UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 12

"Nakakainis ka na!" Sinipa ni Rocelle si Melle.

Nagbabasa ako ng libro sa sala, nasa tapat ko naman itong dalawa kong kapatid na ngayon ay nagbabangayan na parang si Tom and Jerry.

Hinampas pa ng unan ni Rocelle si Melle. Ang ingay nila kaya hindi ako makapagbasa nang maayos.

"Ano bang pinag-aawayan niyo?"

"Ito!" Pinitik ni Rocelle sa noo si Melle. Tumawa naman ito. "Umutot! Dito pa mismo sa mukha ko! Buti man lang kung sobrang bango!"

"Mabango talaga ang utot ko!"

Napailing na lang ako. Hibiscus! Ngayon ko na nga lang nabasa 'tong libro ko na ito mag-iingay pa. Pumasok na lang ako sa kuwarto para walang magulo.

Ilang araw ko na ginagamit 'yong mga ibinigay ni Diamond. Parang 'di ito tatalab sa exotic beauty ko.

"Anong nangyari sa mukha mo?" Pinakatitigan akong mabuti ni Fervid.

"Bakit anong mayroon?"

"Siguro hindi mo nanaman tiningnan ang sarili mo sa salamin."

Kinuha niya ang phone at inilagay sa camera.

"Hibiscus!" Napahawak ako sa pisngi ko. Namumula at nagbabalat ang mukha ko. Siguro tumatalab na 'yong skin care. Parang lalo naman akong pumangit.

"Anong inilagay mo sa mukha mo?" Kumuha siya ng panyo. Naglakad papunta sa banyo.

"'Yong mga products na ibinigay ni Diamond."

Bumalik siya, dala ang panyong binasa. "Masakit?" Dinampi-dampian niya ng panyo ang mukha ko.

"Medyo."

"Hindi ka dapat nagpapainit dahil masusunog ang balat mo."

"How did you know?"

"I knew because of Xhane, naglalagay siya ng ganyan."

Natigilan ako at tumitig sa kaniya. "Close na close na kayo?"

"Siyempre, girlfriend ko," walang emosyon niyang sabi. Dinampi-dampian niya pa ang noo ko. "Don't stay too long under the sun, Ate."

"Okay, Bunso."

"And use moisturizer." Ngumiti siya. Ibinigay niya sa akin ang panyo. "Ba't ba kasi kung anu-ano nilalagay mo?"

Nagbaba ako ng tingin. "Ang pangit ko kasi."

"Hindi ka pangit hindi lang talaga nila makita ang ganda mo."

"Ganoon na rin 'yon."

Umupo siya sa tabi ko. Inayos niya ang buhok ko. "Binigyan na nga kita ng suklay hindi mo pa rin ginamit."

"Hindi ko talaga hilig ang magsuklay."

"Kahit magsuklay lang, Ate, gawin mo."

Lumabas siya nang walang paalam kaya inayos ko na lang ang mga dapat tapusin bago pumasok ng klase.

Napatingala ako nang hawakan niya ang baba ko at may kung anong malamig na pinahid sa mukha ko.

"Ano 'yan?"

"Ointment, namumula kasi ang mukha mo, hindi kita matiis."

Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya.

Ang bait naman ng bata.

"Masakit pa ba?" Dinampian niya ng hintuturo ang pisngi ko.

"Ah!" Napasigaw ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang hapdi noon. 'Yong hapdi na parang matatanggal na ang balat ko.

"Jolly cow!"

Kumunot ang noo ko nang may magsalita sa likod ng pinto. Ang mga Nematoda nandito nanaman!

"Hi!" Nakangiting nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Fervid.

"Alis na kami parang may gagawin pa kayo," nagkamot ng ulo si Delight.

"Tara na!" Hinila naman ni Key 'yong dalawa.

Pinanood namin ang pag-alis nila.

Kanina pa ba nandito ang mga Nematodang 'yon? Ano nanaman bang iniisip nila?

Bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang nakangiting si Xhane, nasa likod niya si Xen. "Hello, hon!"

"Hi, Comby," lumapit agad si Xen at umakbay sa akin. "Tara, hatid na kita sa klase mo."

Napalingon ako kay Fervid. Kunot ang noo niyang nakatitig sa kamay ni Xen na nakaakbay sa akin. Hindi ko mahulaan kung ano ang sinasabi ng mga mata niya. Parang may kung anong kislap na kakaibang emosyon.

