The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 22

Chapter 21

First Love

Flashback

I have a blind date.

Hindi ko alam kung anong trip ni Em at sinet pa ako para sa blind date. Ang sabi pa nga niya, hindi na raw ako bata at kailangan ko na raw magboyfriend dahil baka maging old maid ako kapag nagkataon.

Napaka-oa talagang mag-isip ng babaitang iyon. To think na 19 years old pa lang naman ako, akala mo naman 40+ na.

At saka isa pa. Ni hindi ko nga alam kung nagka-jowa na iyan bukod doon sa lalaking madalas niyang makaaway dahil parehas nilang pinagtatalunan iyong pwesto ng pagiging top 1. Sa pagkaka-alala ko, M ang pangalan noon e. Hindi ko na maalala ang pangalan, pero hula ko ay sila na noon. Medyo hindi na niya nilalait-lait iyong lalaki kapag kinukwento niya sa akin, e.

"Em, ayokong mag-make up! Date lang naman, e. Baka kapag nagpaganda pa 'ko. Mainlove sa akin yun," nakabusangot kong reklamo sa kanya. Em glared at me through the mirror.

"Ayaw mo n'on? Edi mabilis kang magkakaboyfriend! At 'wag mo ngang tanggalin ang kulot niyang buhok mo! Ang hirap kayang magkulot." Hinila ni Em ang buhok ko. Napangiwi ako nang bahagya.

"Hindi ko priority ang lovelife, Em! Kakabalik lang ng Ate ko. Baka makurot pa 'ko n'on sa singit kapag nalaman na may balak akong magka-jowa." Nakasimangot na ako sa kanya. Naiinis ako sa bigat ng mata ko dahil sa kakalagay ni Em ng eye shadow sa mata ko. Inaantok na ako sa pinaggagagawa niya. Walanghiyang make up 'yan.

"E 'di kurutin mo rin sa singit. Magkurutan kayo," Em nonchalantly said.

"Siraulo ka." Nakanguso kong tugon. Kumunot ang aking noo nang mapansin kong tinakpan ni Em ang salamin na nasa harapan ko. Mas lalong sumimangot ang mukha ko nang hindi ko na makita ang mukha ko. Baka mamaya, ginawa na kong clown nitong si Em.

"Pinagpaalam mo na ba ko kay Ate?"

Ramdam kong parang nanigas si Em. Naningkit ang aking mga mata.

"A-Ayoko ngang magpaalam sa Ate mo. Ikaw na lang." Agad akong napalingon sa kanya nang sabihin iyon. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang lingunin ko siya.

"Siraulo ka ba?! Walang hiya ka, Em. Minakeup-an mo na ako dito tapos hindi mo pa pala ako napapaalam," nakabusangot na ako habang sinasabi iyon. Parang gusto ko na lang tanggalin ang lahat ng koloreteng nasa mukha ko dahil sa sinabi ni Em.

"E-Eh! Ayoko magpaalam sa Ate mo. Napakasungit ng mukha niya, 'no! Pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay kapag kinakausap ko siya, e!"

"Sinong kakain sayo ng buhay?" Halos matumba kami sa kinauupuan namin nang marinig namin ang boses ni Ate. Nanlamig bigla ang pakiramdam ko. Si Em naman ay halos mamutla at hindi na alam ang gagawin.

"At ano 'yang trip mo, Ella? Bakit naka-make up ka? Hindi ba't pinapagawa pa kita ng gawaing bahay?" nakataas ang kilay na tanong ni Ate sa akin. Napangiwi ako sa tigas at taray ng boses niya. Minsan talaga kapag nagsasalita si Ate, parang batas na dahil walang kahit sinuman ang makakapagpabali noon.

"Love, pabayaan mo na ang kapatid mo. Bata pa 'yan kaya dapat nage-enjoy lang siya." Maya-maya pa ay biglang sumulpot si Damon. Inakbayan niya si Ate mula sa likod. Kita ko ang paglambot ng mga mata ni Ate nang matitigan niya si Damon. My heart hurt for no reason. How I wish na makatagpo ako ng lalaki na ganyan din ang ako tingnan. I can see the love that Damon has for Ate Erin.

