Chapter 1
Ang Damonyo
Nakakunot ang aking noo habang nakasentro ang atensiyon ko sa target. It has been three days since Damon left. He was busy handling the mafia business outside the headquarters that’s why I was left all alone again.
I suddenly missed harassing him and his harem of women. Nakakamiss din ang inis ni Damon sa tuwing sinusupla ko siya, akala mo batang hindi nabigyan ng candy e. Napangisi ako sa aking naisip. Wala akong mapagkaabalahan kaya nagpunta na lamang ako dito.
Kinalabit ko ang gatilyo at tumama ang bala nito sa mismong target. Bull's eye. Rinig sa kabuuan ng hall ang malakas na putok mula sa baril na hawak ko. Inayos ko ang pagkakakabit ng headphones. It’s my own kind of lullaby; my own kind of drug. I’ll never get tired of hearing it repeatedly.
Paulit-ulit ko iyong ginawa. I was imagining Damon’s women while I was pulling the trigger. Feeling ko kapag naitama ko ang lahat ng bala sa mismong target ay napatay ko na rin sila.
Which is impossible. Sa sobrang dami ng babae ni Damon, hindi ko alam kung sino ba talaga ang dapat kong patayin. Mas mabuti pa atang siya na lang ang patayin ko para matapos na lahat, e.
Pwede rin. Napatay mo nga yung asawa niya, diba? tudyo ng utak ko. Mapait akong napangiti. Sino bang makakalimot doon? Sa tanang buhay na kasama ko si Damon bilang asawa 'kuno' niya, ay hindi siya nakakalimot na ipaalala sa akin na ako ang pumatay sa asawa niya.
Akala mo professor na nagpapaalala ng gawain, e. O kaya naman parrot na paulit-ulit. Para bang hindi siya nagsasawa na saktan ako. Tipong di makukumpleto ang araw niya hangga’t di niya iyon nasasabi. Ang pangit talaga kabonding ni Damon kahit kailan.
Umasim ang timpla ng mukha ko. Bigla akong nawalan ng gana kung kaya nama'y nilapag ko na lang ang baril sa lamesa. Tinanggal ko na rin ang headphones na nakalagay sa aking tainga. I freed my hair from the ponytail and combed it using my fingers. Nang maramdaman kong parang madulas ang buhok ko ay bigla kong naalala na hindi pa pala ako naliligo. Hindi kaya mangamoy balakubak ako nito?
"O, tapos ka na? Bakit ang aga mo naman atang natapos?" nagtatakang tanong ni Dumbo. Pinagtaasan ko siya ng kilay biglang tugon. Hindi niya iyon pinansin at patuloy lang na naglakad hanggang sa makarating na siya sa harapan ko.
He was fat, I mean, no offense but obese will be the right term for him. Isa siya sa mga matapat na naglilingkod para sa asawa ko. Palagi siyang naiiwan dito sa headquarters para bantayan ang kampo. Together with the other members of the mafia, they are guarding the camp and looking for potential enemies.
But I think it’d be better to say that guarding the headquarters is not his main priority. It’d be more fitting to say na ang mismong kwarto at opisina niya lang ang binabantayan niya. Madalas siyang maglagi doon at minsan lang siya lumabas. Takot atang masinagan ng araw dahil hindi naman kaaya-aya talagang mangamoy araw, no lies there.
"Bakit? Bawal ba?" mataray kong tanong. Pinagpagan ko ang suot kong damit. I’m wearing a black blouse and leggings overall. The blouse and leggings are stretchable and fitted. My curves are visibly showing. Kasyang-kasya lamang ito para sa akin.
Tinaas ni Dumbo ang dalawa niyang kamay. "Easy peasy, Madam. Nagtatanong lang naman. Ganyan na ba talaga ang epekto sa’yo ng pagkawala ni Sir Damon?" pang-aasar niya. Sinadya niya pang pagalawin ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa akin.
Agad kong dinampot ang baril at mabilis na itinutok sa kanya. "Ano nga ulit? May sinasabi ka, Dumbo?" I mockingly asked him habang mapaglarong nakataas ang aking kilay.
Agad naman siyang namutla. Five years of his experience, working for Damon, and yet, he can't call himself as devoted to him. Dahil kahit na nagtatrabaho siya para kay Damon, ay mas tamang sabihing alila at sunud-sunuran din siya sa akin. He knows my abilities and my capabilities as a woman, but Damon doesn't. He never knew how good I am with fighting. He never knew how good I am with different things.