Tumayo na ako at nagligpit. "Tara."

"What happened to your face?" Hinawakan ni Xen ang pisngi ko.

"Ahh!"

"What happened?" Nabasa ko sa ekspresyon ng mukha niya ang pag-aalala.

"Wala 'to, sa product lang."

Natigilan ako nang kunin ni Fervid ang kamay ko at inilagay ang ointment. "Every thirty minutes maglagay ka niyan."

"Thanks, bayaran ko na lang."

Umiling siya. "Hindi lahat ng bagay may bayad."

Hinila niya si Xhane palabas ng office. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Bakit parang lately may mga kilos siya na hindi ko maintindihan?

"Let's go?" Pumorma ang ngiti sa labi ni Xen.

"Hmm-hmm."

Tinahak namin ang daan papunta sa elevator. Malayo pa kasi ang room ko nineth floor kaya kailangan talagamg mag-elevator.

"Miyell?"

"Oh?"

"Nandito kasi si dad sa University Party."

"Oh, anong gagawin natin?"

"Katulad ng dati. Alam mo naman na kung hindi dahil saiyo hindi ko makukuha ang course na gusto ko."

"Walang problema," kumapit ako sa braso niya.

"Salamat." Ngumiti siya. "Minsan naisip kong totohanin na lang itong pagpapanggap natin."

Pabiro ko siyang hinampas. "Magkaibigan lang tayo. 'Wag kang magbiro."

Narinig ko ang buntong hininga niya. HIndi ko kailanman naisip na maging boyfriend ko siya dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Siya ang isa sa mga taong iniingatan ko bukod sa Nematoda.

Narating namin ang tapat ng room. Nagmadali akong pumasok hindi na masiyadong nakapagpaalam kay Xen dahil naka-laboratory gown na sila. Medyo late na ako nang kaunti.

Nagtatali ng buhok si AP nang tumabi siya sa akin. Nakatayo ako sa harapan ng laboratory table.

"Kayo ni Xen?"

Umiling ako. "Hindi."

"Syempre hindi rin kayo ni Fervid. Minsan napapansin ko na.." gumuhit ang ngisi sa labi niya, "may gusto ka kay Fervid."

"Huh?" Todo iling ako. "Wala!"

"Ba't ka sumisigaw? Sa pagkakaalam ko si Miyell tahimik lang."

Itinali ko rin ang buhok ko. Walang suklay-suklay na itinaas ko at ipinulupot sa tuktok. "'Wag kang ma-issue, AP."

"Joke lang!" Umakbay siya sa akin. Nakita niya siguro ang pagkalukot ng mukha ko.

"No boyfriend, no problem. Isa pa, nag-aaral ako ayaw ko ng kahit na anong distraction," akmang bubuka pa ang bibig ko nang ituloy niya ang sinasabi ko.

"Education is the key to success, kabisado ko na ang linya mo, pero wala naman masama kung magka-love life habang nag-aaral."

Sumingit si Delight sa gitna namin. "'Wag mong turuan ng kalandian, AP."

"Nagsalita ang takot sa lalaki."

"Totoo naman,"umakbay rin sa akin si Delight. "Lolokohin ka lang nila. Ang mga lalaki lahat pinaglalaruan kahit feelings ng babae."

May tumikhim sa likod namin, nang harapin namin ay dumamba ng akbay si Key.

"Anong pinag-uusapan niyo, girls?"

"Bawal sa bading!" Tinulak siya ni Delight.

"May bading bang ganito kapogi?" Nagpogi sign pa siya.

"Ang lakas ng hangin," nagkunwaring natangay ng hangin si AP. Kumapit pa salaboratory table. Baliw talaga.

Nagsimula na ang klase. Dina-dissect na namin ang frog separating the left from the right.

"Sana ang mga manlolokong lalaki na lang ang dina-dissect ko ngayon edi sana masaya pa ako," bulong ni Delight habang dahan-dahang hinihiwa ang linea alba ng scalpel.

"Hoy, kwawa naman 'yan ayusin mo," saway ni Key.

"Hayaan mo siya, galit na galit sa mga lalaki," ngingisi-ngising sambit ni AP. "Kaya ikaw, Key, lumayo-layo ka sa kaniya. ang hilig mo pa naman maglaro ng feelings ng mga babae."

