THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY (Filipino) Chapter 48

“WHAT the hell is wrong with you, brother?”

Napakurap si Raiven at tumingin sa kapatid niyang si Riki. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya na para bang naging dalawa ang ulo niya. Kararating lang ng kapatid niya mula sa Amerika kung saan ito kasalukuyang nakabase at nasa Pilipinas lang ngayon para magbakasyon. Biglang sumulpot si Riki sa opisina niya para kumustahin daw siya. Pero kahit matagal na silang hindi nagkikita ay hindi niya magawang ituon ang buong atensiyon niya sa kaniyang kapatid.

Sa totoo lang, isang linggo nang hindi makapag-concentrate sa kahit na anong ginagawa niya si Raiven. Kahit si Julia ay bukambibig na rin ang tanong na iyon ni Riki. And that made him feel guilty.

“Raiven?” untag sa kanya ni Riki.

“There’s nothing wrong with me, Riki. Medyo pagod lang,” sagot niya rito.

Napalitan ng simpatya ang pagkainis sa mukha ng lalaki. “Nagiging workaholic ka kasi. You need a break. You know what, sumama ka sa `min ni Choi. Magbakasyon ka kahit isang linggo lang,” suhestiyon nito.

Napakunot-noo siya sa pagbanggit ni Riki sa bunsong kapatid nila. “Si Choi na dapat mas isiping ayusin ang buhay niya kaysa palagi siyang nagpapakasarap. Isang taon na mula nang maka-graduate siya pero wala pa rin siyang inatupag kundi ang mag-party kung saan-saan. At least ikaw, may career ka sa tennis,” komento niya.

Tumawa si Riki. “Brother, iyon ang trabaho ni Choi. You know he has always been a party animal. Bata pa naman tayo kaya okay lang mag-enjoy. Ikaw lang naman ang masyadong seryoso sa buhay. Get loose once in a while, man.”

Sa sinabi nito ay naalala uli niya ang mukha ng isang magandang babae na kahit hindi niya masyadong kilala ay tila nabasa ang kaloob-looban niya. Kuntento ka ba sa ganyan? Aren’t you bored? He was. Pero hindi niya aaminin iyon kahit na kanino, lalo na sa isang estrangherong bigla na lang sumulpot isang gabi at ninakawan siya ng halik sa mga labi.

So what if she was so damned sexy that just thinking about her made his body tense with awareness? So what if she smelled so good that Raiven wanted to burry his face on her neck and inhale her? So what if her lips were soft, hot, and sweet? Hindi niya kilala ang babae at malamang hindi na niya makikita pa. Higit sa lahat, wala siyang balak guluhin ang buhay niya dahil lang sa isang babaeng gaya nito. Julia was too good to deserve that.

“Ano, payag ka? Let’s go have fun,” pag-uudyok pa rin sa kanya ni Riki.

Napabuga siya ng hangin. Alam niyang hindi siya titigilan ng kapatid niya hangga’t hindi siya pumapayag. “Sabihin ninyo na lang kung kailan para matapos ko ang mga trabaho ko. Hindi ako puwedeng umalis kung hindi ko matatapos ang mga ito,” pagsuko ni Raiven.

Ngumisi si Riki. “Great.”

Nabaling ang atensiyon niya sa intercom nang tumunog iyon. “Yes?”

“Sir, Mr. Lagdameo wants to see you. Nasa opisina raw siya ng papa ninyo,” imporma ng sekretarya niya. Ang papa pa rin niya ang tumatayong presidente ng kompanya nila habang kumukuha pa siya ng experience bilang head ng TV Network na pag-aari din nila.

“I’ll be there,” sagot niya bago niya pinatay ang intercom.

“Binibisita ka rin ng future father-in-law mo rito?” tanong ni Riki.

Napatingin si Raiven sa kapatid nang may mahimigan siyang pambubuska sa tinig nito. “Of course not. Sa pagkakaalam ko ay may pinag-uusapan sila ni Papa. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong makita ngayon,” aniya, saka tumayo na.

