"Hi Doc Wallace!” Bati sa'kin ni Nurse Gina ng matapat na ako sa nurse station. Nagtaka naman ako dahil kakaiba ang mga tingin nila sa'kin habang tinitignan ang x-ray ng isa sa pasyente ko.
"May gusto ba kayong sabihin?” Nakangiti kong hinarap si Nurse Gina, Nurse Yvette at Nurse Linda na may kakaibang ngiti na hindi ko mawari.
"Doctor Wallace in-love talaga kayo,” deretsong saad ni Nurse Gina sa'kin.
"Why?”
"Anong why doc? Huwag niyo ng itanggi kasi halata ka namin."
"H-halata ang alin?”
"Na isa ka na rin sa namaligno ng pag-ibig hindi na nag-iisa si Doctor Marco," sabay naman nagtawanan ang tatlong nurse sa sinabi ni Nurse Gina.
"Hindi ‘yan namaligno! Na-engkanto kamo!” Sabay kaming napalingon at nakita naming si Jake na papalapit sa'kin. Alam ko na ang mangyayari nito, sabi ko sa aking isipan.
"Bakit nandito ka? Ang layo ng building mo rito ah."
"E ikaw nga nakakarating sa opisina ko para lang magkuwento ng kapotpotan mo! Tapos tatanungin mo ako bakit ako nandito?” Napatingin naman sa amin ang tatlong nurse dahil sa kadaldalan ni Jake.
Kahit kailan talaga walang preno ang bibig ng isang 'to kahit na may taong nakakarinig, buti na lang kaibigan ko ito at sanay na ako, dahil kung hindi bibigwasan ko talaga ng matindi ito.
"Hindi na ako nakikipagpotpotan!”
"Woooah! Wal is that you? Na-in love ka lang napabayaan mo na ‘yang kamote mo?”
"Tang-ina ka talaga Jake! Dito pa talaga?!” Mahina pero may diin kong sabi sa kan’ya, pero tinawanan lang ako ng sira ulo kong kaibigan.
"Sabi ko na nga ba in love na itong si Doc Wallace eh,” kinikilig namang turan ni Nurse Gina at Nurse Yvette.
"Hindi pa ba umaamin itong doctor niyo?”
"Naku Doc Jake ayaw pa umamin na isa na rin siya sa namaligno," sabay tawa naman nilang lahat.
"Kung si Marco namaligno, ito namang si Wallace kakaiba! Na-engkanto ng pag-ibig! Kasi unang kita pa lang niya do’n may kakaiba na raw siyang naramdaman, kaya na-engkanto na itong doctor niyo!”
"Gusto mong ma-engkanto ka rin?!” Inis ko siyang tinignan na wala pa ring tigil kakatawa pati na rin ang kaharap naming nurse. Napatigil lang si Jake ng may nahagip siya sa aking likuran.
"Wow! She's a goddess!”vKita ko sa mata ni Jake ang pagkamangha, ganoon din ang tatlong nurse na naroon, nanlaki pa ang mata nilang lahat.
Hindi ko muna ito tinignan at busy pa ako basahin ang hawak kong x-ray result ng pasyente ko.
"Grabe ang ganda niya! Artistahin!” Wika ni Nurse Yvette na hindi pa rin inaalis ang tingin sa babaeng hinahangaan nila.
"Kung hindi ko lang talaga mahal ang girlfriend ko baka naging katulad na ako ni Wallace," sinamaan ko naman ng tingin si Jake at nag-peace sign pa siya. "Oh shit papalapit dito Wal," sa sinabing ‘yon ni Jake ay doon na ako napaharap at nagulat kung sino ang kanina pa nilang tinutukoy. Ngumiti ito ng makita niya ako at lumapit sa'kin na ikinagulat nilang lahat.
"Hi!”
"Oh!” Nakatulala pa rin ako sa kan’ya.
"Baby, are you okay?”
"Baby?!” Sabay-sabay nilang bigkas na talaga namang ikinagulat nila. Tumikhim muna ako at hinawakan ang bewang ni Celestine saka sila hinarap at pinakilala siya.
"She's Celestine, my girlfriend!”
"Wow! Totoo nga talaga Wal!”
"Siya iyong kinukuwento ko sa’yo,” baling ko kay Jake na ngayon ay titig na titig kay Celestine.
"Stop staring at her, kun’di tutusukin ko ‘yang mata mo!” Banta ko kay Jake na ikinailing niya.
"Napaka-possesive mo naman! Hiwalayan mo na ‘yan Celestine ah."
"Ha?”
