TILL MY LAST BREATH Chapter 20

Ilang oras na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Iniisip ko ‘yong nangyari sa amin ni Doctor Wallace sa opisina niya, kung hindi lang siguro nag-ring ‘yong telepono niya malamang doon pa may naganap na kababalaghan sa loob ng opisina niya. Napabangon akong bigla ng maalala ‘yon.

"Shit naman bakit ba bigla akong bumigay, parang ang harot ko tuloy! Anong sasabihin na lang niya sa'kin? Parang ako pa tuloy ang nang-aakit sa kan’ya," ginulo ko ang aking buhok sa isipin kong iyon.

Naisipan ko namang tawagan si Kian maaga pa naman hindi pa naman siguro siya tulog. Dinial ko ang number niya at naka-ilang ring lang ay sinagot naman niya ito kaagad.

"Hellow beshywap!” Maarteng sagot niya.

"Hello Kiana, m-may gusto s-sana akong s-sabihin sa’yo" pautal-utal kong wika sa kan’ya, hindi ko rin alam kung paano ko ito sasabihin sa kan’ya, kilala ko si Kian once na nagsabi ka sa kan’ya ng isang salita hindi ka niya titigilan hangga’t hindi mo naii-kuwento ng buo.

"Ano ‘yon beshy?” Huminga muna ako ng malalim saka ako nagsalita.

"Ahhhm kasi ano eh… ah Kian."

"Parang alam ko na ‘yan beshy ah!” Tumawa pa muna siya ng mahina. "May nangyari no?”

"Ha?! W-wala ah!”

"Weh? Naku Celestine kilala kita kapag gan’yan ka magsalita! Now speak up! Ano mesherep ba? Ilang inches ba beshy?”

"Kiana naman!”

"Ano nga kasi ‘yon?! Tatawag-tawag ka tapos hindi ka naman magkukuwento ano ba naman ‘yan!” Inis nitong sabi sa'kin sa kabilang linya.

"Muntik lang."

"Ayiiieh! My gosh beshy! Nakakaloka ka! E bakit hindi natuloy? Sa boses mo mukhang dismayado ka ah," tili naman nito, at inilayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa lakas ng tili nito.

"Hindi kaya, saka bakit naman ako madidismaya? Gusto ko lang ipadama sa kan’ya na kung gaano siya ka-importante sa'kin saka pakiramdam ko Kian parang lumalalim na ‘yong pagmamahal ko sa kan’ya habang tumatagal na siyang ikinakatakot ko."

"Beshy ‘wag mo na munang isipin ‘yon, hindi pa naman natin alam ‘yong resulta ng mga test sa’yo eh," ramdam ko naman ang lungot sa kan’yang boses.

"Kaya hangga’t maaga, at hanggat naaalala ko pa siya gusto kong iparamdam sa kan’ya kung gaano ko siya kamahal Kian,” Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maluha. Kahit na hindi ko pa nalalaman ang resulta ng check-up ko parang alam ko na kung ano ang kahihinatnan nito. Hangga’t naaalala ko pa ang mga taong mahahalaga sa'kin ay pagtutuunan ko ito ng panahon at oras.

Natapos ang pag-uusap namin ni Kian ay nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko at nakatulala, hawak ko ang cellphone ko ng muli itong tumunog, si Doctor Wallace ang tumatawag. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ito sagutin.

"Hello?”

"Hi baby, can you please come down for a second?”

"A-ano? Nandito ka?”

"Yes baby, gusto lang kitang makita.”

"Sige wait lang baba ako," pinatay ko na kaagad ang tawag at humarap muna ako sa salamin at inilugay ko lang ang mahabang buhok ko. Naka t-shirt lang ako na medyo mahaba at naka-cotton short tutal gabi na naman kaya hindi na ako nag-abala pang magpalit. Dahan- dahan akong bumaba dahil baka magising sila mama at mga kuya ko kaya pagkarating ko sa gate namin ay hinanap ko kaagad si Doc Wallace. Nakita ko naman na umilaw ang kotse nito sa ‘di kalayuan sa aming bahay kaya tinungo ko ito kaagad at pumasok sa loob. Napapitlag naman ako ng bigla ako nitong hapitin at yakapin ng mahigpit.

"Gabi na ah, bakit pumunta ka pa rito?” Bulong ko sa kan’ya habang yakap pa rin ako.

