The Substitute Chapter 6

THAT BRUTE! Wala yatang magawa sa buhay at palagi akong pinag-iinitan. Manigas siya kakaantay sa akin! Akala mo'y isang hari kung makapag-utos! Anong akala niya sa akin, isang aliping nabili niya sa kung saan?!

Inis na lumabas ako ng kuwarto at hindi sinunod ang utos ni Yvo na mag-impake na. The hell! Dito pa lang nga sa bahay nila Tita hindi na ako halos makagalaw at makaarte ng maayos tapos ngayon doon niya ako papatirahin sa condo niya?! Ano naman bang balak niya sa akin? Papaluhurin sa isang bilaong munggo habang may tiglilimang libro sa magkabilang kamay? Gagawin niya ba iyon para lang makaganti o para mapaamin ako?

"Hija? Bakit hindi ka pa nag-aayos? Baka mainip si Yvo sa sala." sabi ni Tita Theresa nang masalubong ko siya sa labas ng kuwarto.

"Mom, ayaw kong umalis dito." Sabi ko at umarte na parang nagpapaawa. "Hindi pa ako magaling kaya kailangan ko ng pahinga. Kung sasama ako kay Yvo—."

"Maalala mo ang lahat kung sasama ka sa akin." Biglang nagtayuan ang aking mga balahibo nang marinig ko si Yvo mula sa aking likuran. Sinalubong ko ang matiim niyang titig sa akin. Anong akala niya madadala niya ako sa pagtitig niyang iyon? Tusukin ko kaya mga mata niya para tigilan niya na ang pagtitig sa akin ng ganoon?

"Tama si Yvo hija. Mas matutulungan ka niya. He's your fiancé, he knows everything about you." Sabi ni Tita na ikinapikit ko ng mariin. Ano ba naman iyan. Akala ko pa nama'y makakahanap ako ng kakampi. Iyon naman pala'y avid fan si Tita ng tambalang Jianna at Yvo.

"Mom, of all people here, kayo ang dapat na tumulong sa akin. Anak ninyo ako, you should know me well, than him!" Kunot ang noong sabi ko kay Tita. Pinipilit kong maiyak para kahit papaano'y maawa ito sa akin.

Shit Quia. Ako na talaga ang tatanggap ng best actress award this year.

"Akala ko rin kilala ka namin ng mabuti anak. But it turns out si Yvo ang mas nakakakilala sayo." Nangingiting sabi ni Tita. "You should go with him. Isa pa, para na rin mapagplanuhan n'yo nang mabuti ang kasal."

"Mom—." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang iwan na kami ni Tita. Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi ang sundin kung anong gusto ng mahal na haring si Yvo.

"Get your things." Malamig na sabi ni Yvo bago ako iniwan. Kulang na lang ay ibato ko sa kaniya ang suot kong sapatos sa sobrang inis. Hindi ko nga napigilan ang mapasuntok sa hangin habang tinitingnan ng matalim ang papalayong likod ni Yvo.

Mahulog ka sana sa hagdan!

Fuck! Wala ito sa plano! I should tell Jino about this! Kung hindi'y baka kung saan ako pulutin oras na malaman ni Yvo ang totoo.

Kaagad kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan si Jino. Pero busy raw siya at nasa kalagitnaan ng meeting kaya hindi niya raw ako makakausap.

Napapapadyak na muli akong pumasok sa kuwarto. Wala na yata akong magagawa kundi ang sumunod na lang. Hiling ko lang na sana hindi ako alilain ng hinayupak na Yvo na iyon.

"Gago ka Yvo! Wala kang kuwenta! Kahit crush kita handa pa rin akong pasabugin ang pagmumukha mo!" Nanggagalaiti kong sabi habang padabog na inilalagay ang aking mga damit sa maleta.

"Napakasama mo! Malamang may plano kang pahirapan ako kaya pinipilit mong tumira tayo sa iisang bubong!" naiinis ko pa ring sabi bago malakas na isinara ang maleta. Padaskol na kinuha ko rin iyon at akmang bubuhatin nang biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto.

"Tapos ka na bang murahin ako?" Isang matinis na tili ang aking pinakawalan nang marinig ko ang boses ni Yvo mula sa pintuan ng aking kuwarto.

