Chapter 8
Prom
Flashback
"Ella? Huy! Gising!" sunod-sunod na pagkurap ang ginawa ko bago lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Bahagya pa akong wala sa sarili dahil nagpuyat ako kakabasa ng manhwa. Paglingon ko’y mukha ni Bella ang nabungaran ko.
Isabella is one of my classmates. Madalas akong nagpupunta sa bahay niya dahil niyayaya ako ng babaita. Ang Mommy naman ni Bella ay game na game na tumanggap ng bisita kaya ako naman, hindi rin makahindi dahil nakakahiyang tumanggi. Si Emerald ang pinakaclose ko sa lahat ng mga kaibigan ko, but she’s currently enrolled at a different school kaya hindi kami madalas magkasama.
Maliit ang mukha ni Bella. Tamang-tama iyon para sa height niya. She has that doe-like eyes. Her small nose and pouty lips made up for her innocent-like face.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto niya. Everything about her room screams about femininity. Pink ang halos lahat ng mga gamit na pag-aari ni Bella. Mala-barbie talaga ‘tong si mare.
"H-Huh?" tuliro kong sagot. I can't help but to think that my head is messing up with me these days. Palagi iyong sumasakit. Hindi ko naman alam kung bakit iyon nagkakaganoon.
"Ang sabi ko, ayan na ba ang susuotin mong damit para sa prom?" Nakapameywang si Bella habang nakataas ang kanyang kilay. Imbis na magmukhang mataray ay para tuloy siyang nagpa-pacute na ewan. Lihim akong napatawa.
"Hindi ko alam kung anong bagay sa akin, e," nakanguso kong sagot. Tinaas ko ang hawak kong gown. Pink iyon. Ang sabi ni Bella ay madali lang naman akong bagayan ng gown dahil sa kutis ko. Parang nakakapanduda naman.
The complexion of my skin is quite different from others. Maputi iyon at hindi normal kumpara sa balat ng mga kaklase ko. Minsan nga'y napagkakamalan akong anak ng foreigner dahil sa balat ko. But the truth is I am not a daughter of a foreigner. My parents are both Filipino.
I've been spending my life studying at a prestigious university. Kahit na masasabing angat kami sa buhay, ay hindi naman ako katulad ng mga spoiled brat na walang magawa sa pera at mahilig maglustay ng yaman. As much as possible, I see to it that I spend money only if needed.
Tinitigan ko ang hawak kong gown. Kumunot ang aking noo nang biglang may mga imahe ang pumasok sa utak ko.
Like a rolling cassette tape, I can see different scenes appearing right in front of me. Dalawang bata ang magkasama at nagsasayaw. A boy and a girl. I can certainly say that I’m the girl. Pero sino naman kaya ang lalaking kasama ko?
“Hindi mo naman siguro nalimutan yung promise mo, hindi ba? Sabi mo bibilhan mo ko ng ring kapag nag-18 na ako!” Nakalabi kong sabi sa kanya.
“Ha? Sinong nagsabi niyan? Anong palabas yan?” masama ang titig niya sa akin. Parang noong isang linggo lang kasi nang sabihin niya sa akin na tigilan ko na ang panonood ng mga teleserye sa tv pero hindi ko naman talaga ginawa. Favorite ko kaya yon! Tsaka malalaman na ni Lucy na siya ang heredera ngayong linggo!
“Ang Prinsesa,” pabulong kong sabi. “Pero dapat ganoon din gawin mo sa akin! Dapat may singsing din ako ha?! Mayaman ka naman, e!”
Ngumiti siya sabay sabing, “Neknek mo.” Pagkatapos niyon ay tumakbo siya at iniwan ako sa gitna ng sayawan.
Birthday ko pero parang gusto kong manghampas ng gwapo. Sana okay lang, Lord.
Napapikit na lang ako nang biglang sumakit ang ulo ko sa mga eksenang nasa harapan ko. It was all blurred and I can't seem to identify what kind of scene it is. Ang nakikita ko lamang ng malinaw ay ang mukha ko pero bukod doon ay malabo na.
"Ella, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Bella. Nasa bahay niya kami at namimili ng mga damit na susuotin naming para bukas.
