The Power Of Love Chapter 8

AMETRINE'S POV

"Doc, ok lang ba talaga sila? Wala namang problema sa ulo nila? Or kung makakalimutan ba nila kami?"

So ingay naman, why nagtatanong sila sa doctor dito sa house namin?

Teka hindi ako makakita! Ba-bakit hindi ako makakita?!! Anong nangyayare sa akin...ay hindi pala nakadilat mata ko hehehe.

Dumilat na ako at mabuti naman nakakakita ako but something is wrong.

Tumingin ako kung na saan ako.

La-langit ba ito? Am I in heaven? Pa-patay na ako?

"Wahhh!!!"

Agad akong sumigaw at agad din naman silang lumapit sa akin.

"Ame anong nararamdaman mo? May masakit ba sa ulo mo? Hindi mo ba kami naaalala? Ame, ano sumagot kaaa!"

"Stel, ang OA mo talaga. Kakagising lang ni Ame huwag mong biglain."

"Sino kayo?"

Agad naman silang nagulat na para bang nakakita ng multo. Teka, patay na ba ako kung ganun?

"Hindi ka napuruhan sa pagkakauntog mo Ame, kaya huwag kang magpanggap d'yan"

Seryoso ngunit may pagbabanta sa tono nito.

"Hehehe, so ano ba kasing meron at bakit nandirito tayo sa maputing lugar na ito?"

"Pft, mukhang nakalimutan mong mag conyo ah?" Bigla kong naalala na iba pala ako magsalita, nako po.

"Excuse me, iha wala ka bang nararamdamang kakaiba?"

Teka at sino naman ito? Doctor?

"Wala naman po, what's happening ba?"

"Sige iha, maiwan ko muna kayo. Ms. Lockwood I need a word with you."

Tumango naman si Xatana kaya naman binilin muna ako ni Xatana kay Estella at umalis na sila.

"Seryoso ka ok ka lang Ame?"

Nagtataka ako bakit paulit-ulit si Stel sa pagtatanong kung ok ba ako?

"Ano bang nangyare?"

"Kasi..." Biglang naputol sasabihin ni Stel ng may pumasok na tatlong lalaki.

Bigla kong naalala kung anong nangyari nung gabi na iyon.

"Teka na saan sila Van at Ria?!"

"So, naala mo na pala..." Sabi ng isang lalaki, Copper ata pangalan.

"Nagpapahinga pa rin silang dalawa. Si Vannesa ang napuruhan sa inyong tatlo. Ano ba kasing nangyare Ame?" Pag-uusisa ni Estella maging si Xatana at ang tatlong lalaki ay nag-iintay din ng sagot.

"Nag-uusap lang naman kami eh. Tapos biglang nagpreno si Vannesa tapos wala na akong maalala." Sagot ko naman.

"Nasa likod lang namin kayo noong nagmamaneho si Vannesa, bigla kayong huminto at mabilis ng onti ang pagmaneho ni Vannesa. Ano bang pinag-usapan niyo?"

Halatang nagtataka si Copper sa nangyari sa amin. Sasabihin ko ba? Hindi naman kasi ako yung tao na parang kapapanganak lang kahapon. Siyempre ayoko naman na mahiya din si Vannesa sa boss niya.

Sinabi sa akin ni Aestheria na magkasama sila sa work. Kahapon ko lang din nalaman na silang dalawa pala ang mga boss na tinutukoy ni Aestheria nung nag-usap yung mga lalaki tungkol sa kanilang dalawa.

Hindi ko naman itatanggi na halatang may gusto itong dalawang lalaki kina Ria at Van pero hindi ba nanghihimasok ako sa mga buhay nila?

"Ame! Ano na?" Nangungulit si Estella sa akin. Sasabihin ko ba? Ayoko namang magalit sila Van at Ria sa akin.

"Hindi ko maalala eh, aray!" Magkunwari ako na sumakit ang ulo ko dahilan para mag-alala sila Xatana at Estella.

"Osha, huwag mo munang kulitin si Ame tungkol diyan. Hindi pa siya totally recovered kaya hayaan mo na mismong isip na niya ang magpaalala sa kaniya."

Alam ko Estella nag-aalala ka para sa kapatid mo pero hanggat hindi nagigising sila Van at Ria, ayoko munang sabihin.

"Nga pala, salamat sa pagtawag sa aming dalawa. Sino nga ulit kayo?" Nilingon si Xatana ang tatlong lalaki at nag-intay sa isasagot ng mga ito.

"Ako nga pala si Zamora, sila naman si Copper at Marquis."

"Kayong dalawa ang mga boss ni Ria at Van hindi ba?" Deretyong tanong nito.

Tumango naman si Copper.

"Kung ganon, alam niyong hindi makakapasok silang dalawa."

"Naiintindihan namin. Pwede silang bumalik sa trabaho kapag ok na sila. Huwag kang mag-alala."

