BEAUTY
Isang salita, anim na letra. Ang ipinagkait sa akin. Hindi naman daw ako pangit sabi ng nanay ko.
Malamang! Sino bang nanay ang magsasabing pangit ang anak niya?
Sa mundong aking ginagalawan mahalaga ang hitsura dahil dito ka mapapansin ng mga tao. May kapangyarihan kang mapahanga sila pero sa hitsura kong daig mo pa ang palakang tinubuan ng buntot, limang paa, at may sungay pa.
Ang OA! Hindi ganito talaga 'yon.
Pangit ako.
Simple, PANGIT. Isang salita, anim na letra.
Wala akong pag-asang maging maganda kaya si Prince Charming nasa Cinderella lang ayaw akong makilala. Si Knight in Shining Armor nasa mga pelikula lang. Ang superhero ko nasa libro lang.
Hindi na ako umaasang balang araw makikilala ko siya at kung dumating man ang araw na 'yon baka hindi ko paniwalaan.
Panaginig lang 'yon, nasisiguro ko.
Gaano man kaganda ang puso mo o ang hangarin mo wala, eh, titingnan pa rin nila ang panlabas na anyo mo.
Pangit ako. Inulit pa, iyon ang masaklap na katotohanan.
Saang parte ko naman ng mundo hahanapin ang prinsipe ko? Kahit sa kweba wala siya.
Hindi na ako bata para isiping may nakalaan para sa akin.
Kasi sa totoo lang WALA NAMAN TALAGA.
Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo walang sumubok na magkamali.
Sinong magmamahal sa pimples ko, aber?
"Ang baho ng hininga mo! Toothbrush-toothbrush din 'pag may time!" Inis na tinakpan ni AP ang ilong niya.
Napabungisngis ako nang makita kong nagtatalo nanaman si AP at Keyar. Mga best friend ko sila, nandito ako ngayon sa apartment nilang tatlo, si AP, Key, at Delight. Palagi naman akong nandito kapag hindi ko hawak ang mga libro.
"Epal mo! Saan ka ba nakakita ng hininga na kakagising lang, eh, mabango na?" Asik pabalik ni Keyar. "Malamang hindi pa ako nagto-toothbrush! Sobrang bango ng hininga mo! Promise!"
"Umalis ka nga sa harapan ko mag-toothbrush ka at 'wag mo ngang ibalandra sa mukha namin 'yang payatot mong katawan!"
Itinaas ni Key ang balikat niya at ipinakita ang muscle. "Lol, basketball player 'to kaya maganda ang katawan ko."
Napailing na lang ako. Hindi naman talaga nag-aaway ang dalawang 'yan, nag-aasaran lang.
"Tara, mamalengke tayo!" Sigaw ni Delight sa kusina. "Wala na tayong pagkain."
Tumayo ako at akmang magpapaalam na. Uuwi na lang ako kaysa sumama sa kanila wala naman akong mapapala magbabasa na na lang ako ng libro.
"Hoy! Saan ka nanaman papunta?" Ang lakas ng boses ni AP parang naka-mic. "Samahan mo kami mamalengke."
Wala akong naggawa kung hindi ang magpahila sa kanila. Ewan ko ba kung bakit ko sila kaibigan. Ang pangalan ng tropa namin ay Nematodes, lima kami kaso palaging wala si Ailey dahil iba naman ang course niya kaya abala para sa future niya.
"Ang init," ipinaypay ni Delight ang kamay sa mukha. Napangisi ako dahil namumuo na ang pulbos sa mukha niya.
"Delight, ayusin mo 'yang mukha mo," nakangising sabi ni Key, bakas sa mukha ang pang-aasar.
"Bakit may sira ba ang mukha ko?" Umirap si Delight.
Nagkibit-balikat si Keyar. "Bahala ka sasakay tayo ng jeep ang pangit mo."
Umirap nanaman si Delight at kumuha ng salamin. Nang makita niya ang sarili ay nanlaki ang mata niya.
