Chapter 2
Cockblocker
"Teka naman, Em. Baka gusto mong dahan-dahanin 'yang paggagamot mo sa akin, diba? Doktor ka ba talaga? Pa-killer na ata galawan mo, e." nakabusangot ang mukha ko habang sinasabi iyon. Emerald just pressed the cotton much harder than she did a while ago. Napahiyaw na lang ako sa sakit.
"Ano, aangal ka pa? Gusto mong mas idiin ko pa?" maangas niyang tanong sa akin. Hindi na natanggal ang pagkakalukot sa aking pagmumukha. Mas lalo lamang sumakit ang aking sugat dahil sa ginawa niya. Napangiwi na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong si Emerald!
Inirapan ko na lang siya. Emerald Sison has been my bestfriend since forever. Bata pa lamang kami ay magkaibigan na kami. Gustong-gusto pa nga naming magkparehas kami ng kulay dati. Kulang na lang tanungin pati kung anong kulay ng panty, e. Sawang-sawa na nga ako sa mukha niyan. Pinagtitiisan ko lang.
Nang sabihin ko sa kanyang magpapakasal ako sa demonyong si Damon, ang boss ng mafia ay walang sabi-sabi siyang sumama sa akin.
I can still remember that time kung anong expression ng mukha niya. Kulang na lang ay malaglag ang panga niya sa sahig. But she was really determined to stay with me wherever I go, kung kaya nama'y kabilang na rin siya sa mafia.
Naks, parang kulto lang ang peg.
She was the mafia's resident doctor. Siya ang assistant head ng lahat ng mga doctor sa mafia na kinabibilangan ko. Samantalang ako, wala. Trophy wife. Pambahay lang. Hindi deserve na ibida sa madla.
Alam halos ng lahat ng mga kaibigan ko kung gaano ko kagustong magtrabaho sa field. It has been my dream since I was a child. Madalas kong nakikita ang sarili ko dati na humuhuli ng mga masasamang tao, saving the world from chaos but I know it's quite impossible to happen.
Because here I am, trapped in this marriage, unable to escape from this mess.
Not to mention that Damon was supposed to be the type of man that I should’ve been arresting.
Napabuntonghininga na lamang ako habang nagbabalik tanaw sa nakaraan. Nakakalungkot lang isipin na dahil sa pangyayaring iyon ay nagkagulo na lahat. Nang dahil sa iisang pangyayaring iyon, nagbago ang takbo ng buhay ko.
"Still thinking about the past?" Malumanay na ang pagdampi niya ng bulak sa aking sugat. Siguro'y napansin niyang tumahimik na ako. Kanina pa kasi ako nagbubunganga sa kanya.
"Palagi naman, wala ng bago. Naiisip ko lang kasi, paano kaya kung hindi ko iyon ginawa, Em? Magiging masaya ba ako? Magiging payapa kaya ang buhay ko ngayon?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan.
I can see the clouds from the window right where we are currently in. Hindi na ako nagpadala sa clinic dahil marami pa ang mas may kailangan na ma-admit sa lugar na iyon. I have my own room and that's where Em and I are currently in.
Rinig ko ang payapang huni ng mga ibon sa labas dahil sa katahimikan sa loob ng kwarto. Tanging paghinga lang namin ni Em ang maririnig sa loob.
"Hindi ko rin alam. But you know what, Ella. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, baka hindi ko na kinaya ang mga pangyayari." Rinig ko ang pagbuntonghininga ni Em habang marahang ginagamot ang sugat ko.
Malungkot akong ngumiti. If the universe will turn back the time, I will still do the same thing. Stupid as it may seem, pero oo, gagawin ko pa rin ang bagay na iyon.
Kinuha ni Em ang bandage mula sa itaas ng aking cabinet kung nasaan ang first aid kit. Pumunta siya sa tabi ko at binalot ng mabuti ang aking sugat.
"'Wag ka munang masyadong gumalaw. Baka bumuka yung sugat mo. Ang lalim e. Ano ba kasing nangyari diyan? Ayaw mo namang sabihin. Para ka ring ewan, e," sermon sa akin ni Emerald.
Natawa na lang ako nang makita ang kilay niyang halos magkasalubong na sa inis. Kahit kailan talaga, napakapikunin ni Em.
"Diba nga? Basta sa shooting range," matipid kong sagot. Ayaw ko na lang sabihing si Damon ang may pakana sahil baka mag-feeling amazona si Em at sugurin si Damon. E anak 'yon ni Satanas e siya amazona lang, wala siyang laban do'n.
