Tatlong buwan ang nakalipas ng bigla akong tawagan ng kuya ni Celestine na si Darren. Kinausap ako nito na ‘wag nang lalapitan si Celestine at magbabalak na ligawan ito, alam ko naman na hindi nila ako gusto para sa kapatid niya dahil nakita ako nito sa bar na may kahalikang babae.
Gusto ni mama si Celestine para sa akin at ganoon din ang mama nila. Pero tinutulan naman ito ng mga kapatid niya bagay na naiintindihan ko. Ganoon din naman ako ayokong masaktan siya, kaya simula no’n ay hindi na rin nagkrus ang landas namin ni Celestine. Gusto ko munang ayusin ang sarili ko at gusto ko ring kapag humarap ako sa kan’ya ay sigurado na ako sa nararamdaman ko.
"Jake!” Bungad ko pagkapasok na pagkapasok ko ng opisina niya. Naabutan ko pa ang girlfriend niya na si April at halatang galit na naman ito.
"Wal,” walang ganang sabi ni Jake.
“Oh oh! Sige Jake balik na lang ako mukhang seryoso yata pinag-uusapan niyo eh," isasara ko na sana ang pinto nang magsalita si April.
"Hindi na Wallace aalis na rin ako,” sabay tayo at derederetso nang lumabas ng opisina ni Jake.
Naupo naman ako sa katapat na upuan niya at hinintay lang siyang magsalita. Nanatili lang siyang tahimik at nakayuko. Pagkuwa'y siya na rin ang bumasag ng katahimikan.
"Busy ka ba ngayon?”
"Kaya nga ako nandito ngayon kasi wala na akong pasyente."
"Let’s go to Roco’s bar later," alam ko na kaagad ang dahilan kapag ganitong nagyaya na si Jake.
"Okay basta sagot mo ah!” Biro ko sa kan’ya na ikinatawa niya.
"So kumusta ka naman ngayon? Mukhang wala na akong nababalitaang nakaka-date mo ah nagsawa ka na ba?”
"Actually pinag-iisipan ko pa kung magseseryoso na akl sa isang relasyon," napaayos naman nang upo si Jake at seryoso akong tinitigan.
"For the first time narinig ko na rin ang mga salitang ‘yan, bakit nagiging sensitive na ba ‘yang kamote mo?”
"Sira ulo!” Natawa naman siya na halatang pilit lang.
"Sino ‘yong malas na babaeng napupusuan mo?”
"Sa tingin mo ba malas pa siya once na nakita na niya itong kamote na sinasabi mo?” Nakangisi kong sabi.
"Sino nga? Iyong nirereto sa’yo ng mama mo?” Napaiwas naman ako ng tingin kay Jake at napapalatak naman siya.
"I knew it! Kala ko ba ayaw mo sa bata? You always said to us na she’s innocent blah blah blah! What happened Wal?”
"Hindi ko rin alam Jake, ngayon ko na lang ulit ito naramdaman na hindi ko naman nararamdaman sa ibang nakakadate ko."
"Correction! Naiikama mo!” Inirapan ko lang siya.
"So, anong balak mo?” Nagkibit balikat ako
"Ayaw sa akin ng mga kuya niya noong una pa lang," napayuko naman ako pagkasabi noon.
Ang totoo niyan gusto ko na ulit makita si Celestine kahit isang sulyap lang.
"Paanong hindi ka aayawan kasi nga babaero ka!”
"Wala na akong babae ngayon."
"E ‘di mas maganda! Isang malaking himala yan ah! Totoo talagang magseseryoso ka na!” Hindi makapaniwalang turan ni Jake.
"Takot lang ako masaktan ulit at baka ako ang makasakit sa kan’ya kaya__”
"Kaya pilit mong isinasara ‘yang puso mo? Ang pagmamahal Wal parang sugal lang ‘yan, may nananalo may natatalo. Kaya piliin mo ‘yong taong mamahalin mo, at patunayan mo sa mga kuya niya na hindi ka na babaero, iniaalay mo na lang sa iisang babae ‘yang kamote mo."
"Tang-ina ka talaga Jake!” Binato ko naman siya ng throw pillow at iniwasan naman niya ito habang tinatawanan ako.
CELESTINE POV
"Tara na kasi beshy, saglit lang tayo do’n! Saka kasama naman natin si Chris oh!” Pilit sa akin ni Kian na may pagpapa-cute pa sa harapan ko.
Nasa canteen kami ngayon at nasa harapan ko naman si Chris at Kian na mataman na nakatingin sa akin at hinihintay ang pagpayag ko.
"Oo na sige na! Pero saglit lang tayo ah? At hindi ako masyadong iinom dahil tiyak pagagalitan ako nila kuya."
"Yehey! Oo saglit lang tayo! Gusto ko lang makita ‘yong guwapong bouncer do’n," kinikilig na turan ni Kian at kami naman ni Chris ay natatawa sa kinikilos niya.
Maaga pa lang ay sinundo na akoo nila Chris at Kian pero ang paalam ko ay may dadaluhan lang kaming birthday ng isang kaibigan dahil kapag sinabi kong sa bar kami pupunta ay tiyak hindi ako papayagan lalo na ang mga kuya ko.
