XATANA'S POV
"Xatana, sabi ni Sir hintayin mo daw siya. Kung hanapin daw siya sa meeting mag-intay lang daw muna."
Agad na bungad ng kasamahan ko pagkapasok ko sa loob.
"Hindi man lang sinabi ni Mr. CEO kung saan siya pupunta?" Ilang minuto ay tumahimik ito. Inaalala kung may sinabi ba si Mr. CEO sa kaniya.
"Wala eh, wala naman siyang sinabi sa akin bukod duon."
Hmm hindi man lang siya nag direct na sabihin sa akin. Ako naman ang secretary niya bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Bakit Xatana? Anong iniisip mo?"
Lumingon ako at may nakitang anino ng lalaki. Teka anino? Hayst, kagagawan na naman ba ito ng pagod? Simula siguro ng maaksidente ang tatlong yun kung anu-ano na nakikita ko.
"Mukhang pagod ka Xatana. Kailangan mo ding magpahinga."
"Hayst, sinabi mo pa. O sige na, kailangan ko ng pumunta doon."
"Sige, mamaya sabay tayo mag lunch ah?"
"Sure, ikaw naman mag libre ah?"
"Luh! Akala ko joke lang iyon?"
"Haha just kidding. Sige, bye! See you later na lang."
"Bye!"
Naghiwalay na kami ng direksyon na pupuntahan. Nakita ko na naman yung anino ng lalaki kanina. Para bang sinusundan nito bawat galaw ko.
Pangalawang beses ko na siyang napapansin ngayon. Nagkataon o talagang may nagmamasid sa akin?
Tiyaka ko na isipin 'yan nasa trabaho nga pala ako.
Agad akong nagtungo sa kung saan sila nag-mi-meeting.
Inintay ko si Mr. CEO sa pagpasok niya dito. Habang wala pa siya ay naglibot na muna ako dito.
M
adami pa lang mga trophy dito, malinis din ang bawat gamit dito. Kakaunti lang naman kaya maaliwalas tignan.
Hmm may picture sila dito. Matignan nga, ok lang naman hindi ba? Hindi ko naman sisirain.
Tumingkayad ako para maabot yung picture sa may taas. Makukuha ko na sana kaso nadulas ako at na out of balance. Huli na para sana suportahan ko ang katawan ko mula sa pagkakahulog kaya pumikit ako.
Wala naman akong naramdaman na buglang may nahulog sa akin at hindi naman sumakit katawan ko. Anong nangyare?
Dumilat ako para tignan kung anong nangyare pero pinagsisisihan ko 'yon.
Nakita ko si Mr. CEO na buhat-buhat ako. Tapos hawak niya yung picture na kukunin ko sana.
Tumingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata, dahil doon ay napatayo ako agad. Binaba niya naman ako ng dahan-dahan tiyaka ibinalik yung picture sa lalagyanan.
"Are you ok?"
Hindi ko alam pero nahihiya ako. Xatana, be professional! Peste naman oh!
"A-ah! Ok naman ako Mr. CEO, Pasensya at muntik ko ng masira ang picture dito."
"No problem, you want to see it?"
"N-No! Uhm, lilinisin ko lang sana yung picture kasi maalikabok."
"Hmm, ok if you say so."
"Sir! Naririto na po sila. Papasukin ko na po ba?"
Bigla akong tumayo ng matuwid na parang walang nangyare. Hindi ko magawang tumingin kay Mr. CEO, nahihiya pa rin ako. Baka kung ano isipin niya!
"Yes, pakikuha na din ng gamot sa office ko."
"Ah, yes Sir!"
Gamot? Para saan?
Pagkabukas ng pintuan ay doon na nagsipasok ang mga lalaki. Sila ang business partners ni Mr. CEO. May iba naman na may edad na tapos yung iba hindi halata at may isang na parang ka age ko lang.
"Sorry Mr. Hunt pero wala sila Zamora at Copper. Pumunta sila..." Parang narinig ko na ang boses na iyon.
Hindi ko makita kung sino yung nagsasalita. Nakaharang kasi likod ni Mr. CEO kaya sumilip na lang ako.
O.O
"Ikaw?!"
Dahil sa pagsigaw ko ay napansin nila ako.
"Oh, miss beautiful ikaw pala." Sabi ng lalaki.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Mr. CEO sa akin.
"Kasasabi ko lang kanina Mr. Hunt, umalis sila Zamora at Copper dahil sa mga babae. Si miss beautiful, kaibigan niya yung mga babae na natinutukoy ko." Mahabang paliwanag nito."Hello miss beautiful!" Lumapit ito papunta sa direksyon ko at inilahad nito ang kamay niya.
Hahawakan ko na sana ang kamay nito para mag shake hands pero hinarangan naman ito ni Mr. CEO. "Nandito tayo para mag meeting, magsimula na tayo." agad kong kinuha ang mga papel at ibinigay iyon isa-isa sa kanila.
