TILL MY LAST BREATH Chapter 7

“Good morning!” Masayang bati ko kina mama at papa at sa aking mga kuya na ngayon ay nag-aalmusal na. Umupo naman ako sa gitna katabi nila kuya.

“Good morning our princess!” Sabay- sabay nilang bati sa'kin.

“Siyanga pala Darren anong oras ka na naman ba umuwi kagabi?” Wika ni mama na masama ang tingin kay kuya Daren.

“I think 1 am na ma.”

“Diyos ko Darren, mamamatay kami ni papa mo sa pag-aalala sa’yong bata ka eh! Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag namin. Hanggang sa makatulugan na namin ang paghihintay sayo!” Galit na sabi ni mama kay kuya.

“Sorry ma, Hindi ko kasi napansin medyo maingay kasi sa bar eh, tapos nalowbat pa ‘yong cellphone ko.”

“Dapat tumawag ka man lang sa amin ng papa mo para hindi kami nag-aalala.”

“Sorry po ma,” hinging paumanhin ni kuya Darren.

“Siyanga pala Cel nakita ko si Doctor Wallace kagabi sa bar may kahalikang babae, playboy din pala ‘yon,” naiiling na sabi ni kuya.

“Sigurado ka bang si Doc Wallace ‘yong nakita mo ha Darren?” Tanong ni mama kay kuya Darren na hindi makapaniwala sa sinabi ni kuya.

“Oo mama siya ‘yon, hindi ako puwedeng magkamali dahil nagkatinginan pa nga kami,” hindi naman kami makapagsalita dahil sa sinabi ni kuya, totoo nga talagang babaero si Doctor Wallace?

“Tapos irereto niyo pa itong si Cel do’n? Mas gugustuhin ko pang si Chris na banlag na lang makatuluyan niya kaysa sa babaerong ‘yon!” Inis na turan naman ni kuya Clarence. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang usapan.

“Lasing lang siguro ‘yon si Wallace.”

“Ma ang ayos-ayos pa niya no’n no! Tapos iyong nakita ako biglang umalis.”

“Sige po mauna na ‘ko may exam pa kasi ako eh,” putol ko sa kanilang usapan at tumayo na ako sa aking puwesto.

“Sige princess mag-iingat ka ha?”

“Yes pa!” Sabay halik ko sa kan’yang pisngi at kay mama.

Nasa kanto na ako at nag-aabang ng masasakyan ng biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa aking sentido at pumikit saglit at huminga ng malalim. Unti-unti akong dumilat at nagtaka. Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko matandaan kung saan nga ba ako patungo.

Napapitlag naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa aking bag. Tinitigan ko muna ito at binasa kung sino ang tumatawag.

“B-beshy?” Nakakunot kong wika sa aking sarili.

“S-sinong beshy?” Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa aking cellphone na panay pa rin ang tunog. Nang tumigil na ito sa pagtunog ay nagpalinga-linga naman ako.

Bakit hindi ko maalala kung saan ako pupunta? Mahigpit kong hinawakan ang aking cellphone, sana tumawag ulit ‘yong kaninang tumatawag sa’kin. Pero ilang minuto na akong naghihintay ngunit hindi pa rin ito tumatawag. Kaya naglakad na lang ko kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Napapaiyak na ako dahil hindi ko alam kung nasaan na ako hanggang sa napadpad ako sa tapat ng isang lumang simbahan. Naupo ako sa upuan sa ilalim ng puno at pinagmamasdan ang mga dumaraan. Paano ako makakauwi kung hindi ko alam kung saan ang daan pauwi. Napabuntong hininga ako at napasandal sa upuang bakal. Maya- maya pa ay muling tumunog ang aking cellphone at kinuha ko ulit sa aking bag. Iyong beshy ulit ang tumatawag kaya sinagot ko na ito.

“H-hello?”

“Beshy! Buti naman sinagot mo na! Nasaan ka na ba? May sakit ka ba at hindi ka pumasok?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil wala akong matandaan. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung saan ang bahay ko.

