The Power Of Love Chapter 20

ESTELLA'S POV

Nakarating na ako ngayon dito sa mansion, hinahanap ko si Ametrine pero tulog pala ito. Tinawagan ko naman si Xatana.

[Anong balita?]

"Xatana, hindi sila pwede makipagkita. Busy sila sa kumpaniya nila."

[Hayst, sige sige, wala tayong magagawa.]

"Busy ka rin ba?"

[Oo eh, dami kong mga papel dito na kailangang basahin, pirmahan, at iba pa. Hayst, ganito pala kapag hindi ikaw ang CEO jusme. Ramdam ko na pagod ni Clark.]

"Pft, hindi ko alam na manggagaling sayo 'yan. May balita pala sa pamilya Lee. Alam mo naman na ang kumpaniya nila ay isa sa pinaka kilala at mataas sa bansa natin hindi ba?"

[Oo naman, bakit? May nangyare na naman ba?]

"Oo, problema rin sa kumpaniya. Hanggang ngayon nasa kwarto pa rin si Ametrine. Alam mo naman 'yon, kahit na naglayas siya, siya lang ang anak nila Mr. and Mrs. Lee, mahal niya mga magulang niya."

[Huwag mo ng intindihin yun, pamilya Lee yan. Malamang sa malamang hindi sila magpapatalo, business minded kaya sila, si Ame lang ang hindi.]

"Kung sa bagay, bago ko makalimutan. Anong gagawin natin para kahit papaano may alam tayo doon sa tatlo?"

[Iniisip ko na rin 'yan. Sa ngayon ang masasagot ko lang sayo. Isan tabi muna natin' yon. Hindi ko kaya ipagsabay ang lahat ng problema ko lalo na ngayon busy ako sa trabaho.]

Kung sa bagay nga naman, problema sa kumpaniya niya, tapos hindi pa namin alam kung ano ang totoo kung related ba sila Van at Xat o hindi, dumagdag pa na wala si Vannesa.

Maging ako siguro hindi ko kakayanin 'yon lahat. Pagpapatakbo pa lang ng kumpaniya walang-wala na ako kay Xatana.

[Estella nandiyan ka pa ba? Ibababa ko na ito at madami pa akong gagawin.]

"Sige, bye."

*tot*

*tot*

*tot*

Ipinatay na niya ang tawag. Siguro ay hahanapin ko na lang muna si Vanessa. Bukas ay may trabaho na ako at hindi ko na siya mahahanap ulit.

Tinignan ko mula sa kwarto si Ametrine pero wala pa rin siya. Hindi kaya tulog na yun?

*unregistered number is calling*

Sino naman ang tumatawag sa akin ngayon?

"Hello, sino po sila?"

[Mula po ito sa hospital. May nakita kaming isang babae na kamukha po noong nandito kayo.]

Si Vannesa?!

"Na saan na siya ngayon?"

[May pinuntahan po siya, isa sa mga kwarto po rito ng mga pasyente. Ang pangalan po ng pasyente ay Castro Mondrago.]

Castro Mondrago? May ganun ba kaming kakilala na apelyido?

"Nandiyan pa ba siya?"

[Wala na po Ma'am, agad po siyang umalis mga ilang minuto lang po.]

Nakakapagtaka, sino naman ang lalaking 'yon?

"Sige, maraming salamat. Maaari ba kayong mag bigay ng informations sa akin tungkol sa Mondrago na yun?"

[Pasensiya po, pero hindi po pwede ibigay ang informations po ng pasyente.]

"Ganun ba, sige maraming salamat. Tawagan niyo agad ako kapag pumunta ulit siya diyan."

[Sige po Ma'am.]

Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta ako sa kwarto ko at hinanap kung sino ang Mondrago na 'yon pero wala akong mahanap. Maaaring hindi ito kilala, pero kahit anong social media accounts ay wala ito.

Ayaw naman ibigay ng hospital kung anong informations nito. Parang naka private ito, ibig-sabihin may itinatago ang mga kamag-anak nito. Ano naman iyon? Tungkol ba sa sakit nito?

Kung nasa hospital ito, maaari kaya na tama si Xatana? Ang lalaking iyon ba ang nakita niya kaya siya nag-preno, pero bakit?

Tapos pumunta pa siya sa kwarto nito, ano kayang ginawa niya doon?

