TILL MY LAST BREATH Chapter 8

Masaya kaming nagkukuwentuhan ni Kian habang palabas kami sa isang fast food chain nang mahagip ng aking mata si Doctor Wallace sa hindi kalayuan sa amin. May kasama itong babae ngunit hindi ito ang kasama niya noong huli niya itong nakita sa bookstore. Totoo nga pala ang sinasabi ni kuya Darren na babaero pala talaga si Doctor Wallace. Hindi ko na lang siya pinansin at nilagpasan na lang namin siya ni Kian kunwa'y hindi ko siya nakita. Pero ang hindi ko inaasahan ay nabangga ako ng kasama niyang babae at natapon sa kan’ya ang hawak niyang inumin.

"Oh shit! Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” Sigaw sa'kin noong babae kaya napatingin na rin sa amin ang ibang tao, maging si Doctor Wallace ay nagulat din at napatingin sa amin ni Kian.

"S-sorry hindi ko po sinasadya," hinging paumanhin ko habang nakayuko ako.

"Tatanga-tanga ka kasi! Kita mo ginawa mo nadumihan ako!”

"Hoy ‘wag mong sisigawan ang kaibigan ko hindi siya bingi!” Sigaw na rin ni Kian at pinigilan ko naman ito sa kan’yang braso.

"P-pasensya na po hindi ko talaga sinasadya.”

"Anong hindi sinasadya?”

"My god Ellen tumigil ka na!” Saway ni Doctor Wallace sa kan’ya.

"Hindi Ellen ang pangalan ko, it’s Ella not Ellen!” Pagtatama noong kasama ni Doctor Wallace, bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita at hinarap ako.

"Pasensya ka na Celestine ah?”

"Anong pasensya look at me?! Ang dumi ko na!”

"Magpalit ka na lang! Hindi naman problema ‘yon,” may inis niyang turan sa kaniyang kasama.

"S-sige po pasensya na talaga, aalis na kami,” tatalikod na sana kami ng biglang hablutin noong babae ang aking buhok at pinaharap ako sa kan’ya, at ang ikinagulat ko ay bigla na lamang ako nitong sinampal na ikinagulat din ni Doctor Wallace at Kian. Para akong nabingi sa lakas ng pagkakasampal niya sa aking pisngi.

"Fuck Ellen! Anong ginawa mo?!” Sabay hablot ni Doc Wallace sa kamay ng kasama niya.

"Bagay lang sa kan’ya ‘yan tatanga- tanga kasi siya," duro pa nito sa akin.

"Umalis ka na!” Kita ko ang pagkagulat ng kasama niyang babae.

"Pero Wallace."

"I said leave!” Sigaw naman niya doon sa babae. Kaya wala itong nagawa kun’di ang umalis. Nilapitan naman ako ni Doctor Wallace at hinawakan ang pisngi kong namumula dahil sa pagkakasampal.

"Shit!” Mahinang mura niya pagkakita sa aking pisngi. "Come on!” Sabay hawak niya sa aking kamay, na ikinagulat ko.

Sumunod naman sa amin si Kian. Pumunta kami sa parking lot na hawak pa rin nito ang kamay ko. Napabitaw lang siya ng may kunin siya sa loob ng kaniyang kotse. Hinawi niya ang buhok ko na nakatakip sa aking pisngi at dahan- dahan niyang nilagyan ng ointment. Habang nilalagyan niya ng gamot ang pisngi ko ay hindi ko maiwasang tumitig sa kaniyang mukha. Meron siyang magandang mata na kulay tsokolate, may makinis na mukha matangos ang ilong at higit sa lahat mapula at maliit na labi.

"Staring is rude," bigla niyang sabi sa'kin pagkatapos niyang lagyan ng gamot ang pisngi kong nasampal kanina. Lumayo naman siya ng bahagya.

"Ha? H-hindi ah!” Napaiwas naman ako ng tingin sa kan’ya, samantalang si Kian ay panay naman ang ngisi sa aming dalawa ni Doc Wallace na kanina pa kami pinapanuod.

"Really?” Nakangisi niya akong tinitigan, kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kan’ya.