"O siya, ako na ang bahala dito sa Ate niyo. Ituloy niyo na lang 'yan. Alam kong may lakad pa kayo," nakangiti si Damon habang sinasabi iyon. Tumalikod na siya nakaakbay siya kay Ate Erin. Nanatili pa rin akong tulala habang inaalala ang itsura ni Damon.

"Hoy!" Em's loud voice snapped me out of my own thoughts. "Baka nakakalimutan mong magiging asawa na 'yan ng Ate mo!"

"Bakit ba? Crush lang naman, e," nakanguso kong sabi kay Em. "Tingnan mo naman kasi ang maskels niya. Grabe. Feeling ko ang sarap maglambitin diyan for life. Willing akong magpakaunggoy basta ganyan kagwapo ang lalambitinan ko."

Malakas akong binatukan ni Em. Napasimangot ako habang hinihimas ang nasaktan kong noo. "Ikaw na babae ka, napakamanyak mo. Buti sana kung walang girlfriend yung minamanyak mo, e. Tingnan mo naman, hindi nga girlfriend at fiancé pa nga. Maghanap ka na lang ng ibang crush mo, Ella. Dahil kapag nalaman ng Ate mo 'yan, baka ikaw ang i-crush niya ng bonggang-bongga."

"Bakit ba?" Nakakunot ang noo ko habang nakanguso pa rin sa kanya. "Hindi naman malalaman ni Ate 'yon. Not unless, sabihin mo..." I squinted my eyes. "At ikaw ha. Tigil-tigilan mo na ang kakabatok mo sa akin. Feeling mo ata ang gaan ng kamay mo. FYI, ang taba po ng kamay mo."

Binelatan lamang ako ni Em. "Che. O siya. Aayusan na kita. Baka mamaya malate ka sa lakad mo."

"Lakad ko na hindi ko naman alam saan." Bumubugnot na ang mukha ko. Nakakainis dahil nararamdaman ko na talagang bumibigat ang buo kong mukha dahil sa mga make up na pinaglalagay niya kanina pa. Tatalunin ko na ata ang cake na may tatlong baitang sa sobrang kapal nito, e.

"Ssh! Tahimik na at itutuloy ko na ang ginagawa ko." Wala na akong nagawa nang akmang ilalapit ni Em ang kung anong hawak niya sa mata ko. Kung hindi ako pumikit, baka isa na lang ang mata ko at hindi na ako nakakakakita ngayon. Ang lakas talaga ng tama nitong babaeng ‘to.

Habang patagal ng patagal ay hindi ko na talaga mapigilan ang antok ko. Sasandal na sana ako sa reclining chair nang mapansin iyon ni Em.

"Hoy!" Nagulantang ata ang buong pagkatao ko nang malakas akong sinigawan ni Em. "Sasandal ka pa, ha. Kurutin kita sa tinggil diyan. Umayos ka." Hindi na mapigilan ng noo ko na kumunot at ng kilay ko na magtagpo.

"Pati ba naman tinggil ko nadamay? Ang laswa mo, Em. Siguro pinagnanasaan mo ko ng pasikreto," nandidiri kong sabi. Niyakap ko pa ang sarili ko at iniwas ang sarili ko sa kanya. Sinamaan ako ng tingin ni Em. At sa pangalawang pagkakataon ay binatukan na naman niya ako.

"Siraulo! Espada ang gusto ko, hindi bulaklak!" Tinakpan ko ang tainga ko habang nagpapanggap na tumitingin-tingin sa tabi-tabi. Binatukan na naman ako ng bruha.

"Nakakadalawa ka ng bruha ka! Kainis, 'to. Tapusin mo na nga lang yung 'tong ginagawa mo. Baka mamaya sa reproduction at copulation na ang topic natin. Alam kong magdo-doktor ka, pero fyi lang shunga ako sa Science." Umayos na ako ng upo kahit inaantok na talaga ako. Magtitiis na lang akong hindi makatulog tutal sanay naman akong magtiis.

