The Substitute Chapter 23

"WHAT was that for?" tanong ni Yvo na ikinapula ko.

Gosh! Pwede namang huwag na siyang magtanong 'di ba? Napapahiya ako eh!

"I have to go, Yvo. Baka biglang magbago ang isip ni Mrs. Melendrez." Sabi kong hindi makatingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Yvo. Pagkatapos ay bigla niya akong ipinaloob sa kaniyang mga bisig. "I have news for you. Pero sa tingin ko'y makakapaghintay naman iyon." sabi niyang nakangiti sa akin. "Ihahatid na kita."

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palapit sa nakaparada niyang kotse. Tahimik lamang kami papunta sa boutique.

Bahagya akong nagulat nang hawakan ni Yvo ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya na tila nagtatanong pero isang matamis na ngiti lamang ang isinukli niya sa akin.

"Susunduin kita mamaya." sabi niya sa akin nang makababa ako ng kaniyang kotse.

"O-Okay." Akma akong papasok na nang muli niya akong tawagin.

"Yes?"

Saglit na huminga nang malalim si Yvo bago niya ako nginitian. "I love you."

May ilang minuto nang nakaalis si Yvo ay hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Kung hindi lamang ako tinawag ng isa sa mga kasamahan ko'y baka isang oras pa akong tulala roon.

Did I hear him right? Sinabi niya ba talaga iyon?

"Who's that hunk? Pumunta rin siya rito kanina, hinahanap ka." May pilyong ngiti sa mga labing tanong sa akin ni Mrs. Melendrez. Nakita niya siguro akong inihatid ni Yvo.

"Yvo Ramirez." maiksi kong sagot bago tinungo ang aking table.

"Yvo Ramirez? I think I know that name." Salubong ang kilay na sabi ni Mrs. Melendrez sa sarili. Napapailing na sinundan ko lamang ng tingin ang ginawa niyang paghahalungkat sa kaniyang table. "Here!"

Bigla akong napatingin sa kaniyang nang sumigaw siya't iwinagayway ang isang maliit na papel. "Here, Mr. Yvo Ramirez." sabi pa niya habang naglalakad palapit sa akin.

"A calling card." seryoso kong sabi nang iabot ni Mrs. Melendrez sa akin ang hawak niya. "Where did you get this? It's a bit old."

"Oh he gave that to me two years ago." Awtomatikong napaarko ang aking kilay. "Magpapagawa raw ng wedding dress,pero hindi natuloy dahil iniwan siya ng bride to be niya." Sagot pa ni Mrs. Melendrez habang napapahawak sa kaniyang dibdib. Tila nasasaktan sa nangyari kay Yvo.

"Jianna Montecarlo. Siya ang babaeng dapat ikasal kay Yvo pero hindi siya sinipot sa simbahan." wala sa sariling sabi ko bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Siyanga pala Ma'am, nakapagpasiya na po akong magte-take ng leave."

"Huh? Si Jianna Montecarlo? Ang alam ko'y naunang nangyari iyon bago niya ibinigay sa akin itong calling card niya. Mukhang masaya pa nga siya noon. Pero bigla niya rin akong tinawagan at sinabing ibenta ko na lang sa iba ang wedding dress na iyon."

Bigla akong nakaramdam ng tambol sa aking dibdib. Ayaw kong mag-isip nang kung ano kaya pinilit kong iwaksi ang damdaming unti-unting umuusbong sa dibdib ko.

Dalawa lang ang ibig sabihin niyon. He was serious about his proposal to me. O 'di kaya'y binalak niyang pakasalan ulit si Jia. Pero hindi naman siya iniwan ni Jianna diba? I was the one who left. I left with Hugo.

"Ma'am, tungkol sa bakasyong—."

"Yes, Quia, pwedeng hindi ka na pumasok bukas. Bumalik ka kung kailan mo gusto, tatanggapin pa rin kita." May ngiting sabi ni Mrs. Melendrez na ikinahinga ko nang maluwag.

"Thank you."

-

"Ate, sorry talaga, hindi ako makakasama. Finals na namin, hindi pwedeng hindi ako pumasok." nahihiyang sabi sa akin ni Lemuel nang sabihin ko ang planong magbabakasyon kami sa Batangas.

"Ako rin hija." sabi ni Tatay. "Sasamahan ko na lang rito si Lemuel. Kayo na lamang ni Hugo ang magbakasyon, mas kailangan mo iyon. Kung gusto mo'y isama mo na rin si Jino."

"Tay, hindi pwede si Jino. Inaayos niya ang problema ngayon ni Jia." sabi ko habang nililigpit ang mga nakakalat na laruan ni Hugo.

Jianna really needs help. She's so depressed right now. Grabeng impact ang nagawa ng pagtanggi ng lalaking mahal niya sa kaniya at kay Zarha. And Jino being the good brother, tinutulungan niya ngayon si Jia.

Sa pagkakaalam ko'y isang nagngangalang Logan Haze ang hinahabol ni Jia. Pero may kasupladuhan ang lalaki. Masama rin ang ugali dahil ayaw panagutan ang ginawa nito kay Jia.

Lumipad papuntang U.S si Jianna kasama si Jino at ang mga magulang nito. Kaya imposibleng makasama namin ngayon si Jino sa pagbabakasyon.