Wala namang nagawa yung lalaki at bumalik na ito sa upuan niya. Pft, magkaibigan ba silang apat or magkakilala lang?
Nagsimula na sila sa meeting nila habang ako nakikinig at nagsusulat kung anong mapag-uusapan nila. Suggestions, questions at iba pa.
Ang company nila ay tungkol sa mga damit. Yeah, isa sila sa kilalang kumpanya ngayon. Dito ako nag apply as secretary dahil sa na-miss ko ng magmodel. Sa modelling industry, iyon ang mundo ko. As a model damit ang ginagamit mo. Parang nasa advertising ka na din kapag model ka.
Siyempre, hindi ko maiwasan na gusto kong bumalik sa pag-mo-model. Hindi naman ako pwedeng bumalik dahil hindi pa tapos ang personal kong problema.
Kaya dito na ako sa kumpanya nila nag apply. Kahit sa mga damit man lang, parang nasa modeling ka na din. Kami ang nag-iisip kung ano nga bang magandang gawin sa mga damit at iba pa.
Makakatulong na din ang experience ko sa pag model, at least maibibigay ko ang opinion ko as a model pagdating sa mga damit, pero dapat secret lang. Ayokong malaman nila ang pagkatao ko pero alam ko naman na imposibleng maging ganito kami ng matagal.
Natapos na sila sa meeting kaya umalis na ang iba. Ako naman inaayos mga pinaggamitan ni Mr. CEO.
"Hello Ms. Beautiful!" Agad akong lumingon kung sino ba tumawag sa akin. "Ako nga pala yung kasama nila Zamora noon sa hospital. Nice to meet you." Inilahad niyang muli ang kaniyang mga kamay at hahawakan ko na sana pero tinawag ako ni Mr. CEO.
"Xatana, pumunta ka dito." Hmm para saan naman kaya?
Lumapit na ako sa kanya at laking gulat ko nang lumuhod ito sa akin. May kinuha itong bulak at ipinad sa binti ko. Teka may sugat pala ako? Siguro noong kukunin ko sana yung picture. Hindi ko namalayan.
Patuloy lang siya sa pagpahid ng gamot sa binti ko. Yung lalaki naman nakatingin lang at nakangiti sa akin. Nang matapos na ito ay nilagyan niya ng band aid yung sugat ko.
"Sa susunod mag-iingat ka." Biglang sermon nito. "Mr Reimbus, in ny office" dagdag pa nito at umalis na.
Yung isa naman nagpaalam pa sa akin at sinundan na niya si Mr. CEO, ano naman kaya ang pag-uusapan nila? Teka bakit curious naman ako?
Liligpitin ko pa pala mga gamit dito.
"Tulungan na kita diyan Xatana."
"Oh ikaw pala Drixie, sige salamat."
"Musta naman ang unang meeting na ikaw ang secretary? Hahaha naalala ko, dating mga secretary ni Mr. CEO hindi gaanong aware sa meeting. I mean wala kasing experience, kung anong gagawin ganito ganiyan."
"Totoo? Pero alam ko mapili si Mr. CEO kapag sa secretary."
"Oo nga, pero noon kasi si Ms. Lee ang nagbibigay ng secretary kay Sir."
Yung Lee ba natinutukoy nito ay yung babarng nakasagutan ko lang nakaraan?
"Bakit Xatana, nagkita na ba kayo ni Ms. Lee?" Tumango ako sa tanong niya.
"Kung gano'n anong ginawa niya sayo? Sinugod ka ba niya? Sinaktan ka ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin!"
"Teka hinay-hinay ka lang sa tanong. Ok naman ako. Hindi niya ako masasaktan ng ganun-ganun lang. Tiyaka anong magagawa niya kung si Mr. CEO nga nagpatigil sa kaniya." Mahaba kong litanya.
"Teka si Mr. CEO? Hala, imposible yan! Ni-minsan walang prinotektahan si Mr. CEO maging si Ms. Lee 'no!"
"Pinatigil niya lang naman yung babae. Hindi naman protekta ang tawag doon."
"Ah basta, prinotektahan ka niya at hindi iyon normal! Xatana, hindi kaya may gusto si Mr. CEO sayo?" Pagkasabi niyang iyon ay sobra siyang natuwa. Teka tuwa nga ba o kilig?
"Siyempre empleyado niya ako, tayo. Gagawin niya talaga iyon!"
"Imposible talaga Xatana. Ikaw bahala kung ayaw mong maniwala, edi don't. Basta ako, gusto ka ni Mr. Hunt!"
"Shhh! Huwag kang mai—"
Agad na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang napakagwapo naming Boss. Teka erase yung sinabi ko!
"Xatana Lockwood, in my office now!" At umalis ulit siya.
"Nako Xatana, mukhang galit si Mr. CEO, anong ginawa mo?"
Nag-isip naman ako kung may ginawa ba akong masama. "Hala akala ko ok lang sa kaniya iyon, muntik ko na kasing masira yung picture na nasa taas. Nako, sige bye na Drixie." Agad naman akong umalis.
