UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 13

"Kasi gusto kong nasa tabi lang kita."

Natahimik ako. Ganito naman ako palagi kapag wala akong sasabihin. Mabilis ko ulit siyang nilingon nang tumawa siya.

"'Wag kang assuming, ah, wala lang ito," umakbay siya at hinila ako pabalik sa bahay.

"Hoy!" Hinila ko rin ang kamay ko. "Baka madatnan ka ni papa."

"Basa ako," tiningnan niya ang katawan. "Hahayaan mo na lang akong lagnatin?" Nagpaawa pa ang mata niya.

"Sige na nga, pumasok ka na!"

Tatawa-tawa siyang pumasok. Pinahiram ko muna siya ng damit ni papa na 'di na ginagamit.

"Nasaan si Melle at Rocelle?" Kinausap ko si Jelle na nasa sofa nagi-ML.

"Lumabas magti-tiktok daw sa bahay nila Lalay," tumayo siya at dumiretso sa kwarto habang hawak pa rin ang phone. Naglalaro.

"Magbihis ka na, nandoon 'yong banyo," itinuro ko iyon.

"'Di ka sasabay?"

Nanlaki ang mata ko. Akmang sasabunutan ko na siya, pero umilag siya.

"'Di ka na mabiro, Ate."

"Ang pangit mo magbiro. Ang bastos mong bata ka."

Humagalpak siya ng tawa. "Bastos agad?" Gumuhit ang ngisi sa labi niya. "O baka naman ikaw ang nag-iisip?"

Napaatras ako nang lumapit siya. "Hoy bata ka pa kaya 'wag kang ano riyan!"

"Ano?" Lumapit nanaman siya. Sisipain ko ito, eh.

Pinalakas ko ang loob. Sinabunutan ko siya.

"Tigilan mo ako!" Ang lakas naman ng hagalpak niya.

"Porke kumikinis na 'yang mukha mo."

"Talaga?" Napangiti ako. Siguro ume-epekto na 'yong pinaggagagawa ni Diamond sa mukha ko.

"Joke lang asa ka naman."

Sisipain ko na sana nang tumakbo na siya papunta ng banyo.

"Halika, Ate, sabay na tayo," tatawa-tawa niyang sabi habang papasok ng banyo.

"Tigilan mo ako!"

At dahil nasa labas ang switch ng ilaw sa banyo, pinatayan ko siya ng ilaw.

"So dark!" Mataray pa ang pagkakasabi niya niyon.

Ako naman ang humagalpak ng tawa. "So dark ka pang nalalaman."

Binuksan ko na ulit. "Bilisan mo na para makauwi ka na."

"Oki duki!"

Sa tinagal-tagal niyang naligo natapos din kaya ako naman ang pumasok.

"Ate, uuwi na ako hindi na umuulan."

"Hintayin mo na akong matapos."

"Hindi na, nagpasundo ako kay Xhane."

Natigilan ako sa pagsasabon. Parang may kung anong inis ang namutawi sa buong sistema ko.

Xhane nanaman!

"Una na ako, ah?"

"'Wag, bata ka pa."

Tumawa siya. Kinatok niya ako sa banyo.

"Aalis na ako 'wag mo na rin akong hanapin ng isang linggo magbabakasyon kami ni Xhane."

Nagngitngit ang ngipin ko.

Bakit ba ako naiinis? Edi umalis siya! Paki ko! Pakasalan niya pa.

"Okay."

Akala ko ay umalis na siya dahil wala nang maingay kaya lumabas akong nakatowel lang.

"Ops!"

Tumalikod siya nang makita ang hitsura ko. Nagmadali naman akong bumalik sa loob.

"Akala ko ba umalis ka na?"

"Hinihintay kita hindi kasi kita matiis."

Parang pangalawang beses ko nang narinig ang 'hindi kita matiis' niya.

Nagbihis ako bago lumabas.

"Umalis ka na," dinaanan ko lang siya. Umupo ako sa sofa. "Baka kasi dumating na si papa."

"Sige, ingat, ah?"

"Parang mamamatay ka naman makapagpaalam ka?"

Tumawa siya. "Ingat sila saiyo."

Ilang minuto nang nakatayo pa rin siya sa harap ko. "Kanina ka pa nagpapaalam tapos hindi ka pa rin umaalis?"

