Chapter 16
Head bat
Every time that the clock strikes at midnight, you can hear the crickets ringing around the headquarters, and I bet kahit sa labas ng headquarters ng mafia ay maingay din ang mga insekto.
And when all these things are currently happening, you can see me outside, glistening with sweat of hope and perseverance...grasping the ropes, jumping on them or even sometimes, holding a gun and pointing it at the dartboard on the tree near the field which serves as my shooting target.
I vowed to myself that this time, I’ll do everything to achieve what I want. Hindi na ako magpapadala kay Damon. Gagawin ko na lahat ng gusto kong gawin and the first step for that is to train so I can be stronger and better than I was before.
Napapikit na lamang ako nang humampas ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha. Tagaktak ang pawis ko, tumutulo iyon pababa sa aking pisngi. Ni hindi ko naramdaman ang pagtulo kung hindi lang dahil sa hangin, umiihip iyon sa pawis ko kung kaya nama'y nararamdaman ko ang lamig.
Nang matapos ako ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Tanaw ko ang buwan mula sa aking kinatatayuan, at ang mga bituin ang nagsisilbing ilaw sa hatinggabing mapayapa at madilim.
"Ang lalim ng buntonghininga mo." Kakabahan na sana ako sa pag-aakalang si Damon pala iyon, pero hindi. Ang baritonong boses na humahagod sa tainga ko ay sapat na dahilan para malaman kong si Ashton iyon.
I only shrugged, not offering him even a bit of glance. I grasped at the rope tightly and jumped on them. Tanging ang paghampas lamang ng lubid sa sahig ang naririnig ko sa kabuuan ng malawak na lugar. Ang pagtagaktak ng pawis ko mula sa noo ay sadyang nakakabahala.
Kumakati na ang mukha ko dahil sa pawis. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ako at nagpunta patungo sa upuan kung saan nakalagay ang towel ko. Agad kong pinunasan ang mukha ko, pagkatapos ay nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Ano kayang sasabihin ni Damon kapag nalaman niyang nagti-training ka? Balita ko pa naman... bawal kang humawak ng baril... diba?" Agad bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Ashton.
Mabilis akong lumingon sa kanya. Hindi ko naitago ang gulat ko nang makita kong hawak niya ang baril na ginagamit ko kanina pa. Pinatong ko sa mismong kinalalagyan ni Ashton ang baril kanina kaya siguro niya nakita iyon.
Pero nabawasan ang kaba ko nang maalala kong wala ng bala ang baril na iyon.
"Anong kailangan mo?" mariin kong tanong sa kanya. Nag-uumpisa nang kumulo ang dugo ko sa hinayupak na 'to. Masyadong papansin. Parang yung kaklase mong nagpapabida sa teacher.
"Wala naman. Trip ko lang mang-asar." nakangisi ang ungas habang nakatitig sa akin. Palibhasa alam niyang mas gumagwapo siya kapag nakangiti, e.
I hoisted my spare gun from my belt and pointed it at him. Ashton slightly flinched. At least it’s not visible to one's naked eye, sadyang malinaw lang talaga ang mga mata ko.
"Trip din kitang barilin. Okay lang kaya na ituloy ko?" mapang-asar kong tugon sa kanya. Tinagilid ko ang ulo ko at matiim siyang tinatigan, silently warning him. He, in return, pointed the gun towards me.
I smirked, "Tingnan mo kaya muna kung may bala 'yang hawak mo..."
Ashton checked the gun, and when he learned that the gun doesn’t have any bullets, he held both of his hands in the air na para bang ako ang pulis at siya ang may sala.
"Whoa!" bulalas niya, "Chill! Hindi ka na mabiro." Nakangiwi si Ashton habang nakatitig sa akin. Hindi ako sumagot, instead I didn't stop myself from pointing the gun towards him. My right eyebrow was taunting him, mocking him.