"O ayan na." With few touches from Em's hand at ewan ko ba kung anu-ano pang ginawa niyang kababalaghan, tsaka niya iyon sinabi. Imbes na ibuklat ko kaagad ang aking mga mata ay nagpakawala ako ng malakas na hikab at unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Em, "Ang baho ng hininga mo."

"Magtaka ka kung mabango 'yan, e natuyuan nga ako ng laway. Alangan namang amoy perfume 'yan diba," pairap kong sabi sa kanya. Em shook her head.

"O siya, tingnan mo na lang yung masterpiece ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinanggal niya ang takip ng salamin sa unahan ko. Tinitigan ko ang sarili ko.

"Ba't mukha akong clown?" Mabilis pa sa alas kwatro na lumingon si Em sa akin at sinamaan ako ng tingin. Nag-peace sign naman ako sa kanya at patuloy na sinuri ang kabuuan ng mukha ko.

Gone was the Ella na hindi naglalagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha bukod sa polbo. All I can see is the classy and elegant version of Ella. Hindi inoverdo ni Em ang make up ko. Sakto lang iyon. Pwedeng look para sa galaan at pwede ring pang-social events. Ang kulot na ginawa ni Em ay hindi panglahatan. Dulong bahagi lamang ng buhok ko ang kinulutan niya.

"Ang ganda ko..." Hindi ko mapigilang sabihin ang mga katagang iyon.

"Oo na. 'Wag mo ng bolahin sarili mo. Magbihis ka na d'on. Nasa kwarto mo na yung dress na gagamitin mo."

Mabilis kong nilingon si Em at kunot-noong nagsalita. "Magsusuot ako ng dress?"

"Aba, oo naman! Anong gusto mo, mag-jogging pants ka d'on o kaya mag-school uniform? Ano, 'te, graduation? High school lang?" Tumayo na si Em at nakapameywang na sinabi iyon.

"Hindi ba pwedeng mag-pantalon na lang?" reklamo ko.

"Hoy anong pantalon ka diyan? Buti sana kung model ka at may lakad ka sa runway. Suotin mo na yung dress. Kukurutin ko singit mo diyan." Nagdadabog akong tumayo at naglakad para pumunta sa kwarto.

"'Wag kang magdabog! Papaluin kita sa pwet. Ikaw din. Baka tumabingi ang silicon mo pagkahampas ko sa pwet mo "

Mabilis akong pumihit paharap sa kanya at nakapameywang na nagsalita. "Excuse me, I'm all natural."

"Oo na. Pangit mo." Em made a face. Pagkatapos niyon ay umuklo siya at niligpit na ang mga gamit niya. Nakanguso na lamang akong tumalikod at muli ay naglakad patungo sa kwarto ko.

Hindi ko mapigilang mapatunganga habang tinititigan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Suot suot ko na ang dress na pinasuot sa akin ni Em. Nagmukha akong babae sa look ko ngayon.

"O ano, proud na proud ka naman sa ginawa ko?" Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Em. Naalala ko pa, yung last time na ganito ang ayos ko ay noong graduation ko pa. Highschool pa 'ko n'on. Hindi ko na nga masyadong maalala ang itsura ko n'on e.

"For the first time, pinagsasalamat ko na naging kaibigan kita," nakangiti kong sabi sa kanya. Umamba pa akong yayakap kung hindi lamang niya iniumang ang kamao niya sa akin na para bang gusto niya kong suntukin.

"Mandiri ka nga diyan. Yayakap ka pa sa 'kin. Wala tayo sa girl’s love story ‘no," nandidiri niyang sabi. "O siya, puntahan mo na lang yung mga kadate mo sa address na 'to." Tinanggap ko ang papel na binigay niya sa akin. Address iyon ng isang sosyal na restaurant.

"Wait. Pang-mayaman 'to, ah? Sigurado ka bang hindi KKB 'to? Baka mamaya niyan, makita mo na lang ako sa restaurant na naghuhugas ng pinagkainan ko." Kumunot ang noo ko. "At... wait. Anong sinabi mo? Mga? As in hindi lang isa ang kadate ko?"

Nabungisngis si Em. "Secret."

