TILL MY LAST BREATH Chapter 29

Palabas na kami ni celestine ng ospital ng makasalubong namin si arriane kaya napahinto kaming bigla, bumaba naman ang tingin nito sa magkahawak naming kamay at napansin ito ni celestine babawiin sana niya ang kamay niya ng higpitan ko bigla ang pagkakahawak dito. Ramdam ko ang pagtitig ni celestine at ako namay masamang tinitigan si arriane.

"What are you doing here?

"Akala ko ba ngayon ka makikipagkita sa anak mo" diniin pa niya ang pagkasabi ng anak. Napapikit naman ako at muli siyang hinarap.

"Susunduin ko siya mamaya pagkahatid ko kay celestine"

"Ano yan bata na hindi man lang marunong umuwi sa kanila? Kaya mo na naman sigurong umuwi hindi ba? Baling niya kay celestine na ikinainit ng ulo ko.

"My god arriane! She's sick okay! Ihahatid ko muna siya at susunduin ko si lance, lalagpasan na sana namin siya ng hawakan ako nito sa braso kaya napahinto ako.

"Sinong mas importante? Yung anak mo o siya!? Duro nito kay celestine.

"Ah, s-sige doc__

"No! Ihahatid kita! Pigil ko sa sasabihin ni celestine, at tinanggal ko ang kamay ni arriane na nakahawak sa'kin at nagpatuloy sa paglalakad hawak ang isang kamay ni celestine. Hindi pa kami nakakalayo sa E.R nang magsalita si arriane.

"Akin ka lang wallace! Akin ka lang tandaan mo yan! Dahil sa inis ko ay hinarap ko ito at nilapitan.

"Hindi mo na ko pag-aari arriane, kung ano man ang meron tayo ay para sa bata lang, magiging tatay ako ni lance at hanggang don lang yun. Hindi na kita mahal at hindi na muling mamahalin" may diin kong wika sa kanya at kita kong pumatak ang luha niya. Tinalikuran ko na siya at hinawakang muli ang kamay ni celestine palabas na ng ospital.

"Ah, doc wal… i-i mean b-baby" napangiti naman ako sa tawag niya sa'kin ramdam ko naman sa kanya na medyo nahihiya pa siya pag tinatawag niya kong ganun.

"Yes baby? Nasa kotse na kami para ihatid siya sa kanilang bahay. Nagpresinta ako kila tita celicia na ako na lang ang magbabantay at maghahatid kay celestine.

"D-dpat pinuntahan mo na lang m-muna yung anak mo" saad niya sa'kin na hindi inaalis ang pagkakatitig sa'kin.

"Mas importante ka, at isa pa pupuntahan ko naman si lance pagkahatid ko sayo mahaba pa naman ang oras namin.

"P-pero__

"Ayaw mo na ba kong kasama?

"Ha? Ah eh, h-hindi naman…

"Ayaw mo na ata kong makita? Kunway pagtatampo ko sa kanya.

"Ang totoo niyan gusto ko lagi kitang kasama. Inihinto ko naman sa tabi ng kalsada ang kotse at hinarap siya.

"Gusto mo ko laging kasama? Tumango lang siya sa'kin ng nakanguso. Shit! Bakit ang cute niya? Parang gusto ko siyang siilin tuloy ng halik dito sa kotse ko. Napailing na lang ako sa naiisip ko.

"Dun ka na lang tumira sa condo ko" napamaang naman siya sa aking sinabi.

"H-hindi pwede alam mo naman sila kuya, hindi sila papayag. Hindi porket boyfriend na kita papayag na sila.

"They agree" walang paligoy ligoy kong sabi sa kanya. Tinitigan naman niya ko na parang hindi makapaniwala.

"Ha? P-pero pano? Bakit? Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Kasi may tiwala sila sa'kin.

"And then?

"Di ba sabi mo gusto mo kong makasama?

"Oo nga pero hindi naman ibig sabihin sa condo mo ko titira"

"Ayusin mo na mga gamit mo dahil next week dun ka na sa condo ko"

"P-pero….

"Wala ng pero pero, saka may gusto kong ipakilala sayo" nginisian ko naman siya.

"Sino naman?

“Makikilala mo din siya pag andun ka na sa condo"

"Sino nga?

