The Power Of Love Chapter 13

XATANA'S POV

Nakasilip ako ngayon sa bintana ng restaurant na ito. Ang ganda pagmasdan, yung pakiramdam na malaya ka. Gusto ko na lang tumakas sa responsibilidad na ibinigay sa akin.

"Malalim ata iniisip mo?"

Hmm malalim? Siguro nga ay malalim, sa sobrang lalim ay hindi ako maka-alis. Sa sobrang lalim hindi ko alam kung kaya kong mag-isa.

"Xatana, may problema ka ba?"

Sasabihin ko ba? Pero bakit naman? Hindi ko naman siya boyfriend? Hindi ko din naman siya kapatid. Hindi ko naman siya kaibigan? Siguro noon oo, pero iba na ngayon.

"Ah, iniisip ko lang kung ok na sila sa hospital. Nga pala, ikaw lang ba mag-isa pumunta ng hospital?"

Hindi ko alam kung sino na hospital, gusto ko lang mapunta ang topic sa ibang bagay.

"Naaalala mo si Ches? He's in the hospital right now. Biglang umatake asthma niya. Kauuwi niya lang dito. His butler said he left because he was going somewhere then we received a call from the hospital." Mahabang pagpapaliwanag nito.

So kaya pala si Ches yung nasa hospital, pero paano na trigger ang asthma ni Ches? Alam ko kung bakit pinagbabawal ito sa school noon dahil sa sakit niyo.

Hindi ko alam pero ayaw ng mga magulang nila na ilabas si Ches dahil delikado daw para sa sakit nito.

Over reacting or over protective?

Wala naman itong magagawa, noong nasa college kami nila Morpheus at Ches ni minsan hindi ito nakipag interact sa amin.

Ako at sina Vannesa, Estella, Aestheria, Ametrine, Morpheus at Ches ang magkakaibigan noon sa college.

Lahat ng kalokohan nagawa nanamin pero hindi naman sobra. Dahil nga kontrolado kami ng pamilya namin kaya mild lang.

Hindi ko lang maisip, paanong na trigger ang asthma nito?

"Ikaw, sino nasa hospital?"

Kahit kailan talaga, kung magtanong ang isang ito akala mo close, tsk.

"Si Vannesa at Aestheria, na aksidente silang tatlo kasama si Ametrine pero ok na siya. Silang dalawa kasi ang napuruhan talaga dahil sa impact kaya nandito ako kasama si Estella."

"Na saan siya, shouldn't you be with her?"

"Nagising na kasi si Ria so I left them there to talk."

Tumahimik naman na kami, ang awkward. Hindi siguro tama na-

"How are you? Are you happy?"

Nagulat ako sa tanong niya. Kumusta nga ba ako? Masaya nga ba ako?

"I'm fine and happy. Lalo na gising na si Ria, so yeah, I'm happy."

"If that's so, let's eat." Mukha namang satisfied siya sa sagot ko at tinawag na yung waiter.

*Estella's Calling*

Oh, tumatawag si Estella. Tapos na siguro sila?

Sinagot ko naman tawag nito.

"Tapos na kayo diyan?"

[Na saan ka na ba? Nandito yung isang lalaki, yung Zamora. Kinukulit niya si Ria!]

"Psh, malamang boss niya yan. Baka naman kina-kamusta niya lang si Ria."

[Kahit na ba, kailangan din ni Ria ng pahinga. Tiyaka ako yung kapatid 'no. Dapat ako yung nag-aalaga.]

Nagseselos ata ang isang ito.

"Kumalma ka nga, hayaan mo kaya muna sila. Gusto mo akong samahan dito sa restaurant? Kuma-"

[No thanks! Ako na lang bahala sa isang' to. Hmp!]

At iyon, pinatay na niya yung tawag. Haynako naman.

"What happened?"

"Wala, ang dami naman nito?"

Nakausap ko lang sa phone si Stel ng ilang minuto ang dami namang pagkain? Hindi ko naman mauubos lahat ng pagkain dito sa lamesa.

"Uhm, hindi ko alam gusto mo so I just bought everything."

"What?!"

Lord, akala ko simpleng kain lang ito. Boodle fight pala ang mangyayare.

"Don't worry I'll pay for the food."

Aba'y dapat lang! Hindi ako nagdala ng madaming pera ngayon, hayst.

"Let's eat."

Kumain naman na kami pera may naramdaman akong nag ring sa phone ko kaya tinignan ko kung ano iyon.

May message si Mr. CEO? Nakita na niya siguro yung email at text message ko sa kaniya.

Pinindot ko naman yung messages ko at tinignan message ni Mr. CEO.

"I want you to do something tomorrow. Right now, you have to give it to Mr. Zamora all the files I sent you and don't forget that we have a meeting with another company."

