UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 2

Itinago ko ang I.D. ni Fervid hanggang makabalik kami sa apartment.

"Pwede na ba akong umuwi?" Inayos ko ang malaki kong salamin.

Ibabalik ko kay Fervid itong I.D. niya, may address naman na nakalagay.

"Dito ka na kumain!" Nakangiting sabi ni Delight.

"Hindi na. Pinapauwi na ako ni mama maglalaba pa ako."

"Sige na nga," lumapit si AP at inayos ang buhok ko. "Suklay-suklay rin 'pag may time."

"Ayaw ko magugulo rin naman."

"Paano ka magkakajowa niyan?" Napailing ako kay AP. Kahit kailan talaga puro jowa ang iniisip kaya pa iiyak-iyak kapag nag-break sila ng boyfriend niya.

Hindi ko na mabilang kung nakailang boyfriend na siya.

"Aalis na ako," nagmadali akong tumakbo palabas dahil alam ko na ang gagawin nila. Ipapasok ako sa loob at bibihisan ng sexy'ng damit at ano? Lalagyan ng make up hindi naman bagay lalo lang dumarami ang pimples ko.

Sumakay ako ng jeep at pinakatitigang mabuti ang address.

Lahat ba naman ng maiiwan I.D. pa hindi ba pwedeng puso na lang niya?

Napangiti ako sa sariling naisip. Hindi uso sa reyalidad ang Knight in Shining Armor.

Sa hinaba-haba ng biyahe narating ko rin ang Village nila.

"Hi po," nakangiti kong bati sa manong guard.

"Sorry, Miss, wala akong pera sa ibang lugar ka na mamalimos."

Sumama ang timpla ng mukha ko. Mukha ba akong pulubi?

"Manong, hindi po ako mamamalimos may ibibigay lang ako sa may-ari ng isang bahay sa Village na 'yan."

"Huh?" Nagkamot siya ng ulo. "Ganoon ba? Iwanan mo na lang ang I.D. mo para makapasok ka bawal ang gulo sa loob 'wag kang mangangakyat ng bahay."

"At bakit naman ako mangangakyat ng bahay?"

Napahagalpak ng tawa si Manong. "Mukha kang akyat-bahay."

Aba't sumusobra na siya! Hindi ko na lang siya pinansin hindi naman ako pumapatol baka kapag narinig siya ng Nematodes ibaon siya ng buhay.

Ang gaganda ng bahay sa Village nila. Mayaman pala siya. Napatigil ako sa paglalakad. Unibersidad de Laurente rin siya nag-aaral bakit hindi ko na lang ibigay sa University pumunta pa ako rito. Akmang tatalikod ako pero naisip ko nandito na rin ako sayang ang pamasahe.

Naglakad ako nang naglakad hanggang narating ko ang dulo ng Village. Dito siya nakatira, tiningala ko ang magandang bahay na kulay krema. May nakalagay na 'warning high voltage' sa itaas ng pader na bakod. Ang gaganda rin ng nagtataasang palm tree sa loob ng bahay nila at ang nakakatuwang pagmasdan ang paborito kong bulaklak.

"Hibiscus rosa sinensis," bulong ko sa sarili. Iyon ang scientific name ng Gumamela.

Third year college na nga pala ako. Scholar sa Unibersidad de Laurente short for Laurente, mayaman lang ang nag-aaral doon pero ang kagandahan kapag nakakuha ka ng scholarship buong pag-aaral mo hanggang makatapos ka, libre. Mabait ang university owner layunin niya talaga ang makatulong sa katulad naming mahihirap. Sabay-sabay kaming nag-enroll nila AP, Key, Delight at Ailey sa University at sa kabutihang palad pumasa naman kami.

Pinagmasdan ko ang I.D. na hawak ko. First year college siya, mas matanda ako ng dalawang taon kaya pala ang cute niya este ang pogi! Mukha siyang oppa!

Ang landi, ipapaalala ko lang saiyo Miyell Almildrez, pangit ka! Walang magkakagusto saiyo, walang magmamahal ni lingon nga marami pero dahil sa kapangitan ko 'yon.

Ang bata niya pa kaya no thanks na lang. No boyfriend, no problem!

Nakita ko ang repleksyon sa salamin ng kotseng nakaparada.

"Ang pangit mo naman kailan ka ba gaganda?" Ibinaba ko ang taas-taas kong buhok subalit bumalik lang din ulit sa pagkakatayo. Tiningnan ko ang mga pimples ko na halos wala nang mapaglagyan na espasyo sa dami nito.

