NANG makapasok sa loob ng bahay ay kaagad akong binitiwan ni Yvo. Walang tao sa sala maliban sa aming dalawa. Ang mga katulong ay nasa kusina't abalang nagtatrabaho. Ang ibang bisita nama'y nasa labas at ini-enjoy ang salu-salong nagaganap.
"Masakit ang ulo o may balak kang umalis gaya nang lagi mong ginagawa?" Patuyang sabi sa akin ni Yvo habang nakatitig siya sa akin nang malamig.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Totoong masakit ang aking ulo lalo na nang makita kita." Malamig ko ring sabi sabay martsa paakyat sa kuwarto. Naiinis ako sa sobrang sama ng ugali ni Yvo. Siguro ay ganoon lamang siya dahil sa naramdamang pagkapahiya noong iwan ni Jia. But I still hate him, damn!
Wala pa man ako sa kalagitnaan ng malaking hagdan ay kaagad na akong hinila ni Yvo para pigilan sa pag-akyat. Muntik na akong mahulog kung hindi lamang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Talagang itinutuloy mo ang pag-arteng walang alam?" Matalim ang tinging tanong niya sa akin.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero totoong hindi kita kilala." Seryosong sabi ko na ikinangisi ni Yvo. Bakit? Totoo namang hindi ko talaga siya kilala. Kahit pigain niya pa ako'y wala siyang mapapala sa akin.
"Hindi mo ako kilala? Bakit hindi ka tumutol nang sabihin kong itutuloy natin ang kasal?" Sabi niyang nilakipan ng pang-iinsulto ang boses.
"That's becau—."
"Because you knew na wala ka nang kawala." sabi niyang ikinatigil ko. "Like what I've said, hindi ako papayag na ako lang ang masaktan at mapahiya, Jianna."
"At ang kasal ang napili mong gawin para makaganti? You think uubra iyon? Look, I may have an amnesia, but I know that it's not enough para masaktan mo ako." sabi kong nakataas ang kilay.
Kung maaari lamang akong gawaran ng parangal sa mga oras na ito. Pipiliin ko ang best actress of the year. Masyado na akong nadadala nang mga nangyayari't nakakalimutan ko na yatang ako si Quia na may mukhang katulad ni Jianna.
"I know, pero sa tingin mo ba'y iyon lang ang kaya kong gawin?" sabi niyang ikinakabog ng aking dibdib. He's impossible! Ano bang nasa isip niya't gustong-gusto niyang makaganti kay Jianna?! Sa tingin ko'y tama namang iwan siya ni Jia dahil sa ugaling meron siya!
"Oh Yvo, you can't hurt me. Hindi ba't mahal na mahal mo ako?" Mapang-akit ang ngiting sabi ko nang maalala ang sinabi sa akin ni Louisa.
"You're not sure about that." seryosong sabi ni Yvo. Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kaniyang panga.
Fuck, ano bang ugali ni Jianna? Nahihirapan tuloy akong umarte sa harap ni Yvo.
"Kaya mo bang saktan ako gayong minahal mo ako ng lubos? Hindi ba't tinangka mong kitlin ang iyong buhay nang iwan kita?" Malandi ko pang sabi habang pinapasadahan ng aking palad ang malapad niyang dibdib.
Bigla akong napasinghap nang marahas na kunin ni Yvo ang aking kamay at hapitin ako sa bewang.
Shit! Mali yata ang nasabi ko. Hindi ko yata dapat binanggit iyon sa kaniya.
"Kaya nga gaganti ako, dahil hindi ko masikmurang minsan akong naging tanga sa patapong katulad mo." Matigas niyang sabi bago mariing inangkin ang aking mga labi.
Mariin iyon at mapangahas. Pakiramdam ko'y sinasadya niyang gawing masakit ang paghalik sa akin. Para sa ganoong paraan makabawi man lang siya sa pananakit ko kuno.
Hindi ako tumugon dahil sa puwersahan niyang paghalik sa akin. Pero napadaing na lamang ako nang bigla niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko na naging dahilan ng pagdugo niyon.
"Yvo..." naiiyak kong sabi sa pagitang ng halik na ibinibigay niya sa akin. Parang wala lang sa kaniya kung malasahan man niya ang dugo sa mga labi ko.
Malakas ko siyang itinulak kaya nabitiwan niya ako. Tuloy-tuloy na umagos ang aking mga luha dahil sa pakiramdam na parang pinagsamantalahan niya ako.
Hawak ang labing dumudugo na agad akong tumalikod.