"E ano nga kasing nangyari sa shooting range? Ano 'yon? Pagkatira mo sa baril, bakal pala natamaan mo tapos bumalik sayo yung bala?" nalilito niyang sabi.
Bored ko siyang tiningnan, "Nagpapatawa ka ba?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Nagtatanong ako. Abnormal 'to. Ano nga kasi?" usisa pa niya.
I sighed in defeat. "Fine. It was all Damon's fault." Pagkasabi ko noon, ay mabilis pa sa alas kwatro siyang tumayo.
"'Wag!" pigil ko sa kanya nang tangkain na niyang umalis mula sa pagkakatayo niya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Talagang hindi ka magpapapigil at pupunta ka doon e," nagrereklamo kong saad.
"Alam mo, nanggagalaiti na ko diyan kay Damon ha," nanggigigil na usal ni Emerald. Hindi ko mapigilang mapabuntonghininga sa sinabi niya.
"Kahit naman ako. Kung pwede ko lang talagang takasan yang si Damon matagal ko ng ginawa e," nanlulumo kong sabi.
Tinaasan niya ako ng kilay. Yung mga tinginan ni Emerald ay parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Talaga ba? Lokohin mo lelang mo! Alam kong ayaw mo ring tumakas. Mahal mo diba?"
Inirapan ko siya. Hindi ako sumagot.
Tama naman siya. May parte sa akin na kapag binigyan ako ng pagkakataong tumakas ay baka hindi ko rin kunin.
I love him.
Nakakatawang isipin na nagtitiis ako sa ganitong sitwasyon. Hindi mahawakan yung mahal ko, hindi man lang magawang makausap ng matino, and worst, tinuturing niya akong parang virus kung iwasan niya. Ang sakit lang isipin na kahit anong pilit kong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya ay ipinagtutulakan niya ako.
"Minsan hindi sapat na mahal mo lang. Matuto ka ring gamitin yang utak mo. 'Wag kang tatanga-tanga. Hindi ka mabubuhay ng love love, wala ka sa teleserye," sabi ni Em. "O ayan tapos na." She tapped the bandage lightly.
"Thank you," nakangiti kong sambit. She looked at me na para bang tinubuan ako ng limandaang sungay sa ulo.
"May sumapi ba sayo?" Sabi pa niya habang hawak hawak ang magkabila kong balikat. Napangiwi ako nang napalakas ang pagkakayugyog niya sa akin. Napansin niya iyon.
"Sorry, sorry," alanganin niyang sabi. "May bayad yang paggamot ko. Ilibre mo kong carbonara." she smiled at me goofily. Iiling iling na lang ako sa kanya. Lumabas kami ng kwarto at nag-umpisang maglakad patungo sa cafeteria para pagbigyan ang cravings niya.
Nang makahanap na kami ng pwesto ay umupo kami. Maingay sa cafeteria dahil break na rin halos lahat ng mga nagtatrabaho sa mafia. Akalain mo yun may pa-break time din sila?
Kinuha ko ang aking wallet sa bulsa ng pantalon ko gamit ang libre kong kamay. Inabot ko ang pera kay Em. "O, ikaw na bumili. May sugat ako," turan ko sabay nguso sa braso kong nasaktan.
Kumunot ang noo ni Em. "Braso naman ang nasugatan, hindi ang paa, ha? Acrobatic ka ba maglakad?" pambabara niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ililibre kita, o hindi?" Umirap siya sa akin bilang sagot, ngunit kapagkuwa'y mabilis ding naglakad patungo sa counter. Iiling-iling na lang akong tumingin sa kanya. Ang kaibigan ko talaga, dakilang tsundere.
"Carbonara rin akin!" pahabol kong sigaw. Tinaas niya lang ang kanang kamay niya bilang sagot. Nangingiti na lang ako.
Ngunit ang ngiti kong iyon ay bigla na lang natanggal nang makita ko si Damon, ilang lamesa lang ang pagitan mula sa akin. He’s wearing a long black sleeve partnered with beige-colored slacks. He totally looks amazing in those clothes.
Matutuwa na sana ako kung hindi ko lamang nakita ang katabi niya. May kasama siyang babae na lubos na nakapagpataas ng blood pressure ko.
