The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 23

Chapter 22

Huli

"Spell obob? Ella." Sinamaan ako ni Em ng tingin. Gustuhin ko mang ngumiti ay hindi ko magawa dahil masyadong sensitibo ang sugat sa aking dibdib. Kaunting kislot lang ay maaari iyong bumuka kaya pinaalalahanan ako ni Em na huwag masyadong maglikot kung gusto ko pang mabuhay.

Isang linggo na akong nakaconfine dito sa ICU ng headquarters. Imbis kasi na dalawa o tatlong araw lang akong nandito ay napatagal pa dahil sa lumalala kong tama sa dibdib.

For the whole week, hindi ko tinanong kay Em kung nasaan siya. Dahil hindi ko rin naman kayang itanong kay Em iyon. Isa pa, wala na rin akong balak pa na tanungin si Em ng kahit anong tungkol sa kanya. Ngayong araw lang ako nakapagsalita ng maayos dahil noong mga nakaraang araw ay nakakonekta pa ang tubo sa bibig ko.

"Grabe yon, friend," paos kong tugon sa kanya. Imbis na aalis na sana ako sa kwartong ito ay hindi ko rin magawa dahil mas naging tutok sila sa akin ngayon. Dahil kasi sa sobrang stress ko n'ong mga nakaraang araw, mas lumala ang lagay ko. Bumuka pa lalo ang sugat ko kaya kailangan nila ulit iyong tahiin. Mabuti na lang at bumalik na ang head doctor kaya nabawasan na ang mga gawain ni Em.

Tumayo si Em. Nakapameywang siya habang tinititigan ako. Maya-maya pa ay tumalikod siya. Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang noo. Tahimik ang buong paligi bukod sa tunog na nagmumula sa makinang nakakonekta sa akin.

Nang lumingon sa akin si Em ay ganoon na lang panggigilalas ko nang makita ko ang luhaan niyang mukha. Hindi ako nakapagsalita. Sanay akong paunti-unti siyang lumuluha. Pero ngayong punong puno ng luha ang mata niya ay hindi ko siya magawang asarin.

"Ella... please. Last mo na 'yon, ha?" Sa basag na boses ay sinabi niya iyon. Hindi mapigilang umusbong ng luha ko sa gilid ng aking mga mata. Hinahayaan ko na lamang na tumulo ang luha doon dahil mahirap iyong pigilan. Hindi ko kaya... at hindi rin pwede. Baka kasi mas lumalala pa ang nararamdaman ko kung pipigilan ko iyon.

"I know na... mahal na mahal mo si Damon. Pero Ella... hindi mo kailangang magpakamatay para mapatawad ka niya. If he can't forgive you, then let it be. Marami ka ng nagawa para sa kanya na kahit kailan hindi niya malalamang ginawa mo. Tama na 'yon. Atleast you did your part. Please. Naiinis ako sa'yo minsan pero ayaw kong mamatay ka, Ella." Kinusot niya ang mga mata niya. Halos mamula na ang ilong niya kakaiyak. Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga luha ko.

"Isipin mo na lang ako, Ella. Sinundan pa kita dito. Dinamayan kita sa lahat ng nangyari sa buhay mo... at hinding-hindi ako magsasawa na damayan ka sa buong buhay mo. Problema lang 'to, Ella. Malalampasan natin 'to. Ha, Ella?" Hindi na naituloy ni Em ang sinasabi niya dahil humagulhol na siya ng malakas. Gustuhin ko man na patahanin siya o kaya naman ay pakalmahin siya, ay hindi ko magawa dahil hindi ako pwedeng gumalaw at maglakad patungo sa kanya.

"I know na mahirap ang pinapagawa ko sayo. Alam kong sa nakalipas na maraming taon, sinentro mo ang buhay mo sa kanya. Pinabayaan mo siyang pakasalan ang Ate mo kahit alam naman natin parehas na hindi naman talaga ang Ate mo ang kinikilala niyang kababata. Nanirahan ka sa bahay nila kahit engage na sila dahil hindi ka pinaalis ni Erin..."

"At sa nakalipas na isang buwan, tiniis mo 'yon. Tatlong buwan silang engaged at isang buwan silang kasal. Sa nakalipas na mga buwan, hindi mo inisip ang sarili mo. At hanggang ngayon, isang taon na ang nakakalipas, ganoon pa rin. Ella, please... mahalin mo naman ang sarili mo..."

"Yung bala na pilit mong sinasalo para hindi mapunta sa kanya, hindi niya iyon mapapansin kahit kalian kasi ikaw si Ella; kasi galit siya sayo. Kahit anong pilit mo na mahalin siya sa paraang alam mo, hindi ka niya mamahalin."

Isa... dalawa... tatlo... sunod-sunod. Walang preno. Walang hinto. Ang mga luha na nagmumula sa aking mga mata ay tuluyan ng tumulo. Hindi ko maawat ang pagtulo niyon... ang mga salitang purong katotohanan na tila kutsilyo na paunti-unting tumatarak sa aking puso. Durog na durog na ako.