-

"And you know what? Out of all the girls na naiuwi ko sa condo ko, wala pang nagrereklamo sa akin na pangit ang performance ko..." Napapangiwi ako habang nakikinig sa kanyang nagsasalita ng kung anu-anong kabastusan. Damn it. Wala man lang nagsabi sa akin na makakarinig ako ngayon ng porn. Hindi naman ako na-orient na ganito ang kakaharapin ko.

Pang-apat na si Travis sa mga nakadate ko. And so far, sa kasamaang palad, wala pa kong matinong nakakausap sa kanilang lahat. Pakiramdam ko nga haggard na ko as of this moment dahil parang nagkakaroon na ata ako ng wrinkles sa mga pinagsasabi niya... nilang lahat.

Ang una kong nakadate kanina ay businessman. Bagong graduate lang siya at kinuha ng Papa niya sa kumpanya. Okay na sana siya kung hindi lang puro stocks at reports ng kumpanya niya ang dinidiscuss sa date namin. Balak pa ata akong bigyan ng session ng Ted’s talk, e.

Ang pangalawa naman... ayoko na alalahanin. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga arithmetic functions na pinagsasabi niya sa akin. Idagdag mo pa ang functions ng iba't ibang element sa loob ng table of elements. Hindi naman ako nasabihan na babalik ako ngayon sa high school.

Yung pangatlo naman... yun ang masasabi kong matino. Kaso hindi naman ako masyadong kinakausap at ayaw ako titigan sa mata. Sobrang mahiyain at hindi ko makausap ng maayos. Napapangiwi na lang ako dahil parang takot pa ata siya sa akin habang kausap ako. Kung matatawag man na usapan yun dahil ako lang naman ang nagsasalita.

At ito ngang kausap ko. Playboy, mapaglaro at parang tigang ata araw-araw. At ang walanghiyang 'to. Balak pa ata akong isama sa mahabang listahan ng nakama niya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga lalaki. Bakit ba parang trophy sa kanila kapag nakama nila ang babae? Lalo na kung virgin pa yung babaeng nakama nila?

Nakakagwapo ba 'yon? I don't think so. The more I think about it, the more na pumapangit ang image sa akin ng mga lalaki. What a bunch of assholes.

"Excuse me lang ha..." pagpapatigil ko sa kanya. "I don't understand why you keep on telling me all of your sexperiences. If you wanted to add me on your list, please don't. Exclude me. Nasa tamang pag-iisip pa ako. At saka please 'wag ka na ring makikipagdate. Going on a date is not appropriate for an asshole like you. If you just went on a date because you wanted to have a girl that you can have sex with by the end of the day, drop it. Kung nangangati ka, doon ka sa higad magpakamot. Leave this table. At mag-iwan ka ng bayad para sa pagkain. Kabayaran mo na 'yon para sa pakikinig ko sa nakakadiri mong mga kwento at sa pagbibigay alam sa performance ng hotdog mong..." Pinasadahan ko siya ng tingin doon pero hindi ko pinatagal ang mata ko doon. Sa sobrang dami ng karanasan niya, hindi na ako magtataka na balang araw ay magkakasakit siya. "Bite size."

I smiled at him sweetly. Tinusok ko ng tinidor ang pagkain ko at mabilis na kinain iyon. Iniumang ko ang kutsilyo sa kanya. Napalunok siya. Nagmamadali niyang kinuha ang iilang libo sa wallet niya at nanginginig na inilapag iyon sa mesa. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang tumakbo paalis at iniwan na akong mag-isa.

Napabuntonghininga ako. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan ang numero ni Em.

"Hoy, ilan pa bang lalaki ang dadating dito? Naiistress na 'ko. Baka pagkatapos nito babae na lang ang hanapin ko." Pinaglaruan ko ang dahon na nakapalibot sa paligid ng plato na kinakainan ko.

"Bakit?" natatawang tanong ni Em. "Puro Papi naman ang inireto ko sayo, ha?"

"Papi nga, pero... hay naku! Ayoko na. Mamaya na lang ako magkukwento. Ilan pa ba sila? Umalis na yung pang-apat."