Kanina pa ba siyang naroon? Narinig niya ba lahat ng mga sinabi ko? Teka, eh ano naman kung marinig niya? Wala naman siyang pakialam diba?

"Damn you, get out of my way!" Mataray kong sabi bago ko siya tinulak para makalabas ako ng kuwarto.

Hinintay kong sasagutin ni Yvo ang mga sinabi ko pero hindi. Nakatitig lamang siya sa akin nang mataman habang nakatiim ang mga bagang.

"You..." Mahina niyang sabi sabay tingi sa akin mula ulo hanggang paa. Wari'y ngayon lamang ako nakita.

"Ano?!" Naiirita kong tanong.

Saglit niya akong tiningnan na nakaigting ang mga panga. Pagkatapos ay walang sabi-sabing nilampasan ako.

"Problema n'on?" bulong ko sa sarili saka pilit na sumunod.

Siguro dapat ko nang ihanda ang sarili ko kay Yvo. Wala naman na akong kawala. Kahit anong pilit kong tumanggi at iwasan siya, pilit pa ring pinagtatagpo kami. Nakakainis isiping ako ang naghihirap gayong wala naman ito sa plano.

Jianna, magtago ka lang nang mabuti. Dahil kapag nalaman ni Yvo na hindi ako ikaw, patay tayong pareho.

"Alagaan mo si Jia, Yvo. Alam kong hindi pa gaanong maayos ang samahan n'yo ngayon dahil sa nangyari. Pero sana...sana matulungan mo siya. Malay natin, may malalim pala siyang rason kaya siya umalis noon." Sabi ni Tita habang inihahatid kami sa kotse ni Yvo. Gusto kong magreklamo at magprotesta. Kaya lang napakakontrabida naman kasi ni Yvo; pinigilan kaagad akong magsalita.

"Don't worry Tita, I'll take care of babe." Nakangiti niyang sabi na ikinakabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Sa klase ng ngiti niyang iyon alam kong hindi magiging maganda ang pagsasama namin.

Isang masuyong halik sa pisngi at yakap ang ibinigay sa akin ni Tita bago kami tuluyang umalis ni Yvo.

Wala pa man sa paroroonan ay doble-doble na ang kabog ng dibdib ko. Namamawis na rin ang aking mga kamay. Lalo lang akong kinabahan nang maging mabilis ang takbo ng sasakyan.

"Shit, pwede bang dahan-dahan naman sa pagmamaneho!" Sigaw ko nang binilisan pang lalo ni Yvo ang pagpapatakbo ng kotse. Ayaw ko nang ganito! Pakiramdam ko mamamatay ako kapag ganitong kabilis ang andar ng sasakyan!

"Oh babe, hindi ba't tuwang-tuwa ka pa nga noon kapag ganito ang takbo? Stop acting like you don't know that." nakangisi niyang sabi.

"I hate you." wala sa sariling nasabi ko.

Isang sigaw ang kumawala sa aking bibig nang biglang magpreno si Yvo. Mabuti na lamang at maayos ang pagkakakabit ng aking seatbelt. Kung hindi'y baka tumama na ang mukha ko sa windshield ng sasakyan niya.

"May balak ka bang patayin ako?" mahina kong tanong. Mahigpit kong ipinagsalikop ang aking mga kamay nang walang tigil iyon sa panginginig. Pati ang tuhod ko'y nanlambot.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang panginginig ng aking katawan. Pinipigilan ko rin ang maiyak dahil sa sobrang takot.

"Get out of the car." Malamig na sabi ni Yvo bago niya ako iniwan sa loob ng kotse. Kahit natatakot pa rin ay inilibot ko ang aking tingin.

Akala ko ba sa condo niya kami titira?

"Don't expect me to open the door for you. Hindi ko iyon gagawin." Malamig pa niyang dagdag mula sa nakabukas na bintana ng kotse.

Kahit nanghihina ay pinilit kong maging maayos ang aking galaw. Mahigpit akong napahawak sa pinto ng kotse nang muntik nang bumigay ang aking mga tuhod.

Nanginginig pa rin ako.

"Gago ka talaga Yvo!" mariin kong bulong bago kinalma ang sarili.