"I just missed you," napangiti naman ako at niyakap din siya ng mahigpit. "Bakit pala gising ka pa?” Tanong niya sa'kin nang kumalas na siya nang pagkakayakap niya.

"Ah, nag-aaral kasi akk kanina eh," pagsisinungaling ko sa kan’ya.

"Don’t stress yourself okay? Kapag wala kang maintindihan sa lesson mo puwede mo naman akong maging tutor mo," natawa naman ako sa tinuran niya.

"Hindi na po, maiistorbo lang kita alam ko namang busy ka rin."

"Alam mo namang pagdating sa’yo marami akong oras," parang huminto bigla ang paghinga ko, sana lang puwede ko siyang makasama habang buhay, sana lang manatili siyang nasa ala-ala ko. Natatakot akong dumating ‘yong araw na masaktan ko siya, hindi ko kayang makita siyang unti-unting nasasaktan hangga’t maaga pa ay araw- araw kong ipaparamdam sa kan’ya kung gaano ko siya kamahal.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa kan’yang mga labi na ikinagulat niya. Naramdaman ko naman ang isang palad niya sa aking likod. Ang mga halik namin ay naging mapusok, hanggang sa naipasok niya ang dila niya sa aking bibig na siyang ikinaungol ko.

Hindi pa siya nakuntento ay walang kahirap hirap niya kong nabuhat at iniupo sa kan’yang kandungan. Ramdam ko naman sa aking pang-upo ang kan’yang kahandaan kaya napatigil akong bigla sa paghalik. Nakakunot naman niya akong tinitigan, at pagkuwa’y ngumiti na wari ko'y alam na niya ang ibig kong ipahiwatig.

"Why? Do you feel it?”

"Aaahm ano, ah k-kasi….”

"Don’t worry baby, hindi ko pa gagawin sa’yo ‘yon, I know you're not ready yet and I am willing to wait.”

Ang totoo niyan ay gusto ko naman talaga kaso bigla akong nabalutan ng takot at kaba. Dahil siya ang una ko wala pa akong alam sa mga bagay na ‘yon. Tumango lamang ako at saka muli niya akong hinalikan. Pinasok naman niya ang isang kamay niya sa aking t-shirt at gulat niya akong tinitigan.

"Hindi ka nag-suot ng bra?”

Ay shit! Nakalimutan ko wala nga pala akong bra. Napakagat labi na lang akong tinignan siya.

"Stop doing that," tukoy niya ang pagkagat ko ng ibabang labi ko. Napabuntong hininga siya at inayos ang nakalilis kong t-shirt. "Ayokong lalabas ka ng wala kang suot na bra ah, at saka ‘yang short mo ang ikli," mahinang sermon niya sa'kin.

"Hindi naman talaga ako lumalabas ng ganito ang itsura ko, syempre hindi na akl nagpalit dahil sabi mo nandito ka na.”

"Dapat lang, at ako lang dapat ang may karapatang makita ‘yan understood?” Wala sa sariling napatango na lang ako sa kan’ya.

"Sige na baby pasok ka na sa loob baka magising pa sila, isipin pa nila na nasalisihan ka na," biro niya ng nakangisi.

"Ewan ko sa’yo Doctor Wallace."

"Next time hindi na make-out ang gagawin ko sa’yo," pinalo ko naman siya ng mahina sa kan’yang braso dahil sa mga kalokohan niya.

Nandito kami ni Kian ngayon sa ospital kung saan ako nagpa-check up at hinhintay ang resulta ng mga test na isinagawa sa'kin, nagpresinta na rin siyang samahan ako. Magka-hawak kamay kami ni Kian habang hinihintay ang doctor sa loob ng kan’yang opisina, malamig naman sa loob pero pinagpapawisan ako ng malamig dulot ng kaba.

Ilang minuto pa ay dumating na ang doctor at naupo sa kan’yang swivel chair katapat namin. Mataman niya kaming tinitigan at ipinaliwanag ang resulta ng aking laboratory.

Para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking narinig mula sa doctor. Nagbagsakan ang aking mga luha at hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinasabi ng doctor dahil natulala ako sa aking narinig mula sa kan’ya. Ang huli ko lang natandaan ay ang tawag sa sakit ko.

"I’m so sorry Miss Ordonez, ang kailangan mo na lang talaga ay inumin ang mga gamot na nireseta ko sa’yo,” at ito rin ang huli kong katagang narinig mula sa aking doctor.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.