Because he didn't give me the time of his day. For him, I was never important and quite the trouble to be spared even a glance. He never gave me a chance - a chance at everything. Para kay Damon, isa lang akong lamok na na uhaw sa atensiyon na pwede niyang ibasura kahit kalian niya gustuhin.
He never knew how good I am with guns. But of course, alam niyang marunong akong bumaril. Binaril ko nga ang asawa niya, hindi ba? I can feel something at the pit of my stomach rising.
Masokista ata talaga ako. Hobby ko atang saktan ang sarili ko kapag may pagkakataon. Palagi ko na lang pinapaalala sa sarili ko ang mga katagang iyon. Nahahawaan na ata ako ng pagkasiraulo ni Em.
"K-Kalma lang tayo, Madam," alanganing sabi ni Dumbo pagkatapos ay kinamot niya ang ulo niya habang kinakabahang nakatingin sa akin.
"Kung ayaw mong barilin ko yang bungo mo, matuto kang manahimik," banta ko sa kanya. Inilapag ko na ang baril sa lamesa. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ko iyong gawin.
Pero imbis na matakot ulit siya ay tinawanan niya lang ako. Mukhang kay Dumbo ata nahawa ang pagkasira ng ulo ko. "Ay ewan ko sayo, Madam. Action star yan?" natatawa niyang sabi.
"Pero yung pagtutok mo talaga ng baril e," he sighed dreamily. "Wala ka ba talagang balak sumali sa mafia, Madam?" pag-iiba ng usapan ni Dumbo.
Alam naman kasi ni Dumbo na hindi ko siya kayang patayin. Hindi ko rin naman kayang kalabitin ng basta basta ang baril ng walang maayos na dahilan kaya ganoon na lang kadali para sa kanyang kalimutan ang ginawa ko kanina. Pero kung bakit siya namutla? Sa gulat siguro. Ewan ko ba diyan kay Dumbo. Pwede na atang palitan ang mga artista sa TV na puro papogi lang. Kakabugin ata niya yung mga nanalo na sa mga award shows, e.
"Baliw ka ba? Kasali na ako sa mafia. Naku naman, Dumbo. Naiwan mo na naman ba 'yang utak mo?" kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Pero sa loob-loob ko ay natatawa ako. Hindi mo rin kasi mahalata kung nagbibiro ba si Dumbo o hindi, e. Baka lumaki ang ulo niya at biglang mag-apply sa comedy show kapag tinawanan ko ang mga korni niyang biro.
Yumuko ako nang mapansin kong natanggal ang pagkakasintas ng sapatos ko. Mahirap na kapag napatid ako, mapahiya pa ako sa makakakita noon. Oo, advance talaga ako mag-isip. Halos nakaluhod na ako nang gawin ko iyon. Kita ko ang bilbil ni Dumbo dahil medyo bitin sa kanya ang damit niya. Inayos ko ang aking sintas pagkatapos ay tumayo na rin ng tuwid, only to be shocked with the scene right infront of me.
It was Damon, and he literally just pulled the trigger towards Dumbo's direction. Agad kong tinulak si Dumbo kahit mahirap gawin dahil sa kalakihan niya. Napahiga siya sa at ininda ang sakit ng pagkakatulak ko sa kanya. Pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay hindi siya namatay. Dahil kung sakto ngang naiputok ni Damon ang baril, ay baka wala na siya ngayon.
Kasabay ng pagtulak ko kay Dumbo ay ang pagkatulak naman sa akin sa kabilang direksiyon. Pushing Dumbo is probably one of the hardest things I’ve ever done in my life. Seriously.
"What the hell, Damon?! Anong ginagawa mo?!" naiinis kong sigaw sa kanya. Tumayo ako at pinagpagan ang aking kamay sa gilid ng leggings na suot ko. Hindi man lang niya naisip na kanang kamay niya sa mafia ang pinutukan niya ng baril. Damonyo talaga!
Hindi natanggal ang pagkakakunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. Halos titigan niya na ang kaluluwa ko sa sobrang diin niyon. I can feel the pace of my heartbeat slowly rising. Babae, ang landi mo talaga! Ilang sandali pa’y naglakad siya papalapit sa akin.