“N-nandito ako sa m-may simbahan,” nauutal kong sabi sa kausap ko sa cellphone.

“Saang simbahan at anong ginagawa mo riyan?”

“H-hindi ko rin alam eh.”

“What?! Nakapunta ka riyan pero hindi mo alam kung anong ginagawa mo riyan?”

“Puwede bang puntahan mo ako rito?” Nahihiya kong wika.

“Teka nga lang Cel may problema ba?”

“Basta puntahan mo ako rito sa may lumang simbahan.”

“Okay sige beshy, alam ko kung saan ‘yan! Huwag kang aalis hintayin mo ako riyan.”

“Okay salamat,” binaba ko na kaagad ang tawag pagkatapos naming mag-usap. Anong nangyayari sa'kin bakit wala akong maalala? Pero alam ko naman ang pangalan ko, the rest wala na akong matandaan.

Napakagat labi naman ako sa mga naiisip ko. Nasa gitna ako ng aking pag-iisip ay may biglang tumawag sa'kin kaya naman napalingon ako sa gawing kanan ko. Kita ko ang baklang papunta sa kinaroroonan ko at tinitigan ko itong maigi. At doon ko lang napagtanto kung sino ito.

“Beshy ano bang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumasok? Alam mo namang may exam tayo ‘di ba?” Bungad niya sa'kin nang makaupo na siya sa aking tabi. Doon ko lang naalala na may exam pala ako. Pero bakit kanina wala akong maalala? Ano bang nangyayari sa'kin?

"O ano na beshy? Hindi na gumana ‘yang utak mo?” Tanong ni Kian sa'kin ng hindi kaagad ako makasagot.

"P-pasensya na, sumakit kasi ang ulo ko kanina saka medyo nahilo ako eh, kaya umupo muna ko rito," pagdadahilan ko na lang sa kan’ya, para hindi na lang siya mag-alala pa.

"Sigurado ka?” Tumango lang ako sa kan’ya. "O siya halika na at kakausapin pa natin si Ma'am Almira kung puwede kang kumuha ng special exam tutal scholar ka naman eh tiyak bibigyan ka no’n.”

"Oo nga pala kailangan ko makakuha ng exam ngayon. Nagmamadali kaming umalis para pumunta na sa school. Hindi naman ako nabigo ay pinakuha naman ako ng special exam.

"Mabuti naman beshy at pinakuha ka ni Ma’am Almira ng special example."

"Oo nga eh, mabuti na lang talaga," sagot ko habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa locker, at nasa likod ko naman si Kian at pinapanood lang ako.

"Ano ba ‘yan beshy bakit ang daming sticky note riyan sa locker mo?” Napansin naman niya ang mga nakadikit na sticky note sa bawat sulok ng locker ko. Kumuha siya ng isa at binasa ito.

"My mama's birthday August 22. Bakit nakalagay pa riyan? Alam na alam mo na naman ang mga birthday sa pamilya mo."

"Syempre para hindi ko makalimutan."

"Sus ikaw pa? Ako pa nga ang mas makakalimutin kaysa sa’yo.” Kumuha pa ulit siya ng isa pang sticky note at binasa ulit ‘yon. Nagtaka naman siya sa nakasulat do’n.

"Clarence Dave Ordonez 30 years old”

"Daren Vincent Ordonez 27 years old”

"Celestine Anne Ordonez 20 years old”

"Mama Celicia Ordonez 52 years old”

"Papa Timothy Ordonez 55 years old”

"Beshy may ganito talaga?! Ano ito project mo?” Sabay dikit nito kung saan niya kinuha. "Kasama ba ‘yan sa reviewer mo at kailangan mo pang i-memorize mga pangalan at edad nila?”

"Wala lang gusto ko lang nababasa ‘yong mga pangalan nila iyon lang ‘yon!” Sinarado ko naman ang locker ko at hinarap siya. "Tara kain na tayo nagugutom na ko eh," yaya ko naman sa kan’ya sabay himas sa aking tiyan.

"Tara na nga! Pati ako nagugutom sa’yo eh!” Sabay kawit niya sa aking braso.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.