Tomorrow is the JS Prom of our school, and Bella l offered her gowns for me to wear. Her mother's work is in line with gowns. Fashion designer ang nanay niya. I couldn't say no to Bella, especially because her mother was the one who offered me help, particularly.
"O-Okay lang ako. Masakit lang yung ulo ko. Saglit. Paupo nga muna." Inalalayan niya ako paupo sa kama niya. Hinilot ko ang aking sentido.
"Okay ka lang ba? Gamot? Kailangan mo ba ng gamot?"
Agad naman akong umiling, "Wag na! Migraine lang 'to. Magiging maayos din ako mamaya."
"Ano bang nangyayari sayo? Nagpuyat ka na naman siguro kakabasa ng manhwa ‘no?" Pinanliitan ako ng mata ni Bella. Yikes! Patay!
Napatikhim ako. "Hindi ko rin alam. Ngayong linggo, madalas sumasakit ang ulo ko." Kinagat ko ang aking labi nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.
"Mabuti sigurong umuwi ka na lang muna. Tutal tapos ka na rin naman magsukat e. Etong blue na final gown mo. Punta ka na lang dito bukas. Basta, ite-itext na lang kita. Shoo!" pagtataboy ni Bella sa akin. Tinulak-tulak niya ako patungo sa pintuan. Hindi naman iyon masyadong malakas at isa pa’y mahinhin talaga si Bella.
Nakangiti na lang ako habang umiiling. "Okay. Okay. Tama na. Hindi mo naman ako kailangang itulak. O siya. Bukas na lang. Bye, Bella!" I waved my hand goodbye.
Naglakad ako patungo sa sofa kung saan nandoon ang sling bag ko. Ngumiti lamang si Bella pagkatapos.
"DAPAT pala palagi kang nag-aayos para magmukha kang tao." kantiyaw ni Sab sa akin. Nakalabi ko siyang tiningnan sa salamin habang nakatingin doon. Inaayusan ako ni Bella.
"So sinasabi mong hindi ako mukhang tao?" nakakunot ang noo ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Bella smiled and tried to hold her laugh. Sinamaan ko siya ng tingin habang direktang nakatingin sa kanya sa salamin.
"Hindi naman sa gan'on. Pero 'day, mag-ayos ka naman. Kaya siguro wala kang lovelife kasi hindi ka nag-aayos." Umiiling-iling pa siya habang sinasabi iyon.
"Lovelife? Nakakain ba 'yon?"
"Echosera 'to. Akala mo walang crush kung makapagsalita. Sana hindi ka isayaw ni Adam mamaya." Sab smirked at me. Kumunot naman ang noo ko pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Kaibigan ba talaga kita?" Bella giggled to that. Binelatan lamang ako ni Sabrina bilang sagot. Umiling na lamang ako kapagkuwan.
Minsan napapaisip ako kung mayaman ba talaga kaming tatlo. Hindi kami katulad ng ibang mayayaman na palaging nasa bar. Mas gusto namin manood ng movies sa bahay at magsalu-salo sa popcorn.
I stared at myself through the mirror. The gown perfectly fits my curves. Madalas sinasabi ni Isabella na masyado ng mature ang katawan ko para sa edad ko.
I made a side twirl. I’m wearing a blue deep V-neck gown. My back was exposed and very visible.
Napabuntonghininga ako. Something in my gut screams danger. Parang may nagsasabi sa aking huwag na akong tumuloy sa Prom. Iwinaksi ko iyon at inayos ang aking sarili.
Bumalik lamang ako sa huwisyo nang tumunog ang phone ni Sab. Her eyebrows furrowed, but later, she grabbed her phone and put in on her earpiece.
Hindi na lamang ako nakinig. We all need our privacy. I diverted my focus and grabbed my own phone to check some messages on my social media accounts and even my own phone notifications.
Hindi naman talaga ako mahilig magpost ng kung anu-ano sa facebook at iba pang socmed accounts. As much as possible, I am trying to avoid connecting with the media at all costs. Social medias are insane, chaotic, and somehow foolish.
People boast what they have and envy those people who have what they want to possess. I personally think it is ironic... and crazy, as well. Kuntento na ako sa pribado kong buhay.
"Andiyan na yung kotse sa labas." Sab giggled excitedly. Bella's face was painted with awe and excitement.