"Teka Xatana, hindi naman nakakagalit iyon."
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Drixie basta ako gusto ko lang na pumunta na sa office.
Pagkarating ko doon ay nakita ko si Mr. CEO na nakatingin sa labas. "Sorry Mr. CEO, akala ko ok lang sa inyo iyon. Hindi ko naman sinasadyan na malaglag yung picture doon. Sorry, sorry, sorry." Sana hindi niya ako paalisin.
"Pft, sabay na tayo mag lunch."
Agad naman akong natameme. Sasabay siyang mag lunch, sa akin?
"Sorry pero kasama ko na kasi si Drixie na mag lunch."
"Sa ibang araw na lang kayo mag lunch ng magkasama."
Huh? Seryoso siya, sasabay siya mag luch kasama ako? Anong nakain ni Mr. CEO ngayon? Oo nga pala wala pa siyang kinakain. Baka dahil gutom na siya kaya ganiyan siya?
"Silence means yes I think."
"Hi-hindi Mr. CEO, baka kung anong isipin kasi nila sa atin."
"May dapat ba silang isipin sa ganun?" Hayst, paano ko ba sasabihin.
"Ah sige Mr. CEO, sabay na tayo..."
"Ok good." Natahimik ako ng biglang may kinuha siyang tupperware.
Huwag niyong sabihin, pinaghandaan niya talaga ito?
"Where is your food?"
Oo nga pala, doon pa ako bibili sa canteen.
"Teka Mr. CEO, bababa lang muna ako."
Bago pa siya sumagit ay umalis na ako doon. Paano ko sasabihin kay Drixie ito. Haynako, dapat kasi tumanggi na lang ako.
"Oh Xatana, halika na mag lunch na tayo."
"Drixie, tungkol diyan. Hindi muna sa ngayon. May iba kasi akong sasamahan."
Bigla naman itong ngumuso. "At sino naman yan aber! Aba ako nauna, gusto niya bang tyinelasin ko sjya?" Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Bakit kaya mo ba?"
"Sino ba kasi yun!"
"Secretary Lockwood, are you done?"
Lumapit ako kay Drixie at bumulong. "Si Mr. CEO, siya kasama kong kumain." Napa ngiwi naman ito sa sinabi ko.
"Ahh...uhm sige na Xatana hehehe sa susunod na lang, may kasama kasi ako hehe bye!" Utal nitong sabi at kumaripas ng takbo
Pft, sabi ko na at hindi niya magagawa yun kay Mr. CEO.
"Sorry Mr. CEO, pupunta pa akong baba para bumili."
Lumapit naman ito sa akin at nagtanong. "Hindi ka nagdadala ng pagkain mo?"
Umiling ako bilang tugon. Hinila naman niya kamay ko at bumaba kami parehas.
Hinila niya kamay ko.
Hinila niya kamay ko?
Hinila niya kamay kooo!
Tinignan ko naman kamay ko na hawak-hawak niya. Wait, totoo ba ito? Ngayon lang ulit may humawak sa kamay ko bukod siya.
Natameme na naman ako ng pumunta kami ng canteen at bumili siya. Teka lang ah, siya yung bumili at siya din yung nagbayad! Hindi lang yan, bumili din siya ng katulad sa akin!
Anong nangyayare?!
Pagkatapos niyang bumili ay umalis na kami pero dinig ko ang usapan ng ibang tao tungkol sa amin.
"Sila na ba?"
"Aww, ang sweet naman ni Mr. CEO."
"Ano kayang relasyon ang meron sa kanila?"
At madami pang bulungan.
Ito ang ayoko sa lahat, madaming bumubulong.
Binitawan ko naman si Mr. CEO, nagulat pa ito sa kinilos ko.
"Mr. CEO ano bang gusto niyo? May kamay at paa ako. Kaya kong bumaba at bumili ng para sa sarili ko."
"Sorry, I thought its ok."
Bumuntong hininga ako, mababaliw ata ako nito.
"Its ok." Wala naman ng susunod. Nagugutom na din naman ako.
Naglakad na lang ako papunta sa office. Ganun din naman ginawa niya. Kumain kami ng tahimik, iniisip ko nga ang sama ko. Baka naman kasi gusto niyang mabago yung tingin sa kaniya ng mga empleyado niya sa ganitong paraan. Kaya ganito siya kumilos.
"I'm sorry!/I'm sorry" Parehong sabi namin.
Nagulat ako at tumingin sa kaniya. Patuloy siyang nagsalita.
"I'm not into this but I want to change. For the sake of my company." Sabi ko na nga ba. "Akala nila wala akong pake sa kanila." Wait narinig niya ba usapan namin ni Drixie?
“So, narinig mo kami ni Drixie?"
Tumango lang siya.
Paano ba I-comfort ang isang lalaki.
"Tulungan kita Mr. CEO and I'm sorry sa inasal ko kanina."
Ngumiti naman ito at kumain na siya kaya kumain na din ako.