"Ha? Ang bilis naman? O sige. Sabihan ko na yung huli." I sighed in relief. Buti naman at huli na pala ang dadating. Baka pag-uwi ko, isumpa ko na lahat ng lalaki.

"Sige. Gusto ko may double dutch ice cream ako after nito ha. Pambayad man lang sa stress na ibinigay sakin ng mga pakulo mo," nagrereklamo kong sabi kay Em.

Tumawa siya. "Sure. Sige. Antayin mo na lang yung kadate mo."

"Ano pa nga ba?" I shrugged. Ibinaba ko na ang linya at napaupo na lamang ng maayos. Kita ko ang tanawin mula sa labas ng bintanang tinititigan ko. Maaliwalas ang buong paligid. Walang anumang pagbabadya ng pag-ulan ang makikita sa kalangitan. I can see different people walking back and forth. Mayroon pa ngang tumatawid patungo sa kung saan at mayroon ding ibang nagbebenta ng kung anu-ano sa labas.

"Excuse me, Miss." Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Itinago ko ang aking pagkagulat nang tumambad ang mukha niya sa aking harapan.

"Are you Ella? Yung friend ni Em?" Nakataas ang kanang kilay niya habang sinasabi iyon. I can't believe it. Ngayon ko lamang nalaman na may kaibigan pala si Em na ganito kagwapo.

"Yes..." nakangiti kong sambit.

"Ah, dito na 'ko. Thank you." Lumingon ang lalaki sa waitress. Naiilang pa nga ang lalaki dahil grabe kung makatingin ang waitress sa kanya.

"O-Okay, Sir. Tawagin niyo lang po ako kung... kailangan niyo 'ko." Parang masusuka ata ako dahil sinadya ng babae na gawing nakakaakit ang boses niya lalo na sa dulong parte ng pangungusap.

"S-Sige..." Napapakamot sa ulo ang lalaki habang dahan-dahan na umaalis ang babae at nakatalikod na naglalkaad patungo sa kung saan.

Hindi ko na napigilan ang mapabungisngis habang tinititigan ko ang itsura niya. Para kasing ilang na ilang talaga siya sa babaeng nagpapacute sa kanya.

"Grabe. Pinagtawanan mo pa ako. Nahihirapan na nga ako d'on," nakanguso niyang sabi sa akin.

"O, e bakit ka naman nahihirapan? Diba ganyan naman kayong mga lalaki? Gustung-gusto niyo pa nga na nilalapitan kayo ng mga babae diba?"

"Hindi ako gan'on. Hindi rin naman lahat ng babae katulad nung babaeng waitress kanina diba? Kasi kung oo, baka iwasan ko na ang kapatid ko mamaya. Isipin ko pa lang na ganyan siya lumandi sa crush niya, kinikilabutan na 'ko." Umakto pa siyang parang kinikilabutan habang sinasabi iyon.

Natawa naman ako. "Alam mo, apat na ang dinate ko ngayong araw at panglima ka na. Sa lahat ng nakausap ko, sayo lang magaan ang loob ko."

Kinindatan niya 'ko. "Ako lang ata nag-iisang gwapo sa lahat ng nakausap mo, e."

"Wow, ang hangin." Nagtawanan kami pagkatapos.

"Oo nga pala. I'm Angelo. Kaibigan din ako ni Em katulad mo. At ikaw si Ella, right?" Nakangiti naman akong tumango sa kanya. "Do you want to ditch this date?" His eyes are twinkling after he said thise words. Hindi ko mapigilang mapanganga nang sabihin niya iyon.

"Seryoso ka ba?" Nakanganga ko pa ring sabi sa kanya.

"Yup. Medyo ayoko kasi sa ambiance ng lugar na 'to. Masyadong sosyalin." Napakamot pa siya sa noo niya. Kitang kita ko ang makapal niyang kilay at ang matangos niyang ilong.

"Sure!"

-

"Hay, nakakapagod!" Napasalampak ako sa bench. Nasa park kami ngayon. Pagkatapos ng pinaggagagawa namin, no doubt na napagod ako at naubusan ng enerhiya.

Sumandal ako sa bench na kinauupuan ko at dinama ang hangin. Ni hindi ko na nga pinansin ang pawis na nararamdaman ko. Basta ang gusto ko na lang sa mga oras na iyon ay hangin.