I can't seem to find any happiness with such things. Hindi kasi ako mahilig sa mga mamahaling bagay. Kahit pa na sabihing isa sa mga major stockholders ng malaking kumpanya ang Mama ko.
Mabilis na naglakad si Sab. Sinundan naman iyon ni Bella. Their high heels are preventing them to run, which we normally do whenever we are excited over things.
Natatawa na lamang ako habang nakatingin sa kanila. Sopistikada silang naglalakad, ngunit mabilis ang kanilang hakbang. Parang hindi angkop sa kagandahan ng suot nila ang bilis ng hakbang ng kanilang mga paa. Napaghahalataang excited ang mga bruha.
Sumunod ako kapagkuwan. Nang makaupo na kami sa upuan ay nag-umpisang tumugtog ang napakagandang musika galing sa radyo.
Napatingin ako sa bintana. Patuloy pa ring tunutugtog ang musika habang nakatingin ako sa paligid.
Sumasayaw ang mga damo sa saliw ng hangin. Para iyong may sinusundang ritmo. Sabay-sabay at walang nagkakamali. Everything about the scenery is perfect.
Napakunot ang aking noo nang gumuhit ang sakit sa aking ulo. Parang nanginig ang aking kalamnan habang may paulit-ulit na nagpapakita sa aking isipan.
"Damon!" Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Nasa labas ako ng mansiyon nila. Kanina ko pa siya hinihintay umuwi. Maaga kasi kami pinalabas ng titser namin.
Lumingon si Damon sa akin. His mysterious eyes started to drill a hole inside of me. Napakunot ang aking noo.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Bakit mo ko tinawag?" He sighed after saying that. "Tsaka diba sinabi ko sayo na Kuya Damon ang itawag mo sa akin?"
I pretended to be clueless. "Ha? Kailan mo yun sinabi? Parang wala akong maalala."
Napalabi pa ako para mapaniwala ko siya sa kalokohan ko. Ayaw ko. Ayaw ko talaga siyang tawaging Kuya. Kahit kailan hindi ko siya tatawaging Kuya. Siguro saka na lang.
Sa susunod na lang kapag hindi ko na siya crush.
"Ewan ko sayo, Ella. Basta Kuya Damon ang itawag mo sa akin," sermon niya. Napanguso na lang ako at umiwas ng tingin. Napadpad iyon sa mga damong tila sumasayaw. I've always been fascinated with that.
"Kuya Damon..." Wika ko, binigyang diin ang Kuya sa sinabi ko. "Bakit sumasayaw yung mga damo sa tuwing umiihip yung hangin?" Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Nanatili ang mga mata ko sa mga damo.
“Baka may music silang sinasayawan,” seryoso niyang sagot habang nakatitig sa tanawin na kanina’y tinitingnan ko.
“Joke ‘yon?”
"Ella? Huy! Hello? Anong iniisip mo? Nandito na tayo."
Tulala ako habang patuloy pa ring nasa bintana ang mga mata ko. Hindi ko inakalang nasa lugar na pala kami. Masyado ata akong nawili kakatingin sa tanawin sa labas kaya hindi ko namalayan na nakahinto na pala yung sasakyan.
Pero... Damon? Kuya Damon? Sino siya? At bakit siya sumulpot sa isip ko? Bakit may alaala ako na kasama siya?
Atsaka... crush?
Crush ko yung Damon ng ganoong edad? Teka, ang aga ko naman atang naglandi?!
Napabuntonghininga na lang ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. It’s either I’m hallucinating or I’m too addicted with reading BL manhwas. Napapikit na lang ako at hinilot ang aking sentido na nag-uumpisa ng manakit.
As we stepped inside the venue, I can't help but to be amazed with how luxurious the event is. Halatang pinaggastusan ng eskwelahan ang naturang event. I shrugged it off and walked at the red carpet together with my friends.
Cameras are flashing everywhere. Almost all of the heirs and heiress of the companies are studying at the same school where I am in.
Luxury is the main requirement for one to study at the school. Minsan nga'y hindi ko na naiisip na nag-aaral ako sa eskwelahan, e. Para naman kasing patalbugan at paramihan na lang ng pera ang labanan.
Ilang beses ko ng kinulit si Mama na ilipat ako ng school, pero iniisip niyang mahihirapan akong mag-adjust at makahanap ng kaibigan.