Umupo siya sa tabi ko. "Saglit na lang."

Natahimik kaming dalawa. Binuksan ko na lang ang TV at nanood. Ilang minuto na ang lumipas na hindi pa rin siya umaalis.

"Bakit nandito ka pa?"

"Hindi kita maiwan."

"At bakit?"

"Baka kasi umiyak ka."

"At bakit ako iiyak?"

"Mami-miss mo ako."

"Hindi kaya."

May tumunog na kotse kaya sabay kaming napatayo.

"Nandiyan na siya. Bye." Mabilis niya akong niyakap bago siya tumakbo palabas.

Niyakap niya ako? Ilang segundo akong natigilan. Hindi nagpa-process ang pagyakap niya sa akin. Ramdam ko pa rin ang init ng yakap niya.

Dahan-dahan ko silang sinilip sa bintana. Pinanood ko ang paglayo ng sasakyan nila.

Ingat ka, Fervid.

Magbasa lang ako ng libro masaya na ako. Maabutan ko lang ang sale sa national bookstore tatalon na ako sa tuwa. Matapos ko lang ang isang libro sa loob ng ilang linggo satisfy na ako, pero bakit kahit yata maubos ko lahat ng iyon basahin ngayon kulang ang araw ko? Kulang na ako.

Wala si Fervid.

Nagpaalam naman siya, pero bakit hinahabap ko? Bakit nami-miss ko?

Matamlay ang bawat araw ko kasi baka dahil mag-isa ako sa office at walang nangungulit maliban na lang kay Xen na laging nandito, pero hindi niya mapunan ang presensya ng batang si Fervid. Siya kasi kahit walang gawin, makita ko lang ang nakanguso niyang labi, masaya na ako.

"Kailan ang balik ni Xhane?" Gusto ko lang talagang malaman kung kailan din babalik si Fervid. 'Yong eksaktong araw.

"Nag-extend sila ni Fervid baka next week na para maabutan nila ang University Party," inabutan ako ni Xen ng tinapay. "Kumain ka muna hindi ka nanaman nag-almusal."

Madalas sa umaga si Fervid na ang kasabay kong kumain. Ayaw kong nililibre niya ako sa canteen kaya ang ginawa niya nagbaon ng mga pagkain galing sa bahay nila para daw hindi ako makatanggi.

Tahimik akong nag-type sa computer.

"Miyell?"

"Yes?"

"What do you think of dating?"

"Dating?" Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Bakit may ide-date ka?"

Tumango siya. Nagbaba ako ng tingin at kinuha ang papeles. Sinilip ko iyon.

"Can we have a date?"

Natigilan ako. Tumitig ako sa mukha niya binasa ang ekspresyon niya.

"Seryoso ka ba?"

"Oo naman." Hinawakan niya ang kamay ko. "Totohanin natin 'yong relationship natin sa mata ng magulang ko."

Mr. Help me.

Iyon ang tawag ko sa kaniya dahil tuwing lalapit siya sa akin manghihingi lang siya ng tulong. Isa na roon ang maging girlfriend niya ako sa harap ng pamilya niya. Naging malapit kasi ang parents namin noong niligtas ni papa ang daddy niya sa tangkang pag-kidnap dito kaya nangako ang daddy niya na anumang tulong ang hingiin namin sa pamilya nila ay pagbibigyan niya.

Isang araw, lumapit sa akin si Xen. Hindi ko pa siya kilala. Sabi niya kung magiging girlfriend niya raw ako sa harap ng pamilya niya hindi na siya nito papapuntahin ng ibang bansa para doon mag-aral dahil hindi hahayaan ng daddy niya na magkahiwalay kami.

Sinubukan namin.

Tumalab nga, hindi na siya pinadala sa ibang bansa kaya ang alam ng daddy niya kami, kaming dalawa.

Tiwala rin si papa kay Xen kaya kapag siya ang nagpaalam tungkol sa overnight papayag siya agad, pero ang sabi niya bawal pa rin akong mag-boyfriend hangga't hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.

Sa mata ng pamilya ko magkaibigan lang kami, pero sa mata ng pamilya niya kaming dalawa.

"Miyell, hindi mo naman siguro ako tatanggihan?" Nagpa-cute pa ang mga mata niya.