"Mabuti kung ganon, maari na kayong umuwi. Maraming salamat ulit."

Nakakatayo ng balahibo ah, ang cold ni Xatana huhuhu. Kung ako kausap niyan, nako nangangatog na ako.

Halata naman sa dalawa na ayaw pa nilang umalis pero hinayaan na nila si Xatana at lumabas na ng kuwarto.

"Sige na Ame, magpahinga ka pa. Dadalhan na lang namin kayo ng makakain. Siguraduhin mo lang na kakainin mo ito kung hindi madadagdagan yang sakit ng ulo mo."

Bigla naman akong nag salute sa kaniya at sinabing "Masusunod po, Boss!" at umalis na sila.

Naiwan akong nandito at pinakatitigan ang dalawa kong kaibigan na sila Vannesa at Aestheria. Katabi ko lang sila, nasa kabilang kama nagpapahinga.

-Fast forward-

Nakaramdam ako ng liwanag sa aking mga mata.

Ang bilis, tanghali na agad? Napasarap lang siguro ang tulog ko. Kaso parang kulang pa rin.

"Gising na Ame, kakain na tayo!" Sigaw ni Estella.

"Ok!" Sigaw ko pabalik.

Umupo na ako at inayos ang puwesto ko.

"Anong meron? May okasyon ba or may na promote? Baka naman may gutom sa inyo?"

Bigla akong kinaltukan ni Xat.

"Mukhang antok kapa, psh!" huhuhu ang brutal talaga minsan ni Xatana!

"Paanong madami yan, Ame? Hotdogs, Pancakes, Eggs, Bacon, then Tocino?" -Estella

"Mas marami sa mansion natin kapag umuwi ka sandamukal na ulam. Long table pa yun tapos iilan lang kakain." -Xatana

"Oo nga, tapos itatapon lang nila." -Estella

"Hayst, ni pagkain ng maids hindi nga maibigay ng maayos." -Me

"Aba, may hugot mga sinabi natin. Hindi naman tayo kasama sa mga normal na tao dba?" Biglang tanong ko.

Kasi napapaisip ako kung mahirap na ba kami. Umuwi kaya ako sa amin? Kaso naka-arrange marriage nga pala ako huhu at maiiwan naman sila and ayokong iwan sila.

"Kailan kaya magigising sila Vannesa at Aestheria?"

Bigla kong naalala kung anong nangyare nung gabing iyon. Hayst, sana lang gumising na silang dalawa. Pagnagtagal sila, magtataka sila Xatana kung bakit hindi ko pa masabi kung anong nangyari sa gabing iyon.

"Hayaan mo Estella, alam naman natin na matagal mamatay ang masamang damo. Hindi ko sinasabing masama sila pero alam kong matatag sila. Siguro'y kailangan mo pang mag-intay ng ilang araw at magigising din sila." Oo nga, sana nga Xatana.  Dagdag nito.

Pumayag naman si Estella na siya ang magbabantay sa aming tatlo. Ramdam ko ang pag-aalala ni Estella sa kapatid nito.

Habang kumakain kami, parang wala itong gana. Hindi na ako magtataka kung bakit. Sa kanilang tatlong mahkakapatid. Silang dalawa lang palagi ang magkasama. Yung isa nilang kapatid ay hindi naman nila gaanong close.

Kung sasabihin ko kaya ang nangyare, ano kayang reaksyon niya?

"Tapos na akong kumain, sige na Estella. Alis na ako. Ame, magpahinga ka na."

Tumango na lang ako bilang tugon sa utos ni Xatana at umalis na siya ng hospital.

Sana ay maging ok na kayo Vannesa at Aestheria, hayst.

XATANA'S POV

Nandito na ako sa opisina. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong nangyare doon sa tatlo. Wala namang banggaan na nangyare or kung may masagasaan.

Ano kayang nangyare sa tatlong yun?

"Secretary Lockwood" Biglang tawag sa akin ni Mr. CEO kaya naman agad akong lumapit.

"Give me some coffee."

"Yes Sir."

Agad kong ginawa ang inutos ni Mr. CEO napansin ko naman na may pumasok na isang lalaki sa opisina niya.

'Hmm baka business partners niya.'

"Xatana, ito na yung papeles na hinihingi mo kahapon."

"Oh oo nga pala salamat, may tanong ako. Sino yung kapapasok lang na lalaki kanina?"

"Oh si Sir Copper ba? Siya yung nagmamay-ari ng company na kaibigan ni Mr. CEO, bakit mo naitanong?"

"Ah wala naman, Copper ang name right? Parang may narinig na akong name na ganiyan."

"Alis na ako ah, need ko pa palang mag copy ng mga files para sa meeting mamaya."

"Oh sige, salamat sa pagsagot." Umalis naman na ito kaya naman pumunta na ako sa loob ng opisina ni Mr. CEO at pagkarating ko doon wala na yung lalaki.