Galit ang nababasa kong ekspresiyon mula sa kanyang mga mata. Hindi ba't dapat ako ang makaramdam niyon?
Imagine, I was still tying the laces of my shoes and then I was forced to push someone who’s twice or thrice my weight just because of him who’s throwing tantrums for unknown reasons. Not to mention na nalaman ko lang na umalis siya dahil kay Dumbo. He didn't even tell me that he's going to be away for I don't know how many days, pagkatapos ay siya pa ang may ganang magalit? Wow naman! Manghuhula ba ako at kaya kong hulaan kung kailan siya aalis? Gigil!
"At ako pa talaga ang tinatanong mo niyan, ha?" Nairita ako sa malalim at baritono niyang boses. Hindi ko ikakailang nangulila ako sa boses niya. Pero shit, dapat galit ako. Focus, Ella, focus. Marupokpok ka talagang bruha ka!
"Hindi! Hindi! Si Horace tinatanong ko. Horace, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Kasi ang tanga niyang amo mo, e. May nakikita ata siya na hindi ko nakikita kaya akala niya e iba ang kausap ko?" I offered a faked smile at Horace habang nanginginig na ang kilay ko sa panggagalaiti. Nanatili namang kalmado at seryoso si Horace, but I can see slight amusement within his eyes.
Horace, like Dumbo, is also one of his most trusted employee and assistant. Ang kaibahan nga lang, ay si Horace ang tipo ng assistant na madalas na dinadala ni Damon sa ibang lugar. He handles work physically, while Dumbo works inside because he is the brain of the mafia.
I can see Dumbo secretly laughing from the other side, not letting Damon see it because he knows about his boss’ temper. Alam niyang kaunting kantiyaw lang kay Damon ay magsu-super saiyan na ito agad. Sinamaan ko siya ng tingin. He only offered me a peace sign. Kung wala lang si Damon dito ay baka nasakal ko na ‘yang si Dumbo.
"Are you playing dumb with me, woman?" halos magkasalubong na ang kilay ni Damon habang sinasabi niya iyon. Mas sumama ang timpla ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Well, that's good. Dahil parehas na kaming badtrip ngayon. Couple goals!
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Damon. Are you playing dumb with me? What the actual fuck did you do? You pulled your trigger on Dumbo! Are you crazy?" Inirapan ko siya pagkatapos ko iyong sabihin. Para akong nakikipag-away sa bata!
I threw him a side glance. Tsaka ko lamang napansin na suot pa rin pala niya ang business suit niya at hawak niya ang briefcase sa kabila niyang kamay. His other hand was holding the gun that he fired a while ago. Sa unang tingin ay aakalain mong huwarang asawa siya dahil nagpunta pa talaga siya rito pagkarating niya sa lakad niya, pero saan diyan ang huwaran? Ang kati kati kaya ng lalaking ‘yan!
"No, I'm not. But you are, Ella. What made you think that you can give Dumbo a head? Pinapatunayan mo ba talagang malandi ka?" galit na sigaw ni Damon.
I admit I was never immune with harsh words and insults coming from Damon, but sometimes, his attempts of making me hurt always failed. Katulad nitong sinabi niya ngayon. Imbis na masaktan ako sa tono ng pang-aakusa na kalakip sa mga salita niya ay hindi ko napigilang matawa.
I laughed very hard, until my stomach hurts like hell. Maging si Dumbo na alam din ang tunay na nangyari ay hindi na rin napigilang tumawa. Nanatiling nakakunot ang noo ni Damon habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Dumbo.
"Damn! Why are you both laughing?!" nagtitimping tanong niya sa amin, ngunit hindi pa rin kami natinag ni Dumbo. Hindi ko maimagine na gagawin ko ang inaakusa niya sa aming dalawa.
Ganoon na lamang ang gulat ko ng patamaan ni Damon ang ilaw na malapit sa akin. The shooting range was filled with lights, at ngayon nga'y nabawasan na iyon because of Damon. The shattered glass coming from the mirror was now all over the place. Kinagat ko ang aking labi nang maramdaman ko ang hapdi ng ilan sa mga parte ng bubog ng ilaw. Shit. Dagdag bangas na naman sa kagandahan ko. Napakapapansin talaga nitong Damonyo na ‘to!
