The Power Of Love Chapter 18

XATANA'S POV

Tulala ako ngayon dito sa kwarto, kakauwi ko lang galing sa kumpaniya.

Alam niyo yung physically and mentally na pagod ka?

Tsk, inis na ginulo ko ang buhok ko at sumigaw ng malakas.

"AHHH!!!"

Matapos no'n ay agad kong pinakalma ang sarili ko kasabay no'n ang malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Xatana! Are you ok?! Ano yung sigaw mo, kanina?!" Nagpapanic si Ametrine ng marinig ko ito sa labas.

Halata naman kasi grabe kung kumatok akala mo maninira ng pintuan.

"Xatana, pag-usapan natin yan. Walang mabuting idudulot yang gagawin mo. Nandito lang kami." Kalmado pero pag-aalalang saad ni Aestheria.

Ano bang iniisip nila? Pft, akala ba nila may gagawin akong masama?

"Xat, magkakaibigan tayo dito, pamilya na tayo dito. Sabihin mo kung may problema ka, pwede mo kaming lapitan."

Seriously? Pati ba naman si Estella? Gosh, ano bang iniisip nila?!

Wala na akong nagawa pa kaya tumayo na ako at pinagbuksan ko sila ng pinto.

"At ano na naman yang sinasabi niyo?! Nag-iisip lang naman ako dito para kayong ewan na nagsasalita diyan ng kung anu-ano!"

Bigla naman silang natigilan ng lumabas ako sa pintuan. Bigla naman silang nagtaka at tinitigan ako.

Pumasok sa loob si Ametrine at tinignan lahat ng sulok dito sa kwarto ko.

"Wa-wala kang ginagawa dito?" Kita ko ang mukha ni Ametrine na nagtataka. Kahit na buong kwarto ko na ang tinignan niya.

Walang expression ang ipinakita ko sa kanila.

"Ano yung sigaw mo kanina lang?" Naguguluhan man ay nagtanong din si Aestheria.

"Sumasakit kasi ulo ko sa trabaho ko kanina, kaya sumigaw ako. Nilabas ko lang naman inis ko, bawal ba?"

Mukha namang satisfied si Aestheria sa sagot ko at hinayaan na lang ako. Sa totoo lang, kasinungalingan yun. Wala namang nakakainis sa kumpaniya.

"Kanina ka pa kasi namin napapansin na tahimik, hindi mo rin kami pinansin noong umuwi ka. Kaya kung anu-ano na naisip namin."

Hmm, tama naman yung sinabi ni Estella.

Simula ng umuwi ako dito kanina, hindi ako nakipag usap o tumingin man lang sa kanila.

Agad akong umakyat at nagtungo sa kwarto ko kanina at ayun nga, parang nagmukmok lang ako sa kwarto.

"Sorry, galing kasi ako sa trabaho, sa sobrang pagod ko at inis ko hindi ko na kayo napansin noong umuwi ako, patawad."

Agad naman silang ngumiti sa akin at nagsalita. "Ok lang yun."

Ngumiti silang tatlo sa akin at ako naman hindi ko maiwasan na mag-isip. Kasinungalingan na naman ang sinabi ko.

Maiintindihan naman siguro nila. Ang dami ko pang pro-problemahin at aayusin. Sa arranged marriage namin at...oo nga pala wala na akong balita tungkol doon.

"Teka, ano na pa lang nangyare sa arranged marriage nating apat?"

"Ako na magpapaliwanag sayo—" hindi na natapos sasabihin ni Estella ng may naamoy kaming hindi maganda.

"Anong amoy yun? Pa-parang may...nasusunog?!"

Nanlaki naman mga mata nilang tatlo at nagtinginan sa isa't-isa.

"Kayo ata ang may balak na masama." Tumawa ako ng malakas at yung tatlo naman nagtitigan lang.

"Sige na Ametrine at Aestheria, bumaba na kayo. Si Estella na lang kakausapin ko tungkol doon. Masusunugan pa tayo ng bahay nito hahaha."

Halata naman, iniwan nila yung pagkain sa baba. Umakyat sila rito at hindi na naisip yung niluluto nila haha.

"Si-sige, bababa na kami." sabi ni Aestheria at bumaba na.