"Pero worth it diba?" Umayos ako ng upo nang maalala kong kasama ko pa nga pala si Angelo.

"Super," nakangiti kong tugon. I let out a sigh. Kita ko ang mga bata na tumatakbo. Mayroon ding mga ibong nagsisiliparan.

Kanina nang yayain ako ni Angelo na umalis sa restaurant na iyon ay pumayag ako. Dinala niya ako kung saan-saan. Nagpunta pa kami sa peryahan malapit sa lugar na iyon. Hindi iyon sosyal pero nakakatuwa lang dahil si Angelo ang kasama ko.

Pagkatapos ay naglakad lakad kami sa kalsada. Kumain kami ng street foods. Napadami nga ata ang kain ko sa kwek kwek, e. Ang sarap kasi ng sauce.

Napadpad kami dito sa park. Nakipaglaro pa kami sa mga bata kanina ng habulan taya. Akala ko nga hindi na yun uso sa panahon ngayon, e. Pero meron pa rin palang naglalaro n'on dito kahit na karamihan sa mga bata ngayon ay mas gusto na ang mobile games.

"Parang gusto ko mag-ice cream..." wala sa sarili kong sabi. Napadako ang tingin ko sa lalaking nagtitinda ng dirty ice cream. "Ayun, o! Angelo, libre mo ko ulit." Tinuro ko ang ice cream na tinitinda ng lalaking iyon.

"Takaw mo talaga. Kawawa magiging boyfriend mo, mabubutas ang bulsa," natatawa niyang sabi. "Diyan ka lang ha. Bibilhan kita," nakangiti niyang sambit pagkatapos ay naglakad siya patungo doon.

Nakangiti lamang akong tumango habang tinititigan ang papalayo niyang likuran. Agad kumunot ang aking noo nang biglang may magflash sa utak ko. Napahawak ako sa aking sentido nang sumakit ang ulo ko.

"O, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Angelo nang makabalik na siya. Tumango lamang ako at inabot ang ice cream na hawak niya.

Umupo siya sa tabi ko. Napabuntonghininga ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Tinikman ko ang ice cream na hawak hawak ko. Ang pamilyar na lasa ng ice cream na iyon... ang mga batang nasa alaala ko... Isa-isang sumulpot sa aking harapan ang mga eksena. Parang pelikula. Parang nasa loob ako ng libro.

"Ella, okay ka lang ba? Ang kalat mo kumain. Wala ka bang tissue?" Natatawa niyang sambit.

Napaawang ang aking bibig nang marinig ko iyon.

"Wala ka bang tissue? Ang liit kasi ng dila mo! Hindi mo tuloy abot."

And slowly... slowly, the scenes changed. Meron sa bahay. Meron sa playground. Meron sa labas. Sa school...

God... why... bakit hindi ko alam na may ganitong parte sa mga alaala ko...

"Ssh! Damon ka diyan. It's Kuya Damon for you. Bawal ka manood ng gan'on kasi baby ka pa. Bata ka pa. Hangga't nandito ako, hindi ka pwedeng manood ng mga gan'on. Okay?"

"Naaksidente sila Senyorito. Nasa kritikal na lagay si Damon at namatay ang Mama niya. Kailangan nilang magpunta ng ibang bansa para mas magamot pa si Damon."

"Who are you?"

"Mama, si D-Damon... sino siya? Bakit hindi ko siya maalala? Mama..."

Sumakit ang puso ko. Bakit... bakit hindi sinabi ni Ate Erin ito sa akin... bakit kailangan niyang itago 'to... bakit...

Kaya pala pakiramdam ko kulang ako... kaya pala... kaya pala iba ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko ang mukha ni Damon.

"Ella, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Natulo na yung ice cream sa kamay mo, o. Malagkit 'yan." Kinuha ni Angelo ang ice cream ko at pinunasan ang kamay ko. Hindi ko magawang magsalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.

"Sorry..." naisambit ko. Kinuha ko ang gamit ko at mabilis na iniwan si Angelo sa park.

Damon...

Damon was my first love.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.