"Correction, dati 'yon, hindi na ngayon. Nakita ko na kasi siya."

"Sows! If I know you're just kidding."

"We'll see."

Lumipas pa ang mga oras na ganoon lang ang ginagawa namin. Inaaral na namin ang mga organs ng frog.

Paglabas ko ng room nakita ko agad si Diamond parang kanina pa inip na inip kahihintay sa akin.

"You're so matagal," sinipat niya ang mukha ko. "I see, let's go to our dermatologist."

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako.

Bakit ba gustong-gusto niyang gumanda ako? Eh, mukha namang wala nang pag-asa.

Kung anu-ano nanaman ang ginawa sa akin ng dermatologist. Ang daming bilin na dapat daw sundin ko. Si Diamond panay ang tango at paalala rin sa akin. Binilin daw kasi ni Mr. Baider na dapat magandang-maganda ako sa University Party.

Natapos ang mga ritwal nila sa mukha ko. Hinatid din ako ni Diamond sa bahay, pero tumangging pumasok sa loob dahil may pupuntahan pa.

"Ate, may bwisita ka buti na lang wala si papa kung hindi sapak ka," bungad sa akin ni Melle.

"Sino?"

"Hayon," itinuro niya si Fervid na ngayon ay nasa sofa. Mukhang kanina pa siya naghihintay.

"Fervid?" Tumabi ako sa pagkakaupo niya. "Anong ginagawa mo rito?"

"I just want to check if you u--" napahinto siya sa pagsasalita. Tumitig siya sa mukha ko. "Effective ba 'yong ointment? Okay na kasi agad ang mukha mo."

"Baka gawa ng dermatologist."

"Dermatologist?" Sabay na sabi ni Melle at Rocelle. Mga chismosa nandito pa pala.

"Nagpapa-derma ka?" Kumunot ang noo ni Rocelle.

"Chismosa ka, kita mong may kausap 'yong tao," sinabunutan ko silang dalawa bago itulak papunta sa kuwarto.

Hinila ko naman si Fervid palabas ng bahay. Sinilip ko ang relo.

"Magsasabi ka sa akin bago ka pumunta rito kasi kapag nakita ka ni papa lagot ako."

Hila-hila ko siya hanggang makarating kami sa may kanto. "'Yon lang ba ang ipinunta mo rito?"

"Oo," nagtataka niya akong tiningnan. "Bakit nga ba nagpapa-derma ka?"

"Kasi nga sabi ni Mr. Baider hindi naman ako makatanggi."

Tumango siya. "Aalis na rin ako."

"Ihahatid na kita. Saan ka sumakay?"

"Nag-jeep."

"Wala ka bang kotse?"

"Ba't mo tinatanong?"

"Kasi karamihan sa mayayaman, 'di ba, may sariling kotse."

Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Hindi lahat ng mayaman gusto ng kotse." Pinisil niya ang kamay ko. Natulala na ako sa magkahawak naming kamay. "Sometimes, people just want a companion buddy."

Ba't niya ba hinahawakan ang kamay ko?

Hinila ko ang kamay ko. Tumawa naman siya.

"Hindi ako papatol saiyo, Ate," pinakadiinan niya pa ang salitang Ate. "Mas matanda ka sa akin kaya 'wag kang feelingera."

"Sinong nagsabing nagfe-feeling ako?"

Gumuhit ang ngisi niya. "Sa hitsura mo kasi mukha kang feelingera."

"Porke pangit? Feelingera agad?"

Napahinto siya sa paglalakad. "Isa pang sabi mo na pangit ka hindi kita papansinin."

Natawa naman ako. "Ako pa ang tinakot mo?"

"Gusto mong subukan?" Taas ang dalawang kilay niya nang tumitig sa akin.

"Eh, 'yon naman talaga ako. Hindi ako magiging si Miyell kung hindi dahil sa buhaghag kong buhok, pimples at dugyot na hitsura. No one will love me."

"You're Miyell because you have your own uniqueness." Seryoso niya akong tiningnan. "You must embrace yourself first and build your confidence. Lastly, people will love you not because of your feature, but because of your kind, and loving heart."

"Ang lalim," ngumiti ako. Maggagabi na kaya medyo madalim na.