Nakakainis! Ano bang nakikita ni Damon sa mga babae niya! E kung tutuusin naman, mas maganda ako sa kanila.
"O, bakit naman ang sama ng timpla ng mukha mo?" Umupo si Em sa harapan ko. Agad napunta sa kanya ang atensyon ko. Hindi pa rin natatanggal ang simangot sa mukha ko.
"Damon's with another girl," matabang kong sagot.
Em was currently eating her carbonara. Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala na bang bago? Yun na yon? Wala man lang character development?" Nakataas ang tinidor niya habang sinasabi iyon. Ilang segundo pa’y itinuloy niya ang pagsubo sa pagkain na parang walang nangyari.
I sighed irritatedly, "Whatever. I need to do something. Pakibalot na lang 'yang carbonara ko. Ihatid mo sa kwarto ko." Tumayo ako.
"Na naman? Gagawin mo na naman?" hindi mapakapaniwalang sambit ni Em.
Kahit naiinis ako ay hindi ko mapigilang matawa. Isipin ko pa lang ang mangyayari mamaya ay parang mamamatay na ko kakatawa. Kinindatan ko si Em, "Yep! Love you, girl! Bye!" Naglakad na ako paalis ng cafeteria.
It's time to make my move.
Nagtungo ako sa office ni Dumbo. Hindi ako nagkamali ng timing dahil nakita ko si Dumbo doon. Palagi siyang nandoon. Kung wala naman, ay nasa shooting range at cafeteria lang siya.
"I need a gun and a tissue." Hindi na nagulat si Dumbo nang sabihin ko iyon. Patuloy pa rin siya sa pagtatype ng kung ano sa laptop niya. Geez. This computer nerd.
"Busy ako, Madam,” sabi niya. Napahiyaw siya nang pingutin ko ang tenga niya. Lukot ang kanyang mukha habang hinahawakan niya ang kanyang tenga and then, he pouted.
"Sa drawer ko. Right side," sabi niya. Agad naman akong nagtungo doon. Muntikan pang masagi ng edge ng drawer niya ang braso ko. Mabuti na lang ay naiiwas ko iyon, kung hindi ay baka dumugo na naman iyon ng matindi.
"Bakit may sugat ka, Madam?" Lumingon ako kay Dumbo at tinaasan siya ng kilay. "Ayan ba yung kanina?" Tumango ako at nagkibit balikat.
"Anyway..." Tumigil na siya sa pagtatype at inikot ang swivel chair paharap sa akin. "Para saan 'yang baril?"
I smiled at him evilly. "Sa babae ni Damon," sabi ko. I inspected the gun and admired how it looks so magnificent and outstanding. Masarap talaga sa pakiramdam makahawak ng baril.
Hindi naman kasi ako pinapayagan ni Damon na humawak ng baril magmula nang nangyari ang bagay na iyon. I shook off the memory. I have no time left for memories and nostalgia. Marami pa akong kailangang gawin.
Ibinulsa ko ang tissue. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa baril at tinutok iyon kay Dumbo. Napataas naman ang dalawa niyang kamay sa ginawa ko. Nanlaki rin ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Madam naman!" Natawa na lang ako.
"Joke lang e. Napakanerbiyoso mo talaga!" natatawa ko pang sabi. Ibinaba ko na ang baril at inilayo iyon sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag nang gawin ko iyon. Hinawakan niya pa ang kanyang dibdib na akala mo’y inaatake sa puso.
"Ikaw ba naman, tutukan ng isa sa pinakamagaling na babaeng estudyante ng WTC, hindi ka kakabahan?" Napangisi na lang ako sa kanyang sinabi.
WTC stands for Women's Training Campus. Ang campus na iyon ay para sa mga babaeng nagnanais matuto ng kahit na anong martial arts, and even archery and shooting. Siyempre kung merong WTC, ay meron ring MTC.
WTC is just your ordinary campus. Ang pinagkaiba lang ay hindi sila nagtuturo ng kung ano ano. They rely more on physical learning and activities. Kumbaga sa Pilipinas ay parang PMA. Pero dahil feeling sosyal ako that time ay sa WTC ko mas piniling mag-aral.
I was once a member of WTC before anything else. I graduated with the highest honors there. Walang nakakaalam dahil masyadong pribado ang eskwelahan. Masyado kaming protektado ng pamahalaan. The irony of life. Nag-aral ako sa eskwelahang para sa pamahalaan only to work for something that’s obviously illegal.