Alam ko. Alam ko naman na iyon ang katotohanan. Loving Damon... it was as if I made it as my life mission. Ibinigay ko lahat ng kaya kong ibigay sa kanya. And yet it wasn't enough. Sa panahon na ginawa ko iyon ay hindi ko man lang inisip ang sarili ko. Para akong kandila na paunti-unting nauupos sa bawat pananakit niya.

Kasi everytime na may gagawin ako palagi kong sinasabi sa sarili ko, "Okay lang na masaktan ako. Okay lang. Basta hindi masasaktan si Damon." Tipong ginawa ko ng kalasag ang sarili ko para lang hindi siya masaktan.

Damon is a tough guy. Walang duda. Pero kadalasan ay may mga bagay siyang hindi nakikita na tanging ako lang ang nakakakita. And that's his flaw. When he trusts somebody, he will trust whoever that somebody is...fully. Without any hint of doubt. He will let his guard down, not minding the consequences.

For the past years na hindi ko siya naalala, nanatiling tapat sa kanya ang puso ko. Sinubukan kong gustuhin si Adam, pero tadhana na ang naglayo sa amin. Ngayong pinagtagpo kami ay wala na ako ni katiting na nararamdaman para sa kanya.

Si Angelo. Pagkatapos ng blind date noong nakaraang taon ay hindi ko na siya pinansin pa. Iniiwasan ko na siya dahil alam kong may posibilidad na masaktan ko siya unintentionally. Hindi sa dahil gusto ko siya, o gusto niya ako. Pero noong mga oras na iyon, gulong-gulo ako at hindi ko alam ang gagawin.

Sa nakalipas na panahon ay nanatiling tapat ang puso ko. At mula hanggang ngayon ay nananatili pa rin iyong tapat. Sa taong hindi naman niya dapat mahalin. At sa taong dapat ay kinamumuhian niya.

"I love you, Em," madamdamin kong sambit. Medyo paos pa ako pero sinubukan ko ang lahat para masabi 'yon. "And I'm sorry na umabot pa tayo sa puntong ganito. Na masasaktan ka dahil sa ginawa ko, pati ang sarili ko. Sorry. But I'm thankful na nandito ka sa tabi ko at hindi pa rin ako iniiwan. Salamat, Em. Thank you dahil naging daan din 'to para ma-realize ko ang lahat ng bagay na dapat kong ma-realize."

Mabilis na lumapit sa akin si Em. Sumisinghot pa siya at nakikita ko pa ang pagkislap ng mga luha niya. Niyakap niya ako. Mabuti na lang at nakasandal na ako sa pinataas kong kama. Hindi na rin masyadong nananakit ang sugat ko dahil binantayan nilang maigi ang kondisyon ko.

I accepted her warmth. Napapikit ako. Sa mga ganitong sitwasyon, ipinagpapasalamat ko na nandito si Em at dinadamayan ako. Wala man akong mga magulang ngayon, wala man si Ate Erin ngayon, sapat ng nandito sa tabi ko si Em at nagsisilbing pamilya at sandalan ko.

This is more than enough.

"O siya, tama na to." Lumayo si Em sa akin para punasan ang mga luha niya. Nginitian ko siya. "Pupunta dito yung nurse. Oras na kasi ng gamot mo. At oras na rin ng duty ko sa clinic. Babalikan kita dito mamayang hapon."

Nakangiti akong tumango sa kanya. Maya-maya pa ay napabuntonghininga siya ngunit ngumiti rin naman kapagkuwan. Tumalikod si Em pagkatapos ay umalis.

Nagpakawala ako ng hininga pagkatapos ay inayos ang pagkakasandal sa kama. Kinuha ko ang remote sa tabi ng drawer at pinindot iyon patungo sa blinds ng lugar na ito. Maya-maya pa ay kita ko na ang tanawin sa field.

Sa mga oras na wala akong kasama at kausap ay ito ang ginagawa ko. Pinagmamasdan ko ang mga miyembro ng Mafia sa page-ensanyo nila. Oddly, I find some peace whenever I am seeing them.

Maya-maya pa ay may kumatok na sa pintuan. Mabilis kong pinindot pabalik ang remote at inilapag iyon sa drawer.

Pumasok ang isang babaeng nurse. She was covered with hospital mask kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Napakunot ang noo ko nang mapansing hindi siya pamilyar sa mga taong nakikita ko sa loob ng kampo.

"Hello po. Time na po ng gamot niyo." Nilagay niya ang tray na hawak niya sa kabilang drawer. Binalatan niya rin ang injection na hawak niya. Nanatili ang titig ko sa kanya. Tinapunan ko ng tingin ang makina at nakitang unti-unting tumataas ang bilang ng bpm ko.

"Nasaan si Emma? Akala ko siya ang magpapainom at magtuturok sakin?"

Nakita kong natigilan siya ngunit maya-maya ay tinuloy niya rin ang kanyang ginagawa. Pinitik-pitik niya ang injection habang nagsasalita. "Marami po kasing nasugatan sa field kaninang umaga. Ako na lang po ang ipinadala kasi mas kailangan po si Emma d'on."