"Hindi mo kailangan maging maganda para tanggapin ng ibang tao kasi kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo tanggap ang flaws mo wala kang kapanatagan sa kalooban."

Nagbaba ako ng tingin. "Bakit mo ba sinasabi 'yan?"

"Hey, Ate," hinawakan niya ang pisngi ko. "I'm establishing your self confidence maybe you can't see it, but I view it."

"Fervid.."

Tumulo ang luha ko. Punong-puno ako ng insecurities sa sarili. Pakiramdam ko lahat ng tao ang tingin sa akin pangit. Pakiramdam ko walang tatanggap sa akin dahil sa hitsura ko. Pakiramdam ko walang magmamahal dahil nakakahiya namang ibigin ang katulad ko. Pakiramdam ko hindi na ako magkakaroon pa ng ibang kaibigan bukod sa Nematoda, pero ang lahat ng pakiramdam kong iyon ay mali pala.

Nakilala ko si Fervid, Xen, Xhane, Diamond at marami pang iba na noong una natakot pa ako dahil baka naman napapahiya sila kapag kasama ako, pero mali nanaman ako. Ako lang pala itong mababa ang tingin sa sarili. Todo lait sa akin ang ibang tao, pero hindi ko napapansin na ganoon din pala ako sa sarili ko.

"Why are you crying?" Hinawakan niya ang balikat ko. "Kasi totoo ang sinasabi ko?"

"Hindi."

"Oh, ba't ka umiiyak?"

Tumulo nang tumulo ang luha ko.

"Kasi.." humagulgol ako ng iyak.

"Ano?"

"Kasi naapakan mo 'yong paa ko," tinanggal niya ang pagkakaapak sa akin. "At ang baho mo," napatakip ako sa ilong ko. "Mukhang may natapakan kang tae ng aso."

Suminghot-singhot siya bago nagtakip ng ilong.

"Really?" Tiningnan niya ang sapatos. "Ugh! Kaya ayaw kong naglalakad-lakad sa mga eskinita kasi.. ugh!" Inis na inis niyang pinagpag ang sapatos.

Hindi ko na napigilang tumawa. "Bakit ka tumatawa?"

"Kasi nakatapak din ako," tinaas ko ang tsinelas.

"Ewww!" Sabay naming sabi. Hindi maipinta ang mukha namin parehas.

Sakto naman na bumuhos ang malakas na ulan kaya nakangiti kaming nagpaulan para mahugasan na rin ang mga paa.

"I can't forget this moment," nakatakip sa ilong na sabi niya. Tiningala niya ang kalangitan.

"Ako rin."

Umakbay siya sa akin. Ngumiti siya. Magkasabay naming tiningala ang ulan. Pumatak iyon sa mukha namin at hinayaang mabasa ang katawan. Pakiramdam ko may mainit na dulot ang braso niyang nakaakbay sa akin. Nakangiti ko siyang tiningala. Kahit naman mas matanda ako, mas matangkad pa rin siya sa akin.

"Kapag tayo nilagnat bukas, parehas tayong 'di makakapasok sa school."

"Edi lagnatin okay lang kasama naman kita," nakangiti niya akong sinulyapan.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Mahilig akong magbasa ng ekspresyon at ang nakikita ko sa mukha niya ngayon ay kakaiba. May kung ano siyang ipinapakita na hindi ko mahulaan. May kislap na nagsasabing may malalim na pakahulugan ang titig niyang iyon.

"I want to spend my life with you, Ate. Would you let me?"

"Bakit mo tinatanong 'yan?"

"I want to be with you always," ginulo niya ang buhok ko.

"Bakit nga?"

"I don't know maybe I just want it."

Napalunok ako nang magtama ang ilong namin sa paglingon ko.

Ang mga mata niya.. hindi ako pwedeng magkamali. May sinasabi ito sa akin, pero ayaw kong maging assuming.

"So," pabulong niyang sabi. "Hahayaan mo ba akong manatili sa buhay mo? Kahit lumipas pa ang one hundred years?"

"Sagutin mo muna kung bakit mo ito sinasabi?"

"Kasi.." bumuka ang bibig niya, pero tumikop lang ulit. Namayani ang ilang segundong katahimikan. Humugot siya ng malalim na hininga bago muling magsalita.

"Kasi gusto kong nasa tabi lang kita."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.