Nang masiguro kong medyo maayos na ako'y kaagad na akong sumunod kay Yvo papasok sa malaking bahay. Sinalubong ako ng mga katulong na may matatalim na tingin.

What? May ginawa ba akong kasalanan sa kanila? Kung tingnan nila ako'y parang isa akong kontrabida sa pelikula. At anumang oras ay susugurin na nila ako dahil sa sobrang inis. Ay ewan!

"Hello po." mahinang bati ko sa kanila na may maliit na ngiti. Hindi ho ako si Jia, 'wag ninyo akong tingnan ng ganiyan. Gusto ko sanang idagdag kaya lang ay hindi naman puwede.

"Naku, pakitang-tao." Narinig kong bulong ng isa sa mga katulong. Napilitan na lamang akong ngumiti ulit bago pumunta sa living room. Makakatikim talaga sa akin ang sino mang mangahas na mang-bully sa akin.

Wala pang limang minuto akong nakaupo nang lumapit sa akin ang pinakamatanda sa mga kasambahay ni Yvo. Istrikta ang hitsura niya at parang anumang oras ay pagagalitan ako.

"Ihahatid na kita sa kuwarto mo." sabi niya at nauna nang umakyat sa hagdan. Tahimik akong sumunod hanggang sa tumapat kami sa isang pinto.

"Ito ang kuwarto mo. Sa katabi naman ang kay Yvo." Mahinahon niyang sabi. Tumango na lamang ako bago binuksan ang pinto.

Maayos naman at malaki ang kuwarto. Maganda ang design at maaliwalas. Kulay abo at itim ang buong kuwarto. Napakasarap sa mata.

"Salamat po." magalang kong sabi na ikinatahimik niya. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Maiwan na kita." seryoso niyang sabi bago ako iniwang mag-isa sa kuwarto.

Why do I have this feeling na hindi maganda ang trato ni Jia sa mga taong nasa paligid niya? Para bang lahat ilag sa kaniya o di kaya'y malaki ang pagkadisgusto sa kaniya.

Dahil wala naman na akong kasama sa loob ng kuwarto, minabuti kong ayusin na lamang ang mga gamit ko. Labag man sa loob ang pagsama ko kay Yvo ay wala naman na akong magagawa.

"Humanda ka talaga Yvo. I'll make sure na hindi magiging successful ang plano mong pahirapan ako." naiinis kong sabi habang inaayos ang mga damit ko.

"Really? What will you going to do? Run away again?" Tiim ang bagang na tanong ni Yvo nang malingunan ko siya sa nakabukas na pinto.

Hindi na lamang ako sumagot. Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa pag-aayos ng aking gamit.

"Ignoring me huh? You should be thankful na binigyan pa kita ng maayos na kuwarto." Sabi pa ni Yvo bago nahiga sa kama.

"It would be great kung sa bodega mo na lamang ako patulugin. Mas tatanggapin ko iyon ng buong puso." Walang ganang sagot ko.

Katahimikan.

Ilang minutong katahimikan lamang ang namayani. Kaya napabaling ang titig ko kay Yvo.

"What?" tanong kong nakataas ang kilay nang makita kong nakatitig lamang siya sa akin. Titig na parang ngayon niya lamang ako nakita. Titig na para bang ibang tao ako. Well totoo naman iyon. Pero hindi naman niya malalaman diba?

"Get some rest." sabi niya sa akin bago tinapik ang bakanteng puwesto sa kama.

"No your highness, kayo dapat ang magpahinga. Hindi ba't papahirapan n'yo ako?" Sarkastiko kong sabi. Anong akala niya sa akin, uto-uto? Nunca na tumabi ako sa kaniya.

"I said get some rest!" Masama ang tinging sabi niya sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Baka kung ano na namang sabihin ng mahal na hari.

"Kung may plano kang—."

"Shut up." Putol ni Yvo sa sasabihin ko bago siya pumikit. Muntik na akong mapabangon nang pumulupot ang braso niya sa akin. "Tama na ang pag-arte. I know what you're doing...Jianna."

Muntik na akong masamid. Akala ko pa naman mabubuko na ako. Gagong Yvo na 'to, pinapakaba ako.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.