The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 19

Chapter 18

Auction

Agad kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng aking alarm clock. Disoriented, I looked at the ceiling above. Ang ganda pa ng higa ko sa kama, feeling the softness of the bed and the smoothness of the sheet. Parang wala ako sa kamalayan habang nakatitig sa puting kisame ng aking kuwarto.

Nang mapadpad ang aking mga mata sa bintana ay kumunot ang aking noo. Agad na nanlaki ang aking mga mata nang hindi ko na makita ang araw mula roon. Instead of the sun, waving hello at me, I saw the gleam of the moonlight shining upon the window.

Shit. Ngayong gabi na pala yung auction. Dali-dali kong inalis ang aking kumot pagkatapos ay bumangon na ako sa aking kama. Panay pa ang hikab ko habang nagu-unat para mawala ang antok at magising ang sistema.

I hurriedly open my closet to find the most appropriate outfit that I should wear for tonight's most anticipated event. It should neither be sparkly or attractive para hindi ako makita ninuman. Ang ilan pa sa mga gamit na kakailanganin ko ay nailagay ko na sa suitcase kanina. Siniguro kong wala akong malilimutan kahit isa para hindi ako magkumahog sa plano ko mamaya.

Ilang saglit pa'y naisipan kong kunin ang cellphone ko para manghingi ng ideya kay Em. Sana lang maayos-ayos ang maisip niya, baka mamaya pagtripan lang ako nito, e.

"Sino 'to?" I frowned as I heard a voice on the other line. Panandalian kong tinanggal ang aking cellphone mula sa pagkakadikit nito sa aking tainga. Ha? Sino 'to? Number naman to ni Em, ha? Boses din naman niya ang naririnig ko. Pero bakit hindi niya ako kilala? Nagkaamnesia ba siya? Binura niya ba ang number ko sa phone niya?

"Gaga ka! Si Ella 'to!" I exclaimed. The wind blew right across the window, causing the few strands of my hair to be held all over my face. Pinalobo ko ang magkabila kong pisngi and then I let out a sigh, kasabay niyon ay sinikop ko ang aking buhok at inipit iyon gamit ang ponytail sa kamay habang nakadikit ang phone sa pagitan ng kanan kong tainga at balikat.

Em greeted me with silence. For a minute, wala akong narinig kundi katahimikan lamang. And then she spoke, "Ella? Wala akong kilalang Ella."

Halos magsalubong na ang kilay ko sa inis. Hindi ko alam kung niloloko lang ako ni Em, pero kung oo ay hindi ako natutuwa. "Em," I grunted. "Ayoko na makipaglaro. Para ka naming ewan diyan, e. Bestfriend mo 'to, o. Si Ella! Kailangan ko ng tulong mo!" I pleaded.

"So bestfriend mo na 'ko kasi kailangan mo 'ko? Pero sa loob ng isang linggo, hindi ka man kang nagparamdam. Bruha ka! Porke nakipagharutan ka na kay Damon, kakalimutan mo na ko?" I bet to everything I have na nakasimangot si Em habang sinasabi iyon.

"Napakadrama," I teased her. "Pero wait, saan mo naman nalaman yan? And what? Nakipagharutan?" I asked her, obviously confused. I don't remember telling her anything about Damon and I don’t think what I did with Damon was flirty at all. Para lang akong nakipag-asaran sa limang taong bata ‘no, duh.

"I have a very reliable source," she said confidently. I almost laugh at her antics if only I didn’t forget that I’m rushing out of time.

"Reliable ka diyan. Ang sabihin mo, nanghagilap ka na naman ng tsismis," natatawa kong kantiyaw sa kanya.

"Che!" pagtataray niya. "Paano, di mo na ko kinukwentuhan kaya kailangan ko pang makitsismis! 'Di mo ba alam kung gaano ako nahiyang magtanong sa mga tauhan ni Damon? Kung hindi ko pa sabihin ang pangalan ni Damon, hindi pa nila sasabihin kung anong nangyari sa iyo e." Marahil ay nakikita ko na ang mahaba at matulis na nguso ni Em kung kaharap ko lamang siya ngayon.

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko nang ma-imagine kong kinakausap ni Em ang mga tauhan ni Damon na malalaki ang katawan at brusko kung kumilos para makasagap lamang ng tsismis.