Ayaw ko naman makasakit ng tao.

Sino ba naman ako? Isang hamak na pangit lang ako.

"Pwede bang totohanin na lang natin 'yong relationship kuno natin?"

Napalunok ako. "E-eh.. bawal akong mag-boyfriend."

"Ipapaalam kita kay tito."

"No, 'wag na. Ayaw ko rin kasi ng--"

"Distraction? Tingin mo ba makasasagabal ako sa pag-aaral mo?"

"Hindi naman sa gano'n baka lang kasi wala akong oras na maibigay saiyo kasi masiyado akong subsob sa academics."

"Matagal na kitang kilala kaya alam ko na 'yon."

Natahimik ako. Gusto kong itanong kung bakit ako pa? Sa lahat ng tao sa mundo bakit ako pa ang napili niyang mahalin?

Pangit na hindi na umasang may magmamahal, pero ngayong may taong nagpapakita ng interes hindi man lang ako naging masaya. Nalungkot pa ako dahil hindi ko alam kung paano ako tatanggi.

Siguro kasi sa ibang tao ko 'yon gustong marinig?

"Sige, hindi kita pipilitin basta manliligaw na lang muna ako."

"Huh?"

Inilapit niya ang mukha sa akin. Sunod-sunod akong lumunok.

"A-ang l-lapit mo."

"Alam ko," gumuhit ang malapad niyang ngiti.

"A-alam m-mo pala edi lumayo ka."

Tumawa siya. "Apektado ka sa akin baka gusto mo rin ako?"

Napangisi ako. "Akala ko si Key lang ang mahangin pati pala ikaw."

"Crush mo si Key?"

Tumawa ako. "Ba't mo naman naisip 'yan? Kadiri ka naman. Cringed."

"Eh, ako? Crush mo?"

Hindi ko alam kung iiling ako o magsasalita ng 'hindi' kasi naman paano ba sabihin nang hindi siya masasaktan?

"Silence means yes."

Pilit akong ngumiti. "Anyways, sunduin kita mamaya," kumindat pa siya bago nagpaalam.

Napasabunot ako sa buhok ko. Ang buhaghag kong buhok ay lalong nagulo.

Ano bang gagawin ko?

Ayaw ko naman manakit ng tao kung seryoso nga siya sa sinasabi niya.

Bakit naman siya magbibiro?

Natapos ang mga klase namin na matiwasay naman ang takbo ng maghapon. Paglabas ko nakita ko agad si Xen. Nakasandal siya sa pader at may hawak na bugkos ng rosas.

Hindi ako mahilig sa rosas mas gusto ko ang kahit na kapirasong gumamela. Kakaiba rin siguro ang trip ko. May malungkot akong karanasan sa magandang bulaklak na rosas.

"Miyell!" Binangga ako sa balikat ni AP. "Nanliligaw saiyo? Sabi ko naman kasi saiyo maganda ka, eh!"

Hindi ko siya pinansin. Napasulyap ako kay Delight na kunot ang noo. Ikinagulat ko ang biglang paglapit niya kay Xen.

"Kung pinaglalaruan mo ang kaibigan namin tigilan mo ito dahil kapag nalaman ko sisiguraduhin kong ilang sapak at sabunot ang aabutin mo sa akin!" Taas na taas ang kilay at naiinis na sambit niya kay Xen.

Tumawa naman si Xen. "Parang 'di tayo magkakilala, ah? FYI Delight Areana Laganzo," nagseryoso ang mukha niya. "Seryoso ako," madiing sabi niya.

Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ka-protective si Delight. Kasi naman noong high school kami ang daming nagbigay sa akin ng rose ang buong akala ko ay talagang buong puso nilang inalay sa akin, pero nalaman kong pinagtripan pala ako ng mga lalaki kong kaklase. Umiyak ako at nasaktan, nakita nila 'yon.

That day, I started to hate roses.

Kunot-noo rin siyang nilapitan ni Key. "We know you, but in this case, hindi ka ulit namin kilala. Matagal mo nang kilala si Miyell at nasisiguro kong alam mo rin kung ilang beses na siyang na-bully," marahas niyang kinuha ang rose. "She hates roses. 'Wag mo siyang bibigyan nang ganito."