XATANA'S POV

Siguro ay tama naman yung sinabi ko hindi ba? Pa-isa-isa lang muna ang gagawin ko ngayon, una ay tapusin lahat ng nandito tyaka na ang ibang bagay.

Bigla akong inantok *yawn* pero hindi pa pwede, hindi pa ako tapos dito.

Pe-pero hindi ko na talaga kaya...

—————

"Ikaw ba ang babaeng 'yon? Why am I asking? She was probably that woman, but why did she change?"

Sino naman ang kinakausap ni Mr. CEO?

Dumilat ako na ikinasisi ko rin agad.

"Mi-Mr. CEO ma-may kailangan po ba ka-kayo?"

Agad din naman itong nagulat sa akin at tumayo ito tyaka inayos ang sarili.

"Na-nakatulog ka dito, hindi na lang kita ginising dahil alam kong kailangan mo ng pahinga."

"Ah ganun ba, pasensiya kung nakatulog na ako dito. Babalik na ako sa office, pasensiya po ulit."

Tumayo na ako at inayos lahat ng mga gamit ko at isa-isang kinuha iyon.

"May nakita akong design kanina. Sayo ba 'yon?"

Hala, nakita niya?!

"Pasensiya po Mr. CEO, akala ko kasi naitago ko siya. Hindi na po mauulit."

"So that's yours? Do you want to be a designer someday? Based on what I saw it was beautiful."

Hayst, spoiled na ako sa mga ganiyan nila na maganda daw gawa ko.

"May iba ka pa bang designs?"

Ibang designs? Gusto niyang makita mga gawa ko?

"Pasensiya po Mr. CEO, hiwalay po ako gumawa ng mga designs ko."

Bigla naman itong may naisip at agad na umupo sa upuan niya.

"Wala pa tayong pang final design, gusto mo ba na ikaw ang gumawa? Ibibigay ko ang credits sa'yo, wala ang designer natin ngayon. Tambak siya ng gawain. Hindi ko alam kung makakaya nyang gumawa ng isa pang design."

Wait, tama ba nadinig ko?! Ako mag-de-design?! Syempre hindi ako tatanggi diyan!

"Sure Mr. CEO! Gusto kong mag design kung gusto niyo!"

Abot tenga ang saya ko! Hindi ko alam pero ngayon gagawa ako ng design at ipapakita sa buong mundo!

Hindi yung isusuot ko lang at hindi nila alam na ako yung gumawa. Masarap siguro sa pakiramdam 'yon!

"Makakaya mo ba ngayon? Kung hindi, pwede namang bukas na lang."

"No Mr. CEO, pwede na po ngayon!"

"Pft, ang saya mo. Good to know, dito ka na lang din gumawa."

"Pero baka makatulog ako ulit, doon na lang ako sa office ko Mr. CEO."

"No, dito ka gagawa. Hindi kita gugulohin o iistorbohin sa ginagawa mo."

"Sure po kayo Mr. CEO? Kung ok lang sa inyo sige po."

"You may start now."

Bumalik ako sa opisina ko at kinuha lahat ng kakailanganin ko. Pagkatapos ay nagsimula na ako, si Mr. CEO naman nagsimula na rin sa ginagawa niya. Nag-iisip ako ng design na maganda.

Matapos kong mag-isip ng design ay ginawa ko na ito sa isang papel.

Ang ginawa ko, naka backless and off shoulder siya, yung harap niya is naka v-line. Yung off shoulder niya pinatungan ng manipis na tela na may floral design.

Sa may baba nito ay pahaba na, may manipis na tela at makapal na tela, nilagyan ko din ng floral design.

Pagkatapos kong gawin ang sketch ay ipapakita ko na sana kay Mr. CEO pero nagulat ako ng makita ko siyang nakatingin sa akin?

"May madumi po ba sa mukha ko o naiilang po ba kayo dahil nandito ako?"

Umiwas ito ng tingin sa akin at agad na tumingin sa laptop nito.

"Maingay ba ako?"

"No, you're just as good as watching while you're doing something."

"Tapos na ako sa design, ano sa tingin mo Mr. CEO?"

"Give it to me and I'll look it first."

Tumayo ako at kinuha ang sketch na ginawa ko, papalapit na ako kay Mr. CEO ng may maramdaman akong kakaiba.

