The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 10

Chapter 9

Sakit

Pinaikot ko ang carbonara sa tinidor at tinitigan ito. Nakapatong ang palad ko sa aking baba habang pinaglalaruan ang tinidor. Tahimik ang paligid at wala masiyadong tao dahil alas-onse na ng gabi. Ni hindi ko nga alam kung bakit carbonara pa rin ang ang nirequest ko kahit disoras na ng gabi. Kaya siguro kakaiba makatingin sa akin ang chef kanina.

Hindi ako makatulog ng maayos, at hindi na rin ako marahil makakatulog pa. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay naaalala ko ang paghawak ko sa baril at pagpihit ng gatilyo nito, maging ang pagpunta ng bala sa dibdib ng Ate ko ay naaalala ko rin.

Napapikit na lamang ako. Maybe the fact that today was Ate Erin's death anniversary didn't help, and instead, it added up to the nightmare.

Isang malakas na pagbagsak ng tray ang gumambala mula sa aking pag-iisip. Itinaas ko ang aking paningin para lamang magulat sa lalaking nasa harapan ko.

Damon.

"A-Anong ginagawa mo dito?" I stuttered while saying those words.

Hindi niya ako pinansin. Instead, he digs into his food and literally shove it towards his mouth. I gaped at him. Certainly, there must have been something behind all of this. He couldn't be just sitting in front of me and eating his food... with me... right?

Nanatili pa rin siyang tahimik. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Hindi ako makakakain habang nakatitig ako sa kanya na ganadong kumakain.

He chewed his food like there's no tomorrow, not offering a glance towards my direction.

Maya-maya pa'y bumagal ang pagnguya niya. I was still sitting in front of him, frozen and unmoving.

"Why aren't you eating?" seryoso niyang tanong. Hindi pa rin nakatingin sa akin ang mga mata niya. He was devouring the palabok slowly. Para bang ninanamnam niya ang lasa niyon. Sa sobrang pagnamnam niya ay hindi niya na kaya pang tumingin sa akin.

"Why are you here?" mariin kong tanong sa kanya. I was not so in the mood for jokes and banters. My heart was hurting from my nightmares and my eyes didn't help that much because I've been crying nonstop ever since I tried to fall asleep a while ago.

I tried to sleep, really, believe me I've tried. But every time I close my eyes, it was like history is repeating itself. My shaking hands, the loud beating of my heart, the sound of the gun, and the tear that escaped right from my eye...yung mismong oras na lumabas ang bala mula sa baril na hawak ko, at nagtungo papunta sa puso ni Ate Erin...

It was slowly passing beneath my mind, haunting me like a memory. And every time that I remember it, I can't help but to cry… slowly regretting doing that. But my heart says otherwise.

"Bawal na ba akong kumain dito?"

"Bakit ka sa harapan ko umupo? Marami namang bakante dito, ha?" mariin kong tanong. I was really determined to know the answer because the fact that my heart keeps hammering against my chest, is slowly bothering me, and making me nervous at the same time.

Hindi kumibo si Damon. Instead, he messed up with his food. Pinaikot niya ang palabok, the way I used to curl it a few minutes ago. I glanced at his food. It was saucy and all. I bet it tastes delicious katulad ng kung gaano ito kasarap tingnan.

Patuloy niya lang iyong ginawa. Samantalang ako ay nanatili pa ring nakatanga sa kanya, unsure of what Damon is doing and thinking. Ni minsa'y hindi sumagi sa utak ko na mapupunta kami sa sitwasyong ito. Yun bang hindi na kami gaanong nagsisigawan at nagpapalitan ng mga masasakit na salita.

But then, I guess nothing seems to last forever.

Inilapag ni Damon ang tinidor sa tabi ng plato. Hindi gaanong malakas at hindi rin gaanong mahina ang pagbagsak niya sa tindor. Gayon na lamang ang gulat ko nang pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tinidor ay inangat niya ang kanyang paningin at tumitig siya sa akin.

At that moment, as Damon stared right through my eyes, as if he was staring deeply right inside my soul... I suddenly wished that the situation we are in were different.

Na sana hindi ako si Ella at hindi siya si Damon. Na sana magkaibang tao kami. Na sana mahal ko siya, at mahal niya ako. Na sana panaginip na lang lahat ng ito.

Ang daming sana sa buhay ko. Ang daming sana, simula nang dumating si Damon. Ang dami kong hiniling pero ni isa, walang natupad. Ni isa, walang nangyari.