Napatango ako. Inilagay ko ang buhok ko sa likod ng aking tainga. Tumatabing na kasi iyon sa aking mukha.

Tama naman siya. Maaga rin kasi akong nagising kaninang umaga. Masyadong pursigido ang mga miyembro. Hindi ko lang alam kung para saan at kung bakit dahil hindi naman ako nakikibalita kay Em tungkol sa mafia. Sa ngayon.

But I doubt that they’d be stupid to fight to the point na magiging busy ang clinic. Isa pa ay napagsabihan na sila ni Damon dati kaya sigurado akong magtatanda na sila. Something’s wrong.

"Ito na po yung tablet. Inumin niyo na lang po kasabay ng tubig." Iniabot niya sa akin ang tableta. Tatanggapin ko na ana iyon kung hindi ko lang napansin na tila nag-iba ang pinaglagyan ng injection na ginamit niya.

“Wait,” iniwas niya ang tableta nang marahan ko iyong ilayo sa akin. “Nag-iba ba ang brand ng injection? Parang wala naming sinasabi sa akin si Elma.” Sinadya kong ibahin ang pangalan ni Em at lituhin siya para alamin kung may iba pa ba siyang binabalak.

“A-Ah,” nauutal niyang sabi, “A-Ano po kasi, wala na pong stock yung injection kaya pinalitan po sa utos ni Dra. Elma.” Bingo. Sino si Elma? Asawa ni Elmo?

“Ah, ganoon ba?” Tumatango-tango pa ako para lang mapakita na kunwari’y nakikinig ako. Pero ang totoo ay nagahanap ako ng pwede kong ipangsalag kung sakali mang may gawin siya sa akin.

Napangiwi ako nang maramdaman na namang humapdi ang sugat sa aking dibdib. Shit. Bakit ngayon pa?

Tinapunan ko siya ng tingin pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong dambahan. Hindi ko napigilang mapahiyaw sa gulat. Hindi pa nakatulong ang pagkirot ng sugat ko dahil sa pagdamba sa akin ng babaeng ito. Akala mo ang gaan niya!

Hawak niya sa kanang kamay ang injection. Pilit ko iyong pinipigilan at inilalayo para sa akin. Kung wala lang akong sugat, paniguradong tulog na ‘tong babaeng ito. E kaso hindi e. Pati ang mga muscle sa buong katawan ko’y humihiyaw dahil halos isang linggo ring hindi nagamit.

Nagawa ko siyang sipain nang hawakan ko ang railings ng kama. Napatumba siya habang sinasapo ang tagiliran na natamaan ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na lumapit sa kanya. Hinila ko ang aking dextrose at sinubukang ipilipit iyon sa leeg niya. Mamula-mula siya habang ginagawa ko iyon.

“Who are you working for?” maawtoridad kong tanong. Hinihingal na ako at halatang naninibago ang katawan ko sa biglaang paggamit nito, isama na rin ang naghuhumiyaw na hapdi na nagmumula sa aking saugat. Hindi siya sumagot. Nanginginig na siya dahil kinakapos na ang kanyang hininga pero determinado pa rin siyang itago ang katotohanan. Akmang hihigpitan ko pa sana ang pagkakatali ko ng dextrose nang biglang manghina ang kamay ko kasabay ng pagsakit ng tahi sa aking dibdib.

Napangiwi ako at lumuwag ang pagkakahawak sa kanya. She took advantage of it. Mabilis siyang lumingon sa akin at tinarak ang injection sa braso ko. Napahiyaw ako sa pwersa nito. Lupaypay akong napaupo sa sahig kasabay ng mabilis na pag-alis ng babae at malakas na pagsarado ng pintuan.

Nag-umpisang humapdi ang lalamunan ko. Parang hindi ako makahinga, para bang may nakabara sa aking lalamunan. Napahiga ako habang hinahawakan ko ito. Rinig ko ang mabilis na tunog ng makina... ang nakakabinging tunog niyon...

Sinubukan kong kapain ang dingding para pindutin ang buton doon ngunit nanghihina na ako. Hindi ko na magawang maigalaw pa ang mga kamay ko.

Pero bago ako mawalan ng malay, nakita ko ang magkabilang braso na pumalibot sa akin. Ramdam ko ang init niya habang nasa loob ako ng kanyang bisig. Ang nag-aalala niyang mga mata...

Kung ito na ang huling segundo... huling minuto... huling sandali na mabubuhay ako... masaya ako na siya ang huli kong nasilayan...

Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Tanging ang pagbuka lamang ng kanyang bibig ang nakikita ko at wala ng iba. Parang nabingi ako... wala akong kahit anong tunog na naririnig.

And in the middle of everything... sa kabila ng paghihirap kong labanan ang lahat na kahit ang paghinga ay kinahihirapan ko na... nagawa kong sabihin ang mga katagang iyon...

"M-mah-hal k-kit-ta...Damon..." Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha ko at ang mas lalong pagbilis ng puso ko mula sa makinang kinakabitan nito.

Huli ko na lang na narinig ay ang mabibilis na yapak sa buong kwarto at ang malalakas sigaw na nagmumula kay Damon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.