"Don’t mind him sira ulo ‘yan eh," bulong ko naman sa kan’ya.
"By the way I’m Jake, Wallace friend," lahad naman ng kamay niya kay Celestine, at tinapik ko lang ito at sinamaan ng tingin na ikinatawa niya.
"Hindi ko siya aagawin okay!”
"Grabe Doctor Wallace hindi mo naman sinabi na napaka-ganda pala niyang nakapagpa-engkanto sa’yo," puri naman ni Nurse Linda. Pansin ko naman ang pamumula ni Celestine sa mga sinabi nila.
"B-bakit engkanto?” Takang tanong ni Celestine.
"E kasi ganito ‘yan___”
"Sige mauna na kami, putol ko sa sasabihin ni Jake, dahil kilala ko itong sira ulo kong kaibigan baka kung ano ang masabi pa niya kay Celestine.
"Huwag mo naman masyadong bakuran si Celestine."
"Hindi ko siya binabakuran, kilala kita Jake lalo na ‘yang bibig mo!” Tumawa lang ito at binalingan si Celestine.
"Nice meeting you Celestine, masaya ako kasi finally nahanap na ni Wal ang babaeng muling magpapasaya sa kan’ya. Swerte mo sa kan’ya dahil nakareserba na ‘yong mahiwagang kamote niya," nakangisi niyang wika na ikinalaki ng mata ko.
"Fuck you jake," mahinang mura ko sa kan’ya.
"Sige Celestine una na ‘ko ah, papatayin na ako ni Wallace sa titig niya eh," tinapik niya muna ako sa balikat saka tumalikod na, narinig ko pa itong mahinang tumawa.
"Anong sinasabi noong kaibigan mo na mahiwagang kamote?” Napaubo naman ako sa tanong ni Celestine. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa opisina ko, napahinto ako at hinarap siya.
"Curious ka sa sinabi ni Jake?” Tumango siya habang nakatitig lang sa'kin na ikinangiti ko naman. Napaka-inosente talaga niya na siya namang nagustuhan ko sa kan’ya.
"Don’t worry baby makikita mo rin ‘yon kapag ready ka na," sabay kindat ko naman sa kan’ya, at hinawakan ang kamay niya para igiya na sa aking opisina. "Upo ka muna baby, ayusin ko lang itong gamit ko," sinimulan ko ng ayusin ang nasa mesa ko bago kami umalis ni Celestine.
Habang busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay hindi ko namalayan na niyakap na niya ako mula sa aking likuran na ikinahinto ko sa aking ginagawa. Pumihit naman ako paharap at tinitigan ang kaniyang magandang mukha at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Something wrong?” Mahina kong saad sa kan’ya, umiling lang siya at ngumiti sa'kin, saka ako nito muling niyakap. "You sure?”
"Hmmn,” tipid niya lang sagot.
"Then why so sweet? You're not like that.”
"It's because I love you, mahina niyang wika pero malinaw sa pandinig ko ang kan’yang sinabi at kumalas ako nang pagkakayakap sa kan’ya at mataman siyang tinitigan.
"A-ano ulit?” Hindi ako makapaniwala sa kan’yang sinabi, gusto ko ulit ito marinig mula sa kan’ya.
"I said I love you Doctor Wallace, I mean baby," dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinapit ko siya kagad sa bewang at hinalikan, sa unang pagkakataon ay tumugon siya sa mga halik ko.
Iniupo ko siya sa aking lamesa at pinagpatuloy ang paghalik ko sa kan’ya. Hindi naman siya tumutol ng magsimula nang gumapang ang kamay ko sa iba't- ibang parte ng kan’yang katawan. Bumaba ang mga halik ko sa kan’yang leeg at marahang sumipsip doon na siyang ikinaungol niya.
"B-baby b-baka may biglang pumasok?” Napatigil naman ako at tinignan siya.
"Dont worry baby, alam ko ng mangyayari ito kaya ni-lock ko na kaagad iyong pinto pagka-pasok natin," nakangisi ko namang sabi sa kan’ya. Bago pa siya muling makapagsalita ay muli ko siyang hinalikan ng mapusok, kinagat-kagat ko pa ang ibabang labi niya at napahawak naman siya sa aking batok. Kapwa kami hinihingal ng maghiwalay ang aming mga labi.
"I love you so fucking much Celestine!” Imbes na sumagot ay niyakap niya ako ng mahigpit at isinubsob ko naman ang mukha ko sa kan’yang leeg.
Ngayon alam ko na sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para kay Celestine, mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal na ibibigay niya sa'kin. At hinding-hindi ko siya hahayaang masaktan.