Kakaunti lang ang nakakaalam ng eskwelahan na iyon. Nalaman lang iyon ni Dumbo dahil sinabi ko sa kanya. Kung gugustuhin mo namang alamin ang tungkol doon, you need to delve into the information deeper.
"Maliit na bagay, Dumbo.” I flipped my hair. “Anyway, I need to go. I still have some things to do," I jokingly winked at him and left his office.
"Goodluck, Madam!" natatawa na lang ako nang marinig ko ang pahabol na sigaw ni Dumbo sa akin.
Goodluck? I don't need that. Si Damon ata ang may kailangan niyan. Napahagikhik na lang ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mula sa office ni Dumbo ay naglakad ako patungo sa dapat kong puntahan. Napangisi na lang ako. Parang navi-visualize ko na ang reaksiyon ni Damon mamaya.
Nang makarating na ako sa kwarto ni Damon, ay naghanap ako ng upuan. Sakto namang nakita ko ang upuan sa tabi ng kama niya. Inilipat ko iyon malapit sa may pintuan at umupo na para bang ako ang reyna ng mundo.
Madilim ang parte kung saan ako naroroon. Umupo ako sa upuan at inilapag ang baril sa katabi kong drawer.
Nasasaktan man sa isipang mangyayari na naman ang bagay na paulit-ulit na ginagawa ni Damon, ay sinubukan kong tanggalin iyon sa isip ko. Kung hahayaan ko ang sarili kong maging mahina ay matatalo ako. Kailan ko siyang labanan sa sarili kong paraan. I will never let Damon win.
I closed my eyes at pinakiramdaman ang tunog sa labas. Nang marinig ko na ang pinakaaabangan ko ay napangisi ako. Kinuha ko ang tissue sa likurang bulsa at dinampot ang baril.
It's showtime.
Hindi nga ako nagkamali dahil bumukas na ang pintuan. And there, I saw my husband, kissing a real-life clown in the form of shrimp. Posible palang maging clown ang hipon, ano?
Hindi pa nila ako nakikita dahil nasa likurang bahagi nila ako. And take note, madilim pa kung nasaan ako kaya mas lalong hindi nila mahahalatang nasa tabi-tabi lang pala ako.
Nakikita ko ang dila ni Damon at ng babae na nageespadahan. Parang hayok na hayok silang dalawa. Isinandal ni Damon ang hipon sa pader. Kadiri talaga tong damonyong ‘to. Pasalamat siya at gwapo siya kahit fuckboy naman. Akala mo teenager kung umasta, e.
Itinaas niya ang kanang kamay ng babae habang nag-uumpisa na siyang hubarin ang damit nito. Doon ay hindi ko na napigilang ibaba ang tissue at baril sa ibabaw ng drawer. Wala ako sa mood manood ng liveshow. Dahan-dahan akong tumayp at pinalakpakan sila.
Gulat na napalingon ang babae sa akin. I stepped my foot forward para makita nila ako. Sinadya kong ikaskas ang sneakers na suot ko sa sahig para lang magpapansin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ng babae, samantalang si Damon naman ay nakakunot lamang ang noo.
"That was a spectacular show. Bakit hindi niyo ko inimbitahan?" I smiled at Damon mockingly. Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Babe, sino siya?" Nang maiayos na ng babae ang sarili niya ay tinaasan niya ako ng kilay at sinabi iyon. Oh. So, the shrimp has the guts to say something? Natawa na lamang ako sa aking naisip.
"'Wag mo na lang pansinin." Pagkatapos ay hinalikan niya ang babae habang nakatingin sa akin. Mariin ang mga titig niya.
Hindi ko pa rin maikakaila. Oo, mahal ko pa rin ang lalaking 'to. Sa kabila ng kawalanghiyaan niya at pambababoy sa dignidad ko ay sa kanya pa rin talaga tumitibok ang puso ko.
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin ang puso ko sa pagsigaw ng pangalan niya kahit na sobrang nasasaktan na ako.
Pinikit ko ang mga mata ko. Maya-maya'y binuksan ko rin iyon at galit na nginisihan si Damon. Nakatitig pa rin siya sa akin. Nasa gilid nila akong dalawa habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.
Mabilis kong dinampot ang baril at kinasa. Itinutok ko iyon sa direksyon ng babae. Nang marinig niya iyon, ay mabilis siyang lumingon sa akin. Nag-umpisa na ring manginig ang katawan niya habang patuloy ko pa ring itinututok ang baril sa kanya.