Hmmm, parang narinig ko na talaga yung pangalan na 'yon.

"Ito na po ang kape niyo Mr. CEO."

"Schedule?"

Ay oo nga pala, yung schedule niya para ngayon.

"May meeting po kayo mamayang 9am kay Sir Brantley. After lunch naman may meeting ulit kayo kay Mr. Sy. Sa hapon ay..."

Hindi ko na natapos sasabihin ko ng tumayo ito.

"Sa ibang araw na lang 'yan. May kailangan akong puntahan mamayang hapon."

"Yes Sir, sabihin ko sa kanila."

"At bago ko makalimutan. Mamayang gabi samahan mo ako sa mansion. Mukhang nagustuhan ka ni Lola."

"Ba-bakit Mr. CEO?"

"Hindi ko naman kailangang sagutin yang tanong mo. Sige na."

Luh? Pupunta ulit ako sa bahay nila? Tapos hindi ko alam kung para saan? Paano kung mali yung maiusot ko hindi ba?

Umalis na lang ako doon at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nakita ko naman si Mr. CEO na may kausap sa telepono kaya hinayaan ko na lang.

"Xatana, may naghahanap sayo." Biglang litaw ng isa kong kasamahan.

"O sige, na saan siya?"

"Ayun oh, nag-iintay."

"Sige, salamat."

Sino naman kaya ang naghahanap sa akin ngayon? Mapuntahan nga muna. Busy naman si Mr. CEO sa kausap niya.

Umalis na muna ako doon at pinuntahan kung sino ang naghahanap sa akin.

Nang palapit na ako ay nakita ko kung sino ito. "Ametrine? Hindi ba dapat nagpapahinga ka?"

"Pasensya na Xatana, hinahap kasi kita. Si Estella kasi kinailangang pumasok sa trabaho niya dahil sa Boss niya."

"Tsk, hindi ba nagpaalam si Estella sa Boss niya?"

"Nag-paalam naman daw siya pero kinailangan siya doon. Emergency daw kasi."

"Emergency din naman ang kapatid niya ah? Sino mag-aalaga sa dalawa? Hayst, dapat tumawag ka na lang Ame."

"Sorry pero wala akong cellphone doon. Baka hindi ko dala noong lumabas kami nila Aestheria."

"Teka, anong sabi mo? Lumabas? So may naaalala ka na?"

"Uhm onti pa lang eh. Pumunta kami ng bar noon at kausap namin si Ninang K."

"Yun lang naalala mo?"

Tumango naman ito.

Kahit papaano may improvement.

"Kapag may naaala ka sabihin mo lang sa akin. Malinaw ba?"

"Oo, nga pala may pumuntang lalaki kanina at kausap si Vannesa. Ewan ko pero parang nag-uusap sila kahit hindi pa gising si Van or nagsasalita lang iyon. Ah basta!"

"Wala pa rin bang update sa dalawa? Ok naman sila Van at Ria?"

"As of now, wala. Sabi ng doctor ay huwag daw madaliin. Ok naman daw ang resulta ng mga test nila, kailangan na lang na intayin ang paggising nila."

"Mabuti kung ganun."

Sana'y walang problema kapag nagising na sila Ria at Van.

"Teka, paano ka nakapunta dito?"

Nag-isip pa ito ng sasabihin niya bago siya sumagot. "Gamit kotse?" Pag-aalangang sagot nito.

Pft, akala niya siguro ay aawayin ko ulit siya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita ikukulong, pft!"

"Anong tinatawa mo Xatana?!"

Gusto kong tumawa pero huwag na. Galit na siya.

"Oh chill ka lang, may sinabi ba sayo si Estella bago siya umalis?"

"Wala na eh. Sige, balik na ako doon hehehe."

"Sa susunod kapag wala kang telepono huwag ka ng lumabas. Pwede mo naman akong intayin na makauwi, hindi yung ikaw pa miamo pupunta dito para lang sabihin sakin yan."

"Ok lang, gusto ko ding lumabas eh."

"Pero hindi nga sayo pwede ang lumabas. Lalo na sa ibang lugar. Sa hospital ka lang ah? Hindi ka na pupunta kung saan!"

"Nagsimula na naman yang pagiging nanay mo. O, sige na wala naman akong magagawa eh."

"Good, tiyaka huwag ka ng mag conyo. Ok na sa amin yang pananalita mo. Nakakadugo kasi ng ilong. May mabuting naidulot din yang pagkauntog mo pft."

"Xatana nang-iinis ka na eh!"

"Ops my bad, sige na bumalik ka na doon at may gagawin pa ako dito."

"Sige, bye bye Xat!"

Nagpaalam na ito at umalis na siya. Ako naman pinakatitigan siya. Habang papalayo ay may nakita akong isang pigura ng lalaki. Animo parang sumusunod lang kay Ame.

Hmm, wala siguro iyon. Baka guni-guni ko lang. Hayst, makapasok na nga sa loob.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.