"Now, will you tell me what you are both laughing at?" nagbabanta niyang tanong. Nanahimik si Dumbo. Ako nama'y napangiwi nang maramdaman ko ang pagbaon ng bubog sa aking braso. Tiyak kong mas lalalim pa ito kung tatagal pa sa kakadakdak si Damon. I gritted my teeth and hid my arm at my back in order for him not to see it.
"Seriously? Bakit ba napakapikunin mo? Wala naman kaming ginagawa ha? And what?" I laughingly exclaimed kahit na patuloy na kumikirot ang lintik na sugat sa braso ko.
"Did you see a dick coming out from Dumbo's pants? Damon, ayan ba ang epekto sayo ng mafia? May nagbo-blowjob ba habang nakasara ang zipper? Oh my, God. Ang shunga mo!" naiinis kong sabi. Halos malukot na ang mukha ko sa sakit ng sugat ko. Shit. Kailan pa ba 'to matatapos? Keri ba today?
Nanahimik si Damon. He’s probably weighing my explanations and his intuition, but whatever. I need to end this. Para rin naman kasing tanga si Damon. How dare he act like that? Rumurupok ako kapag umaakto siyang ganyan, e!
"Bakit ka nanahimik? Parang kanina lang, taeng-tae ka pang magsalita ha? Why, hubby? Are you jealous?" may bahid ng panunuya ang aking mga salita. His eyes formed into slits as a response. He slid his gun into the pocket of his suit and frustratedly combed his hair using his free hand.
"Never. Don't even dare think about things like that because that will never happen. I will never fall in love with a killer like you,” asik niya sa akin. Napapikit na lang ako. Same words, same sentences, same pain. Paulit-ulit lang naman ang mga salita niya araw-araw, pero hindi pa rin lumilasan ang sakit sa tuwing binabanggit niya iyon. Hindi na nga ata siya magsasawang iparamdam sa akin na masama ako at lapastangan dahil sa bagay na nagawa ko. Mapait na lang akong napangiti.
I opened my eyes and put up a front while looking at him. "Then stop acting like one. Dahil ikaw na nga rin ang nagsabi, hindi ba?" tinaasan ko siya ng kilay. "We are only married in papers, so act like it." I smirked at him. Tumalikod ako mula sa kanilang lahat at nagtungo sa kabilang direksiyon.
The shooting range has four exits and four entrances. Dahil malawak ang lugar, naisip ni Damon na damihan ang lagusan at labasan para hindi na mahirapan pa ang mga member ng mafia na makapunta rito kahit nasaan man sila. It is essential that a member should practice and enhance his skills, dahil kung hahayaan niya lang na mangalawang siya ay wala ring silbi at baka hindi na siya magagamit ng tama.
It’s a pity to know that I’m one of the rusty fellows. Baka nga di na lang ako nangangalawang at naaagnas na. I’m not even given a chance to enhance my skills, and to top that, Damon kept on lowering my self-esteem day by day. I can do it secretly, if not only I’m losing the motivation to push through it.
Kumirot ang puso ko habang naglalakad patungo sa pasilyo. Masakit pa rin talagang marinig mula kay Damon ang mga katagang lubos kong pinagsisisihan. Napapikit na lang ako habang naglalakad.
"Madam! May dugo ka!" Dumbo exclaimed. Oh, shit. Nararamdaman ko na rin ang dugo mula sa braso ko na dumadaloy paibaba. Parang nanghihina ako sa dami ng dugong pumapatak mula sa aking braso. I’m sure that it also left traces all over the floor because of how fast the dropping of blood is.
Bahagya akong lumingon sa kanya. Nakahiga pa rin siya sa sahig na pinagtulakan ko sa kanya. Marahil ay tinamid na rin siyang tumayo dahil pakiramdam niya’y telenovela ang pinapanood niya kanina. Palihim akong napangiti, pilit iwinawaksi ang sakit na nagmumula sa sugat at sa aking dibdib. I even waved at Dumbo and smirked at him.
"Regla ko iyan, napunta sa braso! Dumbo, bumangon ka na nga diyan! Napakatamad mo talaga!" nakangising sigaw ko sa kanya. Mas binilisan ko ang aking paglalakad upang makatakas sa demonyong si Damon at hindi na makita ang pamumukha niya kahit kailan.
Which I doubt. But can't a poor girl hope?