Agad siyang namutla nang maintindihan niya ang nais kong iparating. Na wala akong balak na ibaba ang baril. Sa ngayon… dahil nage-enjoy pa akong pahirapan at asarin siya.
"B-Baka naman...p-pwedeng a-ano..." pautal-utal ang mga salitang lumalabas mula sa labi ni Ashton. Palihim akong natawa habang nakatitig sa kanya. Although alam kong maaaring nagpapanggap lamang siyang natatakot for me to spare him, hindi ko pa rin maiwasang matawa.
"Pwedeng ano?" nakangisi kong tanong. My braided hair was neatly tied, but the wind made it hard for my bangs to live. I blew towards my bangs to move it away. Ramdam ko ang lamig na nanunuot sa suot kong sports bra at maikling short.
"A-Ano..."
"What's happening here?" Malalim na boses ang gumambala sa amin ni Ashton. Napalunok ako. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso at ang pangangapos ko ng hininga. Namutla ako nang makilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Agad kong binaba ang baril na nakatututok kay Ashton at mabilis na binalik sa belt ko na parang walang nangyari.
Sinamaan ko ng tingin ang huli, but he looked relieved nang makitang ibinaba ko ang baril at inilagay sa belt ko. Mahirap man ay sinupil ko ang ngiting nag-uumpisang umusbong sa aking labi dahil nararamdaman ko ang masamang aura na nagmumula sa lalaking nasa aking likuran.
"Nagpapahangin lang." I flipped my hair, making my braided hair whipped through the other side. And then I stared at him. Muntik ng malaglag ang aking panga kung hindi ko lang nakita ang masamang tingin ni Damon, directly pointing it at me.
Sino ba naman ang hindi magugulat kung nakita mo si Damon na nakasando at naka-sweat pants? Not to mention that his muscles are almost bulging throughout his top. Para bang mawawasak na ang damit na suot niya dahil masyadong fit at kasyang-kasya ang damit na suot niya. It was as if his sando was begging to be ripped out from his body. Ella, maghunus-dili ka!
"Quit lying woman and answer me! What are you doing with this man?! And what the hell are you wearing?!" Mabagsik at nakakatakot niyang sigaw ang pumuno sa buong field. Ang buwan sa itaas mula sa labas ng field na natatanaw mula sa salaming nagsisilbing harang mula sa labas ay nagsisilbing liwanang sa buong paligid.
Itinuro ni Damon sa Ashton na nasa likuran ko. Mabilis akong lumingon kay Ashton, only to find him pointing his own finger at himself as if he was saying "Ako?" while looking at everywhere but me.
My eyes formed into slits. Parang itatanggi pa ata ni Ashton na magkasama kami dito, and worst baka sabihin niyang nagte-training ako mag-isa.
"Nagpapahangin nga lang kami ni Ashton. And what's your problem? Pati ba naman damit ko, kailangan ko pang ikonsulta sayo? Ano ka, stylist?" I frowned and whipped my head towards Damon, not minding what Ashton's reaction would be. Bahala siya diyan. Idadamay ko siya rito.
Damon clenched his jaw; the perfect shape of his jaw came into my view. Hindi siya sumagot, bagkus ang boses ni Ashton ang narinig ko.
"Hindi kami nagpapahangin. Kita mo nga kanina nakatutok sa akin yung baril niya, e. May nagpapahangin bang gan'on?" I gritted my teeth as I heard Ashton said those words. Napalunok ako nang makita ko ang pagkunot ng noo ni Damon.
"Baril?" asik niya. Mabibilis ang mga hakbang niya patungo sa akin. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Saka ko lamang napagtantong nasa harapan ko na siya nang kunin niya ang baril mula sa belt ko. His fingers made a contact with my bare stomach.
Nanghina ako nang dumampi ang mga daliri niya sa baywang ko, dahilan para mapahawak ako sa magkabilang balikat niya. And as my eyes made contact at him, I can't help but to think that his fingers were moving sensually while it was touching my bare stomach.
