The Substitute Chapter 26

"What? You confessed your feelings?" bulalas ni Greco. Isa sa mga matalik kong kaibigan.

Narito kami ngayon sa isang maingay na bar. Everyone's enjoying the night, pero hindi ako. Narito ako para makalimot. I'm here because I don't know where to go.

Hindi ko alam kung sinong pwede o dapat kong kausapin. But thank God, I spotted Greco in this wild place. Ngayon alam ko na kung sinong pahihingahan ng bigat na nararamdaman ng puso ko.

"Jino, dude, no offense but Quia's your sister—I mean, Quia and Jia's sharing the same face. Hindi ba parang nakakailang na halos ang kapatid mo na ang kaharap mo? Na parang ang kapatid mo na rin ang pinagtapatan mo ng nararamdaman mo?"

Inisang lagok ko ang alak na nasa basong hawak ko, saka ako pumikit nang mariin. "I already thought about that. Pero iba eh, whenever I talked to Jia, walang iba sa nararamdaman ko. Of course, dapat naman talagang wala dahil magkapatid kami. But when it comes to Quia, I feel like I was drowning. Nilulunod ako ng pagmamahal ko sa kaniya." Malamig kong sagot bago yumuko.

"F*ck you, dude, alam na ba ito ni Louise?"

Mabigat ang pinakawalan kong paghinga, bago marahang tumango. "Napag-usapan na namin ang tungkol sa nararamdaman ko. At pakiramdam ko napakasama kong tao."

"Totoo naman." prangkang sagot ni Greco.

"We were fine. We were doing great noong mga panahong wala pa si Quia." Mababa ang tonong sabi ko. "Ang akala ko'y pag-aalalang kapatid lang para kay Quia ang naramdaman ko noong gawan siya ng kahayupan ni Ocampo. Pero hindi, I got mad at myself nang makita kong yakap siya ni Yvo."

"Alam kong hindi ko dapat iyon maramdaman, pero mas lalo lang lumago ang pagmamahal ko kay Quia noong iwan niya si Yvo."

Marahan akong tinapik-tapik ni Greco sa likod bago ito uminom sa basong may alak. "You're old enough to know what you should do, Jino."

"Of course!" Mabilis kong sagot bago tumango-tango.

I need to move on. Iyon lang naman ang dapat gawin ng taong hindi natugunan ang pagmamahal.

Isa pa'y kailangang-kailangan ko ngang gawin iyon. Dahil dalawang tao ang nawala sa akin. Ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at ang taong siyang nagpagulo sa nananahimik kong puso.

Dapat lang na gawin ko ang tama. At sa tingin ko'y tama ang magiging desisyon ko kung susundin ko nang pantay ang puso at isip ko.

"Kailangan nating mag-usap, Quia." Seryosong sabi ni Louise nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Alam kong darating ang araw na mangyayari ito. Hindi ko nga lang napaghandaan ang pagdating ni Louise. Pero kahit na ganoon handa akong magpaliwanag.

"Pasok ka..." anyaya ko sa kaniya pero mariin niya akong tinanggihan.

Mataman lamang siyang nakatitig sa akin. Ilang saglit lang ay walang pasabing tumulo ang kaniyang mga luha.

Wala akong magawa. Hindi ko siya kayang aluin dahil pakiramdam ko'y hindi niya kailangan ang awa ko.

"Why?" halos walang boses na tanong sa akin ni Louise.

"Loui—." Hindi ko naituloy ang dapat kong sabihin nang mapansin ang pag-angat ng kamay ni Louise. Akala ko'y sasampalin na niya ako. Pero hindi, marahan niya lang na itinaas ang kaniyang kamay, akmang may gagawin pero saglit lang at nanatili na lang siyang nakayuko't umiiyak.

"I'm sorry." Sabi ko sa mahinang boses.

"I wanted to slap you, Quia. Pero hindi ko magawa dahil alam kong wala kang kasalanan. Saksi ako sa pagmamahalan ninyo ni Kuya. At alam ko kung gaano ninyo kamahal ang isa't, isa."

"Louise,.."

"Ang hindi ko lang matanggap, bakit ikaw pa ang napiling mahalin ni Jino? Bakit ikaw pa? Ikaw na siyang tinanggap ko na bilang isang kapatid?"

Pati ako'y naguguluhan, bakit nga ba ako?  Bakit nga ba ako mahal ni Jino?

Hindi na ako nakaimik nang muling humagulgol si Louise. Naaawa ako para sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin pero 'di ko magawa.

"We broke up." Maya-maya'y sabi ni Louise sa pagitan ng pag-iyak.

"What?"

"I broke up with him." Nahimigan ko ang sakit sa boses ni Louise. "Kahit na nanghihinayang ako sa mga panahong pinagsamahan namin, pinilit kong hiwalayan siya."

"Louise, hindi mo dapat iyon ginawa."

"At ano ang dapat kong gawin?! Maging isang martyr?! Na magbubulag-bulagan na lang?! Quia mahal ko si Jino pero hindi sa puntong gagawin kong tanga ang sarili ko?! I don't want to be like Jianna! Na ipagsisiksikan ang sarili sa taong hindi na ako mahal." Pagalit na sabi ni Louise.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi bago ko siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Louise, listen to me." mahinahon kong sabi. "Mahal ka ni Jino. Naguguluhan lang siya sa mga pangyayari. Jianna left Jino, dahil may mga bagay siyang dapat gawin. Nagbigay iyon ng kalungkutan kay Jino dahil iniwan na naman siya ni Jianna. And now, Yvo and I are getting married. Napagkakamalian lang ni Jino ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na naman siyang maiiwan dahil pareho kami ng mukha ni Jia!"

