The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 18

Chapter 17

Sneak

I woke up with a bright smile pasted all over my face. Hindi na ako makapaghintay na makita si Damon at ang sugat na ginawa ko sa kanyang noo. I can feel myself grinning like a Cheshire cat. Siguro’y bwisit na naman iyon sa akin.

Kagabi, sa sobrang tigas ng ulo ko, literally, nagkabukol si Damon nang tumama ang noo ko sa kanya. And not only that, nagkaroon din siya ng sugat doon, causing the wound to bleed a little.

I immediately dragged him last night out of the field and led him to the clinic. As the resident doctor's best friend, may access ako sa clinic ni Em, and I also have basic knowledge in tending minor injuries. May mga time kasi na bored ako, kung kaya nama'y nagpapaturo na lang ako kay Em para naman may alam ako bukod sa pakikipagbugbugan. Para kaya ko na ring gamutin ang sarili kong sugat. O, ‘diba? Resourceful.

Hinila ko kaagad si Damon sa kama and told him to sit steadily. Noong una ay nanlalaban pa si Damon, pero noong paulit-ulit na siyang umalis at ako nama'y hinihila lang siya pabalik na tila ba wala akong pakialam sa pwersang inilalaan niya laban sa akin, ay tumigil na siya. Siguro'y naintindihan niyang hindi ko siya titigilang kulitin hangga't hindi siya nagagamot, kahit na manlaban pa siya.

Naalala ko pa ang palihim na pagmamaktol ni Damon kagabi. Nakabusangot ang mukha niya habang iniiwasan niya ang aking mga mata. Pinipigilan ko lang talagang matawa dahil baka manlaban na naman siya. Mahirap na. Magulo pa naman siya kalabanin. At masyado siyang sensitive kapag ginagamot. I can see him flinching while I tend to his wound.

Sinong mag-aakalang ang lalaking katulad ni Damon ay ayaw na masugatan. Puro ngiwi at "Aray!" ang narinig ko sa kanya kagabi.

Napapailing na lamang ako habang nakangiti. The rays of the bright sun reflected through out my window. Halos mapapikit ako sa sinag ng araw. The sun was unusually bright today. Though... I don't know the reason why.

I whipped my head towards the mirror na halos katabi lamang ng bintana ko. The strand of my brown hair stands out because of the sun. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang petsa sa kalendaryo na katabi lamang ng dingding na kinalalagakan ng salamin.

Damn! Ngayon na pala 'yon?!

The day that I have been waiting for. March 11. Ngayon na pala ang petsang pinaghahandaan ako.

Mamayang seven ng gabi ay magkakaroon ng auction sa isa sa mga kilalang hotel sa bansa. Damon and his team are invited sa nasabing auction and they will attend, alright. It’s given because the auction holds a very important piece that Damon's team are searching for. Sa loob ng isang taon ay naging layunin na ni Damon at ng mga tauhan niya na kunin ang nasabing bagay na iyon.

And Damon doesn't want anyone to mess it all up that's why matagal na silang nagte-training para doon.

I grabbed my mirror and stared at my own reflection. I pouted and projected. Ewan ko ba kung anong sumasapi sa akin ngayong araw. But one thing's for sure, I am excited to have another heart-thumping action in my life.

Alam kong pinagbabawalan ako ni Damon na sumama sa mga ganitong klase ng aksiyon. Pero hindi niya na kailangan pang malaman na makakasama niya ako mamayang gabi sa laban.

I wanted to surprise him, and I will leave it at that.

Napangisi ako.

As soon as I stepped out of the mansion na kaming dalawa lang naman ni Damon ang nakatira, pero hindi naman kami nagkikita, the wind blew right into my face. I can't help but to giggle as I feel the abnormal surge of the energy creeping inside my system, almost too high that I can almost dance under the sun at a broad daylight kung hindi ko lang napigil ang sarili ko.

"Hi! Gumagwapo ka ngayon, a!" masaya kong binati ang lalaki na may buhok na istilo ng semi-kalbo. He glanced at me and arranged his eyeglasses. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagdire-diretso na lang sa paglalakad.

"Gwapo? Pero babae ako..." he murmured. His... este her smooth voice enveloped my ears, at hindi iyon nakalampas sa pandinig ko. Hindi na rin ako nag-abala pang lumingon. Napangiwi ako.

Shems, epic fail ka talaga Ella! Tae, nakakahiya!

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at nagpanggap na wala akong narinig.

Walang makakasira ng araw ko!