Tumayo na rin si Riki. “Malamang tungkol sa anak niya. You’re dating her, right?”

“Yes,” tipid na sagot ni Raiven. Ipinilig niya ang ulo para itatak iyon sa isip niya. Kailangan niyang tigilan ang pag-iisip sa ibang babae dahil may kasintahan na siya. Naglakad siya patungo sa pinto ng opisina niya habang nakasunod naman sa kanya ang kapatid.

“Then I’ll be going now. Napangakuan ko ng date si Mama,” paalam ni Riki sa kanya.

Ngumiti siya at tinapik ito sa balikat. Saglit pa ay naglalakad na si Raiven patungo sa opisina ng kanyang ama.

NAABUTAN ni Raiven na nagtatawanan sina Don Jaime Montemayor at Diosdado Lagdameo. Mukhang nagkakatuwaan ang mga may-edad na lalaki. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng dalawa.

“Ah, there you are, Raiven. Come,” nakangiting sabi ni Diosdado. Tumalima siya at umupo sa tabi ng papa niya.

“Pinatawag ninyo raw ako.”

Hindi nawala ang ngiti ni Diosdado. “Pinag-uusapan lang namin ng papa mo ang tungkol sa inyo ni Julia kaya bigla kong naisip na kausapin ka. Tell me, Raiven, do you plan to marry my only daughter?” prangkang tanong nito.

Napatitig siya rito, pagkatapos ay sa kanyang ama na matamang nakatingin din sa kanya. Oo nga at nasa plano niya iyon pero hindi niya inaasahang direktang itatanong iyon ng ama ni Julia sa kanya.

“Well?” untag ng may-edad na lalaki.

I did. “I don’t want to comment because whatever my decision is, gusto ko sanang si Julia ang unang makaalam niyon,” sa halip ay sagot ni Raiven.

Kumislap sa amusement ang mga mata ni Diosdado. “I see. But your father and I will surely be happy kung mauwi nga kayo ni Julia sa kasalan. Dahil kung pakakasalan mo siya, willing akong i-merge ang Lagdameo Telecom sa Montemayor Communications. Afterall, ang kompanya ko ay magiging pag-aari ni Julia sa hinaharap at kung ikaw ang mapapangasawa niya ay mapapanatag akong ipagkatiwala iyon sa `yo.”

Hindi na niya itinago ang pagkabigla. Matagal nang sinabi sa kanya ng ama na gusto nitong makuha ang Lagdameo Telecom. Iyon na lang kasi ang cellular company na matinding kalaban ng kompanya nila. Kapag nakuha nila iyon, sila na ang magiging sole owner ng mga cellular network sa buong bansa. Alam iyon ni Raiven pero hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nakipagrelasyon kay Julia. Well, siguro ay sumasagi sa isip niya iyon paminsan-minsan pero hanggang doon lang iyon. Or was it the reason why he chose to date her but he just didn’t want to admit it?

“Don’t look shocked, Raiven. I don’t mind. Just treat it as a dowry,” sabi pa ni Diosdado. Tumayo na ito at bumaling sa ama niya. “Mauna na ako, kumpadre.”

Sabay silang tumayong mag-ama at nakipagkamay rito. Lumabas na ng opisina ang ama ni Julia pagkatapos nitong magpaalam.

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanila ng kanyang ama nang silang dalawa na lang ang naroon.

“So what will you do?” tanong ni Don Jaime mayamaya.

Sinalubong ni Raiven ang tingin ng ama. “Ano ba ang dapat kong gawin?”