"Tumigil ka na nga sa kakatawa diyan! Ni hindi mo man lang ako dinalaw sa clinic. Babad na nga ako sa trabaho dahil diyan sa asawa mo, wala pa akong makausap kundi si Marga lang tsaka yung mga tauhan ni Damon na nagpupunta sa clinic!" Napangiwi ako pagkarinig ko sa pangalan ni Marga.

Kung may malandi pa sa lahat ng malandi, baka makoronahan na si Marga dahil angkop na angkop sa kanya ang titulo. I'm not being judgmental or anything. Halos lahat kasi ng mga lalaking tauhan ni Damon na nagpupunta sa clinic ay nilalandi niya. Ilang beses na rin siyang naging third party. Ginawa na rin atang motel ni Marga ang clinic sa sobrang dami ng naikama niya doon. Ewan ko ba. Sa tingin ko, kaya lang siya hindi inaalis sa serbisyo ay dahil magaling naman talaga siyang magtrabaho.

"Okay, fine. Hindi na po. Ipagdasal mo na lang na maawa si Damon at bigyan ka ng pogi, este magaling na doctor. Anyway, kaya hindi na kita nabibisita diyan, e kasi kailangan kong magtraining para sa auction mamaya," saad ko.

"What?!" Eksaheradang wika ni Em. "Baliw ka ba? Huli nating usap, hindi ka pinayagan ni Damon, ah? Wait, are you thinking what I am thinking? Gaga ka talaga, Ella!" Nahihintakutang sabi niya.

Natawa na lamang ako. "Kilala mo 'ko, Em. Wala akong sinusunod na tao," natatawa kong tugon. "By the way, I need your help that’s why I called you. Busy ka ba? Can you come over?"

Em tsked, "Bahala ka na nga diyan, Ella. Bruha ka. Pasaway ka talaga! Ewan ko na lang kung anong gagawin ni Damon sayo mamaya. O siya, sige. Punta na lang ako diyan. Nasa clinic pa ko, e."

"Sige, sige. Bilisan mo, Em ha. 6:30 na o. Mamayang 7 umpisa, e."

"Yes, Madam," Em saracastically said and then the line went dead.

---

"Don't you think I'm overdressed for the event? Baka makilala ako doon," nakangiwi kong sabi habang nakatitig sa sarili kong repleksiyon sa salamin. Ang slit sa kanang bahagi ng suot kong gown ay nagmamaldita. Hindi nakatulong ang magkabilang butas sa aking tagiliran, pati na sa likod. "Alam mo, dapat pala nag-two-piece na lang ako kung ganitong damit din naman pala ang ipapasuot mo. Gusto mo atang ibalandra ko ang katawan ko doon, e. Baka naman kabagin ako nito pag-uwi ko, ha?" Reklamo ko kay Em.

Pinanlakihan ako ng mata ni Em. "'Wag ka ng magreklamo! Walang kwenta yung mga damit mo sa closet. Anong gusto mo? 'Yang mga hoodie at jogging pants ang suotin mo sa auction? Aba! 'Wag ka na magpunta at baka mapagkamalan ka lang doong naligaw. Tsaka hindi ka makikilala d'on girl kasi nakamaskara ka naman."

Napalabi na lamang ako nang kutyain ni Em ang daily outfit at ang closet ko. Anong magagawa ko? E hindi naman ako lumalabas sa lugar na ito. Hindi ko na kailangan ng kahit anong magagarbong damit, 'no.

"Bilisan mo na diyan para makaalis ka na. Hindi na kita sasamahan dahil bawal mabakante ang clinic. Hindi pa bumabalik si Dr. Martin kaya walang ibang maalila sa clinic,” wika niya.

Bukod kasi kay Em ay nandiyan din si Dr. Martin bilang doktor ng kampo. Actually, si Dr. Martin talaga ang itinuturing na resident doctor ng mafia. Samantalang si Em ay nagsisilbi lamang assistant nito. Wala lamang ang naturang doktor dahil may inaattendan itong conference sa ibang bansa.

Em babbled, "Ay, oo nga pala! Paano ka makakapunta ng venue, e wala ka naming sasakyan? Pasalamat ka na nga lang at wala kang bantay ngayon, hindi katulad dati na para bang ikaw ang Queen Elizabeth ng Pinas."

