"OH c'mon." hindi makapaniwalang sabi ko nang buksan ni Yvo ang pinto. "Hindi pa ako kumakain." sabi ko.
Totoong hindi pa ako kumakain. Tinanggihan ko na kasi ang alok ni Tita Theresa na doon sa kanila magdinner.
"So?" pasupladong sabi ni Yvo.
Pinigilan ko ang sariling mapairap nang makita ang pagtaas ng kaniyang kilay. Nagtatampo ba talaga siya? Ayaw niya na ba talagang kumain dito?
"Galit ka ba talaga?" Taas ang kilay na tanong ko habang binubuhat si Hugo. Balak kong dalhin na lamang siya sa kuwarto. Baka kasi mangalay sa pagkakahiga sa sofa.
Saglit na bumuntong-hininga si Yvo. "I'm not."
"Magluluto ako." kaswal kong sabi bago inayos ang pagkakabuhat kay Hugo. Kahit nahihirapan ay kinaya kong maglakad papunta sa kuwarto. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang kunin sa akin ni Yvo si Hugo.
"Ako na." mahina ang boses na sabi ni Yvo. Tipid na lang akong ngumiti bago binuksan nang tuluyan ang pinto.
"What do you want for dinner?" tanong ko habang naglalakad papunta sa kusina.
Tahimik lamang na nakasunod sa akin si Yvo. "Kakainin ko kahit anong lutuin mo."
Napapakibit-balikat na lamang na inumpisahan ko na lamang ang pagluluto.
Dahil hindi naman kami mahilig magstore ng mga pagkain, kung ano lang yung nasa refrigerator namin iyon lang ang niluto ko. Ginisang corned beef na may patatas. Nagsaing na rin ako ng para sa amin ni Yvo.
Marahil ay tulog na sina Tatay at Lemuel. Maaga kasi kaming magdinner. Pero ngayon ay mahuhuli ako kasama si Yvo.
"So, what happened?" tanong ni Yvo habang tinutulungan ako sa paglalagay ng patatas.
"Saan?"
"Sa lakad ninyo ni Jino." nakasimangot niyang sagot. "Paano nalaman ni Tita?"
Saglit akong huminga ng malalim. "Sabi niya, umpisa pa lang alam niya nang hindi ako si Jia. Hinayaan niya na lang raw dahil gusto niyang malaman kung hanggang saan ang kakayahan ko."
"Bakit hindi mo ipinaalam sa aking pupunta ka roon? Eh di sana'y ako na lang ang sumama sa iyo."
Bahagya kong nilingon si Yvo. "Nagseselos ka ba?"
Ramdam ko ang saglit niyang pagtigil sa ginagawa. "Bakit naman ako magseselos?" Kunot ang noong tanong ni Yvo.
Ewan ko ba, pero bigla akong nakaramdam ng kurot sa dibdib nang sabihin niya iyon. Marahil ay iba ang inaasahan kong isasagot niya.
Hindi na lamang ako muling kumibo. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi kami nakapag-usap ni Yvo.
"Goodnight, Quia." mahinang sabi ni Yvo nang ihatid ko siya sa kaniyang sasakyan. Marahan akong tumango bago tipid na ngumiti.
Akma na sana akong maglalakad pabalik sa bahay nang bigla akong tawagin ni Yvo.
"Yes?" taas ang kilay na tanong ko.
Nakaramdam ako ng kaunting excitement pero kaagad ring nabura nang marinig ko ang sinabi niya. "Ihalik mo ako kay Hugo. G-Goodbye."
"S-Sure." Disappointed kong sagot. Pinilit kong huwag ipahalata ang dismaya sa boses ko.
Nang makaalis na si Yvo ay saka lamang ako napayuko.
What the hell is wrong with me? Wala naman siyang binitiwang kahit ano 'di ba? He called me babe, pero hindi niya sinabing mahal niya pa rin ako.
Siguro naging assuming lang ako. Siguro akala ko na kapag nagkita kaming dalawa'y magiging kami. Pero nakalimutan kong mahaba ang dalawang taon. Kung hindi man niya minahal si Jia sa panahong iyon, baka mayroon namang iba.
"Quia, anak, bakit hindi ka pa pumapasok? Lalamigin ka riyan." sabi ni Tatay na nakatayo lamang sa pintuan.
"Papasok na po, nagpahangin lang ako sandali." sagot ko. Ilang minuto ko pang sinulyapan ang daang tinahak ng sasakyan ni Yvo bago ako pumasok sa bahay.
—
"Mukhang may pinagdadaanan ka yata ngayon Quia." nag-aalalang sabi ni Ms. Melendrez. Siya ang may-ari ng boutique na pinagtatrabahuhan ko.
Mula sa pagguguhit ng panibagong design ng mga gowns at dresses ay nalipat ang tingin ko kay Ms. Melendrez. "Puyat lang po."
"Ganoon ba, you should take a vacation. Nariyan naman si Lila para punan muna ang trabaho mo." nakakaunawang sabi niya sa akin.
Tipid akong napangiti. "Okay lang po ako. Kaya ko pa naman pong magtrabaho." Magalang kong sagot bago muling ipinagpatuloy ang pagdidisenyo.
"Alright, pero kapag gusto mong magbakasyon, sabihan mo lang ako." malaki ang ngiting sabi sa akin ni Ms. Melendrez bago niya ako iniwan.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
Dumating ang lunch break na nakasubsob pa rin ako sa aking table. Busog pa naman ako kaya hindi na lang muna ako kakain.
"She's here Ms. Ramirez." Narinig kong sabi ni Ms. Melendrez bago bumukas ang pinto ng opisinang ginagamit ko.