"No! Quia, 'wag mo naman akong paasahin. Ipinagtapat niya sa akin ang lahat. Hindi niya na kayang ipagpatuloy ang relasyong meron kami dahil hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya para sa akin!"

Bago pa ako tuluyang makasagot ay isang tao na ang sumingit sa pag-uusap namin ni Louise. Ang taong dapat ay huling makakaalam ng mga bagay-bagay na nangyayari ngayon sa pagitan naming apat.

"Tama ba ang narinig ko?"

Malakas na napasinghap si Louise. Tahimik na tiningnan ako sa mga mata bago pumikit nang mariin. "Kuya..."

"Tama ba ang narinig ko? Louise...Quia?" Mariing ulit ni Yvo na ngayon ay malamig na nakatitig sa akin.

"Yvo, sa tingin ko'y dapat na—."

"Pupuntahan ko si Jino." Malamig na sabi ni Yvo bago mabilis na sumakay sa kotse.

"Yvo!" Kaagad akong humarang sa harap ng kotse ni Yvo pero mabilis niyang naiatras ang kotse, pagkatapos ay kaagad na iyong pinaharurot.

"Oh God!" Kinakabahan kong sabi bago hinila si Louise.

Kaagad akong sumakay sa kaniyang sasakyan. Pareho kaming kinakabahan ni Louise kaya nang nasa loob na kami ng sasakya'y hindi kami magkandaugaga sa pagsuot ng seatbelt.

"F*ck!" malakas na sabi ni Louise nang mahulog ang susi ng kotse. Taranta iyong kinapa ni Louise sa ilalim. Ilang sandali lang ay mabilis nang tumatakbo ang sasakyan.

Nang makarating kami sa bahay ng mga magulang ni Jino'y hindi ko na hinintay na makapagpark nang maayos si Louise. Kaagad akong bumaba ng kotse't tinakbo ang pagitan namin ni Yvo.

"Yvo, stop!" Malakas kong sabi nang tuloy-tuloy na tinulak ni Yvo ang pinto ng malaking bahay.

"Jino!" Sigaw ni Yvo na siyang ikinalabas ng mga katulong.

"Yvo, ano ba?! Mag-usap na muna tayo!" Kinakabahan kong sabi.

Madilim ang ekspresiyon ng mukha ni Yvo. Ano mang oras ay handa itong manapak.

"Mamaya tayo mag-uusap, Quia. Kailangan ko lang kausapin si Jino! Hindi ko hahayaang basta niya na lang saktan si Louise! Hindi ako papayag na basta niya na lang iwan ang kapatid ko para sa ibang babae!" Galit na sigaw ni Yvo na siyang ikinababa ng mga magulang ni Jino. Ganoon rin si Jino na basa pa ang buhok, marahil ay kagagaling lang nito sa paliligo.

"Oh gosh, Yvo, please, umuwi na tayo." Naiiyak kong sabi. Natatakot na ako sa nangyayari. Baka magpambuno ang dalawa.

"Quia..." Lahat yata kami'y narinig ang tila may pag-aalala na pagtawag sa akin ni Jino.

Parang gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa.  Lahat ng mga mata'y nakatutok sa akin. Pati na rin ang mga pares ng mga matang tila naguguluhan.

"Babe you..." Hindi na naituloy ni Yvo ang dapat na sasabihin nang marahan akong tumango.

Naihilamos ni Yvo ang mga kamay niya sa mukha bago sinugod si Jino na nasa kalagitnaan ng pagbaba ng hagdan.

"Ano bang nangyayari?!" Nag-aalalang tanong ni Tita Theresa.

Hindi ko magawang sumagot. Ang atensiyon ko'y na kay Yvo na ngayo'y hawak-hawak na ang kwelyo ng suot na polo shirt ni Jino.

"Damn you, Jino! Hindi mo lang sinaktan ang kapatid ko, pati si Quia aagawin mo?!" Mariing sabi ni Yvo bago nakipagpalitan ng suntok kay Jino.

Isang tili ang lumabas sa bibig ko nang sabay na mahulog ang dalawa sa hagdan. Pero tila walang nangyari't nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagpapalitan ng mga suntok.

"Yvo, please, tama na. Pag-usapan natin ito ng maayos." naiiyak kong sabi.

"Quia, lumayo ka—."

"Hindi!" Malakas kong sigaw na ikinalingon sa akin ni Yvo. "Tama na sabi! Hindi niyo ba talaga ako pakikinggan?!"

Masama kong tiningnan si Yvo at Jino. Parehong may dugo ang mga ito sa mukha. "Hindi na ba mahalaga sa inyo ang nararamdaman ko?! Para kayong mga bata na naagawan ng laruan. Na kapag hindi naibalik ay idadaan sa pakikipagbasag-ulo ang lahat!" Umiiyak kong sabi bago mabilis na tinungo ang pinto.

"Babe!" Pagtawag sa akin ni Yvo. Pero hindi ko na siya nilingon.

Ayaw niyang makinig puwes, magdusa siya!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.