Somewhere in my life, I doubted God's existence. I wonder why everything that I deeply wanted to have, desire, and possess... nagtataka ako kung bakit hindi ko sila makuha. Hindi ko magawang maangkin ang mga bagay na gustong mapasaakin.

At the back of my mind, I was cursing Him, and sometimes I’m asking Him. Bakit kailangang sa akin mangyari lahat ng 'to? Bakit kailangang ako? Hindi ko naman deserve 'to. Nagmahal lang ako. But still, ganito? All I wanted was to be loved back and yet, here I am...

Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi nakayanan ang intensidad ng mga titig niya. Damon was always that "too much" in my life. He will always be that "too much" in my life.

He was too much for my heart to take in. His presence was too much, too intimidating for me. His brooding eyes that captivated my heart was too much for my heart, that every time his eyes will stare at mine, it almost seems like it’d burst out of my ribcage. He was too much. He was "too much" for my life.

And maybe because he was too much, I got hurt. Dahil ang lahat ng sobra, ay bawal. Ang lahat ng labis ay nakasasama.

And maybe because I love him so much, that I am willing to do everything... maybe that’s why I am now wrecked and nothing.

Maybe because he is too much.

Kinagat ko ang aking labi. Ang dami kong sana sa buhay ko. Ang dami. Hindi na mabilang pero may iisang gugustuhin ko pa rin sanang mangyari na...

Sana... sana hindi ko na lang siya naalala.

As I gained the courage I need, I looked at him, slowly noticing his rugged look and handsome features. Sa taong lubos kong minahal at pinag-alayan ng lahat ng meron ako, ng lahat ng pagkatao ko at pati na ang buong buhay ko.

Pero hindi niya alam.

Hindi niya alam na may isang tao... sa harapan niya na lubos siyang minahal, na lubos siyang pinag-alayan ng lahat.

Hindi niya alam.

Dahil ang mga mata niya'y sa iba nakalaan. Ang puso niya'y sa iba tumitibok. Dahil kahit kailan hindi magiging si Ella iyon.

Iba si Ella. Hindi si Ella ang mahal niya, kundi si Erin. Si Ate Erin.

Nagbabadya ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata. Pero bago pa sila tumulo ay nagsalita na siya. Mga salitang nakapagpahinto sa mga luha ko para bumagsak. Mga salitang nagsasabi sa aking wala, wala akong karapatang masaktan. Dahil una palang, ako na ang nanakit.

"Bakit mo pinatay si Erin? Ella, bakit?" he whispered like a child, looking so heartbroken. He looks so vulnerable. So weak and fragile. Halos mawasak ang puso ko habang nakatingin sa kanyang unti-unting nadudurog dahil sa ginawa ko.

He was a mess. Ngayon lang nagregister sa akin ang amoy ng alak, marahil ay ininom niya iyon. Hindi ko iyon naamoy kanina dahil hindi naman siya sa akin nakatingin.

"Masaya naman tayong lahat noon, 'di ba? Akala ko tanggap mo na asawa ko ang ate mo. Pero bakit gan'on, Ella? Bakit mo siya pinatay? Ella, mahal na mahal ko ang Ate mo. Pero pinatay mo siya!" punung-puno ng pait ang boses ni Damon habang sinasabi iyon. Ramdam ko ang pighati at hinagpis niya sa pagkawala ng Ate ko.

Isang taon pa lang... isang taon pa lang namatay ang Ate ko. Of course, it still hurts. Masakit pa rin iyon. Lalo na kay Damon dahil asawa niya ang Ate ko.

Pero masakit din pala.

Masakit din palang malaman na yung mahal mo, may mahal na iba. Masakit pala.

Masakit palang malaman na yung mahal niya, yumao na. Pero mahal na mahal pa rin niya. Na siya pa rin yung dahilan kung bakit mahina si Damon. Kung bakit wasak si Damon.

And the fact that I was the reason why his beloved was dead...

Mas masakit pa sa lahat ng masakit. Na ikaw yung dahilan kung bakit hindi siya masaya… Na sa tuwing nakikita ako ni Damon, palagi niyang naaalala na ako ang pumatay sa mahal niya… Na sa tuwing nakikita niya ako, naaalala niya na ako yung naging dahilan kung bakit hindi na siya masaya…

…Na sa mga kamay ko namatay si Ate Erin, ang asawa niya.

Tinitigan ko lamang siya, struggling to utter the words that may ease the storm inside his heart. Gusto kong sabihin kung bakit. Gustung-gusto ko. Pero hindi pa handa si Damon.