"Ahh! Ang pangit ko bakit hindi niyo sinabi?! Uupakan ko talaga kayo, eh!" Dali-dali niyang pinunasan ang mukha ng panyo. Kung mayroon mang mahilig magpaganda, siya 'yon.
Ang tagal namin naghintay ng jeep bago makasakay. Umakyat ako katabi ko si Delight. Hindi naman talaga ako palasalita kaya tahimik lang ako na nagmasid ng paligid.
"Ate, can you please give it to manong?"
Napalingon ako sa katabi ko, sa kaliwa.
Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
'Di makapaniwala
Dumagundong ang puso ko at pinagpawisan ako ng malamig. Para bang ang kanta ni Yeng Constantino na may pamagat na Jeepney love story ay bigla na lang nag-play sa utak ko.
Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa 'yo
Ang aking mga mata
Nilamon na ako ng ibang mundo pakiramdam ko ako si Cinderella na nahanap ang Prince Charming niya. Naglakad kami sa palasyo ng pagmamahal at ma--
"Miss?"
Napakurap-kurap ako. Nakalimutan ko pangit ko nga pala. Hindi ako marunong umirap o magtaas ng kilay kaya naman kinuha ko na lang ang bayad niya. Susungitan ko sana kaso hindi nga pala ako maganda.
'Wag attitude.
Inabot ko kay Key ang bayad niya at siya na ang nag-abot.
Akala ko ako na si Cinderella na may theme song na Jeepney. Ang epal naman nasa reyalidd nga pala ako.
Nilingon ko ulit si kuya. Hindi ko inaasahan na ngingitian niya ako.
Mahilig sa exotic beauty?
Ah, baka naman tinatawanan niya ang kapangitan ko. Kumunot ang noo ko. Bahala ka nga.
Pinagpapawisan ako nang malala lalo na at nagdidikit ang braso namin sa bawat galaw ng jeep. Pakiramdam ko napaka-awkward ng sitwasyon. Pakiramdam ko tumalas ang pandama ko dahil may kung anong kuryente ang dumadaloy sa balat ko tuwing dadampi sa kaniya.
Bakit ko ba ito nararamdaman?
"Manong, para po!" Sigaw niya.
Muling nag-play ang kanta ni Yeng sa utak ko.
Pero bigla mong hinila ang tali
Sabi mo, manong bababa ako sandali
Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na, ahh
"Ayaw ko nang pumara!" Napalakas ang pagsigaw ko kaya napatingin sa akin ang lahat ng tao sa jeep. Natakpan ko ang bibig ko.
Ano ba naman 'yan, Miyell! Sa utak lang dapat 'yon!
"Hindi pa tayo bababa," bumungisngis si AP. "Mamaya pa, Miyell."
"Ah, hehe," nagkamot ako ng ulo at napatingin kay kuya.
Hayun nanaman ang ngiti niya.
Ngiti o bungisngis na tinatawanan ang pagiging bakulaw ko?
Parang gusto kong hatakin ang damit niya pabalik sa kinauupuan nang unti-unti na siyang bumababa. Nang makababa siya ay ngumiti ulit siya sa akin.
Ano bang mayroon sa ngiti?
Ang pogi! No! No! No!
Hindi bagay ang palaka sa prinsipe.
Nang umandar ang jeep ay nakatingin pa rin ako sa kaniya. Guni-guni ko lang ba o panaginip lang? Napakurap-kurap ako.
Kumaway siya sa akin! Ibinuka niya ang bibig at sinabing 'bye.'
Nasapak ko ang sarili ko. "Aray!"
"Hoy! Nababaliw ka na?" Bumungisngis si Key. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko ulit ang kinatatayuan ni kuya pero wala na siya.
Muli akong napakurap-kurap nang makita kong may I.D. na naiwan sa tabi ko.
Sa kaniya ito? Kapag sine-swerte ka nga naman. Nakangiti kong kinuha iyon.
Fervid Ruiz
BS in Architecture
"Ikadena ang puso baka manakaw," nakangising sabi sa akin ng konduktor.
Sana pala hindi ko na lang tiningnan ang I.D. niya.