"Aarte ka na naman? Akala mo ba hindi ko alam na kahit noong magkasintahan tayo'y kung kani-kanino kang lalaki nagpapahalik?" Mariing sabi ni Yvo. Bakas sa mga mata niya ang sobrang galit nang lingunin ko siya. Hindi ko alam na ganoon pala si Jianna. O baka naman gawa-gawa lamang iyon ni Yvo.
Hindi ko magawang magsalita. Bigla akong tinakasan ng tapang. Hindi ko yata kayang panindigan ang pagiging suplada sa harap ni Yvo.
"Don't act as if hindi mo alam ang sinasabi ko." Patuya niya uling sabi sa akin. Wala pa ring tigil sa pagdaloy ang aking mga luha. Nasaktan ako kaya natural na maiyak ako sa nangyari. "Akala mo ba hindi ko rin alam na minsan ka nang nagpagamit kay Adam? Kaya 'wag mo akong aartehan na parang ayaw mong hinahalikan!" Sabi pa ni Yvo bago niya ako iniwan na halos hindi alam ang dapat isipin.
"I'm not Jianna, Yvo." bulong ko bago tumalikod para pumanhik sa kuwarto.
-
I don't deserve that kind of treatment from Yvo. Pero wala naman akong magagawa dahil nga sa pinili kong tanggapin ang alok ni Jino. Isa pa, I need to protect my family from Mr. Ocampo. Ang demoniyong iyon, puro kalibugan ang alam.
Nabalitaan ko kasi kay Mama Betty na nakakailang babae raw si Mr. Ocampo kapag pumupunta ito sa hide-out ng mga katrabaho ko dati. Walang sawa raw nitong tinitikman ang mga naikakama hanggang sa mawalan ng malay. Mabuti na lamang daw at nakatakas ako.
"Anong mabuti roon?" Mahina kong bulong habang nakatanaw sa malawak na hardin mula sa balcony ng aking kuwarto. "Mabuti bang sa akin ibaling ni Yvo ang galit niya kay Jia?"
Fuck. Bakit ba palagi kong nakakalimutang hindi nga pala alam ni Yvo ang totoo?
"Sinong kausap mo?" biglang pumintig ng malakas ang aking dibdib nang marinig ko ang pagsulpot ng boses ni Jino. Pakiramdam ko'y bigla akong nagkaroon ng kakampi.
"What's with Yvo?" tanong niya pa sa akin habang naglalakad palapit sa puwesto ko.
"Nothing..." maikli kong sagot.
Pansin ko ang biglang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatitig siya sa akin. Maging ang pag-igting ng kaniyang mga panga'y hindi nakaligtas sa aking paningin.
"Where did you get this?" tanong Jino bago niya ipinaraan ang hinlalaki sa ibabang labi ko. Kung saan naroon pa rin ang sugat na gawa ng marahas na paghalik sa akin ni Yvo noong isang linggo. Pasimple akong nagpakawala ng malalim na hininga. Pakiramdam ko'y libu-libong kuryente ang nanulay sa mga ugat ko nang gawin niya iyon.
"Kinagat ng demo—insekto, demonyong insekto, Jino." sabi kong ikinahalakhak niya.
"I'm sorry. Hindi ko inaasahang magiging iba ang trato sa iyo ni Yvo." Seryosong sabi sa akin ni Jino bago niya hinaplos ang aking pisngi.
Kung hindi lamang ako si Jianna ngayon baka patulan ko itong si Jino. Kaya lang baka naman madungisan ang kanilang pangalan. Ayaw ko namang mangyari iyon lalo na't mabuti ang intensiyon ni Jino.
"Quia, please, don't fall." Makahulugan niyang sabi. Nagtatakang napatitig ako sa kaniyang mukha. Gwapo pa rin si Jino gaya nang una ko siyang nakita. "'Wag ka sanang mahulog kay Yvo." sabi niyang ikinamaang ko.
"What are you talking about?" natatawang tanong ko kahit na pilit lamang iyon.
"I know that you already have a space for Yvo in your heart. Pero ayaw kong masaktan ka. Para sa akin ikaw si Jianna, at ayaw kong masaktan ang nag-iisa kong kapatid." Sabi niyang tipa labas sa ilong. Kung ano man ang talagang gusto niyang sabihin ay hindi ko alam.
"Hindi kita maintindihan." sabi kong nakakunot ang noo.
"Just don't accept his proposal. Ayaw kong matali ka kay Yvo. Inalok kitang maging si Jianna habang 'di ko pa siya nahahanap. Hindi kasama ang kasal nilang naudlot sa dapat mong gawin." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag sinaktan ka niya oras na matali ka sa kaniya."