At hindi na siguro siya magiging handa. Hindi na rin siguro siya maniniwala kahit sabihin ko pa.

Dahil... bakit nga naman siya maniniwala sa akin, e ako ang pumatay sa asawa niya?

"Damon, mahal kita..." Sa pagbuka ng aking bibig ay tsaka ko naman pinikit ang aking mga mata. At hindi ko na nga napigilan ang pagtulo ng luha mula roon. Humikbi ako habang tumutulo ang mga luha mula sa aking mga mata.

Katangahan. Heto na si Damon, tinatanong ako kung bakit ko pinatay ang asawa niya, pero wala akong nasabi. Wala akong nasabi kundi ang sikreto ko... na mahal ko siya.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay tinitigan ko siya. Galit, lungkot at sakit ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Iniwas ko ang aking tingin. Mabuti na rin siguradong ito na lang ang malaman niya.

"That's bullshit!" Hindi ko mapigilang mapakislot nang sumigaw siya. His breath fanned towards my face. Amoy ko ang alak mula sa kanyang bibig. "Ella, asawa ako ng Ate mo! Mahal ko siya at mahal niya ako!" Mapait niyang sigaw sa akin, na sinagot ko rin ng mapait na ngiti.

Ulit-ulit tayo? Pwes, walang may pake, Damon.

I composed myself, wiped my tears using the back of my hand. "That's why I killed her. Kaya ko siya pinatay, para sa akin ka na. It worked... hindi ba?" The coldness within my voice was evident. And I'm glad that I didn't quiver. I am glad. Because if I did, that will probably blow everything off.

And as I see hurt painted all over his face, with the mixture of anger and bitterness, ramdam ko... Ramdam ko ang pakikiramay ng puso ko. Ramdam ko ang pagkawasak nito. Ramdam ko.

I was silently cursing myself to death. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang sinabi ko. Hindi ko alam. Maybe because I really am stupid. Kasi tanga lang talaga ako.

At siguro... dahil mahal ko si Damon. Siguro dahil iyon sa ayaw ko siyang masaktan. Ayaw ko na siyang madurog pang muli. Tama na yung namatay si Ate Erin. Tama ng ayun na lang. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago ang katotohanan, pero gagawin ko iyon hangga’t kaya ko.

Hindi na ako nagulat nang mabilis na tumayo si Damon paalis sa aking harapan. Rinig ko ang padabog niyang pag-alis. Hindi niya na rin inabala ang palabok na kanina niya pa kinakain.

At sa pagtalikod niya nga'y hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Ang pagtangis ng puso ko, at pagkawarak nito. Sa pagtalikod niya'y nakisabay ang pagdurog nito.

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit ng dibdib ko. I clutched my chest and sobbed. Iniyak ko ang lahat ng sakit at pighating nararamdaman ko. All of my pain and regrets, I cried them all out.

Sa pagtalikod niya ay niyakap ko na ang katotohanang hindi magkakaroon ng "tayo" sa salitang "siya" at "ako."

…Na kahit kailan hindi niya ako magagawang tingnan katulad ng pagtingin ni Ate Erin sa kanya, at maging siya kay Ate Erin.

…Na kahit lumipas na ang mga taon ay wala pa ring mangyayari dahil mananatili ang pag-ibig niya sa ate ko, kasama ng galit at sakit sa tuwing nakikita niya ako.

…Na sa paglipas ng panahon ay mananatili akong nagdudusa sa kasal na ito, umaasang magugustuhan niya ako, na magkakaroon siya ng damdamin para sa akin. Kahit kakarampot lang. Kahit kakaunti lang.

I covered my face with my hands and broke down. I can hear my hollowed voice throughout the cafeteria. Ramdam ko ang butas sa aking dibdib at panaghoy ng puso kong wasak na wasak.

And as I glanced towards the road that Damon took ...hindi ko na nakita pa ni ang likod niya. I silently wished na sana...

Sana ganoon din kabilis mawala ang lahat ng sakit.

Sana ganoon din kabilis mawala ang pagmamahal.

Sana...

Sana hindi na lang ulit tumibok ang puso ko sa kaniya. Sana hindi ko na lang siya naalala.

Sana hindi ko na lang siya nakilala.

And with that thought, I cried harder than I have ever cried before.

I gasped for air as I struggled to breath. Ang sakit.

Ang sakit palang magmahal.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.