TILL MY LAST BREATH Chapter 30

Dumaan ako sa bahay nila arriane para sunduin si lance, hindi na ko nag-atubiling pumasok pa sa loob at hinintay na lang si lance sa labas. Nakita ko naman itong papalabas na ng kanilang bahay. Napasimangot naman ako ng makita si arriane na kasama si lance at ang lawak ng pagkakangiti.

"Hi lance"

"Hello po daddy, tugon din niya sa'kin.

"Lets go anak! Punta na tayo sa bahay ng daddy mo"

"Wait kasama ka? Kunot noo ko siyang tinitigan.

"Of course! Mommy niya ko kung nasan ang anak ko andun din dapat ako"

"What the hell! Mahinang wika ko at sinamaan siya ng tingin. Dahil wala na kong nagawa hinayaan ko na lang siyang sumama. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ay ramdam ko ang mga titig ni arriane sa'kin. Ni isang sulyap ay hindi ko siya masulyapan dahil naiinis ako sa mga ginagawa niya.

"Lets take a picture together" kukunin na sana niya ang cellphone niya ng bigla kong ihinto ang sasakyan na ikinagulat nila.

"Hindi mo ba talaga ko naiintindihan ha arriane? Ilang beses ko ba dapat ipamukha sayo na magiging tatay lang ako ni lance at wala ng hihigit pa don"

"So, kaya mong ipagpalit ang anak mo sa babaeng yon?

"Hindi porket may iba na kong mahal ay tatalikuran ko na ang pagiging ama ko" tinignan ko naman si lance na nasa likuran at mataman lang na nakatingin sa'min. Muli ko namang pinaandar ang sasakyan at hindi na muling nag-usap pa. Sinalubong naman kami ni papa at mama ng makapasok na kami sa loob ng bahay. Masayang sinalubong ni papa si lance samantalang si mama ay tipid lamang na ngumiti.

"Halika hijo pasok ka" inakbayan ni papa si lance at naupo sa mahabang sofa.

"Gusto mo bang magswimming tayo ulit?

"Sige po lolo! Masayang sagot naman ni lance na ikinatuwa ko. Naging close na rin sila ni papa kahit ilang araw pa lang silang nagkakasama.

"Dito ka na rin muna matulog lance ihahatid ka na lang bukas ng daddy mo okay ba yon?

"Sige po lolo"

"Dito na rin ako matutulog" sabay naman kaming napatingin kay arriane.

"Kapal talaga ng mukha" rinig kong bulong ni mama.

"Sige walang problema"

"But pa!

"Okay lang anak, same room na lang din sila ni arriane" tinitigan ko naman ng masama si arriane subalit nginisian lamang ako nito.

"Aba dapat lang noh! Alangan tabi sila ni wallace! Hindi ako papayag dahil si celestine lang ang gusto ko para sa anak ko!

"Ma tama na"

"Si celestine sana ang nandito at hindi yang babaeng yan! Duro ni mama kay arriane.

"Honey tama na, kaharap natin ang apo natin"umirap na lang si mama at binalingan naman ni papa si arriane.

"Sige na arriane magpahinga na muna kayo ni lance sa kwarto at tatawagin na lang kayo pag nakahanda na ang tanghalian. Nang makaalis na sila ay ako naman ang kinausap nila mama at papa.

"Nabalitaan namin ang nangyari kay celestine anak, tumawag sakin ang tita celicia mo". Panong nangyari yun anak? Yumuko muna ko at nag-isip kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang kanyang sakit. Unang masasaktan si mama dahil alam kong napalapit na siya kay celestine sa twing dadalaw siya dito sa bahay.

"Hijo, tawag sa'kin ni papa at nag-angat naman ako ng tingin. Tumikhim muna ko na para bang may nakabara sa aking lalamunan.

"S-si celeatine po m-ma pa" saglit akong napahinto at muli silang binalingan na nag-aantay ng aking isasagot.

"She's sick" nagkatinginan naman sila ni papa at tinignan ako ng makahulugan.

"Anong sakit niya?

"She has a s-severe alzheimers" napatutop naman ng bibig si mama at nagsimula na siyang umiyak. Niyakap naman siya ni papa at inaalo si mama, tumingala naman ako para hindi tuluyang bumagsak ang aking luha.

"Anak doctor ka, magagamot mo naman siya hindi ba? Garalgal na boses ni mama.

"Mama

"Honey, severe alzheimers ang sakit ni celestine"

"No! Gagaling pa siya hindi ba anak?