"Propioni bacterium," bulong ko. Scientific name iyon ng pimples. Sana kasing ganda na lang din ng utak ko ang mukha ko.

Sabi nila matalino ako dahil siguro sa kababasa ko ng kung anu-anong libro.

"My dirty face, my witch hair," ngumiti ako na parang baliw sa salamin. "Wala nang pag-asang maging maganda."

"I'm already enrolled! Why would I change my program?!"

Napatago ako sa likod ng kotse nang makita kong nagmamartsang palabas ng bahay si Fervid.

"Mag-doctor ka! Dugo na ng pamilya ang propesyong 'yon ikaw lang ang gustong maiba!"

"Dad, I was tired of giving a damn on what you want! Enrolled na ako, tapos!"

"Sinasabi ko saiyo, Fervid! Hindi kita bibigyan ng pera!" Inis siyang tiningnan ni Fervid.

"Dad, 'yan ka nanaman sa pananakot mo! Kailan mo ba ako balak gawing sunod-sunuran mo?"

"What? Ang ganda ng ugali mo pinapainit mo ang ulo ko!"

"Dad, stop this nonsense! I want to be an architect! Why are you not supporting me?"

Binatok ako ng aso nang makita ako.

"Shoo!" Pinapaalis ko siya pero ngitngit ang ngipin niya parang balak akong kagatin. "Shoo!"

"My boy," nanlaki ang mata ko nang lumapit si Fervid at lumuhod sa aso. Nang magtama ang paningin namin ay parang huminto ang tibok ng puso ko.

Gumuhit ang ngisi sa labi niya bago kargahin ang aso.

"Stalker?" Nakangisi niyang sabi.

"Fervid! Talk to your dad!" Galit na dinuro siya ng tatay niya natigilan lang ito nang makita ako.

"Sino ang pangit na 'yan?"

Ouch! Makapangit naman siya! Tagos na tagos sa buong puso ko na tinamaan ang kidney na nasira ang stomach at iba pang organs ko!

By the way, my course is BS in Biology para hindi ka na magtaka kung bakit puro science ang lumalabas sa bibig ko.

Nagulat ako nang akbayan ako ni Feevid. "Nililigawan ko, Dad."

"What the?" Napaawang ang bibig ng ama niya. "You're kidding me," napailing-iling pa ito.

"I'm not," idinikit niya pa ang sarili sa akin.

Ano bang sinasabi nito? Ang hilig mantrip ng isang ito. Siguro kung ako si Delight nasapak na siya o nasungitan o kung ako naman si AP pinatulan niya ang isang ito o kung ako naman si Ailey baka pinagtaasan na siya mg kilay. Masiyado akong mabait kaya wala akong ginawa, nanahimik lang ako.

Hinila ako ni Fervid palayo sa tatay niya.

"Fervid!"

Rinig ko pa ang tawag nito sa kaniya pero hindi na siya nito pinansin. Dala niya ang cute niyang aso habang hinihila ako. Tumigil kami sa isang puno ng mangga. Umupo siya sa tabi noon at malungkot ang matang tumingin sa malayo habang hinahaplos ang ulo ng aso niya.

"Upo ka rito," tinapik niya ang tabi niya. Pinagpagan niya iyon at hinubad ang tsinelas niya para doon ako umupo. "Sorry, 'di ko intensyong sabihin 'yon nagagalit lang talaga ako kay dad."

Umupo ako sa tabi niya, wala akong balak magsalita, inabot ko lang ang I.D. niya.

"Saan mo 'to nakuha?"

"Sa jeep."

"Naiwan ko?"

"Oo."

"Akala ko nawala ko kung saan. Salamat, buti nakuha mo." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Akala ko sinundan mo ako rito."

Hindi ako nagsalita. Wala yata akong bibig, tahimik lang naman talaga ako at wala naman akong sasabihin. Nagkatinginan kami at sabay bumuntong hininga.

"Hakuna Matata," ngumiti ako nang tipid.

"It means no worries," gumuhit ang ngiti sa labi niya.

Alam niya ang ibig sabihin noon?

"Lion King?" Sabay naming sabi sa isa't isa.

Tumango siya. "When I was a young I loved to watch that movie repeated over and over again."

"Paborito ko rin 'yon kahit hanggang ngayon nanonood ako ng mga cartoons."

Sa unang pagkakataon nakahanap ako ng taong makaka-kwentuhan ko nang mahaba bukod sa mga Nematodes. Lahat naman kasi ng tao nilalait ako buti may mga kaibigan akong tagapagtanggol ko.