Sa dulo kami pumwesto para solo namin nila Kian at hindi masyadong crowded. Um-order naman si Chris ng Vodka at kay Kian naman ay Tequila, nag-beer na lang ako dahil hindi ako puwedeng uminom ng marami ngayon kaya dalawang bote lang ang sa'kin. Medyo lumalalim na rin sa gabi at halatang may tama na rin ang dalawa kaya naisipan ko namang yayain na silang umuwi.
"Hoy Kiana uwi na tayo, medyo gabi na rin kasi eh,”
"Maya lang konti hindi ko pa nakikita si papa bouncer eh," ungot naman niya at inirapan lang ako.
"Pagbigyan mo na si Kian, maya-maya hatid ko na rin kayo."
"Salamat Chris ah."
"Wait lang punta muna akong banyo,” paalam ni Kian
"Samahan na kita."
"Diyos ko beshy hindi pa ako lasing no! Deretso pa ako maglakad! Dito ka na lang para may kakuwentuhan si Chris sandali lang naman ako.”
"Sige bilisan mo!” Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako komportable kasama si Chris kapag kami lang dalawa, naiilang pa rin ako.
May mga time kasi na parang nagpapahaging siya pero hindi ko na lamang ito pinapansin at binabewala ko na lamang. Maya-maya ay tumabi ito sa'kin at umusog naman ako ng bahagya.
"Gusto mo pa ba ng maiinom? I-oorder pa kita?”
"H-hindi na ayos na ako, hindi rin kasi ako puwedeng uminom ng marami eh.”
"Okay sige," maya-maya ay nararamdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko na nakasandal sa upuan kaya medyo umusog ako paharap. Hindi nagtagal ay umakbay na ito sa'kin at hinaplos ang aking balikat na siyang ikinapitlag ko sa gulat.
"Ah Chris l-lasing ka na," pilit kong tinatanggal ang kan’yang kamay pero hindi ito natinag kaya naisipan ko munang tumayo at puntahan si Kian sa banyo, ngunit ng akmang tatayo na ako ay pinigilan nito ang braso ko kaya napaupo ulit ako. Hinaklit niya ang braso ko at pilit na hinahalikan.
"Chris ano ba!” Tinutulak ko siya ngunit masyado siyang malakas. Isang tulak lang nito sa akin ay kaagad akong napahiga.
Nahahalikan na nito ang aking leeg, at pilit akong nagmamakaawa sa kan’ya ngunit hindi ako nito pinakinggan. Walang nakakarinig sa amin dahil medyo malayo ang puwesto namin at madilim.
Mas lalo kong ikinaguat ng biglang punitin niya ang blouse na suot ko kaya tumambad ang suot kong puting bra. Hindi siya ang kilala kong Chris, anong nangyari sa kan’ya? Naiiyak na ako dahil hindi niya pinakikinggan ang pakiusap ko.
"Chris tama na! Maawa ka sa'kin!” Iyak ako nang iyak habang nagmamakaawa ako sa kan’ya. Nawawalan na rin ako ng lakas kakatulak sa kan’ya. Hanggang sa bigla na lang siyang natumba sa sahig at tumayo akong bigla at tinakpan ang nakabukas ko ng blouse.
Kita ko pa kung paano suntukin noong lalaki si Chris. Dumating namang bigla ang dalawang bouncer para umawat, hindi ko naman masyadong maaninag ang hitsura noong lalaking bumugbog kay Chris dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. Naramdaman ko na lang ang paglagay niya ng jacket sa aking katawan at itinayo ako para makalabas na sa loob ng bar.
"Hey is she okay?” Tanong ng isang lalaki na nakasalubong namin habang akay-akay niya ako.
"She’s not," narinig kong sabi niya, pero parang pamilyar ang boses niya. Hindi ko na muna siya nagawang titigan dahil sa takot na nangyari sa'kin kanina. Nang makalabas na kami ng bar ay hindi ko na napigilan pa ang humagulgol, niyakap naman niya ako at hinaplos ang aking buhok. Nang medyo nahimasmasan na ako ay doon ko na siya hinarap. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng hindi ko inaasahan na magkikita pa kami sa ganitong sitwasyon.
"D-doctor Wallace?”
"Are you feeling better now?” Napayuko ako at unti-unting tumango.
"Let’s go, ihahatid na kita,” Inalalayan naman niya ako makasakay sa kan’yang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang bumabiyahe kami, iniisip ko ang nangyari sa amin kanina ni Chris. Hindi ko akalain na magagawa niya sa'kin ang mga bagay na ‘yon. Nagsisimula na namang pumatak ang mga luha ko na siyang pinunasan ko kaagad.
"We're here,” napabalik lang ako sa huwisyo nang magsalita si Doc Wallace at napatingin ako sa kan’ya.
"S-salamat,” tipid kong wika sa kan’ya. Bababa na sana ako nang pigilan niya ako sa braso na ikinataka ko, kaya napatingin akong bigla sa kan’ya.
"Hindi ka puwedeng umuwi ng gan’yan ang itsura mo, iuuwi muna kita sa bahay ako na ang bahala kay tita Celicia," pagkasabi niyang iyon ay pinaandar na niyang muli ang kan’yang sasakyan at hindi na niya ako hinintay pa na magsalita.