The Power Of Love Chapter 12

XATANA'S POV

Nasa school ako ngayon, hindi ko alam kung bakit ako dumeretyo dito. Siguro ay miss ko na mga panahong nakilala ko sila.

"Xatana?" Parang narinig ko yung pangalan ko.

Hinanap ko kung saan galing ang boses na iyon hanggang sa may nakita akong isang lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa akin.

"Ches!" Masaya ako at nakita ko siyang muli.

Agad akong lumapit sa kanya. "Matagal ka na bang nakauwi?" Sabik kong tanong dito.

"Hindi naman, kakarating ko lang. Hindi alam nila Mom na pumunta ako dito."

Hmm, hindi kasi siya puwede dito. Dito siya noon nag-aral kasama ng kapatid niya, which is ex-boyfriend ko. Simula ng maghiwalay kami ng kapatid niya bihira na kami magkuwentuhan.

"Bakasyon ka na ba dito?" Naging malungkot naman siya sa tanong ko.

"Yes, dahil nandito ang kapatid ko dapat kasama din ako."

So siya nga talaga ang nakita ko noong nasa party ako?

"Nagkita na ba kayo?"

Haynako Ches, imbis na masapak ko yung kapatid mo, iniwan ko lang siya. Hindi ko alam pero nandoon pa rin yung mga panahon na sinaktan niya ako. Siguro nga ay mahirap kalimutan kapag talagang minahal mo ng buo.

"Xatana? Ano, nagkita na ba kayo?"

"Hi-hindi, hindi ko nga alam na umuwi na pala kayo." Pagsisinungaling ko. Kailangan kong mag-sinungaling. Ayoko naman na mag-isip siya ng kung ano sa amin ng kapatid niya.

Tinitigan niya ako at saka ngumisi. "Kilala kita, matapos ang ilang taon natin sa college magsisinungaling ka pa?"

Tsk, hindi talaga ako magaling kapag nagsi-sinungaling sa iba.

"Oo na, nagkita kami. Sa isang party pero hanggang doon lang."

"Bakit nagsinungaling ka sa akin?"

"Alam ko naman na bibigyan mo ng malisiya iyon Ches!"

"Ako?" Bigla naman itong tumawa ng malakas. "Imposible dahil masasapak ako no'n. Noong nasa ibang bansa kami, ang daming babaeng lumalapit doon pero hindi siya interesado. Naalala ko iniinis ko pa iyon sa ibang babae, nagalit pa sa akin."

So hindi siya nagkaroon ng girlfriend sa ibang bansa? Akala ko magkakaroon siya doon. Ang daming magaganda at mayaman doon.

"Maiba naman tayo, kumusta ka na?"

"I'm fine, we're fine. Na miss ko na din ang pilipinas."

"Pero parang nararamdaman ko na hindi ka ok?"

Nagpigil ito ng tawa at nagsalita. "Iba yang nararamdaman mo. Baka para saiyo yan."

Agad akong sumagot. "Hindi or oo? Ewan ko kung anong nararamdaman ko ngayon."

"Teka anong dala-dala mo? Bakit may bag ka diyan?"

"Ah wala, may mga designs kasi na kailangan ng ayusin. Nasa akin na yung designs. Titignan ko na lang, kaya ako nandito. Siguro dahil tahimik at maganda dito tumambay."

"Kailangan mo ba ng tulong para diyan?"

Tumangi ako, baka malaman niya na hindi para sa company ko ang tungkol sa mga designs na ito.

"Alam ko hindi ka naman interesado sa mga damit at saka hindi ka ba hinahanap ng butler mo?"

Pagkasabi ko no'n ay nagulat ito. Siguro ay naalala niya na hindi siya pwedeng magtagal dito.

"Sige, bye. Salamat sa time." Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Salamat din sa oras, mag-isip ka na ng idadahilan mo."

Nag-paalam naman na ito at umalis na. Hindi talaga magandang ideya na maging mayaman. Oo, masarap maging mayaman. Nabibili mo kung anong gusto mo pero kontrolado ka din minsan ng mas nakakataas.

Hayst, kahit na maging simple o normal lang na buhay ok na sa akin.

Nga pala, baka makalimutan ko na naman yung designs. Kanina nawala na sa loob ko yung designs noong nasa kuwarto ako dahil sa nalaman ni Estella tungkol kay Van.

Kailangan ko munang kalimutan iyon sa ngayon. Hindi puwedeng ma-distract ako sa ibang bagay.

Kinuha ko na laptop ko at binuksan agad ang documents na pinasa ni Mr. CEO.

Napapaisip ako, paano sila mahihirapan sa pag decide ng design kung sila naman itong magagaling tumingin? Hayst, lalo na si Mr. CEO, kahapon ang gaganda ng mga dress.

Pagkabukas ko ay may nakita akong mga designs ng dress.

Hmm, dress ang target nila?