"Damn, whoo! Ang lakas ng sexual tension dito! Makaalis na nga." Ni hindi ko man lang naramdaman ang pag-alis ni Ashton pagkatapos niyang sabihin iyon. All I can think of is Damon's seductive touch and how it lingers against my skin.
Inangat ko ang mga mata ko mula sa malawak na dibdib ni Damon na mas pinili kong titigan kanina. Huli na para maiwasan ko ang mga mata ni Damon na matiim na nakatitig sa akin.
"Get your hands off me,” maawtoridad niyang utos sa akin. Agad akong namutla at tinanggal ang pagkakakapit ko mula sa mga balikat niya. But it seems as though hindi ko pa naaayos ang sarili ko, dahil maya-maya pa'y nararamdaman ko na ang kawalan ng balanse ng aking katawan. Agad nanlaki ang mga mata ko. Kulang ang salitang kaba nang pakiramdam ko'y malulunod na ako at babagsak sa sahig ng field na kinatatayuan ko.
But before my body hit the floor, a hand enveloped my bare waist, making its way towards my back to pull me over. And soon, all I felt was Damon's chest placed against my hands and his breath fanning right at my forehead.
My heart started beating like crazy habang nakatingin ako sa mga kamay kong nakapatong sa dibdib niya. Halos pangapusan ako ng hininga, hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. The irregular beat of Damon's heart started beating against my clenched hands.
And I suddenly found myself asking whether his heart beats faster than it's usual because I'm around, but of course it's the most impossible thing that one can ever think of, so I just shut myself up.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Damon sa aking noo. Mabilis akong lumayo sa kanya bago pa siya magsalita ng kung ano.
"Nagti-training ako," I suddenly blurted out. Agad nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ko ang sinabi ko. I almost grimace as the words started to register through my mind. Halos sabunutan ko na ang sarili ko.
Ang tanga-tanga mo, Ella! Ikaw rin mismo ang naglaglag sa sarili mo!
"Who gave you the permission to train yourself? Hindi ba't hindi kita pinayagan?" Damon glared at me. Nakapameywang siya habang nakatitig sa akin.
"Hindi mo ko tauhan kaya hindi mo ko pwedeng utusan," matatag kong sabi.
Sa isang iglap ay hinablot ni Damon ang kaliwang braso ko at hinatak ako papalapit sa kanya. "Listen here, woman. You do what I say, and nothing else. You are trapped here, forever. You are not allowed to do anything that will make you happy. Wala kang karapatang maging masaya."
And then with that, he loosens his grip. Ang baril na kanina'y hawak ko ay napunta sa kanya. Mabilis siyang naglakad paalis.
Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit.
Hinablot ko ang baril na hawak ni Ashton kanina. Mabilis kong kinuha ang magazine sa belt ko at kinasa iyon doon. And then, I whipped myself towards Damon's way. Pinaputok ko ang baril. Hindi maririnig ang tunog nito sapagkat silencer ang baril na hawak ko.
Ang isang bala ay dumaan sa kaliwang tainga ni Damon, almost hitting his earlobe, and same goes with the other one. Napahinto si Damon sa nilalakaran niya.
Nanginginig pa ang kamay ko habang nakatutok iyon doon. "Let me join your team."
"No," he said with finality, and then he continues walking towards his way. I frustratedly let out a sigh. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya, preparing myself to initiate a battle against him.
Ngunit parang natunugan niya iyon dahil naramdaman ko na lang ang sarili kong ulo sa pader at ang kamay ni Damon na nakapulupot sa leeg ko. Napangiwi ako nang bahagyang mauntog ang ulo ko doon. Medyo masakit, Damon ha!
"Stop this madness, woman." Damon's face was full of fury and rage. My eyes formed into slits. And then I did the only thing that I think was the most rational thing to do.
Head bat.