Humarang si AP sa pagitan ng nag-aalburutong bulkan. "Easy lang kayo. Kilala naman natin si Xen hindi niya sasaktan si Miyell."

Nag-ala imbestigator ang tatlo habang kinakausap si Xen. Dinaig pa nila ang papa ko. Kung anu-anong tinatanong nila kahit matagal naman na nilang kilala si Xen.

Nang magtama ang tingin namin ni Xen ngumiti siya, ngumiti rin ako. Hindi ko talaga alam paano ko sasabihin sa kaniya na hindi naman ako nagpapaligaw gusto ko muna ang grumaduate.

"Hi?"

Nag-angat ako ng tingin. Lumapad ang pagkakangiti ni Fervid nang magtama ang paningin namin.

"Kailan ka pa dumating?"

"Kanina lang. Miss me?"

"Hindi," ngumisi ako.

"Oh? Talaga?" Napasulyap siya kala Key na pinagkukumpulan si Xen ngayon at akala mo pulis na sinusuri ito kung totoo ba ang panliligaw. "What are they doing? Is that Xen?"

"Hmm-hmm."

"Bakit parang hinaharass nila?" Tatawa-tawang sabi niya.

"They're just talking."

"About?"

Nagkibit-balikat ako. "Hayaan mo sila. Nagugutom ako, tara libre mo ako."

"Wow? Nasanay ka nang nililibre ka," bumungisngis siya.

"Hindi, babayaran ko naman kapag mayaman na ako."

Sinulyapan niya ulit 'yong apat. "Iiwanan na natin sila?"

"Hmm-hmm," hinila ko na siya papunta ng canteen. Kanina pa ako nagugutom parang mahihimatay na nga ako kaya kinapalan ko na ang mukha ko para magpalibre. Ang mahal kasi ng pagkain dito sa Laurente, pang-rich.

"Kumusta ang bakasyon?" Sumubo ako at uminom ng tubig.

"Masaya naman kahit papa'no."

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Parang 'di naman siya masaya. "Ba't sad ka, Bata?"

"Stop calling me bata."

"Huh? 'Yon naman talaga ang tawag ko saiyo," uminom ulit ako ng tubig at sunod-sunod na sumubo. Nagugutom talaga ako.

"I'm not a kid, Miyell."

"Now, you're just calling me Miyell. May nangyari ba?" Natanong ko iyon dahil iba ang titig niya parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masambit.

"I'm confused."

Kumuha ako ng tissue at inabot sa kaniya. "Punasan mo 'yang bibig mo," kinuha niya ang tissue. "Confused about?"

"My feelings."

Kumunot ang noo ko. "Ang bata mo pa ang laki na ng problema ko," matunog akong ngumiti. "Kaya ayaw ko ng relasyon, eh, masakit sa ulo."

Tipid siyang ngumiti. "Anyways, may magsusundo ba saiyo sa University Party?"

Tumango ako, "si Xen."

Tumango rin siya. "O-okay." Inabot niya ang tubig ko dahil ubos na ang sa kaniya. Huli na para pigilan ko. Bumagsak ang kamay ko sa hita ko.

Indirect kiss.

Hibiscus! Bakit ba naniniwala ako sa ganoon? Wala lang 'yon.

"Sorry, ang anghang wala na akong tubig."

"Bakit kasi 'yan ang in-order mo?" Sinulyapan ko ang sweet chili shrimp sa plato niya.

"Gusto kong tikman ang gusto mong pagkain."

"Naanghangan ka naman."

Inilabas niya ang dila. Natawa naman ako. Tumayo ako at kumuha ng tubig. Bumili na rin ako ng chuckie.

"Chuckie? Seriously?" Nalukot ang mukha niya. "Ano ako, bata?"

"Exactly."

Wala naman siyang nagawa kung hindi inumin 'yon.

"Babe?"

Parehas kaming nag-angat ng mukha ni Fervid. Nakangiting nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Xen.

Babe? Tinawag niya ba akong babe o nabingi lang ako?

"Babe?" Kumunot ang noo ni Fervid.

Tumango naman si Xen. Tumabi sa akin at nakangiting nagsalong baba habang nakatitig sa mukha ko.

"Approved na ako sa mga kaibigan mo."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.