Inaiwan naman dito si Ametrine kaya nagtanong ako sa kaniya.

"May kailangan ka pa ba Ametrine?"

Bigla naman itong umiling at tarantang umalis.

"Hmm, anong meron sa babaeng yun. Ang weird." Bigla ko na lang na sabi.

"Mabuti at tayong dalawa lang ang mag-uusap, these days kasi inalam ko kung anong nangyare bakit naaksidente silang tatlo." panimula nito.

Pumunta naman ako sa upuan kung na saan ang computer ko at umupo.

"Ano daw ang dahilan?"

"Magkahiwalay kong tinanong si Ametrine at Aestheria. Una, si Ame ang kinausap ko..."

Nagpaliwanag si Estella sa akin kung anong sinabi ng dalawa sa kaniya. Tugma naman daw ang nangyare na sinabi ng dalawa.

Pero nang malaman ko ang dahilan ay parang hindi ako naniniwala. Same din kami ng naiisip ni Estella. Masyado naman kasing unreasonable yung paliwanag nila.

Kung dahil sa nagulat si Vanessa kaya siya nag-preno hindi naman kaya ang weird no'n?

Pero kung nagulat siya sa isang bagay, maaari pa.

"Teka, may iba bang kausap si Vanessa sa phone nang nag-usap silang tatlo?"

"Tinanong ko na yan sa kanila pero silang tatlo lang talaga ang nag-uusap. Walang gadgets na ginamit."

"Kung gano'n, maaaring may nakita si Vanessa kaya siya nag preno. Kung titignan, nagulat ito sa isang tao."

"Maaari, pero sino naman iyon?"

"May naisip ako, kasama nila yung tatlong lalaki noon hindi ba?"

"Oo, anong naisip mo?"

"Kung gano'n, may ipapagawa ako sayo Estella. Bukas kausapin mo silang tatlo, ang kailangan magkasama sila ah. Kakausapin natin sila kung anong nakita nila noong araw na 'yon."

"Kung baga, pupunta kaming apat sa isang lugar at iintayin ka namin?"

"Oo, at huwag mong hahayaan na makita tayo nina Aestheria, Ametrine at Vanessa."

"Pero wala naman si Vanessa ngayon, hinahanap nga namin siya kaso hindi namin siya makita."

"Estella, ipangako mo sa akin na walang makakaalam nito. Ni sinuman sa mga kaibigan natin."

"Ano bang nangyayare Xatana? Naguguluhan ako sa kinikilos mo ngayon."

"Sayo lang ako hihingi ng tulong, pakiramdam ko. Lahat ng nangyayare ngayon sa akin at sa atin ay kunektado. Kaya please, Estella, tulungan mo ako."

"O-ok, baka kung anong ipapagawa mo sa akin, gagawin ko. Makakaasa ka, tungkol naman sa arranged marriage natin..."

Tumigil ito sa pagsasalita at may kinuha siya na mga pictures namin noong bata pa, kasama ng mga lalaki noon na bata rin.

Magkakatabi kami, ang mga lalaki nasa taas. Kaming mga babae nasa baba.

"Naaalala ko ang mga larawan na ito. Anong meron sa kanilang tatlo?"

Inilagay nito ang larawan sa lamesa kung saan ako nakaupo.

"Naaalala mo ba noon, silang tatlo ang nakakasama natin simula noong bata pa lamang tayo. Si-sila rin ang mapapangasawa ng tatlo sa atin."

"Ano?! Imposible! No way!"

"Alam ko, imposible talaga pero noong may nakita ako sa mga interview nila Mom at Tita. Nalaman ko na simula noong bata pa lamang ay yan na ang plano nila sa atin."

"Kaya pala noong mga bata pa lamang tayo at noong college na tayo magkasama silang tatlo sa atin. Dahil ba sa utos iyon ng mga magulang nila o magulang natin?"

"Hindi lang 'yon Xatana, alam mo na nakita natin silang tatlo sa hospital. Maaari kayang sinabi na nila kay Mom ang lahat?" Naistatwa ako sa tanong ni Estella.

Hi-hindi maaari, tama si Estella. Naroroon ang tatlong iyon noong nasa hospital sila Ametrine, Aestheria at Vannesa.

Maaaring sinabi na nila kay Mom kung na saan kami.