"But he didn't propose. Walang proposal na nangyari. Bigla na lamang niyang sinabi kina Tita Theresa ang tungkol sa kasal." sabi kong ikinapikit niya nang mariin.
Alam kong hindi gusto ni Jino ang balak ni Yvo. Sino nga ba namang gugustuhing ikasal ang isang babae sa taong ang gusto lamang ay pahirapan siya? At isa pa, nakikita ni Jino sa akin si Jia. Masakit rin siguro sa part niyang makita na sinasaktan ako ni Yvo. Dahil parang si Jia na rin ang sinasaktan nito.
"Just don't fall in love with him." seryoso niyang sabi na ikinangiti ko. Mahal na mahal talaga siguro nito si Jia. Dahil kahit hindi naman talaga ako ang kapatid niya'y nag-aalala pa rin siya. "Kung alam ko lang talaga ang rason ni Jia ay hindi kita pipigilan kung sakaling magkaroon ka ng nararamdaman kay Yvo. Kaya lamang ay baka biglang lumitaw siya't malaman na lamang na ikinasal na pala siya nang hindi niya alam."
"Wala ba siyang nasasabi?" curious kong tanong. Hindi ba't close silang magkapatid? Malay natin kung merong nasabi si Jia kay Jino.
"Wala, kaya nga nagtataka rin ako." sagot niya sabay sandal sa railings ng balcony.
"May mga kaibigan ba si Jia na maaari nating pagtanungan? I'm willing to talk to them. Besides may amnesia naman ako, why not gamitin natin iyon para malaman ang totoong rason ni Jia?" Sabi kong ikinatingin sa akin ni Jino. Kita ko ang pagliwanag ng kaniyang mga mata. Marahil ay napansin nitong magandang ideya nga iyon.
"Magpapanggap kang may amnesia sa harap nila at tatanungin kung ano talagang nangyari?" Salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Isang marahang pagtango ang isinagot ko na ikinangiti niya. "Alright. Tatawagan ko si Levian." sabi niya bago nakangiting umalis ng aking kuwarto.
I'm feeling excited. Pakiramdam ko'y isa kaming detective at nag-iimbestiga ng isang krimeng nangyari.
"Parang ganoon na rin naman." mahina kong bulong bago pumasok sa loob at nahiga sa malambot na kama.
Kumusta na kaya sina Tatay? Bulong ng isipan ko habang nakatitig sa kisame. Bakit nga ba nakalimutan kong tanungin si Jino?
Ilang minuto akong nakahiga lamang at nakatitig sa kisame nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto. Hindi ko iyon pinansin sa pag-aakalang si Jino lamang iyon.
"Marunong ka rin palang mag-ayos ng kuwarto mo." Sabi ng malamig at baritonong boses. Kaagad akong napabalikwas ng bangon. Nakatayo si Yvo sa pintuan habang sinusuyod ng tingin ang kabuohan ng kuwarto.
"Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?!" Malakas kong tanong kay Yvo nang maupo siya sa upuan malapit sa aking table.
"Fetching you." sabi niyang ikinakunot ng aking noo. Gago ba siya? Anong pinagsasasabi niya? "Mag-impake ka na para mabilis tayong makalipat sa condo." sabi niya sabay lakad palapit sa akin.
Isang singhap ang lumabas sa aking bibig nang pagapang siyang lumapit sa akin sa uluhan ng kama. Halos hindi ako makagalaw nang hilahin niya ang kumot na itinabon ko sa aking katawan. Kahit na may damit ay ramdam ko pa rin ang titig niyang parang hinuhubaran ako.
"Acting demure?" patuyang sabi niya habang hinahaplos ang aking balikat pataas sa aking leeg at pisngi. Marahan rin niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin na halos ikaduling ko na.
"Don't touch me!" mataas ang boses na sabi ko sabay tapik sa kaniyang kamay.
"Don't act as if wala pang nangyari sa atin noon. I know you Jianna, mas wild ka kaysa sa akin pagdating sa kama." nakangisi niyang sabi bago ibinaba ang kamay sa aking hita.
"Damn you." sabi kong pigil ang hininga nang maramdaman ko ang kamay ni Yvo sa gilid ng aking pang-upo.
"Pack your things at nang makaalis na tayo." sabi niya bago pinisil nang madiin ang aking pang-upo. Imbes na masaktan ay parang ilang libong kuryente ang naramdaman ko nang gawin niya iyon.
Shit! Kailangan ko na yatang manalangin gabi-gabi. Lintik kasing Yvo na iyon. Kung anu-ano tuloy ang nararamdaman at naiisip ko.