Biglang sumakit ang ulo ko at bigla akong nahilo. Unti-unti ay nanlabo ang paningin ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

—————

Ang lamig naman ng pakiramdam ko. Bakit ganon, sobrang lamig.

Bigla akong may naramdaman, isang kumot at tinakluban nito ang katawan ko. Kahit papaano ay nabawasan ang lamig...

Teka? Gumagalaw yung kumot?!

Dahil sa naisip ko ay dinulat ko agad ang mga mata ko. Mas nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Mr. CEO na malapit sa akin.

O.O

Teka, imposible naman. Haha grabe naman panaginip ko ngauon, malamang hindi ito totoo.

Hinawakan ko pisnge nito, nahahawakan ko? Inulit ko ang ginawa ko sa kabilang pisnge nito at ganun din. Imposible!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla kong pinisil pisnge niya kaya naman sumigaw ito.

"D*mn it!" Pagkatapos nitong sumigaw doon lang ako natauhan.

"To-to-totoo ka?!"

"Of course! Tsk, anong akala mo sa'kin?!"

"Uhm, hindi ako na nanaginip?"

"What?! Ganiyan ba epekto ng sakit sayo?!"

"Teka! Bakit nasa kwarto kita!"

"Psh, kwarto mo? Check here first if this is the room you are referring to!"

Agad akong tumingin sa paligid ko at napansin ko na pang lalaki pala ang kwarto na ito.

"Kwa-kwarto mo ito Mr. CEO?" Nahihiyang tanong ko.

"Tsk, yes. Nasa bahay kita."

"Wait, what?! Bahay mo?!"

"Tsk, hindi naman siguro naapektado yang tenga mo para ulitin ko mga sinabi ko sayo?"

"Pero, bakit ako nandito?"

"Alalahanin mo..."

Matapos ng pag-uusap namin ay umalis itong bigla at iniwan ako.

Ano bang nangyayare?!

Teka, nasa office ako kanina, gumagawa ng sketch tapos...

Oh no!

Nako, nako, nakooo! Anong ginawa mo Xatana! You're dead!

Agad akong tumayo doon sa kama niya at buti na lang wala namang pinagbago sa akin.

Nagkasakit ba ako? Hmm, siguro oo, bigla akong hinimatay sa pagkakaalala ko.

Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang may naamoy akong masarap.

Saan kaya galing 'yon? Sa kusina!

Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina kaso hindi maganda nakita ko.

Si Mr. CEO nagluluto siya, hindi ko alam kung anong pagkain basta nagluluto siya. As usual, naka apron siya which is bagay naman sa kaniya. Mas lalo siyang naging gwapo...oh no! Ano na naman pinagsasasabi ko?

"Are you hungry?"

Napansin niya pala ako dito sa may gilid. Akala ko naka-focus lang siya sa ginagawa niya.

Lumabas naman ako para makita ginagawa niya. Hindi rin naman maganda na magtago lang ako sa isang sulok lalo na bahay naman niya ito, kahit saan mahahanap niya ako.

"No thanks, busog pa naman ako."

Pagkasabi ko no'n ay agad din akong nahiya. Bigla kasing tumunog yung tyan ko. Dahilan para matawa siya.

"Utak mo lang ang busog, pero 'yang tyan mo hindi. Hintayin mo na lang ako d'yan, matatapos na'to."

Umupo na lang ako sa hapagkainan nito at pinagmamasdan siya habang nagluluto.

Hindi ko naman makakaila na ang gwapo ni Mr. CEO, jusko kahit saang angulo mo tignan ang gwapo eh.

Pero yung kanina bigla kong naalala. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Hindi naman ako siguro nagsalita ng kung ano sa kaniya hindi ba?

Oh well, ikaw ba naman ang mahimatay sa opisina niya tapos bigla kang nandito. Teka, bakit nga ba nandito ako?

"Mr. CEO..." Tawag ko dito.

"Granger, yan ang itawag mo sa'kin. Wala tayo sa office."

Grabe ang suplado naman ng isang 'to.

"Hehe uhm, Granger?" Pagkatawag ko sa pangalan nito ay agad itong lumingon at tumingin sa akin.

"Why?" agad na response nito sa akin. Pagkatingin niya sa akin, bigla itong napangiwi at galit na nagsalita. "Tsk, ano bang nangyayare sa'kin?"