And I couldn't blame her for that. Ever since I got out from the hospital, I became timid and shy. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako naging mahiyain. E ang sabi lang naman ng Mama ko ay nagkasakit lang ako kung kaya't nasa ospital ako ng mga panahong iyon.
Si Sab at Bella ang nagtiyagang kaibiganin ako simula nang mag-aral ako dito. If it weren't for them, I don't know what will happen with me.
"Welcome to the Junior and Senior Promenade of Priscilla University! Before anything else, let us all hear a welcoming speech coming from the Head Mistress of the academy, Mrs. Alaine Priscilla. Let's give her a round of applause!"
Patuloy na tumatakbo ang programa. Pinatong ko ang aking baba sa palad ko. Nakakaboring talaga makinig sa mga speech. Hindi naman kasi halos makatotohanan ang sinasabi ng iba. Minsan pa nga'y nagiging business proposal na lang ang mga speech, e. Napailing na lamang ako.
Sinuri ko ang kabuuan ng paligid. The sky was unusually dark today. Hindi ko makita ang mga bituing dati'y lagi kong tinititigan. Kabaligtaran naman ito ng venue. Sobrang liwanag ng lugar, nakakaakit at kahali-halina.
"Huy, Ella! Sayawan na raw! Tara!" Mahina akong kinalabit ni Bella, pulling me out of my own thoughts. Napanguso na lang ako. Hindi ko alam pero tinatamad talaga ako ngayon.
"Mamaya na lang siguro. Tinatamad ako, e," alanganin akong ngumiti.
Sab threw a glare at me. "Bakit ka pa nandito, Ella? Para sa pagkain?"
I stucked my tongue out.
"Malamang para kay Adam." Bumungisngis pa si Sab pagkatapos niyang sabihin iyon.
Kumunot lamang ang noo ko nang sabihin ni Sab iyon. Mabuti na lang at madilim sa lugar kung nasaan kami, kaya naman hindi nila nahalata ang pamumula ng aking pisngi.
Adam has been my crush ever since I stepped my foot inside this school. He was your classic gentleman. Nakilala ko siya noong sumali ako sa varsity team ng Academy.
We became close, but eventually all our ties were cut loose simula nang umalis ako sa team. Bumaba ang grado ko, dahilan ng pag-alis ko sa team. I did it willingly dahil ayaw ko ring madisappoint sa akin ang parents ko.
Pinanood ko na lamang sila Sab as they made their way to the center of the big hotel. The management personally picked this hotel as a venue, simply because they owned it.
Napabuntonghininga na lamang ako habang pinapanood silang sumasayaw. The music was your ordinary music for party and all. Nagwawala na silang dalawa doon. Nakalipas na ang ilang minuto ay sumasayaw pa rin sila.
Dancing was not really my thing. Ni hindi ko nga masabayan ang ritmo ng tugtog dahil parehas na kaliwa ang paa ko.
"Ella?" Isang baritonong boses ang naging dahilan para maibalik ko ang huwisyo ko sa harapan. Tumibok ng mabilis ang puso ko sa antisipasyon at iba pang hindi malamang kadahilanan.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko si Adam Sandiego.
He was standing right in front of me, wearing an elegant black suit and a blue tie, almost matching my gown's color. Nagpapasalamat ako na madilim sa pwesto naming dahil baka kantiyawan na niya akong kamatis kapag nakita niya kung gaano ako kapula ngayon.
Adam looks so dashing and handsome with his suit and all. Kumislap ang hikaw na nasa kaliwang tainga ni Adam. He is a gentleman, but he certainly looks like a bad boy and that’s his charm.
"May I have this dance?" He offered his hand and curtsied in front of me. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang ngiting nag-uumpisang umusbong mula dito. Wala na atang mas sasaya pa sa gabi ko.
"Yes, you may..." Sa huli ay hindi ko rin napigilan ang ngiting iyon. Kung may ganitong kagwapo ba namang mag-aaya sa akin ay bakit ako tatanggi?
Rinig ko ang pagbungisngis nila Sab at Bella sa lamesa namin. Huli na nang mapansin kong bumalik na pala sila at mabagal na tugtog na ang pumapailanlang sa buong lugar.