As I walked towards the field, patuloy pa rin ang pagbati ko sa mga taong nakakasalubong ko. In return, almost all of them looked at me as if my head was divided into three parts or as if I was an alien na kakababa lamang ng UFO at kakalanding lang sa Earth.

Pero imbis na mainis ako because of the reaction that I get in return of my energetic greetings, I chose not to do so. Instead, I just flipped my hair at patuloy na naglakad patungo sa nais kong puntahan at makausap.

Si Damon.

And as soon as I saw a man with a bandage on his forehead, I instantly know that he was the one that I’ve been looking for. I grinned evilly and made my way to where he is right now. He was talking with his own members na para bang nagtuturo siya sa mga iyon, instructing them of what should happen in the upcoming event.

Nakatayo siya at nakapameywang, pointing the members as if he was appointing them the task that they will do for the mission later.

His face and his stance radiated a domineering aura. One cannot mistake him as someone who can be taken down so easily, but what others don't know is that when he loves someone, he can take down his guard no matter what.

Mapait akong napangiti nang may alaala ang dumaan sa aking isipan. But I shook it off. Ayaw kong mabadtrip ngayong araw.

"Hello, Damon!" I greeted him with mirth, not minding the astonished stares of his members, "Kamusta na ang sugat mo?" I pouted at him."Achuchu, masakit pa ba? Blow ko na lang para 'di na masakit," painosente kong sabi. I even pressed my thumb at forefinger para kamustahin "kuno" ang sugat niya.

Natahimik silang lahat. Si Damon naman, sa kabilang banda, ay napangiwi nang madiin kong pinindot ang bandage na nagsisilbing harang sa sugat niya. Sinamaan niya ako ng tingin, but I pretended as if his stares didn’t affect me at all, kahit na ang katotohanan ay halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

'Di bale na sasaluhin ko na lang puso ko if ever na malaglag.

I cupped both of his cheeks, kasama na ang labi niya, making him look like an innocent goldfish. Rinig ko ang mahinang tawanan sa paligid, but no one took the initiative to say something.

Nang tangkain niyang tanggalin ang dalawa kong kamay ay inalis ko ang isa kong kamay at inilapat sa sugat niya, taunting him, and relaying a message na kapag hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako sa gusto kong gawin ay didiinan ko ang hawak ko sa sugat niya.

"Kiss natin sugat mo para gumaling," I grinned wickedly and then I leaned forward. Tumingkayad ako para maabot ang sugat niya, not minding his height.

I don't know what's gotten into me at kung bakit ako nagkaroon ng lakas na loob na guluhin at kulitin si Damon ay hindi ko rin alam ang dahilan.

Basta masaya ako ngayon!

And when my lips touched his forehead, bigla akong natigilan. My eyes widened in a single fraction of minute. Heat started to envelop my own system. Halos manginig ang nakatingkayad kong mga paa. Ang balanse ko ay unti-unting nawawala. Kamuntikan pa kong matumba, kung hindi lamang hinawakan ni Damon ang baywang ko at hinila papalapit sa kaniya.

I can feel the rough texture of his polo shirt against my hands. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang may magnet ang dibdib niya dahil palagi na lamang napapadpad ang mga kamay ko doon. Mas lalong namula ang aking mukha nang marinig ko ang kantiyawan ng mga kasamahan niya.

Shit! Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa!

"Enough!" asik ni Damon sa mga tauhan niya. He was facing them, but in a minute, he grasped my arm and forced his way out of the crowd. Rinig ko pang naghiyawan ang mga tauhan na para bang may nanalo ang paborito nilang team. Hinila niya ako papunta sa bench, ngunit hindi para umupo. Napangiwi ako nang higpitan ni Damon ang hawak niya sa braso ko.

"Ano na naman bang balak mo, Ella? Can't you see that I'm busy?" He massaged his forehead. I know that I am frustrating him, but I don't really care.

Kasi yun ang goal ko, I mentally smirked.

Pinalaki ko ang mga mata ko. I tried to look as innocent as possible. "Ano bang masama? Hindi ko na ba pwedeng kamustahin ang mahal kong asawa?" I even bow my head down to complete my act, acting as if I was hurt, but the truth is, deep inside, I was laughing.

Pinipigilan ko lamang matawa dahil mahahalata ni Damon ang pagtaas at pagbaba ng balikat ko. Hindi naman ako pwedeng magpanggap na umiiyak dahil wala akong dalang Eyemo.

"Tumigil ka na nga, Ella. Asawa? Nababaliw ka na ba? Sa papel lang tayo mag-asawa." Sinamaan ko ng tingin ang makintab na sapatos ni Damon.

I gritted my teeth. Kinausap ko sa isip ko ang sapatos ni Damon na parang siya iyon.