Nagkibit-balikat si Don Jaime at ngumiti. “Son, I want you to know that all your mother and I want is for the three of you, our sons, to be happy. Magdesisyon ka na hindi iniisip ang tungkol sa kompanya. Of course we will be happy to have Julia as your wife. Mabait siyang babae at alam naming magiging mabuting maybahay siya sa iyo. Kasundo rin siya ng mama mo. Pero kung pakakasalan mo siya gusto ko dahil iyon ang gusto mo. Nagkakaintindihan ba tayo?” malumanay na sabi ng kanyang ama.

Tumango si Raiven. Pero ilang segundo pa lang ay nakapagdesisyon na siya. “I’m going to ask Julia to marry me, Papa,” determinadong sabi niya. After all, iyon naman talaga ang plano niya. Wala na siyang makikitang babaeng kasimperpekto ni Julia. Wala rin siyang makitang rason para hindi pakasalan ang dalaga. The merger was just an added bonus.

Ngumisi ang papa niya. “Akala ko ba siya ang gusto mong unang makaalam?”

Gumanti siya ng ngiti. “It’s okay, you are my father after all.”

“MAY PROBLEMA tayo.”

Napalingon si Lauradia nang humahangos na pumasok sa bahay nila si Czarina. Sa iisang bahay lang sila nakatira at ang tatlo pang babaeng inampon ni Miss Red Butterfly na mas bata sa kanila ni Czarina.

“Ano `yon?” tanong niya.

Umupo sa tabi niya ang babae at saglit na hinabol ang hininga bago nagsalita. “Nakatakdang mag-propose si Raiven Montemayor kay Julia Lagdameo mamayang gabi.”

Napaatras siya sa pagkabigla. May kung anong dumagan sa dibdib ni Lauradia na mas pinili niyang huwag pansinin. “Paano mo nalaman?”

“Sinabi ng isang source ko. Sa isang restaurant daw magpo-propose si Raiven kay Julia. Tumawag daw doon si Raiven para ipa-reserve ang buong restaurant at paayusan nang maganda. Ang sabi, plano daw niyang mag-propose ng kasal sa girlfriend niya. This is bad, Lau. Kailangan natin gumawa ng paraan para hindi matuloy ang proposal niya. Sinisira niya ang plano natin. Bakit ba siya nagmamadaling magpakasal?” natatarantang sabi ni Czarina.

Oo nga. Bakit? Huminga nang malalim si Lauradia dahil bigla siyang nanlamig. Idinahilan niya sa sarili na ayaw lang niyang masira ang plano nila kaya naramdaman niya iyon. Pinagana niya ang kanyang isip kung ano ang dapat nilang gawin. Pero naalala lang niya ang gabing nagkausap sila ni Raiven. The feel of his strong and hard body, that lost expression in his eyes, the scent of his perfume, and the taste of his lips. Nagliparan ang mga paruparo sa sikmura niya at lalong sumidhi ang kagustuhan niyang paghiwalayin ang binata at si Julia. Alam niyang hindi lang dahil trabaho niya iyon kundi may iba pang dahilan na hindi niya maipaliwanag.

Nakapagdesisyon na siya. Tumayo si Lauradia at determinadong tumingin kay Czarina. “Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?”

Tumango ang babae. “Nasa TV station nila.”

Napaisip siya. “Masyadong maraming tao roon. But never mind. Magpapakita ako sa kanya. Magbibihis lang ako,” aniya, saka naglakad patungo sa kuwarto niya.

“Pero ano’ng gagawin mo? Hindi natin naplano ito.” Huminto siya sa paglalakad at tumingin kay Czarina.

Hindi ko rin alam. “Saka na natin isipin habang nasa daan. Ipagda-drive mo ako, hindi ba?”

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Czarina.

Tumango siya at tuluyan nang pumasok sa silid niya. Huminga siya nang malalim. Hindi niya alam kung paano haharapin uli si Raiven. Paano kung itaboy siya ng lalaki? Don’t come near me again. Iyon ang marahas na sinabi nito sa kanya nang gabing iyon.

“Sorry, Raiven, pero hindi ko puwedeng gawin `yon,” aniya sa kawalan. Pagkatapos ay mabilis siyang nagbihis.