Teka day off ko ba talaga ngayon? Akala ko wala na akong gagawin para sa company. Akala ko lang pala.

"Yes Mr. CEO, I will give it to him right away." Reply ko sa message nito.

"Ayaw mo ba ng pagkain?"

Naagaw atensyon ko ng magsalita si Morpheus. Nga pala, siya yung kasama kong kumain ngayon. Haynako, nakalimutan kong hindi pala ako kumain.

"Nope, ok naman sila. May tinignan lang ako sa phone ko. Anyway, let's eat!"

ESTELLA'S POV

Argh! Nakakainis na Zamora iyon! Akala mo kung sino! Hindi naman sila mag boyfriend-girlfriend ni Ria. Kung umasta akala mo kunh sino!

Nandito ako ngayon sa labas ng hospital, ayoko sa masamang amoy ng Zamora na iyon!

Hayst, makakain nga muna. Dalhan ko na lang sinRia ng makakain.

May restaurant pala sa harapan ng hospital na ito? Saktong-sakto hindi na ako pupunta sa ibang lugar para bumili ng makakain.

Teka si Xatana ba iyon? Kaya pala nag-aya na kumain dahil malapit lang pala. Sino naman kasama niyang kumain?

Mo-Morpheus?

Bakit magkasama silang dalawa? Akala ko hindi na sila? Malamang wala na silang dalawa pero bakit ganito, nasasaktan ako. Akala ko hindi sila nagkikita?

Kaya ba gusto niyang kumain ako kasama niya para ipamukha sa akin na hindi ako magugustuhan kahit kailan ni Morpheus? Anong akala niya sa akin? Mapapahiya niya ako sa harap ng lalaking minahal ko?

Bakit sila ganito sa akin! Una si Ria, ngayon naman si Xatana.

Bakit niyo ba ako sinasaktan!

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Matapos ang ilang buwan at ngayon umiiyak ako sa isang dahilan. At yun ang ikinagagalit ko.

Nagseselos ako, oo! Dahil ni minsan walang nagmahal sa akin ng katulad sa kanila.

Sino ba naman ako diba? Si Estella na walang ipagmamalaki sa pamilya.

"Miss, do you want a companion? You look sad."

Lumingon ako kung sino yung nagsalita pero hindi ko siya kilala.

"Sino ka?"

"You don't have to know me."

Bigla ko na lang naramdaman ang isang balikat nito na nakasandal na pala ulo ko dito.

"Sa-salamat, kung sino ka man."

"You don't have to thank me."

Sino kaya siya? Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Yung feeling na i-comfort ka.

"Felling better?" Agad akong tumango sa tanong nito.

"You like that man, am I right?"

"Yes, I've liked him since college, but they're in love. They broke up because of the man's cheating but now that they are both happy, I know they will get back together again."

"If they are not in love yet, you can admit that you love him."

"Pero alam ko naman na sagot doon. Hindi naman niya ako magugustuhan."

"You also can't say, try it. I know it's rare for a woman to admit but for you too. So you know when you're going to stop."

Siguro tama siya, kung siya mismo sasagot kung hindi niya ako gusto mas maganda na yun. At least alam ko sa sarili ko na hindi na magiging kami at kailangan ko ng tumigil.

"Sige,salamat sa advice mo."

"Stop thanking me, if you're ok now then I need to go." At umalis na siya.

Salamat, balang araw sana makita ulit kita.

"Estella, bakit nandito ka? Sino yung lalaki kanina?" Oh hindi ko napansin, nandito na pala si Xatana at Mo-morpheus.

Bakit ako nauutal?

"Ah, hindi ko rin kilala eh. Nagtanong kasi ako kung saan pwede kumain." Pagsisinungaling ko, no choice naman ako.

"Pwede ka namang kumain sa pinagkainan namin ni Morpheus. Tumawag ka kanina sabi mo ayaw mo. Musta na pala si Ria?" Oo nga pala, nakalimutan ko si Ria.

"Kausap niya yung bwiset na lalaki. Nandoon sila ngayon, lumabas ako kasi nagugutom na ako so ayun nga."

Tumawa naman si Xatana sa sinabi ko. "Talagang galit ka sa lalaking yun ah? Sige, kakain ka ba doon? Samahan na kita?"

Umiling na lang ako. "Ayoko naman na kumain. Pasok na tayo sa hospital? Si Ria baka gutom na din, bili muna tayo pagkain?" Pag-aya ko, pero parang nagsisisi ako. Kasama pala namin ni Morpheus.

"No problem, ikaw Morpheus sama ka ba sa amin? Baka naman kailangan mo na ding puntahan si Ches?" Tanong ni Xatana, tinignan ko naman expression ni Morpheus at kung anong sagot nito.