"Pero, hindi naman nila alam kung na saan tayo nakatira hindi ba?"

"Sa pagkakaalala ko ay hindi naman Xatana."

Paanong gagawin namin kung yung tatlo pala sa lalaking ipapakasal sa amin ay natunton na kami.

Kasinungalingan lang ba ang lahat? Noong naisip namin na walang pake ang mga lalaki na iyon sa amin. Nagkamali ba kami ng inakala?

Masyado kaming nakampante, anong gagawin ko—namin? Hayst!

XENISH'S POV

Nandito ako ngayon sa kumpaniya ni Xatana.

"May gusto pong kumausap sa inyo sa telepono."

Habang wala pa ang babaeng 'yon ako muna ang bahala sa kumpaniya niya.

"Sige, akin na."

Lumapit sa akin ang secretary ko at agad na ibinigay sa akin ang telepono.

Sinagot ko na ang tawag at nang marinig ko ang boses nito'y bigla akong nagulat.

"Anong kailangan mo?"

[Nabalitaan ko na tumawag siya sayo. What did she say?]

"Katulad ng sinabi mo, malamang sa tapang ng babaeng 'yon hindi matatakot 'yon kahit angkinin ko na kumpaniya niya."

[Yun lang?]

"Tsk, huwag mong sabihin na hindi ka naniniwala sa sister mo? Of course yes! Teka, bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang humarap sa kaniya?"

[Not now, kailan ko lang siya nakita at nakausap dito. Hindi ko pa nakukuha ang tiwala niya.]

"Kuya, after ng ilang taon na hindi mo kami nakilala. Why not bumalik ka na? Kasama si Mom at si lil sister?"

[She is the daughter of our enemy. As long as I’m not done with her, I won’t stop.]

"At hanggang kailan ka naman magpre-pretent sa kaniya ha? Matalino ang babaeng yun, walang inuurungan at hindi naman natatakot yun kahit anong gawin mo!"

[I'm your brother, just follow what Mom and I tell you to do.]

"Tsk, as if naman maniniwala ka sa akin. Yung kapatid mo naaksidente dahil sayo at hindi mo man lang siya tinignan kung ok ba siya, psh!"

[Nakita ko siya, nakahiga, mahimbing na natutulog...]

"Kung wala ka ng ibang sasabihin pa just turn off the call!"

*tot*tot*tot*

"Argh! Walang hiya! Pinatay nga niya yung tawag! Kung hindi lang kita kapatid napatay na kita sa isip ko! Tsk, bakit ba kasi may kapatid akong lalaki na gano'n ang utak?!"

Nagsisisigaw ako dito at nagwawala dahil sa lalaking 'yon.

Nako talaga! Once na matapos ang lahat ng ito gugulpihin kita!

"Ma'am Xenish, ito na ho ang mga papeles galing sa kabilang kumpaniya."

Oh, nandito pala si Clark. Tsk, hindi ko na siya napansing pumasok dito.

"Sige, ibaba mo na lang diyan yan. Nga pala, pakisabi sa mga shareholders na may meeting mamaya and by the way, paki sabi kay Tita na may sasabihin ako sa kaniya."

"Masusunod po Ma'am Xenish."

Matapos ng pag-uusap namin ay umalis na ito.

Hmm, ano naman kayang binabalak niyong dalawa ngayon? Para kayong aso't-pusa kung magpalitan ng mga bala.

Oh well, maganda naman kayong panooring dalawa at hindi rin naman magtatagal ang lahat ng ito.

ESTELLA'S POV

Hmmm, hindi ko talaga mahanap si Vanessa, kahit saan na ako maghanap wala pa rin.

"Kinausap ko na mga pulis, hinahanap na nila si Van. Hayst, ano ba namang nangyayare sa atin ngayon."

Napaisip din ako sa sinabi ni Aestheria.

"Sa arranged marriage natin. May iba pa bang lead or balita?"

Umiling ito bilang tugon sa tanong ko.

That's odd, wala silang ginagawa ngayon? Ni balita wala kaming nakikita ngayon, ang ang weird pa. Parang tumigil na sila sa paghahanap sa amin.

Hindi kaya, alam na nila kung na saan kami? Wait, hindi naman na nakakapag taka, malamang sinabi na ng tatlong 'yon kung na saan kami.