NA-TENSE si Raiven nang pagkalabas niya ng elevator patungo sa parking lot ay naramdaman na naman niya ang pagtayo ng mga balahibo niya sa batok. He remembered that was exactly how he felt the night he met that woman. Alam niya ang pangalan ng babae pero kahit sa isip niya ay hindi niya iyon binabanggit. Hindi siya tanga para hindi maramdamang gulo ang hatid nito sa buhay niya kung pagbibigyan niya ang babae.

Umiling siya. Napa-paranoid lang siguro siya dahil sa gabing iyon siya magpo-propose kay Julia. Nasabi kasi ng kasintahan niya sa kanya na balak nitong magpunta sa Amerika nang ilang linggo para bisitahin ang ate nito na doon na nakabase. Kaya naisip ni Raiven na mag-propose kay Julia bago ito umalis.

Maybe what he was feeling right now was a sign that he should forget about that temptress. Dahil kahit ilang beses niyang murahin ang sarili ay may mga pagkakataong sumasagi pa rin sa isip niya ang babae. Pero oras na para tuluyan na niyang alisin ito sa isip niya, lalo na at nagdesisyon na siyang magpakasal.

Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan niya. Ilang metro pa lang ang layo ni Raiven mula roon ay napahinto uli siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang babaeng nakatayo sa gilid niyon. Damn, speaking of the—

Biglang lumingon sa kanya ang babae at matamis na ngumiti. Muntik na siyang mapaatras nang tila may sumuntok sa sikmura niya at napatitig lang siya sa mukha nito. “Hi there!” bati sa kanya ni Lauradia.

Natauhan siya at napakunot-noo. “What are you doing here?” naiinis na tanong ni Raiven. Inilang-hakbang niya ang pagitan nilang dalawa. Kahit na naiinis siya sa biglang pagsulpot ng babae ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang suot nitong tight fitting dress na halos pangalawang balat na nito sa pagkakalapat niyon sa katawan nito. She looks like sin incarnate.

Tumawa si Lauradia. It was the same chuckle that made his nerves tingle and his muscles taut. “Ano sa tingin mo?” balik-tanong ng babae sa nanunudyong tinig.

Ipinilig niya ang kanyang ulo para hamigin ang sarili at magmukhang maawtoridad. Tinitigan niya ang babae sa paraang madalas niyang gamitin sa mga tauhan niya kapag may ginawang mali ang mga ito. “I don’t have time to play mind games with you, woman,” malamig na sikmat ni Raiven rito.

Mukhang hindi naman natakot sa kanya si Lauradia. Sa halip, tinawid nito ang distansiya sa pagitan nila at hinaplos ang braso niya. Napaigtad at napamura siya. “What are you doing here?” gigil na tanong niya.

Umangat ang isang sulok ng mga labi ng babae. “I just want to see you.”

Nakakunot-noong nagpalinga-linga siya. Kapag may nakakita sa kanya na may kasama siyang babae at hindi naman ang nobya niya ay magiging paksa siya ng tsismis. Ang malala pa kapag nakarating iyon sa media ay magiging laman din siya ng mga balita. Bumuga ng hangin si Raiven at lumayo kay Lauradia. “Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo pero wala akong panahong makipaglaro sa `yo, okay? Go home and don’t bother me anymore.”

Mabilis siyang umikot patungo sa driver’s seat at binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Pero binuksan din ng babae ang pinto sa passenger’s seat at nauna pa itong pumasok kaysa sa kanya. Nakatiim-bagang na umupo siya sa likod ng manibela at pabalibag na isinara ang pinto, bago humarap dito. “Get out.”

Taas-noong tiningnan siya ni Lauradia. “Ayoko. I came all the way here to see you `tapos paaalisin mo ako agad?”

Ginulo ni Raiven ang kanyang buhok sa labis na frustration. “Ang kulit mo!”