"Salamat po pala Doc Wallace," Saad ko ng hindi pa rin siya tinitignan.

" I'm sorry for what Ellen did," doon na lang ako napatingin sa kan’ya at seryoso rin niya akong tinitigan.

"Ella raw ang pangalan niya hindi ellen,” sabi ko sa kan’ya na ikinagulat niya natawa naman siya pagkasabi ko no’n.

"Talaga? Hindi ko naman kasi tinatandaan ‘yong mga nakaka-date ko,” sabay kamot nito sa kan’yang ulo, napamaang naman kami pareho ni Kian.

"Grabe ibang klase ka pala, ano ‘yon ka- one night stand lang?” Sabat ni Kian at siniko ko naman ito.

"Parang gano’n na nga."

"Paranas naman po Doc," sinaway ko naman si Kian dahil sa lumalabas sa bibig niya.

"Iyong bibig mo naman!” Natawa lang sa amin si Doc Wallace.

"Sige po mauna na kami salamat po ulit."

"Sumabay na kayo sa'kin hatid ko na kayo."

"Ay hindi na po okay lang kami," mariin kong pagtanggi sa kan'ya.

"Tara na sumabay na tayo wala na rin akong pamasahe eh naubos na dahil ako ang nanlibre sa’yo at ang lakas mong kumain," bulong ni Kian sa'kin na sinamaan ko naman ng tingin. Nakita ko pang ngumiti si Doc Wallace habang pinagmamasdan kami.

"Sige po sasabay na kami ni Cel ‘di ba Cel?” Pinamulagatan naman ako nito ng mata.

"Okay let’s go," binuksan naman nito ang passenger seat kaya wala na rin akong nagawa kun’di ang sumakay, sa likod naman si Kian.

Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan pauwi. Una naming hinatid si Kian. Dalawa na lang kaming naiwan kaya naman sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko para akong hindi makahinga. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan.

"Are you okay?” Napalingon naman ako sa kan’ya nang magsalita siya.

"Y-yes I’m okay. "

"Kanina ka pa kasi tahimik, baka kako hindi ka komportable sa'kin."

"H-hindi naman, hindi kasi ako sanay."

"Hindi sanay saan?”

"Na may naghahatid sa'kin," muli niya akong sinulyapan at binalik ang tingin sa daan.

"You mean walang nanliligaw sa’yo? E ang ganda-ganda mo?”

"Ha?! A-ano meron naman kaso__”

"Kaso hindi mo gusto?” Putol niya sa aking sasabihin.

"Gano’n na nga," nakayuko kong wika sa kan’ya.

"E ‘di hindi ka pa rin nagkaka-boyfriend?”

"Hindi pa,” mahina kong sabi na sapat lang para marinig niya.

"Choosey ka siguro?”

"Hindi naman, hindi ko lang sila talaga gusto. Kasi sa una lang sila magaling manuyo kapag naging kayo na wala na, parang wala na siyang paki sa’yo tapos mambababae kapag hindi binigay ang gusto, ang dami kayang babaero ngayon!” Napaubo naman siya sa aking sinabi.

Shit natamaan yata siya sa pagkasabi kong babaero, napapikit naman ako at napakagat labi sa hiya.

"Bakit nangyari na ba sa’yo iyon?”

"Hindi pa, pero marami akong kakilala na gano'n ang nangyari sa kanila."

"Nagkamali lang talaga sila ng lalaking minahal," magsasalita pa sana ako nang makita kong malapit na kami sa aming bahay kaya pinahinto ko na ‘yong sasakyan kay Doc Wallace sa tapat ng bahay namin.

"Salamat po Doc Wallace sa paghatid," bababa na sana ako ng bigla niya akong tawagin.

"Ah Celestine."

"Bakit po Doc Wallace?” Matagal siya bago nakasagot.

"Pasensya ka na talaga sa nangyari kanina ah?”

“Okay lang, mamaya hindi na naman ito mahapdi,” pilit akong ngumiti sa kan’ya.

"Sige po Doctor Wallace," pagkasabi kong iyon ay bumaba na ako at hinintay na lang siya makaalis bago ako pumasok sa loob.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.