"Are you ok?!" agad akong tumayo at nilapitan siya. Nagulat na lang ako ng may dugo akong nakita sa daliri niya.

"Aksidenteng nahiwa ko siya, daplis lang. Don't worry..."

"Teka, may gamot ka ba dito?"

"Its ok, don't worry, hindi naman malalim."

"Kahit na, na saan?"

"Nasa kwarto, sa may drawer, ako na kukuha."

"No, Mr. CEO, mas maganda kung ako na."

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na Granger ang itawag mo sa'kin?"

Natigilan ako dahil sa seryosong mukha nito. Para siyang galit at ngayon hindi ko alam kung bakit, dahil sa tawag ko sa kaniya kaya siya ganiyan?

"So-sorry, hindi na mauulit."

Bigla naman itong huminahon at agad na tinanggal ang apron nito.

"Ikaw na maghiwa, ako na kukuha ng gamot sa taas."

At nagmadali na siyang umakyat kaya ako ito pumunta sa kusina niya at naghiwa.

Hindi ko na ginamit apron niya, you know gamit niya 'yon at tyaka hindi ako nag e-apron kapag naghihiwa.

Kahit papaano naman alam ko maghiwa. Minsan kong tinutulungan si Aestheria kapag nagluluto siya. Ako taga-hiwa tapos siya na bahala magluto.

Ganun lang naman gawain namin, nasanay na rin kami sa gawaing bahay. Naging independent kami sa madaming bagay. Kahit papaano naman ay may magandang naidulot ang paglalayas namin.

"Here, isuot mo'to ng hindi madumihan suot mo."

Hindi ko alam pero bigla akong natulala sa ginawa niya at hindi makakilos.

Lumapit siya sa akin, habang nakatalikod ako ay ipinasuot niya sa akin ang apron. Muntik ko na ngang mahiwa daliri ko. Bigla kasi siyang susulpot! Jusme!

"Huwag mong kalimutan magsuot palagi ng apron."

Pagkatapos niyang magsalita ay natauhan na ako kaya kumilos ako ng normal para hindi naman siya makahalata sa kinikilos ko.

Patuloy lang ako sa paghihiwa hanggang sa tapos na ako.

"Ano ng gagawin dito?"

Lumingon ako dahil hindi siya sumasagot tapos malalaman ko hindi pala siya naglagay ng gamot.

"Anong ginagawa mo? Bakit nilagyan mo lang ng band-aid? Ako na!"

Agad kong kinuha sa kamay niya yung band-aid. Kapag si Aestheria kasi nahihiwa yung daliri niya lalo na kapag busy yun sa ibang bagay ako nag-gagamot sa daliri niya.

Gusto ko ngang tirisin daliri niya ng matauhan!

Agad akong kumuha ng betadine at ipinahid sa daliri nito. Nahugas na siya ng kamay niya kanina, patuloy pa rin sa pagdugo kaya nilagyan ko na ng betadine para naka-seal yung sugat kapag naghilom tapos nilagay ko na yung band-aid.

Matapos nun ay nagtataka ako, tulala kasi si Mr. este Granger sa akin. Hinitignan niya lang ako, baka naman may problema sa mukha ko?

Inayos ko na lang lahat ng mga gamit at gamot na nakalagay sa first aid kit nito.

"Maayos na ba pakiramdam mo?"

Anong tinutukoy nito? Noong nahimatay ba ako?

"Ok naman pakiramdam ko ngayon, pasensiya kung naabala pa kita."

Bigla akong tumayo pero nakalimutan ko na nakasuot pa pala ako ng apron at nakatapak ang paa nito rito kaya pagkatayo ko bigla akong natumba, buti at nasalo ako ni Granger.

Inayos ko sarili ko at pumabitaw sa kaniya. Ang awkward kasi, sobrang lapit niya.

"Salamat, nakalimutan kong nakasuot pala ako ng apron hehe."

"No problem, tapos naman na niluto ko. Kumain na muna tayo..."

"Sorry Granger, hindi kasi ako pwede magtagal. Aalis na din ako."

Agad kong tinanggal ang apron at lumabas ng bahay nito.

Hindi ako kumportable na may kasamang lalaki. Ayoko lang na mangyare ulit ang dati. Masakit kasi at ayoko na.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.