Matignan nga kung may iba pang pagpipilian. Teka, dress lang nandito? Meaning, dress ang napag-usapan nilang target?

Ang mamahal ng tela na gusto nilang gamitin. Ngayon, ang theme naman gusto kong malaman.

Hinanap ko kung na saan ang theme, pagkabasa ko ay natulala ako.

"Summer wedding dress theme for bride?!" Agad kong sigaw.

Teka, teka, ito ba yung dapat kay Drixie? Why not diba? Kakakasal niya pa lang pero tapos na yun. Mag-asawa na sila. Baka wala na mang meaning diba?

Pero ang isang summer wedding dress ay hindi basta-basta. Hindi ko alam kung yung gagamit ba ay picky masyado.

Tignan ko nga mga designs, baka naman kasi magaganda kaya hirap sila.

Nag-scroll ako ng nag-scroll. Ok naman mga designs ah, unique as ever pero sobrang revealing yung design.

Ok na sana yung designs huwag lang masyadong revealing. Ikakasal ka na lang magpapakita ka pa ng dibdib? Likod? At balikat?

Hindi naman lahat ng babae nagpapakita ng ganito-ganiyan. Magbibigay na lang din ako ng opinion at suggestions para sa theme.

Ginawa na nila sanang bikini yung dress, pero hindi naman matatawag na dress iyon. Ang wedding, huwag nilang kalimutan. Sana naman yung karespe-respeto yung dating.

Ilang oras na din akong busy dito, hayst nakakagutom.

"Mukhang problemado ka diyan ah?"

Tinignan ko kung sino yung nagsalita. Tsk, si Estella lang pala.

"Bakit nandito ka?"

"Ano ba naman 'yan, itatanong mo agad sa akin bakit ako nandito? Ano ba sa tingin mo ang oras na ha?"

"Parang si Aestheria kausap ko ngayon. Hindi kaya sinaniban ka niya Estella?"

"Hindi naman patay kapatid ko-_-"

Pft, kagaya ng kapatid niya kung magalit. Mag-kapatid nga silang dalawa.

"Ito baka kailangan mo daw, sabi ni Ame." May ibinigay ito sa akin. Isang box, pagkabukas ko ay may bracelet.

"May masama bang nakain ang isang iyon?" Takang tanong ko dito.

"Bakit naman? Hindi naman, baka good mood lang siya. Alam mo naman yun nagbibigay kapag masaya."

"Baka naman may okasyon ngayon? Birthday ko?"

"Ang dami mong tanong. Basta bigay niya yan. Nga pala, nakita ko si Ches kanina lang dito. Nakasilip lang siya, nagkita na ba kayo o hindi?" Hmm, akala ko umuwi na siya sa kanila?

"Yeah, kanina pa. Wala ba siyang sinabi sa iyo? Nakita ka ba niya?" Nag-isip ito ng kaunti at nagsalita.

"Nope, basta nakita ko lang siya na naka-silip dito sa direksyon mo."

"Hayaan mo na nga yun. Nagugutom na ako, tapos naman na yung ginagawa ko. I think? Uwi na tayo?"

"Yan din talaga ang iniintay ko na sasabihin mo, tara!"

Inayos ko na muna mga gamit ko at umalis na kami. Sumasakit na din kasi tiyan ko. Naalala ko hindi pa pala ako nag-almusal kanina, tsk!

Nandito na kami sa kotse ni Van. Pauwi na kami, habang nagmamaneho siya ay binuksan ko muna yung cellphone ko. Mag-iiwan ako ng message kay Mr. CEO

To: 09*********

Mr. CEO, nai-send ko na sa inyo lahat. Naka-indicate na din mga suggestions ko regarding sa theme.

Pagkatapos ay sinend ko na ito sa kaniya, siguro naman hindi siya magagalit kung ngayong tanghali ko lang naibigay. Dami kasing nangyare ngayong araw. Paano pa kaya mamayang hapon? Sakit pa naman sa ulo mga kaganapan ngayon.

"Xatana, pakikuha nga ng cellphone sa bag ko. May tumatawag, hindi mo ba naririnig?"

Oh baka dahil sa busy ako sa pag text kay Mr. CEO hindi ko na nadinig.

"Ah sige, saan ba dito? Ang daming zipper naman nito." Pagrereklamo ko. Hindi ko alam kung naka category mga gamit ng babaitang ito.

"Oh sa pinaka-maliit, doon sa loob ng malaking zipper." Bakit kasi ang daming zipper ng bag niya?

Hinanap ko na yung cellphone niya. Sabi niya sa may pinaka-malaking zipper tapos may maliit na zipper doon.

"Nakita ko na, ito oh." Inabot ko sa kaniya yung cellphone niya.

"I-loudspeaker mo na lang ulit. Tumatawag pa ba?"