"Basta wag kang excited dahil baka ngayon pa lang bigla siyang magpakita sa kakulitan mo" halata naman sa kanya ang pagkabigla at pagtataka kaya natawa naman ako ng mahina.

"Pinagloloko mo ba ko!?

"Hindi kita niloloko baby, ipapakilala ko siya pag dun ka na nakatira at gabi gabi mo siya makikita" sabay kindat ko sa kanya. Pinaandar ko ng muli ang sasakyan para mapigilan ko ang paghalakhak ko dahil sa nakikita kong itsura niya. Nakarating na kami sa bahay nila at sinalubong naman kami nila tita celicia.

"Halika hijo pasok ka muna" yaya sa'kin ni tita celicia.

"Tara na cel sa kwarto mo pagpahinga ka muna" yaya ni daren.

"Sige na baby magpahinga ka na muna may pag-uusapan lang kami ni mama celicia.

"May nililihim ba kayo sa'kin? Nagkatinginan naman kaming bigla ni tita celicia dahil sa sinabi ni celestine.

"Anak, ano naman ang ililihim namin sayo? May importante lang kaming pag-uusapan, hindi ba hijo? Baling sa'kin ni tita celicia.

"Thats right baby" pinanliitan naman ako nito ng mata na para bang hindi naniniwala.

"Remember what I told you earlier? Yun ang pag-uusapan namin ni mama celicia, kaya sige na magpahinga ka na muna sasabihin ko na lang sayo pagkatapos namin mag-usap" mabuti na lamang at mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko at sumama na rin siya kay daren papunta sa kanyang kwarto.

"Wallace anak, sigurado ka na ba dyan sa binabalak mo? Saad ni tita celicia ng kami na lang dalawa sa salas

"Yes po mama celicia" gusto ko rin naman siyang makasama kahit sa… kahit sandaling panahon na lang"malungkot kong sabi sa kanya.

"Naiintindihan ko hijo, pano kung Mabigla siya sa biglaang pagpapakasal niyo ng hindi niya alam?

"Ako po mama ang bahala, basta wag niyo po munang sasabihin sa kanya na alam ko na ang tungkol sa sakit niya" sandaling natahimik si mama celicia at tinitigan akong nanunubig na ang mga mata.

"S-salamat anak sa pagmamahal na inaalay mo kay celestine, masayang masaya ako dahil sa kabila ng sakit niya hindi mo siya iniwan at minahal mo pa rin siya"

"Lahat po gagawin ko para kay celestine, mahal na mahal ko po siya kahit na ang kapalit ay masaktan ako, mamahalin ko pa rin siya. Hindi ko na namalayang may tumulong luha na pala sa aking pisngi kaya nilapitan ako ni tita celicia at niyakap.

"Ano man ang mangyari anak, kahit na mawalan siya ng ala-ala at maging mahirap ang pag-aalaga mo sa kanya, wag mo siyang iiwan ha anak? Alam kong isang araw ay magdedere deretso na ang pagkawala niya ng ala-ala kaya masakit bilang isang ina ang makita ang kanyang anak sa ganoong sitwasyon" iniisip ko na sana ako na lang at hindi na ang anak kong si celestine" kumalas naman siya sa pagkakayakap at hinarap ako. Pansin ko ang pamumula ng kanyang mata.

"Wag na po kayong mag-alala dahil kahit mahirap kakayanin ko po at hinding hindi ako susuko at lalong lalo nang hindi ko siya iiwan.

Nasa loob na ko ng aking sasakyan ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapahagulgol. Napayuko ako sa aking manibela habang patuloy na umiiyak. Bakit kung kailan nagmahal na akong muli ay saka naman nito mabilis bawiin sa'kin? Ayokong mawala siya sa'kin parang hindi ko kakayanin kapag isang araw magising ako na hindi ko na siya makakasama pa. Hindi ko pa naibubuhos ang pagmamahal ko sa kanya tapos may ganito na kagad na pangyayari. Napasandal na lang ako sa aking upuan. Hindi na ko makapaghintay pa na maging asawa siya at makasama siya kahit sa maikling panahon na lang. Bubusugin ko siya ng pagmamahal araw araw kahit na ang kapalit nito ay ang pagkawasak ng aking puso.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.