TILL MY LAST BREATH Chapter 11

"Grabe ka beshy ang galing mo naman! Halos lahat ng subject naipasa mo, iba ka talaga!” Puri naman ni Kian nang maibigay na sa amin ang result ng exam namin.

"Kailangan ko talaga makapasa para naman hindi mawala sa'kin ang scholarship ko, ‘yon na lang kasi ang inaasahan ko eh. At saka para wala na rin babayaran sila mama alam mo namang mahal ang tuition dito ‘di ba?” Malungkot kong wika kay Kian. Kasalukuyang palabas na kami ng campus nang makasalubong naman namin si Chris.

"Hi Celestine, hi Kian!” Masayang bati niya sa amin.

"Hello Mr. tantalizing eyes!” Siniko ko naman si Kian dahil sa bansag nito kay Chris, tinawanan lang siya nito at pagkuwa’y binalingan ako.

"Uwi na kayo?”

"Oo eh bakit?”

"Ah ganoon ba? Yayain ko sana kayo magmall.”

"Sagot mo ba?” Sabat ni Kian na naka-cross arms pa.

"Oo naman libre ko kayo! Tutal tapos na naman ung exam eh wala na naman siguro kayong gagawin?”

"Ay wala na naman kaming gagawin papa Chris game kami ni Cel.”

"Ha?! Tinignan ko naman si Kian at nginitian lang ako ng nakakaloko.

"Tara na beshy sumama na tayo tutal libre naman ni papa Chris saka para ma-freshen up naman ‘yang utak mo! nagiging makakalimutin ka na kasi eh.” Sabagay tama nga si Kian kailangan ko rin naman magliwaliw paminsan- minsan.

"Sige na nga!”

"Ayon!” Masayang napapalakpak pa sa ere ni Kian pagkasabi niyang iyon. Una kaming nagpunta sa mga arcade at naglaro saglit at nang mapagod ay niyaya naman kami ni Chris kumain sa isang fast food chain. Si Chris na ang um-order para sa amin at pumila.

"Beshy anong status nio ni Mr. tantalizing eyes?” Bulong ni Kian na nakangisi sa'kin.

"E ‘di friends! Ano pa bang status gusto mo?”

"Sure?”

"Oo nga!” Inis ko naman siyang tinignan na nakahalumbaba akong hinarap.

"E kayo naman ni Doctor Wallace anong status niyo?”

"Wala,” tipid kong sagot.

"Weeeh?”

"Anong weeeh ka riyan? Hinatid lang kailangan may status na?” Mabuti na lang at bumalik na si Chris dala ang order namin at natigil din si Kian sa kakatanong niya.

Kakatapos lang namin kumain at palabas na sana kami ng mall nang tumawag si kuya Darren.

"He__”

"Cel pumunta ka ngayon dito sa ospital si papa inatake!” Bungad kaagad sa akin ni kuya Darren na ikinagulat ko.

"Saang ospital kuya?” Napatingin naman sa'kin si Kian at Chris na nagtataka. Sinabi naman kaagad ni kuya kung saang ospital dinala si papa.

"Ano nangyari beshy?” Nag-aalalang tanong ni Kian.

"Aalis na muna ako pupuntahan ko si papa sa ospital," naiiyak kong wika. Ang totoo niyan kinakabahan ako kung ano na ang nangyari kay papa.

"Sasamahan ka na namin Cel," hindi na ako tumanggi sa alok ni Chris at dali-dali kaming tumungo sa ospital. Nang makapasok kami sa loob ay lakad takbo ang ginawa ko hanggang makarating kami sa E.R kung saan nakahiga si papa.

"Pa!” Lapit ko kay papa na ngayon ay nakaupo na sa kama at may nakakabit na dextrose. Nandito rin si kuya Clarence, kuya Darren at mama.

"Hija, bakit nandito ka?” Nagtatakang tanong ni papa sa'kin.

"Tinawagan kasi ako ni kuya Darren na dinala ka raw dito sa ospital kaya dumeretso na ako rito," tinignan naman ni papa si kuya Darren ng makahulugan.

"Hindi mo na sana tinawagan itong kapatid mo lalabas na rin naman ako eh.”

"Nataranta kasi kami pa."

"Kaya ikaw hon ‘wag ka nang magtrabaho okay? Baka mamaya hindi lang ‘yan ang mangyari sa’yo eh."

"Oo nga papa kami na ang bahala ni Darren sa mga gastusin huminto ka na sa pagtatrabaho," wika ni kuya Clarence

"Pero mga anak."

"Wala ng pero-pero papa, sundin mo na lang sila kuya para rin naman sa’yo ‘yan eh,” wala na rin nagawa si papa kun’di ang sumunod.