“Kung hindi ako magiging makulit, hindi ko makukuha ang gusto ko,” determinadong sagot ng babae na nagpabalik ng tingin niya sa mga mata nito. Tila may humalukay sa sikmura niya nang mabasa niya ang kislap sa mga mata ni Lauradia. Na tila ba sinasabi ng babae na hindi niya iyon maiintindihan dahil lumaki siyang nakukuha ang lahat ng bagay bago pa niya ma-realize na gusto niya iyon. “And I want you, Raiven, from the very first time I saw you,” anito sa mas mahinang tinig. Umisod pa palapit sa kanya ang babae at akmang hahawakan siya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ni Lauradia para pigilan ito.

Huminga siya nang malalim. He must get a grip of himself. Hindi na siya dapat mag-entertain ng ibang babae dahil may Julia na sa buhay niya. “Look, I already have a girlfriend, okay?” sa wakas ay sabi ni Raiven.

May kumislap sa mga mata nito. Hindi iyon pagkagulat. Was it pain? Saglit na bumaba ang tingin ng babae at ilang segundong hindi nagsalita bago tumingin uli sa kanya. “Can’t you break up with her?”

Tumawa siya nang pagak. “Of course I can’t. Julia is a very respectable woman. I will not break up with her just because of you.”

Lalong tumindi ang sakit sa mga mata ni Lauradia. Tumiim ang mga bagang ni Raiven dahil sa tingin niya ay sobra na ang mga sinabi niya. He felt a pang of guilt in his gut. Pero bakit ba siya magi-guilty kung totoo naman ang sinasabi niya?

“Okay,” sa wakas ay sagot ng babae. He was caught off guard. At bago pa siya makahuma ay bigla na lang siyang hinalikan ni Lauradia nang mariin sa mga labi. When Raiven felt her soft lips, his body automatically tingled with hot sensations. Pinilit niyang kontrolin ang sarili at hinawakan ito sa mga braso para ilayo sa kanya.

Pero hindi niya nagawa dahil tila sinilaban siya nang maramdaman niya ang makinis nitong balat. With a harsh curse in his mind, he found himself taking control of the kiss. Napasinghap ang babae na nagdulot ng kakaibang kasiyahan sa dibdib ni Raiven. Lalo niyang pinalalim ang halik at ninamnam ang mga labi nito. She tasted so sweet and hot he couldn’t stop kissing her. He never felt like this before, this strong urge to possess someone, to take his fill until she melted to him. Ni hindi niya iyon naramdaman kahit isang beses kay Julia.

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang maalala ang kasintahan. Mabilis na inilayo niya ang sarili sa babae. Halos sabay pa silang dumilat. At tulad niya ay humihingal din ito. Ilang segundong nagtitigan lang sila bago siya napabuga ng hangin. “God dammit! Get out!” malakas na sabi ni Raiven. Nginangatngat siya ng guilt. Nagalit siya hindi kay Lauradia kundi sa sarili niya. Naghalo-halo na ang mga emosyong naramdaman niya. And he didn’t like it.

“You’re still going to ask her to marry you?” tanong ng babae.

“Yes! Now get out!” sigaw niya rito.

Muling bumakas ang sakit sa mga mata ni Lauradia na agad ding nawala. Sa isang iglap ay nawalan ng ekspresyon ang mukha nito. “Fine.” Iyon lang at mabilis nitong binuksan ang pinto ng kotse niya at lumabas. Walang lingon-likod na naglakad palayo ang babae. Ilang minuto nang nakaupo roon si Raiven nang napagtanto niya ang huling sinabi nito.

Paano nalaman ni Lauradia na magpo-propose siya nang kasal kay Julia? Pero dahil iniwan na siya ng babae ay hindi na niya malalaman ang sagot nito. Yet, his body was still humming with awareness of her. Nanggigigil na inuntog niya ang ulo sa manibela at marahas na napamura.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.