"Nope, nag missed call na lang eh." Ibaba ko na sana pero nag-ring ulit ang phone nito. "Tumatawag ulit siya Estella, registered number lang nandito."

"Sagutin mo na Xat." Sinagot ko na yung tawag at pina loudspeaker ko na din ito.

[Hello, ikaw po ba ang kapatid ni Ma'am Aestheria Diaz?] Tanong ng nasa telepono.

"Yes, ako nga. Sino ito?" Attitude ka girl? Seryoso kasi pft.

[Sa hospital po ito, gising na po siya. Nagpupumilit po kasi na lumabas pero ayaw ni Doc.] Nagkatingingan kami ni Estella

"Sige, on the way na kami diyan. Huwag niyo siyang hahayaan na lumabas." Singit ko sa usapan nila.

[Yes Ma'am, wala din po pala yung isang babae dito. Hindi po namin alam kung saan siya pumunta.] Wala si Ametrine sa hospital?

"Sige, sige, hintayin niyo kami diyan."

Ibinaba ko na ang tawag at lumiko naman ng direksyon si Estella.

"Pag si Ame gumawa ng kalokohan malilintikan talaga sa akin iyon! Nagugutom na kaya ako." Tinawanan lang ako ni Estella.

"Sana lang may valid reason siya para hindi na siya makulong ulit sa kuwarto." Tumawa na lang kami sa sinabi nito.

Sarap ngang ikulong ng isang iyon, sakit sa ulo.

Mga ilang minuto ay nakarating na kami ng hospital. Agad kaming nagtungo kung saan ang kuwarto nila Vannesa at Aestheria.

Pagkapasok namin ay galit na mukha ni Aestheria ang nakita namin.

"Xat, itong mga nurse dito ayaw akong paalisin! Ok naman ako ah, wala nga akong nararamdaman eh!" Ang isang ito talaga, hindi pa rin nagbabago kahit na nabagok na.

"Ok ka na ba talaga Ria?" Pag-aalinlangang tanong ni Estella.

"Tsk, hindi niyo pa ba ako kilala Xat? Stel, alam mong matagal mamatay ang isang masamang damo." Anong pinagsasasabi ng isang 'to?

"Ria, hindi ka naman damo. Tao ka pero yung masama, totoo yun." Seryosong sagot ko. Nainis naman ito.

Pft, akala ko naman ok lang sa kaniya na sabihin ko yun. Siya naman mismo nagsabi ng word na yun.

"Sige na, salamat sa inyo at hindi niyo siya pinalabas dito." Pagpapa-salamat ni Estella sa mga nurse. Umalis naman na sila kaya pinakalma na namin si Ria.

"Ano ka ba naman, kakagaling mo nga lang ganiyan ka na agad! Sila nag-alaga sa iyo dito tapos ganiyan mo sila tratuhin! Imbis na magpasalamat ka, ano ibinigay mo?!" Mahabang sermon ni Estella sa kapatid nito.

"Sorry na, hindi naman—" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya nang yakapit siya ni Estella nv mahigpit.

"Alam mo bang nag-alala ako sayo?! Alam mo ba, iniisip ko baka hindi ka na gumising!"

Makaalis na nga muna, moment ng magkapatid ito ngayon. Ayoko namang mang-istorbo, lalo na kakagising lang ni Ria.

Maka-kain na nga muna. Saan kaya may makakain dito?

Lumabas na ako ng kuwarto ng hindi nila nalalaman. Gutom din ako 'no. Hindi pa ako nakakakain.

Bumaba ako sa first floor at diretyo labas ng hospital.

May nakita akong restaurant, siguro doon na lang ako kakain. Sumasakit na tiyan ko sa gutom.

"Ms. Lockwood?"

Hmm? May tumawag ba sa akin?

"Xatana Lockwood?" Narinig ko buong pangalan ko kaya agad akong lumingon at nakita ko siya.

"Morpheus?!" Nagulat ako, nandirito siya?!

"Tama ako, ikaw nga yung nakita ko mula sa hospital."

"Ahh, oo may dinalaw lang."

"Kaibigan mo? May dinalaw din ako doon." Halata dito na masaya siya. Yun kasi nakikita ko simula pa kanina. "Halika, kain muna tayo. Treat ko, ano?"

Bakit niya ako inaaya? Hmm, ok lang naman siguro. Need kong mag move on. Dito ko malalaman kung nakapag move on na nga ba ako.

"Sige, ok lang pero kung pwede doon tayo?" Tinuro ko yung restaurant na katapat nitong hospital. Ayokong mapalayo baka lumabas si Estella or sumama si Ria sa kaniya.

"No problem, let's go."

Sumunod ako sa kaniya at nagpunta kami ng restaurant.

Nakapag-move on naman na ako diba? Bakit ako kinakabahan? Huwag mong sabihin na Xatana mahal mo pa rin ang mokong na nagloko sayo? Hayst!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.