Don't you know that I want to be more than just your friend?
Holding hands is fine
But I've got better things on my mind
Parang kami lamang ni Adam ang nasa loob ng ballroom na iyon. Mabagal akong inikot ni Adam sa saliw ng tugtog. Natawa na lamang ako habang iniikot niya ako.
You know it could happen
If you'd only see me in a different light
Baby, when we finally get together,
You would see that I was right
"Say you love me...You know that it could be nice..." Kanta ni Adam. Ang malaking boses niya ay nag-uumpisang manuot sa aking isipan. Mukha na siguro akong tanga habang nakangiti sa kanya ngayon. Malamig ang boses niya at napakasarap niyong pakinggan. Para akong hinehele at sinasayaw.
"Say you love me...And don't treat me like I was ice..." Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang sumabay. Tinitigan ako ng mariin ni Adam. Hindi ko napigilang mamula sa klase ng titig na ibinigay niya. Umiwas ako ng tingin.
Oh, please love me
You know that it could be nice
If you'd only say you love me, baby
Things would really work out fine
"Nobody told me that you have a really nice voice," nakangiting sabi ni Adam sa akin. Naiilang ako sa mga titig niya dahil mas lalo nitong pinapabilis ang tibok ng puso ko.
"At wala ring nagsabi sa akin na marunong kang kumanta. Akala ko puro pagpapapogi lang ang alam mo," I babbled. Huli na para malaman kong kung anu-ano na lang ang sinasabi ko.
Sa halip na mainis ay natawa ng malakas si Adam sa sinabi ko. "So, inaamin mong pogi ako?" He even wiggled his eyebrows after he said that.
"Oo..." Before I can stop myself ay naibigkas ko na ang salitang iyon. Napapikit na lamang ako sa hiya nang marinig ko ang mahinang tawa ni Adam.
Yung bibig mo talaga, Ella walang sinasanto!
"And you're beautiful..." Nang sabihin iyon ni Adam ay nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.
Hindi man lang humiwalay ang mga mata niya sa akin mula sa pagpikit ko at pagmulat ng mga mata. Mabilis na tumibok ang puso ko at parang nahihirapan akong huminga habang nakatitig sa mga mata niya.
"You know what, Ella?" Bumuga siya ng hangin, tila nahihirapan sa gusto niyang sabihin. Maya-maya pa'y tinitigan niya ako.
"I like you. I like you ever since you've stepped foot inside the university. I like you ever since you talked to me. Gusto kita, Ella and I want to take this opportunity to ask your permission." Binasa ng kanyang dila ang labi niya, a mannerism na ginagawa niya kapag kinakabahan siya.
"Ella, I want to court you." Adam said, his voice laced with sincerity.
To say that I am shocked is an understatement. Hindi ko mawari kung anong dapat kong sabihin at gawin.
"T-Teka... saglit. Time out muna, Adam. S-Sure ka bang hindi 'to panaginip? P-Parang ito yung panaginip ko dati," I babbled. Hindi ko na alam kung anu-ano ang sinasabi ko. Pakiramdam ko nga gumagawa lang ako ng ikakahiya ko, e. This seemed to calm Adam down. He looked at me with a hint of amusement.
He chuckled. "No, Ella. This is not a dream. This is reality. I really..."
He placed his hand to my cheeks and cupped it. "...Really like you, Ella. More than anyone else." His eyes softened as he stares right through my eyes.
Sa pandinig ko ay parang tumahimik ang lahat. It was only his words and the loud beating of my heart. Ngiting-ngiti akong nakatitig sa kanya.
"Adam..." I blew out a loud breath. "I li---"
"Ella!" Bella’s frantic voice interrupted our dance and the words that I am about to say. Mabilis ko siyang nilingon. Kita ko ang pagkakataranta sa kanyang mukha na may bahid ng takot. Agad akong kinabahan.
"B-Bakit? Anong n-nangyari?" nauutal kong tanong. Kasama niya si Sab. Hawak niya ang phone at bahagyang nanginginig ang kanyang kamay.
Sab looked at me in the eye and said those words that haunted me forever. Mga salitang parang bombang sumabog sa aking harapan.
"Ella, inatake sa puso ang Mama mo. Dinala siya sa ospital, but she was announced as dead on arrival. I'm sorry."