The Power Of Love Chapter 19

XATANA'S POV

Wala pa rin akong naiisip na solusyon para sa una kong problema ngayon.

Sino ang magpapanggap na bilang AKO?!

Sinabunutan ko na buhok ko dahil wala na akong maisip na iba pa. Jusko! Bakit ba naman kasi ganito set up ko? Ako lang din ang nahihirapan.

"Nag-aalala na ako sayo Xat, alam mo yung para kang makakalbo. Parang buhok ko yung sinasabunutan mo."

Tinignan ko lang si Drixie, habang siya busy sa mga papel na nakatambak sa lamesa niya.

"Kahit na busy ka diyan, napapansin mo pa rin ako?"

Agad ito tumingin sa akin ng seryoso at lumapit sa mukha ko.

"Girl, kung iisipin mo. Chief Secretary ka ni Mr. CEO, you know, parang ikaw na rin ang boss ko. Syempre concern din naman ako sayo 'no. Ayaw mo ba nun?"

Ngayon ko lang napagtanto na tama si Drixie. Parang boss na din ako kung iisipin dahil ako nakakataas sa kaniya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya, kahit papaano may kaibigan din ako dito sa kumpanya.

"Na touch yan? Tama na nga yan, sige na ako ng bahala diyan sa papel mo. Mukha kang nanghihina. Kumakain ka ba sa inyo?"

Napahawak naman ako sa mukha ko at tumingin sa salamin.

"Ayan, kita mo na? Mukha kang bangkay sa sobrang puti mo. Xatana, pwede mo namang sabihin kay Kuya kung need mo mag leave."

Agad akong umiling sa sinabi niya. "No, never, sa dami ng gawain natin ngayon. Ngayon pa ako mag take ng leave? Kaya ko naman sarili ko."

"Kung ayaw mo magsabi. Ako magsasabi kay Kuya."

Tumayo na ito at pupuntahan na sana si Mr. CEO pero pinigilan ko siya kahit na nanghihina ako.

"No, kaya ko pa naman. Malapit na rin namang matapos mga gagawin ko."

"Ang kulit mo rin talaga 'no? Sige na nga, ngayon lang, pero bukas mag take ka ng leave at sabihin mo sa kaniya."

Pumayag naman na ako sa sinabi niya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Buti naman at napakiusapan ko siya. Kaso sa ngayon oo, paano bukas?

"Xatana, in my office now."

Bigla kong narinig si Mr. CEO, pinapatawag niya ako sa office niya.

Xatana, kailangan mong mag pretend na ok ka. Woh! Sa dami ng gawain ngayon dahil sa project ng company ito kami ngayon busy.

Tumayo na ako at nagtungo na sa opisina ni Mr. CEO, kahit na masama pakiramdam ko pinipilit ko.

Pagkarating ko sa opisina ni Mr. CEO nakita ko siya na busy sa laptop niya, nakatutok at kung anu-ano ang pinipindot.

"Are you ok?"

Nagulat ako sa tanong nito, sinabi ba ni Drixie? Tsk, niloloko lang ata ako ng isang yun. Haynako.

"Yes Mr. CEO, ok na ok."

Syempre tumayo ako ng matuwid at ginawa lahat ng makakaya ko na maging ok sa paningin niya.

"Hmm, are you sure? Kanina pa kita napapansin, ang putla mo at mahina ka."

Bigla itong tumigil sa ginagawa niya at tumayo sa upuan niya. Nagtungo ito sa akin at tumigil sa harapan ko.

"Pwede kang magpahinga kung gusto mo..."

"No Mr. CEO, busy ang lahat dahil sa project. Mahalaga ito para sa kumpaniya at ayoko na wala akong magawa para makatulong."

"Tapos ka na hindi ba? I asked you about the designs and other details. Actually, that’s a big help for everyone."

"Marami pa akong kailangang gawin, at kung hindi ko matatapos lahat ng 'yon. Tatambak lang lahat sa office."