Kaagad akong napatayo nang makita si Louise. Malaki ang kaniyang ngiti na lumapit sa akin.
"Hi, Louise." nakangiti kong bati.
"Uhm, can we talk?"
"May malapit na coffee shop, kung gusto mo doon na lang." Suhestiyon ko bago inimis ang mga ginamit.
Ilang sandali lang ay nasa isang table na kami. Nasa harap ang mug ng coffee at slice ng cake.
May ilang minuto na kaming nakaupo ay hindi pa rin siya nagsasalita. Pareho lang kaming nakatingin sa labas.
"Bakit gusto mo akong makausap?" Tanong ko nang hindi na ako makatiis sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
Saglit na sumimsim sa kaniyang kape si Louise bago tumingin sa akin. "Matagal ko na dapat sinabi sa iyo ito. Pero naduduwag ako."
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magpatuloy. "I'm sorry Quia. Alam kong narinig mo ang sinabi ko noon kay Kuya Yvo. Dahilan para umalis ka, iwan siya at ilayo si Hugo. Alam ko umpisa pa lang na anak ni Kuya ang dinadala mo. Kaya palagi akong sumasama kay Jino para tingnan-tingnan ang kalagayan mo at ni Hugo. I am very sorry, dahil sa akin nawala ang dapat oras ni Kuya para sa inyo ni Hugo."
"Ayos lang iyon Louise. Nangyari na iyon at maayos na kami ng Kuya mo." nakakaunawa kong sabi.
"Pero hindi naman iyon ang nakikita ko. Nitong mga nakaraang araw, parang palagi na lang mainitin ang ulo ni Kuya. Tapos lagi niya pa akong inaapura na magpakasal na raw kami ni Jino. May problema ba kayong dalawa?" Napapangiwing sabi ni Louise. Ayaw ko sanang maramdaman pero bigla-bigla'y parang may nagliparan sa tiyan ko. Malakas rin ang pintig ng puso ko.
"B-Bakit raw?"
"I don't know." napapakamot sa noong sabi ni Louise.
"O eh, bakit nga ba hindi pa kayo nagpapakasal ni Jino? Matagal na rin kayong magkasintahan." Napapangiti kong sabi na ikinatirik ng mga mata ni Louise. Nakakatuwa ang reaksiyon nito. Para bang isang bata na pinipilit pumasok sa eskwelahan.
"Pati ba naman ikaw?" Nanlalaki ang matang sabi niya. "Hindi niya pa ako inaalok! Kung pwede nga lang sana'y ako na lang ang magpropose ginawa ko na." Nakangusong sabi ni Louise bago kinain ang cake na nasa harap niya.
Napapailing na dinala ko sa bibig ang tasang may kape. "Eh ikaw? Tuloy ba ang kasal ninyo ni Kuya? Hindi ba't matagal na ninyong plano iyon?"
Halos masamid ako sa sinabi ni Louise. Nakataas lang ang dalawa niyang kilay habang nakatitig sa akin. Hindi pa nakuntento'y inilapit niya pa ang mukha sa akin. "When will you going to marry?"
"That would be our problem, not yours." Sabi ng boses na siyang ikinakabog nang malakas ng dibdib ko.
Napansin ko ang bahagyang pagbungisngis ni Louise bago kumindat sa akin. "I gotta go." sabi nito bago mabilis na umalis.
Kaagad kong ininom ang aking kape bago tumikhim nang mahina. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya pinili kong sa bintana na lamang ituon ang tingin.
"Hi."
Marahan akong tumingin sa lalaking kaharap. Saglit akong natigilan nang makita ang bagong gupit niyang buhok. Malinis at lalong bumagay sa kaniyang ayos. Itim na itim ang kulay na lalong nagpagwapo sa kaniya.
"H-Hello?" naiilang kong sagot.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Yvo. "Nakakailang ba?"
"Medyo?" natatawa ko na ring sagot.
Katahimikan.
Para kaming nasa isang kuwarto na walang kahit anong tunog na maririnig. Ilang sandali lang ay ako ang hindi nakatagal. "Anong ginagawa mo rito?"
"Pinuntahan kita sa boutique na pinagtatrabahuhan mo pero wala ka. Ang sabi ni Ms. Melendrez ay pumunta ka raw dito sa coffee shop dahil may ka-date ka raw." Nakita ko ang saglit na pagsimangot ni Yvo. "I was ready to strangled whoever that guy is. But thank God you were with my sister. Nainis lang pala ako sa wala."
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng isang ngiti. "Pinipilit mo raw na magpakasal na si Louise at Jino? Why?"
Kumunot ang noo ni Yvo. "Hindi ba obvious? Para hindi na makalapit pa sa iyo si Jino!"
"Nagseselos ka nga." bulong ko sa sarili bago humalakhak nang malakas.
"Anong nakakatawa roon?" inis na tanong ni Yvo.
"Wala, naalala ko lang, magpafile pala ako ng leave. May sasamahan kasi akong magbakasyon." sabi ko bago tumayo.
"Huh? Sino na naman? Dapat kasama mo ako. Hindi pwedeng ikaw lang, hindi ako papayag." Naiinis niyang sabi habang nakasunod sa akin palabas ng coffee shop.
Tumigil ako sa pinto para harapin si Yvo. Tumambad sa akin ang titig niyang mariin at nagtatagis na bagang. Marahan akong lumapit at inisang tawid ang pagitan naming dalawa. I kissed him. I kissed Yvo Ramirez.
"Sino ba ang nagsabing iiwan kita?"