"Edi, tawagan mo si Kuya Yvo, ate." suhestiyon ni Lemuel.

"Iyon naman talaga ang plano ko." sabi kong napapairap.

Mabilis kong kinuha ang cellphone bago tinawagan si Yvo. Pero iba ang sumagot ng tawag ko.

"Yes?"

"Yes? Where's Yvo?" tanong kong nakakunot ang noo.

"Busy ngayon si Sir Yvo. Tumawag ka na lang ulit after an hour." Nahimigan ko ang kasupladahan sa kaniyang boses. Hindi ko alam na ganoon pala ang ugali ng sekretarya ni Yvo.

"An hour?" sabi kong nagtitimping hindi pagtaasan ng boses ang kausap. "Pakisabing tumawag ako."

"Name?"

Saglit akong pumikit nang mariin dahil sa inis na nararamdaman. Bakit hinahayaan ni Yvo na maging ganoon ang pakikitungo ng sekretarya niya sa mga taong tumatawag sa kaniya? "Basta sabihin mong tumawag ang asawa niya! At kapag hindi niya ako kinausap ngayon din—."

"Oh my gosh, Ma'am Quia? I'm so sorry." natatarantang sabi ng babae mula sa kabilang linya. Imposibleng hindi niya ako kilala! Bakit, wala bang pangalan ang numero ko sa cellphone ni Yvo? "Busy po talaga si Sir, kung gusto niyo po kayo na lang ang pumunta rito. Baka kasi masigawan ako kapag ako ang pumasok sa opisina niya."

"Ganoon? Eh bakit ikaw ang may hawak ng cellphone niya?"

"Sabi niya po kasi itabi ko muna, para walang istorbo." Parang binundol nang kung ano ang dibdib ko sa narinig.

Mabilis kong pinutol ang tawag. Inis na inihagis ko ang cellphone sa sofa.

"Huwag agad magselos. Puntahan mo muna." panunukso sa akin ni Lemuel.

"Hindi ako nagseselos!" mariin kong sabi bago lumabas ng bahay. "Pakibantayan si Hugo!" sigaw ko bago pumara ng traysikel.

Kaagad akong nagpahatid sa terminal ng jeep. Wala pang tatlumpong-minuto'y nasa tapat na ako ng kompaniyang pagmamay-ari ni Yvo.

Malalaki ang hakbang na akma akong papasok nang harangan ako ng security. "Ms. hindi pwedeng—."

Kaagad ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Kailangan kong kausapin ngayon si Yvo! May pa-I love you, I love you pa siya tapos ngayon—naku! Nanggagalaiti ako!

"Ma'am Quia!" sabi ng security guard bago ako pinapasok.

Muli akong huminga nang malalim bago lumapit sa receptionist. "Anong floor ang opisina ni Yvo?" Tanong kong ikinabigla ng mga empleyadong naroon. Para bang bigla silang natahimik nang makita ako.

Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman siguro iyon dahil sa mukha ko. Naglagay naman ako ng concealer sa peklat ko ah.

"T-Top f-floor po Ma'am Q-Quia." sagot ng babaeng mapagtanungan ko.

Aalis na sana ako nang mapagtanto ang isang bagay. "How did you know my name?" taas ang kilay na tanong ko. Kanina pa nila ako tinatawag sa pangalan ko eh ngayon pa lang naman ako nakatuntong sa building na ito.

"P-Po? Ah ano po k-kasi—."

"Nevermind." sabi ko bago ngumiti sa kaniya. Pakiramdam ko kasi'y natakot ko siya sa bigla kong pagtataray.

"Gosh, akala ko'y pagagalitan niya ako." Narinig kong sabi ng babae habang papalayo ako.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang mapansing nagsilabasan ang mga taong nasa loob ng elevator nang pumasok ako. Like, what the hell is wrong with them?! May sakit ba akong nakakahawa? O baka alam nila ang past ko?!

Hindi ko na lamang sila pinansin. Kaagad kong pinindot ang top floor. Hanggang ngayo'y hindi pa rin matanggal ang inis sa aking dibdib.

Bakit busy si Yvo?

Bakit bawal istorbohin?

Bakit nasa sekretarya niya ang cellphone niya?

Gosh! Mababaliw yata ako kakaisip tungkol roon!

Nang tumigil ang elevator ay mabilis akong lumabas at tinungo ang nag-iisang pinto.

"Ma'am Quia." Kinakabahang tawag sa akin ng babaeng nasa labas ng opisina ni Yvo.

"CEO's office?" taas ang kilay na basa ko bago binuksan ang pinto kahit hindi kumakatok.

"Napakaganda..." sabi ng isang babaeng nakatalikod sa akin. Napansin kong nakataas ang kamay niya't hawak-hawak ang isang singsing.

Parang sinampal ako nang makita ang pagngiti ni Yvo habang nakatingin sa hawak ng babae.

"Quia!" gulat na tawag sa akin ni Yvo nang makita niya ako. Pero hindi ko siya pinansin. Kaagad akong tumalikod at isinarado nang malakas ang pinto.

Kaya pala busy siya! Kaya pala bawal siyang istorbohin!

Damn you Yvo!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.