"Sige, kung ayaw mong magpaawat. Keep all that up here in my office. I'm going somewhere, so you can look at the office as well."

Pumapayag siya?

"Yes Mr. CEO, may ipapautos ba kayo sa akin?"

"Wala, aalis na ako. Kapag may ginawang kalokohan si Drixie habang wala ako sabihin mo sa akin."

Pagkatapos ng mga sinabi niya ay agad itong umalis. Ako naman tulala dito, dito ako magtra-trabaho?O.O

Siya naman nagsabi, kaya ok lang hindi ba? Tyaka, titignan ko lang naman itong opisina niya habang wala siya.

Ok na rin 'yon para malayo ako sa mga kasamahan ko. Mga aligaga kasi lahat ngayon.

Ang project kasi ngayon, tungkol sa design na pinakita sa akin. Dahil sa ok naman na ang mga design, ang gagawin na lang syempre gagawin na yung mismong mga dresses.

Ako naman, dahil sa naiwan kong mga papel noon. Ito ako ngayon, nag babasa at tinitignan mga nakatambak dito. Haynako, sakit sa ulo.

"Oh Xat, bakit nakatulala ka lang diyan? Sige ka baka mamaya may pumasok na langaw sa bibig mo haha!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Drixie. Kahit kailan talaga kung ano pinagsasasabi ng isang 'to.

"Oo nga pala, may nakita akong design dito! At ang ganda! Kasama ba ito sa project?"

"Anong design tinutukoy mo Drixie?"

Naaalala ko nasa documents lahat ng designs. Paano niya makikita?

"Ito oh, nasa papel. Nasa baba kanina yan tapos pinulot ko. Akala ko mga papeles na nalaglag. Actually galing nga sayo yan eh. Kaya nandito ako, ibibigay ko sayo."

Tinignan ko kung anong design tinutukoy niya. Tama siya nasa papel ito, nang makita ko naman yung design ay nagulat ako.

"Baka kasi yan yung sinabi ni Kuya na alam mo na, yung pang last na design para sa project. Maganda naman kasi."

Hi-hindi, jusko! "Akin na, a-a-akin kasi 'to."

At iyon, pagkasabi ko ay tinitigan ako ni Drixie. Akala mo imbestigador kung makatitig. Wala naman akong ginawang krimen!

Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Xatana! Huwag mong sabihin na ikaw gumawa ng design na 'yan?! Girl, ang ganda! May talent ka, designer ka ba?!"

Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako o hindi. Kasi naman grabe siya kung yumakap sa akin. Ang higpit, para bang ayaw kang pakawalan.

"A-a-ah ma-masakit Dri-xie. Hindi ako...makahinga."

Bimitaw ito agad pagkasabi ko no'n, ibinaba naman ko naman yung papel at itinago sa iba pang papel.

"Huy! Huwag mo namang itago 'yan. Ang ganda kaya! Ipakita mo kay Kuya yan. Nakooo! Alam ko magugustuhan niya gawa mo!"

Pft, lahat naman ng designs ko na ginagawa ko para sa akin nagugustuhan naman ng lahat, maliban lang kay Mom.

Ang gusto niya lang, maging model ako. Ayaw niya na maging designer ako. Which is both na ok naman sa akin.

Mahal ko ang modeling at pagiging designer pero hindi naman pwede na habang nag mo-model ako nag de-design din ako.

"Huy Xatana! Saan na naman isip mo? Huy!"

Para naman akong natauhan ng kunin ni Drixie ang atensiyon ko.

"Ano? Ipapakita mo ba kay Kuya?"

Tinignan ko ang design na ginawa ko. "Ayoko Drixie, wala pa akong confident na ipakita sa iba gawa ko."

"Ano ka ba naman, anong walang confident? Ang ganda-ganda ng gawa mo, jusko masasayang yung design mo kung hindi makita ng lahat 'yan!"