Si Xatana, iyon nagmukmok sa kwarto niya. Madami siyang ginagawa, ewan ko kung ano ng nasa isip ng babaeng yun.

"Estella, sa palagay mo ba kung hindi dahil sa arranged marriage na 'yon magiging ok tayong lahat at hindi nagtatago?"

Malungkot kong tinignan si Ametrine na ngayon ay malungkot na nakayuko sa akin.

"Oo, dahil lang naman sa lintek na arranged marriage na' yon kaya nagkagulo lahat eh."

Sumang-ayon naman ai Aestheria sa sinabi ko. "Oo nga, edi sana yung chef na course ko nakuha ko na."

Gusto ni Aestheria noon pa na maging chef pero dahil sa arranged marriage namin ay naglayas kami.

Noong sinabi ni Vanessa na magkakaroon kami ng asawa ng hindi namin alam, napag isipan na namin na gumawa ng paraan para hindi matuloy 'yon.

Si Vanessa naman ang nag suggest na lumayas kami, dahil hindi naman matutuloy yun kung wala ang mga bride d'ba? Kaya nandito kami ngayon. Mabuti at may itinayo si Xatana na bahay at dito kami nanirahan.

Wala naman akong problema sa pamilya ko, wala din namang problema sa kumpaniya namin o sa pamilya namin pero pumayag sila sa arranged marriage.

Sino kaya sa aming lima ang magiging asawa ng tatlong 'yon?

"Ang lalim naman ng iniisip mo, care to share naman."

Tumabi sa akin si Aestheria at niyakap ako.

Malambing naman ang kapatid ko sa akin, hindi ko alam kung sino bang panganay sa amin kung kumilos. Minsan kasi parang hindi kami si Estella at Aestheria kung kumilos.

Napaisip na lang din ako sa isa pa naming kapatid, actually half sister namin. But naninirahan siya sa ibang lugar. Hiwalay siya sa amin.

Si Ama kasi, uhmm...sabihin na nating may kinakasamang ibang pamilya si Dad.

Hmm, curious kayo kung sino ang legal? Well, sad to say at hindi kami ang legal ni Dad.

Si Mom ay ordinaryong babae lang, hindi mayaman, walang trabaho at mag-isa lang dahil tinalikuran na siya ng pamilya niya dahil kay Dad.

Si Dad ay kasali sa isang mafia organisations, malamang sa malamang ayaw ng pamilya ni Mom sa kung anong gawain ni Dad kaya pinapili si Mom.

Kung si Dad ba o ang pamilya niya. Pinili niya si Dad dahil simula pa lang ng magkakilala sila, si Dad na ang tumulong at nag-alaga kay Mom.

Alam niyo, may tanong ako na gusto kong masagot nila, pero huwag na siguro sa ngayon.

"Estella, kakain na tayo. Tumayo ka na diyan at maghahain na ako. Tawagin mo na rin si Xatana. Kanina pa nakamukmok ang isang 'yon sa kwarto niya."

Tumayo si Aestheria at agad na nagtungo sa kusina upang maghain para sa amin.

Ako naman, tumayo na rin at nagtungo na sa kwarto ni Xatana para kausapin na bumaba na.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya pero napansin ko na naka bukas pala ito, kaya pumasok na ako at nakita ko si Xatana na mahimbing ng natutulog sa lamesa niya kung saan siya gumagawa ng mga trabaho niya.

Hmm, sobrang pagod ka na Xatana. Huwag kang mag-alala, gagawin ko lahat ng makakaya ko para matulungan ka.

Hindi mo man sabihin pero alam kong madami kang iniisip ngayon na problema. Gusto kong tulungan kita, bilang kaibigan at ka-pamilya mo.

Lumapit ako sa kaniya at kinumutan siya.

Hindi na muna kita gigisingin sa ngayon, kailangan mo ng pahinga.

Tumayo na ako at lalabas na sana pero nakita ko na nakabukas ang laptop nito kaya lumapit ako.

May nakita akong larawan, isang babae na parang kaedad lang namin at isang batang lalaki, may dalawang batang babae rin at masaya sila sa picture.

Hmm, sino naman ang mga ito? Bakit meron siyang larawan ng ibang tao?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.