"Ella, put that gun down." maawtoridad na utos ni Damon. Pwes, kung akala niya ay mapapasunod niya ako, nagkakamali siya.
"Paalisin mo siya rito," nakangisi kong sambit kay Damon. Nang hindi siya gumalaw ay mas itinutok ko pa ang baril sa babae.
"Aalis ka dito o makikita mo 'yang utak mo sa sahig?" pananakot ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Parang namutla pa nga ata siya habang nakatingin sa akin.
Mabilis siyang kumaripas ng takbo. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa habang nakatitig sa palayo niyang pigura.
Goodbye, shrimpy.
"What was that? Ganyan ka ba talaga ka-obsessed sa akin. Na tipong lahat ng babae kaya mong patayin?" nandidiring sambit ni Damon.
Agad nawala ang pausbong na ngiti sa aking mukha. His words sting. Hinihiling ko na lang na sana maging manhid ako sa tuwing magsasalita siya katulad ng ganito. Pero alam kong hindi naman posible iyon. Wala naman ako sa fairytale. This is reality. And I chose my reality to be like this. I chose my life to be like this. I have no one to blame but myself.
"Teka, ha? Ang gwapo mo naman ata? Feeling mo, patay na patay ako sayo? For your information, alam mo kung bakit hindi ako makaalis sa pesteng mafia na 'to? Sa buhay mo? Dahil pinipigilan mo ko! Baka naman ikaw ang may lihim na pagtingin sa 'kin?" Nakangisi kong sabi kahit sa loob-loob ko'y naghahalo na ang lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman.
Agad siyang lumapit sa akin. Yumuko siya para mapantayan ang aking mukha. Nabungaran ko ang kulay abo niyang mga mata. Hindi mapigilan ng puso kong tumibok ng mabilis habang nakatitig sa kanya.
Lumapit ang mukha niya. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa kanan kong tainga.
"I will say this again, Ella..." pabitin niyang sabi.
"I. Will. Never. Fall. In. Love. With. The. One. Who. Killed. My. Wife," mariin niyang bulong. Binigyan niya pa ng emphasis ang bawat salita na kanyang sinabi. Kinagat ko ang aking labi dahil nararamdaman ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.
"And do you know who killed her, Ella? It's you. I will never fall in love with a monster like you."
Kasabay niyon ay ang pagkawasak ng puso kong matagal ng sirang-sira. Hindi ko alam na posible pa rin pala akong madurog ng kanyang mga salita. May isasakit pa ba 'to?
Imbis na magpatinag ay nangibabaw ang pagkamasokista ko. Pinantayan ko ang galit na mayroon siya. I hissed and spoke, “Kung halimaw ako, ano ka pa? Do you think that by having me as your wife ay maibabalik mo siya? You're wrong, Damon. Dahil katulad nga ng sinabi mo, patay na siya. And who killed her? Me. Ako, diba?" nakangisi kong sabi sa kanya.
"Kung hindi ka rin lang naman pala mahuhulog sa akin, then let me go, Damon. Let us have the annulment I’ve been long waiting for."
Sinamaan niya ako ng tingin, "Ha! Dream on, Ella. Hangga't nabubuhay ako ay mananatili ang kasal. Papahirapan kita hanggang sa mawalan ako ng hininga." Kahit naiinis ako ay tinaasan ko pa rin siya ng kilay.
"Really? Sa tingin mo ba nahihirapan ako sa ginagawa mo? Hindi kaya ikaw ang nahihirapan sa ating dalawa? How's your cock?" pang-aasar ko sa kanya. Bumaba ang tingin ko doon para lamang asarin siya.
Ngumisi ako, "Blocked, isn't it?" Natatawa ko siyang inirapan pagkatapos ay hinawi ko ang buhok ko. Maya-maya pa'y nagsimula na akong maglakad paalis. Ngunit nang may naisip akong kapilyahan ay mabilis akong lumingon.
Tinutok ko ang baril doon at pinaputok iyon. Nanlaki ang mga mata niya. Nagkabutas ang suot niyang slacks. Maluwag iyon kaya naman sigurado akong hindi siya nasugatan. Malapit sa pinakasensitibo niyang parte tumama ang bala. Natawa na lang ako.
"Now, pwede na siyang huminga." And with that, ngiting tagumpay akong umalis, leaving him with a hole on his slacks.