Haynako, kung alam mo lang Drixie. "Ayoko talaga, sige na at madami pa akong gagawin ngayon eh. Dito muna ako gagawa, pumayag naman si Mr. CEO. Sige na at madami pang gagawin dito, ipagpatuloy mo na ulit ginagawa mo."

"Hmp! Sige na nga hindi na kita kukulitin!" at umalis siya ng padabog.

Parang bata, pft kaya siguro sinabi ni Mr. CEO na kung may gawing kalokohan si Drixie ay sabihin ko lang sa kaniya.

Mukha naman kasing madaming kalokohan din 'yon. Alam ko sasabihin niya kay Mr. CEO tungkol sa design ko.

Hayst, tyaka ko na lang iisipin 'yon. Ang mahalaga ngayon, dapat matapos ko na lahat ng mga papel na nandito!

Kaya mo yan Xatana!

ESTELLA'S POV

"Ano?! Busy kayo?" Sigaw ko sa kabilang telepono.

[Yes, kailangan namin itong tapusin agad. Anong kailangan niyo? Nahanap na ba si Vannesa?]

Paano 'yan, kailangan namin silang makausap. Kung hindi sila pwede ngayon. Baka sa ibang araw na lang kaya?

"Uhm, may itatanong lang kami sana. Kung sa susunod na araw pwede ba kayo?"

[Copper, kailangan ka na sa meeting!] Narinig ko ang isang boses ng lalaki. Si Zamora ata 'yon. Nakilala ko na boses n'ya noong pabalik-balik siya sa hospital.

[Bye, next time na lang.] Pagpapaalam nito at pinatay na nito ang tawag.

Hayst, mukhang kailangan muna naming mag-imbistiga ng walang clue.

"Ametrine! Dito ka muna at lalabas lang ako, babalik namanako agad. 'Wag kang mag-alala."

Umakyat na ako para kunin ang bag ko sa kwarto ko. Pupuntahan ko si Morpheus sa opisina. Baka may sinabi si Zamora sa kaniya dahil kapatid naman niya' yon.

Hindi naman dahil sa miss ko siya kaya pupunta ako ng office kahit na rest day ko—ok, ok, miss ko na siya agad kaya 'wag na kayo mag-isip ng kung ano, umamin na ako.

Sa totoo lang, hindi ko siya boss. Sabihin na nating empleyado kao doon pero hindi talaga siya yung boss ko.

Siya ang presidente ng kumpaniya niya. Syempre may vice-president din doon so 'yon ang boss ko, sa kaniya ako sumusunod.

"Wait Estella, I saw this on instagram, its Mom and Dad. May problema ang kumpaniya nila at ngayon hindi ko alam gagawin ko! Ma-ba-bankrupt sila, kapag nawalan sila ng pera, saan kami pupulutin?!"

Nagulat ako sa sinabi ni Ametrine. Ang kumpaniya nila ay sa transportation. Anong nangyare sa kanila?

"Bakit naman sila ma bankrupt? Ang transportation ang isa sa mahala ngayon."

Lalo na eroplano ang isa sa gamit nila.

"Hindi ko rin alam, titingin ako sa balita kung ano ng nangyare sa kanila." Kumaripas ng takbo si Ametrine at umakyat siya sa kwarto niya.

Malamang ay titingin na naman siya sa laptop niya. Yes, napapadalas na siya sa laptop niya. Hindi ko alam kung active ba siya sa social media or what.

Curious din ako sa mga ginagawa niya. Hindi ko alam pero parang may mali kasi...

Anyway, kailangan ko ng pumunta sa kumpaniya. Mga anumang oras baka busy na 'yon.

Hinayaan ko na si Ametrine sa kwarto niya at umalis ng mansion. Ang kailangan ko ngayon, malaman ang katotohanan. Kung hindi ngayon, baka mahuli ang lahat. Sana ay maging ok ang lahat.

Lalo na sa problema ni Xatana at sa nalaman namin tungkol kay Vannesa na hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita.

Nasa kotse ako, papunta na sa kumpaniya pero ang traffic sa dinaraanan namin. Tumingin na lang muna ako sa bintana.