"I-i'm sorry ma, she has few months left" nakayuko kong saad. Hindi ko kayang makita sa ganong sitwasyon si mama. Kung masakit kay mama na malaman ang sakit ni celestine, triple naman ang sakit na nararamdaman ko na parang libo libong kutsilyo ang nakatarak sa aking puso.

"Dyos ko! Kawawa naman si celestine, honey gusto ko siyang makita" pagsusumamo ni mama kay papa

"Ma, hindi niya pwedeng malaman na alam na natin ang sakit niya. Dahil ayokong pati sarili niya ay kaawaan niya at isa pa ayoko siyang lumayo. Next week Pakakasalan ko si celestine ma pa" sabay naman nila akong tinitigan at lumapit pa sa'kin ng bahagya si mama”

"Are you sure hijo?

"Yes po pa', I'm going to marry her" I want to take care of her, kahit sa sandaling panahon na lang na makakasama ko siya"

"Kailan niyo balak magpakasal?

"Actually she knows about the wedding pero ang hindi niya alam sa next week ko siya pakakasalan, dahil alam kong magtatanong siya kung bakit agad ko siyang pakakasalan at isa pa alam kong magugulat siya sa naging desisyon ko

"Dont worry anak susuportahan ka namin ng papa mo sa ano mang desisyon mo"

"Thank ma, at sana po wag mong banggitin kay celestine na alam niyo na ang tungkol sa sakit niya"

"We will anak" hinawakan naman ni mama ang isa kong kamay at ngumiti ng mapait sa'kin. "Sana hindi ka magsawang alagaan siya kapag tuluyan na siyang hindi makaalala"

"Hinding hindi ma" kinagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang pagbagsak ng aking luha, ngunit sadyang mahirap talagang pigilan kapag sobra sobra kang nasasaktan.

Malalim na sa gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog at naririto ako sa garden at umiinom ng beer. Naiisip ko si celestine, parang bukas ay gusto ko na siyang pakasalan. Hindi na ko makapaghintay na alagaan siya, makatabi gabi gabi sa pagtulog habang magkayakap. Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at sumimsim ng alak.

"Malaki ata ang problema mo? Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko si arriane na papalapit sa'kin, napairap naman ako sa klase ng suot nito. Naka black nighties ito at hapit sa kanyang katawan kaya naman kitang kita ang hubog ng katawan nito. Umupo naman ito sa aking tabi na hindi ko na pinag-aksayahang tignan.

"Nag-away siguro kayo ng girlfriend mo?

"Mine your own business"

"Sige na wallace selos na selos na ko" kaya please itigil mo na to at bumalik ka na sa'kin, kami ng anak mo ang magpapasaya sayo" gulat ko naman siyang hinarap.

"Sa tingin mo pinagseselos kita ha? Anong mapapala ko? Look arriane, mahal ko si celestine at siya lang ang babaeng mamahalin ko, hinding hindi ko siya ipagpapalit sa isang katulad mo". Hindi ko nga lubos maisip kung bakit kita minahal eh, napaka tanga ko noon! Harapan na nga ko niloloko pero nabulag ako sa pagmamahal ko sayo, kung hindi siguro kita nahuli noon baka hanggang ngayon tanga pa rin ako! Tumayo na ko at tinalikuran siya, humarang naman siya sa aking harapan at ibinaba pa niya ng maigi ang kanyang suot kaya medyo nakita ang kanyang clevage. Lumapit pa ito sa'kin at alam kong sinisimulan na niyang akitin ako, dahil idinikit pa nito ang kanyang dibdib sa aking dibdib.

"I know you want me wallace, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman mo sa'kin hindi ba? Baliw na talaga tong babaeng to! Sigaw ng aking isipan. Tumawa naman ako ng pagak na siyang ikinasimangot niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at inilayo siya ng bahagya, mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya at alam kong ramdam niya ang sakit dahil sa nakikita kong itsura niya.

"Kahit maghubad ka pa sa harapan ko hinding hindi kita ikakama! Dahil alam kong marami ng laway ang dumapo dyan sa katawan mo, matapos kong sabihin yun ay saka ko lamang siya binitawan at iniwan na siyang mag-isa. Mahal ko si celestine at kailanman ay hinding hindi ko siya magagawang lokohin. Ang wallace na laman ng hotel noon ay naglaho na na parang bula at nakapirmi na lang sa iisang babae at si celestine yon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.