Medyo mahina na rin si papa at isa pa ayaw na naming may mangyari pa sa kan’ya na hindi maganda. Palabas na kami sa ospital kasama ko sila kuya at dalawa kong kaibigan ng makasalubong namin si Doc Wallace kaya napahinto kami sa aming paglalakad.

"Anong ginagawa niyo rito Celestine?”

"Inatake kasi si papa eh, pero palabas na rin naman siya maya-maya kasama niya si mama, mauuna lang kaming umuwi," kita ko naman ang matatalim na titig nila kuya kay Doc Wallace, tumikhim naman ako bago muling nagsalita.

"S-sige po Doc Wallace mauna na kami," tumango naman siya.

"Ah, Celestine," tawag niya sa'kin kaya napalingon din kaming lahat sa kan’ya.

"Puwede ka bang makausap saglit?” Napanganga naman ako at hindi ko alam ang isasagot ko, siguro dahil kasama ko sila kuya. At alam ko naman na ayaw nila na lumalapit ako kay Doc Wallace.

"Why you want to talk to her?” Si kuya Clarence na matalim ang titig sa kan’ya.

"Sige na kuya mauna na kayo, ako ng bahala," magsasalita pa sana si kuya Clarence nang pigilan ito ni kuya Darren.

"Hayaan na muna natin sila kuya Clarence," tinignan muna ako ni kuya Darren at saka tinapik ako sa braso. Nang makaalis na sila ay saka ko hinarap si Doc Wallace.

"Ano palang pag-uusapan natin?” Shit ang dibdib ko doble-doble ang kabog.

"Ahhm, kumusta ka na? Si papa mo kumusta?”

"Okay lang naman siya Doc Wallace, need lang niya ng konting pahinga.”

"About sa nangyari__”

"Ah ‘yon ba? Wala ‘yon, magaling na naman itong pisngi ko eh,” putol ko sa kan’yang sasabihin, at ngumiti lang siya sa'kin. "S-sige po Doctor Wallace mauna na ako ah baka kasi naghihintay na sila eh.”

"Ah sige ingat kayo," tumalikod na rin ako pagkasabi niyang ‘yon.

WALLACE POV

Who's that pretty lady Wallace?” Tanong sa akin ni Marco nang makalapit siya sa'kin at nakatingin kay Celestine na papalayo.

"She's just a college student."

"And then?” Napahinto naman ako sa paglalakad dahil kakaiba ang tanong ni Marco, alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"And then what?”

"I mean what is the relationship between you two?” Tinawanan ko lang siya, ito na nga ba sinasabi ko. Masyadong observer itong pinsan kong ito, hindi ka titigilan hangga’t hindi sinasabi ang totoo.

"There's nothing between us okay?” Saka ko siya tinalikuran at nagpatuloy sa aking paglalakad papunta sa opisina ko.

At ito na naman siya kinulit ako nang kinulit hanggang sa opisina ko, simula ng maging sila ni Mace naging madaldal at naging pakialamero na rin itong si Marco sa love life ko.

"Malay mo naman Wallace siya na pala ang the one mo? At magpapabago sa’yo," pinamulagatan ko naman siya. Magpapabago sa'kin? Hindi ko pa nga alam kung ano itong nararamdaman ko eh, bulong ko sa aking isipan.

"Alam mo ba ‘yang sinasabi mo ha?”

"Why? Ano namang masama sa sinabi ko?”

"Ang layo ng agwat ng edad namin!” Pero ang totoo niyan wala naman sa akin kung malaki ang agwat ng edad namin, ‘yon lang ang lagi kong sinasabi kay mama para tigilan niya ako. Kahit anong tanggi ko nangingibabaw pa rin ang pagkagusto ko sa kan’ya.

"How old is she?”

"Well, she's ano aaahm..”

"What Wallace?”

"11 years ang age gap namin can you believe that?!” Kunwari'y nainis ako para hindi na niya ako kulitin.

"E ano naman ngayon? Hindi ka na makakasuhan ng child abuse niyan,” Tumawa naman siya at sinamaan ko ng tingin.

"She's innocent hindi ko type ‘yong mga ganoong klaseng babae,” totoo nga ba? Kahit ilang beses kong isigaw na hindi ko siya gusto iba naman ang sinisigaw ng isip ko.

Baka tama nga sila kailangan ko ng buksan itong puso ko na matagal ko ng isinara. Natatakot lang ako na baka siya naman ang masaktan ko. Ayokong dumating ang araw na pagsisihin ko ‘yon, ang gusto ko ay talagang sigurado na ako sa nararamdaman ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.