Ikaw! 'Yang nagmamay-ari sayo, napakasama talaga ng ugali! Parang pinaglihi sa sama ng loob! Akala niya ata porke gwapo siya, may karapatan na siyang pagsalitaan ako ng kung anu-ano!

Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan ni Damon ang baba ko at tinitigan ang aking mga mata. The irregular beat of my heart started to make me numb. "Anong nagawa sayo ng sapatos ko at ganyan kasama ang tingin mo?" Nakataas ang kilay ni Damon habang nakatingin sa akin.

Napaawang ako sa ayos niya. Nakapameywang siya habang ang isang kamay niya ay nasa baba ko. The long sleeves of his polo were folded in three fourth. And his messy hair didn't help to tone down the affinity that I am currently feeling for him.

Damn.

Hindi ko siya sinagot. I composed myself, silently reprimanding my inner self to stay calm and get a hold of my inner desires.

“Naaawa lang ako sa sapatos mo kasi ang baho ng paa mo.” Sinamaan ako ng tingin ni Damon pagkasabi ko niyon. “Charot lang,” Pahabol ko sabay nag-peace sign.

Inipit ko sa pagitan ng leeg at baba ko ang kamay ni Damon. Napangiwi siya pagkatapos ay tinanggal iyon. Buti naman, akala ko mamamatay na ko sa bilis ng tibok ng puso ko, e.

"Damon, isama mo na 'ko sa offense team," pakiusap ko sa kanya.

Tumigas ang anyo niya at mabilis na sumagot. "No." Napanguso ako sa sagot niya kahit na inaasahan ko na 'yon.

Bahagya akong naglakad papalapit sa kanya. Maliliit na hakbang ang ginawa ko. Kumunot ang noo ni Damon, silently observing me. Marahil ay nagtataka siya kung ano ang balak kong gawin. Nakababa ang magkabila kong braso sa gilid ng aking baywang habang naglalakad papalapit sa kanya. I probably looked like a penguin but who cares?

"What are you doing, Ella? You looked ridiculous." Nakangiwi si Damon. Hindi ko siya pinansin. Nang sa wakas ay kakaunti na lang ang pagitan naming dalawa ay kinalabit ko ang dulo ng long sleeves niya. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin na para bang isa akong baliw.

"Kyah, sali na 'ko sa offense team, kyah. Humph..." pacute kong sabi. I even gave him my puppy eyes look para lang pagbigyan niya ko, but still to no avail ay hindi niya pa rin binigay ang gusto kong sagot. Nanatili pa rin siyang nakangiwi habang ang mga mata niya’y kakikitaan ng senyales na natatawa siya sa kalokohan ko.

Sa puntong ito, magkaibigan na kami ng lupa at nilalamon niya na ako every now and then.

"You are incorrigible, woman." Umiling-iling pa siya, "My answer is no and that's final. Hindi ka kasama sa offense team." Malungkot akong yumuko. Kunwari. Ngunit maya-maya ay tumunghay ako.

I formed sad thoughts inside my mind. Noong namatay si Stuart, yung hamster ko. Noong namatay si Patty, yung parrot ko. And when I gathered my thoughts filled with melancholy, I shouted at him.

"Okay, fine! Hindi na kita pipilitin!" Nakalabi akong sumigaw na para bang malapit na talaga akong umiyak. "Basta tanggalin mo na ang mga gwardiyang nakabantay sa akin mamayang gabi. 'Wag kang mag-alala!" My tears started to form inside my eyes nang maalala ko ang pagkamatay ni Cathy, ang pusa ko. Parang dati lang nililinis ko pa ang mabaho niyang tae.

"Magkukulong na lang ako sa kuwarto! Ayaw kong marinig nilang umiiyak ako dahil ang magaling kong asawa ay hindi man lang ako mapagbigyan." Mabilis kong kinuha ang puti kong panyo at sininghutan ito. And when I looked at him, I acted as if I was really hurt. Hinayaan kong tumulo ang luha ko habang iniisip ang mga alaga kong namatay.

Pagkatapos niyon ay mabilis akong naglakad paalis. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya... dahil alam kong nagwagi na ako.

Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko. Kahit na nararamdaman ko pa ang hapdi dahil sa luha, hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. I smirked, knowing that with my back turned against him... hindi na niya makikita pa ang reaksiyon ko. I can feel myself gloating with triumph.

Maghanda ka lang, Damon. Kitakits na lang mamayang gabi sa auction. And with that I grinned widely and formed a plan inside my mind.

I can’t wait to see his surprised face later.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.