"They're cute," ngumiti siya.

Palangiti siya iyon ang napapansin ko pero hindi ko makita ang pagiging energetic. Parang parehas kami ng ugali na kapag kinausap mo saka lang magsasalita.

"Hakuna Matata," bulong niya. Tumayo siya at sumigaw. "Hakuna Matata!"

Nakikita ko sa kaniya na ang laki ng galit niya sa mundo sinasabi iyon ng mga mata niya. Gustuhin ko mang magtanong kung ano ang kinagagalit niya hindi ko ginawa dahil baka isipin niya chismosa ako.

Umupo siya ulit sa tabi ko at ngumiti. "What's your name?"

"M-miyell," bulol kong sabi kaya inulit ko. "Miyell."

"Nice to meet you."

"Ikaw rin."

"Gusto mo ng mangga?"

"Huh?"

Itinuro niya ang taas ng puno. "Kukuha ako ng mangga kapag nalaglag ako sambutin mo ako," ngumisi siya.

"Huh?"

"Alam mo bang bihira akong magsalita?" Tanong niya.

"Ako rin."

"Kaya pala. Ewan," nagkibit balikat siya. "Kamukha mo ang best friend ko." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ganyan siya mag-ayos. Actually, I miss her. She already died five years ago. Nakalulungkot."

Hindi ako nagsalita. Nag-iwas na lang ng tingin.

Ano namang sasabihin ko?

"Kaya siguro kinakausap kita kasi nakikita ko siya saiyo," ngumiti siya bago umakyat ng puno.

"Hoy! Baka malaglag ka."

"Hindi, ah."

"Kumapit kang mabuti."

"Nakakapit ako." Tumungtong siya sa isang sanga at parang unggoy na lumambitin. Parang sanay na sanay siyang umakyat kaya hindi na ako nag-alala.

"Palagi ka bang umaakyat diyan?"

"Oo kapag trip ko." Bigla niya lang ibinagsak ang mangga. "Catch!"

Sinambot ko iyon. Kulay green pa ang asim nito kaya naglaway ang bibig ko.

"Mahilig daw sa mangga ang mga babae."

Nagulat ako nang lumagpak siya sa harapan ko. Nahawakan ko tuloy ang salamin ko at ang dibdib dahil sa gulat.

"You know what? You make me talk."

"Ganoon ba?"

"Kasi ganito pala ang pakiramdam na kinakausap ka hindi ka masiyadong sinasagot." Ginulo niya ang buhok ko. "Nakikita ko saiyo ang sarili ko sa harap ng ibang tao."

"M-mahiyain lang talaga ako."

"Introvert."

"O-oo, but I can overcome it."

Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko iyon.

Papa calling..

"Papa?"

"Umuwi ka na! Anong oras na? Ayusin mo saan ka nanaman pumunta?"

Napailing na lang ako at tumingin sa orasan. Alas singko pa lang ng hapon. May oras ako ng pag-uwi at kapag hindi ko iyon nagawa yari ako. Masiyado kasing istrikto si papa dahil puro kami babae, isa lang ang lalaki.

Daig ko pa si Cinderella, Cinderellang pangit na version.

"Umuwi ka na!"

"Opo."

Ibinaba niya na ang tawag.

"Uuwi na ako." Tumalikod ako at naglakad na palayo. Wala na, tapos na naibalik ko na hindi na kami ulit magkikita. Siguro magkikita naman pero sa Laurente na at hindi ako umaasang papansinin niya ako roon. Nakakahiyang kasama o kausap man lang ang pangit na katulad ko.

Sunod-sunod na text ang na-receive ko.

Rocelle: Yari ka kay papa sapak ka pag-uwi mo anong oras na.

Jell: Umuwi ka na raw may nakahanda na pamalo.

Melle: Sabi ni mama dumaan ka raw sa palengke bilhan mo ng efficascent oil. Ihanda mo na rin ang sarili mo yari ka kay papa.

Kinabahan ako sa mga text nila kaunting oras lang mahuli yari na agad? OA nila.

Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay, dalawang babae si Melle at Rocelle at bunso ang lalaking si Jell.

Napansin kong may sumusunod sa akin kaya nilingon ko ang likod ko. "Bakit mo ako sinusundan?"

"Gusto ko lang makasiguro na safe kang makakauwi."

"Okay lang naman ako."

"Ano--" nagkamot siya ng ulo. Nag-iwas ng tingin matapos ay diretsong tumingin sa mata ko.

"Ano nga pa lang number mo?"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.