Bakit ngayon pa naka-traffic! Jusko, ano pa bang problema ang magkakaroon ngayon!

Kanina hindi ko pwedeng makausap yung tatlo, tapos nagka-problema sa pamilya ni Ametrine at ngayon naman magka-traffic pa!

Hayyy! Kung pwede lang lumipad ginawa ko na...

"Ma'am, may babae pong nakikipag laban sa mga lalaki kaya ang traffic. Sa ibang ruta na lang po tayo dumaan." saad ni manong driver.

"Ah sige po, basta makarating po ako sa sinabi ko sa inyo."

"Masusunod po Ma'am."

Agad na nitong pinaandar ang makina at nag-iba na ng ruta. Bago pa siya patuloy na mag-maneho ay may nakita akong isang babae na tumatakbo at hinahabol ng mga lalaking naka-itim. Hindi ko nakita mukha niya kaya hinayaan ko na lang.

—————

Nakarating na ako ngayon sa harap ng opisina ng president at kumatok.

"Come in..."

Ok Estella, be serious. Tandaan mo, kailangan mo ng kasagutan at 'wag munang isipin ang pag-ibig sa ngayon!

Pumasok na ako sa loob ng opisina nito at nakita ko si Morpheus na busy sa laptop niya.

"Mr. President..." pagkasabi kong' yon ay gulat na tinitigan ako nito.

"Estella, anong kailangan mo?"

Agad akong naging seryoso at tinitigan siya.

"Kailangan ko lang malaman kung may sinabi ba si Zamora sayo tungkol sa nangyare sa tatlong kaibigan ko?"

Bigla itong napaisip sa tanong ko at agad akong sinagot.

"Wala, since that happened, he hasn't told me anything. Is there any problem?"

Umiling lang ako sa tanong nito. "Yun lang talaga pinunta ko dito, anyway thank you Mr. President, alis na ako..."

"Wait!"

Nagulat ako ng bigla akong pinigilan ni Morpheus, hawak-hawak nito ang kamay ko kaya napa tingin ako sa mga kamay namin.

Nakira niya rin ito at agad na bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Sorry...kumusta ka na?"

"Ok naman ako, pasensiya na at kailangan ko ng bumalik sa amin. Hinahanap pa rin namin si Vannesa hanggang ngayon. Kapag nahanap or nakita nila si Van please sabihin niyo samin. Bye!"

Nagmadali na akong lumabas ng opisina nito, susundan pa sana niya ako pero may biglang pumasok sa opisina niya kaya hindi na siya nakasunod sa akin.

Hindi ko naman binalak na mag-tagal doon, hindi ko kaya. Baka mamaya makalimutan ko ang dahilan kung bakit ako pumunta rito.

"Estella!"

Natigilan ako sa paglalakad ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Estella, bakit ka umiiwas sa'kin? Did I do something to you before so you avoid me or because of Xatana?"

Naramdaman ko na papalapit ito sa akin. Nakatalikod ako kaya hindi ko alam kung anong expression nito hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa likod ko na ito.

"Ok na kami ni Xatana, I hope you are not as angry with me as your friends are."

Hindi ako makagalaw, sobrang lapit nito sa akin.

"So-sorry, hindi naman talaga ako dapat dito Mr. Sy, rest day ko ngayon at naabala kita."

Kahit na hindi ko siya nililingunan ay alam ko na malungkot ito. Maging ako ay nalulungkot, kung bakit naging ganito kaming lahat. Kung bakit umabot sa ganito ang lahat.

Bago pa man ako maluha ay minabuti ko ng umalis pa doon at hindi na lumingon pa.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan kahit na alam kong wala akong karapatan sa kaniya.

Kahit na kakapiranggot lang ay wala, kumpara kay Xatana na naging girlfriend niya noon.

Oo masakit sa akin, kaibigan ko at lalaking gusto ko pero wala naman sa akin ang desisyon.

Ok lang kahit masaktan ako ng patago, kaya ko na itago.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.