Kinindatan ko siya. "Wala kang dapat ipag-alala, babaita. Pinahiram na 'ko ni Dumbo." I wiggled my eyebrows. Bago ko kinwentuhan si Em ay pinuntahan ko na si Dumbo. Nakiusap akong hiramin ang invitation at sasakyan niya dahil alam kong magmumukha lang akong tanga kapag lumapit at nakiusap ako kay Damon. Medyo baliw din kasi ang mafia. Bakit nila binigyan si Dumbo ng invitation gayong sa tech room lang naman siya tatambay? Nagsasayang lang sila ng papel at sinisira ang plano ni Damon. Well, good for me.

Napangisi na lamang ako.

"Mahirap ka talagang kalabanin. Lahat nalulusutan mo, e," iling-iling na sabi ni Em.

"I know, right?" nakangisi kong sabi. "O siya, alis na ko. Bye, Dra. Em!" And with that, I took off from my room. Tumingin muna ako mula sa kanan pakaliwa to check if the coast is already clear. Nang makumpirma ko na wala na ngang tao ay inilagay ko ang itim na maskara sa aking mukha, complying with the theme of the auction, masquerade. I walked towards the tech room's garage. Binuksan ko ang kotse ni Dumbo pagkatapos ay masayang umalis.

It took me almost thirty minutes to reach the venue. Late na ako ng thirty minutes, but I don't care. Ayokong magtagal dito, sa totoo lang. Alam ko rin namang sa dulo ang aksiyon at labanan. I hate listening to pep talks and socializing with people.

Kinapa ko ang dalawa kong baril sa purse na hawak hawak ko kanina pa. I silently walked towards the entrance of the venue. Hinarang ako ng gwardiya para hingin ang invitation card. Agad ko namang ibinigay iyon. Nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok. Hindi na ako nagulat nang mabungaran ko ang malaking chandelier. Nasa ikalawang palapag ang entrance ng event. Tumunghay ako mula sa teresa ng venue.

Bago maganap ang auction ay may charity ball muna na mangyayari. Sayawan ang main event ng charity ball na ginawa para ma-entertain ang mga bisita. Pagkatapos niyon ay auction na.

Sa pagtunghay ko sa ibaba ay nakita ko ang iba't ibang personalidad na nasa loob ng mafia. Kahit nga ang ilang artista na hindi ko akalaing miyembro pala ng mafia ay nandoon din.

Hindi ko na naialis ang aking paningin sa lalaking nakaupo at nakahalukipkip sa bandang unahan ng mga upuan. Napapalibutan siya ng mga tauhan niya sa iisang lamesa. He was facing the front, oblivious of what is happening around him. Hindi ko alam kung bakit kahit anong suotin ng lalaking ito ay bagay sa kanya.

At parang nananadya ang pagkakataon. Maya-maya pa ay napagawi ang kanyang paningin sa akin. Hindi niya suot ang maskara. Marahil ay ayaw niya iyong suotin dahil makilala pa rin naman siya ng mga kaaway at kakampi niya despite having the mask planted on his face. Lumakas ang tibok ng puso ko nang kumunot ang noo niya, wari'y pinagmamasdan at inaaral ang mga galaw ko. Kinakabahan ako dahil baka makilala niya ako.

His brooding eyes are staring at me as if he’s examining my whole existence. Ni hindi ko na ata maaawat ang malakas na paghampas ng puso ko mula sa aking dibdib dahil sa matiim niyang pagtitig sa akin. Pati ang pagdampi ng dila and the way he rolls his tongue across his lower lips didn't edcaped my hawk eye. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya.

Nalipat lamang ang atensyon niya nang may pumunta sa unahan, announcing her presence and acknowledging the guests. Maya-maya pa ay inumpisahan na ang charity ball. Pinangunahan iyon ni Lucresia De Salvo, isa sa mga ambassador ng nasabing movement.

Hindi nakalampas ang elegante niyang postura at ang mala-anghel niyang itsura sa paningin ng mga kalalakihan. And I wouldn't blame them. You gotta give it to the girl. She can sweep anyone and make any guy fall for her with just a flick of her finger.

Ganoon na lamang ang paninibugho ko nang pagkatapos magsalita ni Lucresia ay naggala gala siya at umupo sa bakanteng upuan malapit kay Damon. Hindi pa nakuntento ang babae at kinausap pa niya si Damon. To my surprise ay nakikita ko ang pagtango at bahagyang pagngiti ng huli.

Napasimangot na lamang ako habang nakatingin sa dalawa. Ang ganda nilang tingnan ng magkasama. Hindi katulad ng sa amin ni Damon kapag magkasama kami. Pakiramdam ko, isa akong basura kasama ng isang ginto.

