako nag-atubiling tumayo.
Mula sa kwarto ay bumaba ako sa hagdan patungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator. Nang maisalin ko ang tubig sa basong kinuha ko kanina sa lalagyan ay umikot ako, para lamang kabahan nang sumalubong sa akin ang misteryosong mga mata ng fiancé ni Ate Erin.
With his bulky body, he can, no doubt, cover my whole body with his. Nagmumukha akong maliit habang nakatayo siya sa harapan ko. Linagok ko ng isahang inom ang inumin ko pagkatapos ay mabilis na tumakas mula sa pagkakalapit ni Damon sa akin.
Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko habang inaaalala ang mga mata niyang tila nagtatago ng misteryo at mga sikreto sa likod nito. Kumunot ang aking noo nang bigla na namang lumabas ang batang lalaki sa aking isip.
Ang kaibahan lang ay nakikita ko ang lugar kung saan kaming dalawa ay naroon. Hindi ko maiwasang magtaka nang makita ko si Ate Erin sa tanawing nasa harapan ko.
Bakit parang wala namang nasasabi si Ate na may kakilala kaming batang lalaki dati?
"Are you okay?" Damon's voice disturbed my thoughts, bursting my own bubble of thoughts and letting myself focus only on him. Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay tumitig lamang ako sa kanya habang nilalagok niya ang inuming hawak niya mula sa refrigerator.
Hindi naiwasan ng mga mata kong tumitig sa Adam's apple niyang bumababa at tumataas habang umiinom siya. Hindi siya nakatingin sa akin. His eyes were set far from my sight. I can almost guarantee that he is staring right on the wall, but his thoughts are far from the place that we are both settled in.
"Dam-Kuya..." Halos pitikin ko na ang sarili kong bibig nang hindi ko mapigilang sabihin ang pangalan niya. "Ilang taon na po kayong magkakilala ni Ate Erin?"
His right eyebrow raised while he was absorbing my question. Ibinaba niya ang basong hawak niya sa lababong kinapapatungan niya. Umayos siya ng tayo at pinagsalikop ang kanyang kamay habang nakayuko at nakatingin sa akin. Hindi naman naiwasan ng mga mata ko ang tumitig sa mamasa-masa niyang labi. Mapula pa iyon. Bumubuka ang kanyang bibig habang dahan-dahan siyang nagsasalita.
"Almost two years. At most." Nakasandal na ang likod ni Damon sa lababo.
Tumango-tango ako pagkatapos ay hinila ko ang upuan at mula roon ay umupo ako. "E... paano po kayo nagkakilala?"
Bahagya siyang ngumiti, making my heart hurt for no reason. "Nagkakilala kami ng Ate mo sa kompanya. Naging secretary ko siya for a year. And then yun, the rest is history." Yung ngiti niya... para bang natutuwa siyang alalahanin yung mga nangyari noon.
"It was quite interesting actually. Nakakatuwa lang kasi by that time, kami na. And then I accompany her to her apartment. Nakita ko doon yung mga dati kong picture. With her. Magkatabi kami. It was a childhood photo." Kumunot ang aking noo habang iniintindi ang sinasabi ni Damon. Kung childhood sweethearts sila, dapat kilala ko na siya. Bakit hindi ko siya maalala kung ganoon?
"Although hindi na namin siya nadala ni Erin kasi may punit na. I didn't know we were childhood sweethearts not until that photo came. And right after that, I've decided na 'wag na siyang pakawalan. I've been looking for that woman, for my childhood sweetheart for so long. And when your Ate Erin told me that... I couldn't be more glad.
I guess fate has its own amazing way of meeting two destined people, huh..." masayang wika ni Damon habang nakatingin sa kawalan, tila ba inaalala ang mga nangyari noong nakaraan.
Pero ako? Nanatili akong tulala, inaalala ang kahit anong memorya ko kasama siya. Iniisip kung nakilala ko na ba siya dati.
Kung magkabababata sila ni Ate, bakit wala akong alaala na kasama siya?