"Sure, bibili na din ako pagkain para sa kaniya."

"So let's go."

Nagtungo na kami sa restaurant na kinainan nila Xatana. Kesa naman lumayo pa diba?

Pumipili lang ako ng bibilhin habang sila Xatana at Morpheus nag-uusap kung anong bibilhin para kay Ches.

Silang tatlo lang naman sobrang close sa isa't-isa.

Hindi talaga tama na isama ko silang dalawa.

"Estella! Bili nadin ba tayo ng prutas? May mall diyan sa malapit."

"Huwag na siguro, ok na yan. Hindi naman nag-prutas masyado yun, masasayang lang."

"Sa bagay, sige ito na ba bibilhin natin?" Tumango na lang ako sa tanong niya. "Sayo Morpheus, ok na yan?" Tumango na lang din ito.

Pumunta na kami sa may cashier at ipinabalot yung mga pagkain.

Nang matapos na kami ay umalis na kami doon at bumalik ng hospital.

Umakyat kami hanggang sa second floor. Akala ko maghihiwalay na kami yun pala hindi, gusto daw niyang makita si Ria. Sabi namin huwag na kasi malaki galit ni Ria kay Morpheus pero gusto niya talaga makita si Ria so no choice kami.

"Paano si Ches?" Agad na tanong ni Xatana. Oo nga, buti naitanong niya si Ches.

"May kasama naman-"

Naputol sasabihin nito dahil sa pagbukas ng pintuan mula sa kuwarto nila Ria at nakita na lang namin yung dalawa na hindi ko alam kung nag-aaway or harutan ba.

"Sabi ko sayo titirisi..

Oh hello Xatana... Teka bakit nandito yang hinayupak na yan?!" Galit na sigaw ni Ria.

"Zamora! / Kuya Morpheus?!" Teka magkakilala sila Morpheus at Zamora, kuya daw?

Tulala lang lami ditong dalawa ni Xatana, tiyaka lang bumalik diwa namin ng biglang sinuntok ni Ria si Morpheus.

Inawat naman namin si Ria at si Zamora inalalayan si Morpheus.

"Anong ginagawa mo dito ha?! Ang lakas ng loob mong magpakita sa harapan ko! Pagkatapos mong saktan si Xatana tapos babalik-balik ka dito!" Galit na galit si Ria.

Kilala ko siya, hindi niya sasayangin ang suntok kung kani-kanino pero pag kay Morpheus ibang usapan na.

Ngayon ko lang ulit siya nakita na ganito kung magalit. Wala siyang pag-aalinlangan.

"Ria, tama na yan. Hindi ka pa totally ok. Isipin mo naman sarili mo."

"Tsk, sa akin mo sasabihin yan Xatana? Matapos ng pagloloko ng hinayupak na yan! Napatawad mo na ba siya ha?! Isipin mo din yang sarili mo huwag ako! SINAKTAN KA NIYA, MAGPAPALOKO KA NAMAN NGAYON?!" Biglang sinampal ni Xatana si Aestheria.

"Ni kailan man Ria hindi ko inisip na magpaloko ulit alam nyo yan! Nasaktan ako, sobra pero hindi pwede ikulong ko sarili ko na parang basang sisiw sa isang kulungan!"

Xatana...

"Gusto kong lumaya mula sa nakaraan at humakbang pasulong palayo sa nakaraan. Ria, kinalimutan ko na yun. At kung ipapaalala mo ulit ang nakaraan na yun, hindi ba sobra naman na? Nasasaktan kayo dahil sakin pero noon 'yon, iba na ngayon."

Matapos ng sinabi nito ay umalis siya. Ganito ang gawain niya kapag hindi siya ok. Pupunta siya sa ibang lugar at magpapakalma.

"Ria, sobra na yung sinabi mo. Anong gagawin mo ngayon? Umalis na si Xat." Pinakalma ko siya, sana lang ok si Xatana.

"Pasensya na, hindi ko lang mapigilan pagnakikita ko yang gunggong na yan sa harapan ko. At ikaw Zamora, bakit kilala mo yan at sabi mo kanina KUYA mo siya?" May diin sa boses nito ng magtanong ito kay Zamora.

"He's my brother." Sagot ni Morpheus.

"Actually, adopted brother lang ako ng pamilya Sy. Pumunta ako dito para kumustahin ka at makita si Ches."

Agad na pumasok sa loob ng ward si Ria.

"Zamora, alalayan mo na lang si Morpheus. Umalis na kayo, nakakahiya na din kasi madaming tao dito sa hospital. Sana naiintindihan niyo. Sige, bye!"

At pumasok na din ako sa loob.

Hayst, ang gulo na naman. Buti at hindi pa nagising si Vanessa. Musta na kaya si Xatana?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.