Napabuntonghininga na lang ako at nakinig sa unahan. The woman in the podium discussed the aims of the charity and the other projects of their group. Ayon sa kanila, ang makukuhang pera ngayong araw ay mapupunta sa mga batang may leukemia. My heart warmed by thinking that there are still people na kumikilos at gumagawa ng mga bagay ng walang kapalit.

"Alam kong iilan sa inyo ay dumating lang dito para makasayaw ng mga magaganda at naggwawapuhang lalaki." The spokesperson chuckled at her own joke na sinabayan din ng karamihan. "The dance floor is now open for some groove and rhythm. Maestro, music!"

And as soon as the woman called the maestro, a very sensual song played within the hall. Kita ko ang iilan na mabilis na hinanap ang mga prospect nila ngayong gabi. Iiling-iling na lamang akong nakatingin.

Nakapatong ang aking kanang kamay sa aking baba habang nakatunghay sa pagtayo ni Damon. Hula ko ay kinakantiyawan siya ng mga tauhan niyang sumayaw. Naningkit ang aking mga mata nang makita siyang lumapit sa harapan ni Lucresia, na sinabayan pa ng mga malulutong na tawa at pang-aasar ng mga tauhan niya.

Hmph. Kapag nalaman ko talaga ang mga pangalan ninyo, kakalimutan niyo na lang na nabuhay kayo.

Nakasimangot ako habang nakikita ko si Lucresia na isinasayaw ng magaling kong asawa. Aba't pasimple pa ang bruha at ipinatong ang baba sa balikat ng asawa ko! Porke matangkad siya, akala niya siguro pwede niya ng gawin iyon!

Nagpupuyos akong nagtungo sa cubicle ng CR. I slipped my gun under my gown. Isinilid ko ang mga iyon sa aking binti kung saan mayroon akong inilagay na itim na garter para paglagyan ng baril. I huffed and made my way out.

Naabutan ko pa rin ang bruha kasama ang aking asawa na nagsasayaw. Sa inis ko ay mabilis akong bumaba. And that's where I saw Ashton.

Mabilis akong nagtungo sa kanyang harapan. Inilapag ko ang aking purse sa lamesa kung nasaan siya naroroon. His eyebrows furrowed behind his mask. Marahil ay inaalam niya kung bakit may babaeng nakatayo sa harapan niya at nananatiling walang kibo.

"Dance with me...please..." Sa maliit na tinig ay nasabi ko iyon. Bahagyang bumuka ang bibig ni Ashton habang nakatitig sa akin. Kita ko ang mapula-pula niyang labi. Tinatamaan iyon ng liwanag mula sa malaking chandelier sa gitna ng ball.

Akala ko ay tatanggihan niya ako, pero nagkamali ako ng naisip. Tumayo siya at hinawakan ang aking kamay. Nagtungo kami sa gitna. Hinapit niya ang aking baywang, causing me to put both of my hands on to his shoulders. Hindi pa siya nakuntento, at mas hinapit pa ako papalapit sa kanya na para bang space na lang ang mahihiya sa aming dalawa.

"I know you're Ella. No need to hide behind that mask. I wonder if Damon knew about this?" Ashton smirked, causing the blood to run out of my head. Para bang namutla ako sa sinabi niya. Natigilan ako at hindi na nakasabay sa pagsayaw. Tatalikod na sana ako nang biglang hatakin ni Ashton ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kanya. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa dibdib niya para hindi kami tuluyang magkalapit.

I shivered when I felt his breath at my earlobe. "Or... hindi kaya sinadya mong pumunta dito nang hindi nalalaman ni Damon?" Panunuya niya.

Kumunot ang noo ko sa inis. Out of irritation, I aimed my knee and hit Ashton where it hurts the most. Napangiwi si Ashton sa sakit. "Mabaog ka sanang siraulo ka." Bulyaw ko sa kanya. I flipped my hair at saka ako umalis sa dance floor.

Tinungo ko ang purse ko sa lamesang pinag-iwanan ko niyon. Nagtungo ako sa madilim na parte ng lugar para hindi ako gaanong mapansin ng karamihan. I opened my purse nang mahanap ko na ang pwesto ko. Pagkatapos niyon ay kinuha ko ang earpiece na pinaduplicate ko pa kay Dumbo para malaman kung ano ang usapan nila Damon.

It's showtime.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.